Mabigat ang kapaligiran.Nakakatakot ang mga mata ni Darryl. Nanginig si Don nang tinignan niya ito, pero nawawala ang kaniyang takot pag naiisip ang kaniyang kapatid. Tinuro nito si Darryl at nagsalita, “Mag-antay ka lang! Mag-antay ka lang dito at makikita mo!”Nagmadali si Don na pumunta sa lift. Nang marating niya ang ground floor ay kinuha niya ang kaniyang cell phone at tinawagan ang kapatid. Mabilis na sinagot ang tawag.Kawawang umiyak si Don. “Ate, binu-bully ako sa Donghai City, kailangan mo akong tulungan.”Kinatatakutan siya ng lahat sa halos kahit saan siya magpunta dahil sa relasyon niya sa kaniyang kapatid. Walang nagtangkang suntukin siya bago ang araw na iyon.Kakatapos lang ni Angela sa kaniyang role bilang mentor sa isang singing program. Nasa dressing room ito nang makatanggap ng tawag mula sa kapatid. “Don, nilagay mo nanaman ang sarili mo sa gulo?”Sumagot si Don, “Ate, hindi ko naman kasalanan. Nabangga ko ang isang babae at galing siya sa pamilya Lyndon na
Nagkagat ng labi si Yvonne. Gusto lamang niyang malaman ang kondisyon ni Lily; hindi niya inakalang sesermunan siya ng ganoon ng pamilya nito.Buong buhay niya ay ibinigay ng kaniyang pamilya ang lahat sa kaniya, nirespeto siya ng lahat. Wala siyang magawa at gusto na lamang niyang mamatay nang marinig ang mga salita ng pamilya Lyndon.Nanatiling galit si Darryl at mahinahong kinausap si Yvonne, “Antayin mo ako sa sasakyan.”Ang pinakaimportante ay ang kondisyon ni Lily. Para sa kaniya ay walang punto ang pakikipagtalo sa pamilya Lyndon.Tumango si Yvonne at mabigat ang loob nang umalis.Nang makaalis ito ay inilabas ng kanilang lola ang naramdamang galit. Tinuro niya si Darryl at nagsalita, “Isa kang hayop! Paano nakakuha ang aming pamilya ng isang basurang manugang.”“Hindi ka pwede dito! Umalis ka na!”“Hindi mob a kami narinig? Umalis ka na!”Tinuro siya ng buong pamilya habang sinesermunan.Mariing ipinagdikit ni Darryl ang kaniyang mga ngipin at kinuyom ang mga kamao. Ga
Masakit ang puso ni Darryl. Nagbuntong hininga ito nang tumingin kay Lily at umalis na ng ward.‘Paniguradong galit sa akin si Lily kaya ayaw niya na akong kilalanin,’ Sa isip-isip ni Darryl, ‘Bibisitahin ko ulit siya kapag hindi na siya masyadong emosyonal.’Habang nasa ward ay pinanood ni Lily na umalis si Darryl. Nagkunot siya ng noo at tinanong ang kaniyang nanay, “Ma, sino ang taong iyon?”Puno ng pagtataka ang mukha ni Lily.Ano? Hindi niya nakilala si Darryl? Nagulat ang pamilya Lyndon.Anong nangyayari?“Lily, siya ang nakikitirang manugang namin. Hindi mob a siya naaalala?” Tumatawang sagot ni William.Mas lalong nagtaka si Lily. “Nakikitirang manugang? Anong sinasabi mo William?”Nagtinginan ang lahat.Kitang kit ana hindi nagkukunwari si Lily; hindi talaga niya nakilala si Darryl!Nakilala niya ang lahat. Bakit hindi niya maalala si Darryl?Gulat na gulat si Darryl sa sinabi ni Lily sa ward! Nagbigay tingin siya kay Lily at nakaramdam ng matinding sakit sa kaniyan
Ngumiti si Samantha. Napakagandang pangyayari ang mawalan ng memorya ang kaniyang anak sa nakalipas na tatlong taon!“Matalinong lalaki si Wade; siya ang perpektong pares para sayo!” Hinawakan ni Samantha ang kamay ni Lily at nagpatuloy, “May tangkad siyang 1.8 meters, nasa timber business ang kaniyang pamilya at bilyon-bilyon ang halaga ng knailang assets.”Nilabas ni Samantha ang kaniyang cell phone, nang nagsalita ito at nagsend ng text kay Wade; tinanong niya kung pwede bai tong pumunta sa ospital.Nang biglang, may narinig silang malakas na boses mula sa labas ng ward!“Nasaan ang pamilya Lyndon? Lumabas kayo ngayon din!”Napakalakas ng boses. Lumabas ng ward ang pamilya at tiningnan ang pinanggalingan ng boses. Nagulat ang mga ito.Naglakad palapit ang lalaki mula sa hagdan!Si Don.Matindi ang pagkabugbog ni Darryl sa kaniya; namamaga pa rin ang kaniyang mukha pero bumalik siya para maghiganti.May katabi itong magandang babae. Perpekto ang hubong ng katawan nito, nakab
