Nakasuot ng marangayang damit na gawa sa puting balahibo ang matandang lalaki habang nakapatong ang isang korona sa kaniyang ulo. Nagpakita ito ng kalmadong itsura at kahit na malapit na sa takipsilim ang kaniyang edad, nabalot pa rin siya ng malakas na aura kaya walang kahit na sino ang nagawang bumangga sa kaniya.Siya ay walang iba kundi ang Kaiser ng mga barbaro.Tahimik na nakauo sa kaniyang tabi ang isang maganda at puno ng dignidad na babaeng nakasuot ng peacock dress na tanging sa mga barbaro lamang matatagpuan, ipinakita nito ng husto ang hubog ng kaniyang katawan.Mas bata ng 30 taon ang Kaiserin kaysa sa Kaiser na nangangahulugang nasa gitna pa lang ito ng kaniyang buhay. Ipinakita naman ito ng napakaganda niyang mukha at aura.Ang babaeng ito ay walang iba kundi ang Kaiserin.Hindi naiwasang mapatingin ni Lukas sa Kaiserin noong mga sandaling iyon. Agad siyang napahinga ng malalim habang nababalot ng emosyon ang kaniyang dibdib.‘Grabe! Paganda ng paganda ang Kaiserin
Nang marinig niya ang sagot ng Kaiser, sumagot lang si Lukas dito ng, “Mauuna na po ako kung ganoon.”Dito na siya yumuko bago siya dahan dahang naglakad palabas ng Golden Hall.Naramdaman ni Lukas na hindi naging maganda ang pagtrato ng Kaiser sa kaniya. Walang naging kuwenta ang topographic map na kaniyang iginuhit sa mata ng Kaiser. ‘Buwisit! Dapat ng mamatay ang matandang ito sa lalong madaling panahon!’ Mura niya sa kaniyang sarili bago siya nagmamadaling naglakad palayo.…Pagkatapos niyang manatili ng ilang oras sa loob ng batong bilangguan, huminga ng malalim si Darryl habang dahan dahan niyang iminumulat ang kaniyang mga mata. Nakita niyang madilim na sa labas at dalawa lang ang mga sundalong nagbabantay sa labas ng bilangguan. Napangiti siya nang malaman niya iyon.‘Mabuti na lang at madilim na sa labas. Mas magiging madali na para sa akin ang pagtakas.’Gumaling na ang mga latay ng latigo sa kaniyang katawan pagkatapos niyang magpagaling ng ilang oras pero kabaliktaran
Nagsama pabalik ang isa pang sundalo ng isang barbarong doctor pagkatapos makatakas ni Darryl sa batong bilangguan.‘Huh?’Natulala siya habang napapagtanto na mayroong mali nang makapasok siya sa batong bilangguan. Nakita niyang hindi makagalaw ang kaniyang kasama habang hindi naman makita kung nasaan ngayon si Darryl.Dito na biglang sumigaw ang paralisadong sundalo ng, “Dalian mo! Nakatakas ang bilanggo natin! Tumawag ka ng backup!”Nahimasmasan na rin ang sundalo nang marinig niya ang utos. Dito na siya nagmamadaling tumakbo palabas sa batong bilangguan habang sumisigaw ng, “Mga kasama! Pumunta kayo rito ngayundin! Nakatakas ang bilanggo natin!”Pagkatapos ng ilang minute, daan daang mga sundalo ang tumakbo sa direksyon kung saan tumakas si Darryl.…Malalim na ang gabi. Makikitang nakasuot si Lukas ng isang marangyang robe habang sinasamahan ng ilan sa kaniyang pinagkakatiwalaang sundalo, nakarating ang mga ito mula sa kanlurang gate ng Golden Hall.“Maghintay kayo rito,”
“Hayop ka! Tinrato kita ng maayos, pero nagawa mo pa rin akong pagtaksilan…”Unti unting tumindi ang galit ng Kaiser habang nasa gitna ito ng kaniyang pagsasalita. Dito na siya bumunot ng espada bago ito tumitig kay Lukas at Lady Beatrice.“Papatayin ko kayong mga hayop kayo!”Dito na niya isinwing ang espada sa lalamunan ni Lukas.‘Yare!’Agad na nagpanic si Likas nang makita niya ang papalapit na espada, dito na biglang lumabas ang lahat ng kaniyang hinanakit sa Kaiser ngayong nasa bingit na siya ng kamatayan.“Hindi ka karapat dapat para mapatay ako, Tanda!” Sigaw ni Lukas.Isang malakas na aura ang sumabog mula sa katawan ni Lukas nang marinig sa hangin ang kaniyang mga sinabi habang binubunot niya ang mahaba niyang espada.Clang!Nagtama ang espada ng dalawa na gumawa ng isang napakalakas na shockwave sa sumunod na segundo. Dito na napaatras ang Kaiser habang nananatili namang nakatayo na parang isang bundok si Lukas sa kaniyang puwesto.Masasabi nating malakas ang Kaise
Dito na napaatras si Lukas bago siya napasandal sa poste habang nagbubuntong hininga.Grabe, patay na rin ang matandang iyon sa wakas. Mabuti na lang at nairita ito ng husto na nagpawala sa kaniyang sarili dahil kung hindi ay magiging mahirap maging para sa kaniya na malaman kung sino ang mananalo sa kanilang sagupaan.Dito na sumimangot si Lukas bago niya simulang isipin ang mga susunod niyang gagawin.Ituturing siyang makasalanan ng mga barbaro sa sandaling kumalat ang balita tungkol sa bagay na ito. Hinding hindi siya makakatakas sa mga barbaro kahit na tumakbo pa siya sa kaduloduluhang bahagio ng mundo.Kaya kinaialangan niyang magisip ng perpektong plano.“Kaiser…”Namutla ang mukha ni Lady Beatrice habang nabablangko ang kaniyang isipan. Hindi niya naiwasang tawagin ang Kaiser habang nilalapitan niya ito.Natakot ng husto si Lady Beatrice. Hindi siya makapaniwala na namatay ang Kaiser.Pagkatapos nito ay itinaas ni Lady Beatrice ang maganda niyang kamay para ilagay sa ila
Habang humihinga ng malalim, tiniis ni Lukas ang sakit habang nakangiti nitong sinasabi na, “Sino ang maniniwala sa akin na nakipaglaban ako sa mamamatay tao kung hindi ko ito gagawin?”Habang nagsasalita, tumingin si Lukas sa pawisang bangkay ng Kaiser habang mabagsik nitong sinasabi na, “Grabe! Inakala ko na magiging okay na ang lahat pagkatapos kong mapatay ng walang kahirap hirap ang matandang ito pero nagawa ko pa ring masugatan para matakasan ito.”Tumango naman si Lady Beatrice bago nito ibandage ang sugat ni Lukas.Dito na tumingin si Lukas sa kalangitan habang sinasabi nito kay Lady Beatrice na, “Lumalalim na ang gabi. Hindi na natin kailangan pang patagalin ito. Nasasaiyo na kung ano ang mga susunod mong mga gagawin.”Habang nagsasalita, nagpanggap na nanghihina si Lukas. Umupo siya sa pinto ng kuwarto bago ito sumigaw sa labas ng, “Tulong, kailangan ko ng tulong!”Huminga naman ng malalim si Lady Beatrice bago ito lumuhod sa tabi ng bangkay at sumigaw ng, “Tulong, may m
‘Buwisit! Masyado itong mabilis.’Napamura sa kaniyang sarili si Darryl bago siya maghanap ng lugar na mapagtataguan, dito na siya nakapaglakad palabas sa kakahuyan. Makikita sa labas nito ang tila walang katapusan at patag na damuhan. Wala siyang mapagtataguan sa lugar na ito.“Nasa harapan natin siya!”“Siya iyon! Siya na ang hinahanap natin!”“Dalian ninyo! Habulin natin siya…”Nakita ng daan daang mga sundalo si Darryl. Sumigaw ang mga ito habang pinapatakbo ang kanilang mga kabayo para makahabol dito.Kagagaling galing lang ng sugat ni Darryl at hindi pa tuluyang bumabalik sa dati ang kaniyang lakas kaya mabilis siyang napaligiran ng mga sundalo.Dito na mabangis na sumigaw ang sundalo sa kaniyang harapan. “Ang lakas naman ng loob mong atakihin kami at tumakas ng ganito? Tingnan natin kung saan ka pupunta ngayon.”Nanlalamig na tiningnan ng mga sundalo si Darryl, hinawakan nila ang mahahaba nilang mga saber habang sumisigaw ng.“Lumapit ka sa amin kung ayaw mong masaktan!
Nakaramdam ng matinding nerbiyos si Lady Beatrice na kasama ngayon sa grupo ng mga babae ng Kaiser. Naramdaman niya ang mabilis na pagkabog ng kaniyang puso habang nakatayo sa likuran ng Kaiserin.“Lady Beatrice!”Dito na tumama ang mga mata ng Kaiserin kay Lady Beatrice. Dahan dahan nitong sinabi na, “Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataong ito na matanong ka kung ano ang nangyari sa mamamatay tao kagabi?”Tama nga ang hinala ni Lukas. Para sa Kaiserin, masyadong kaduda duda ang pagkamatay ng Kaiser. Kaya pagkatapos ng maingat nitong pagkokonsidera sa mga bagay bagay, naramdaman niya na may hindi tama sa mga nangyayari.“Ako…”Ninenerbiyos si Lady Beatrice noong mga sandaling iyon. Halos tumalon sa kaniyang lalamunan ang kaniyang puso nang marinig niya ang tanong ng kaiserin. Dito na niya mahinang sinabi na, “Na…nakikipagusap lang po ako sa Kaiser nang biglang sumugod ang mamamatay tao. Dito… na po siya nagsimulang makipaglaban sa Kaiser.”Nagpakita naman ng pagdududa sa magan