Tumango si Abby at malamig na tumingin sa pamilya Lyndon. “Sino ang bumogbog sa kaniya? Ipakita mo ang sarili mo.”“Ako ang bumugbog sa kaniya.”Narinig nila ang isang malamig na boses bago nakita si Darryl na galing sa corridor.Katabi niya si Shelly. Nag-usap na ang dalawa tungkol sa kondisyon ni Lily noong nasa Chief’s office sila nang marinig nila ang komosyon sa labas.Nakita ni Abby si Darryl, gulat na gulat ito. Bigla siyang nasabik.Gustong gusto ni Abby na makitang muli si Darryl mula noong binigyan siya nito ng Godly pill. Gusto niyang maging estudyante nito pero tumanggi si Darryl.Matindi ang nagawang sugat ng Abbess Mother Serendipity kay Darryl; akala nito ay hindi na niya ito kalianman makikita. Dahil nakita niya itong muli, paniguradong gagawin niya ang lahat para mapapayag ito na maging estudyante nito.Mabilis na lumapit ang lola Lyndon habang may hawak na tungkod at saka nagsalita, “Miss Guys, siya iyon; si Darryl ang may gawa. Wala itong kinalaman sa pamilya
”Master, pakiusap po, tanggapin niyo na ko bilang estyudyante niyo…” Mahinang sabi ni Abby.Hindi na siya matiis ni Darryl. Bumuntong hininga ito at sinabing, “Pag-uusapan natin to mamaya. Pero sa ngayon, nabangga ni Don ang asawa ko at sinabing dapat lang sa kaniya yon. Paano natin to aayusin?”Nanginig si Abby nang marinig ito kaya naman naglakad siya palapit kay Don.Slap!Tinaas niya ang kaniyang kamay at biglang sinampal si Don.Nagulat ang lahat sa malinaw na tunog nito.Hinawakan ni Don ang kaniyang mukha; nagalit ito at nasorpresa. “Anong ginagawa mo ate Abby?”Sinermunan siya ni Abby, “Tumahimik ka! Humingi ka ng tawad ngayon din!”“Ate Abby, hi—” Napaiyak na lamang si Don.‘Pinangako ni Abby na tuturuan niya ang mga ito ng leksyon. Bakit niya ako sinampal? Sino ba tong Darryl na to?’Napakaraming katanungan ni Don sa kaniyang isipan pero hindi ito nagtangkang magtanong.“Sorry, patawad po. Kasalanan ko ang lahat, magbabayad ako sainyo.” Tumango si Don at saka yumuk
”mayroon daw siyang brain concussion sabi ni Chief Sullivan, nauwi iyon sa pagkawala ng ilang memorya niya.”Grabe ang naramdaman ni Yvonne nang marinig iyon.Kinagat niya ang kaniyang labi at nanatiling tahimik. Makalipas ang ilang saglit ay determinado ito nang sinabing, “Darryl, wala lang sa akin ang paghatian ka namin ni Lily. Kunin mo siya ulit.”Hindi makapanilawa si Darryl sa kaniyang narinig; hindi niya inakalang sasabihin ito ni Yvonne. Wala itong masabi kaya naman mahigpit niya itong niyakap. “Yvonne—”Nagbuntong hininga si Yvonne at nagdagdag, “Darryl, kailangan mo siyang ibalik sayo. Nag-aalala siya para sayo.”Mahigpit siyang niyakap ni Darryl at saka nagbuntong hininga. “Hindi niya na ako maalala. Baka itinadhana itong mangyari; baka hindi ako ang para sa kaniya.”“Ikaw—” Nanginig si Yvonne habang nakatingin kay Darryl. “Nagpagdesisyunan mo nang isuko si Lily?”“Oo.” Tumango si Darryl. “Sa totoo lang, alam ko rin namang nag-aalala pa sa sa akin si Lily pero hindi a
Nagbuntong hininga ang Abbess Mother Serendipity nang umupo ito sa upuan.Kahit na nakasuot ito ng mahabang bestida na kulay purple ay kita parin ang hubog ng kaniyang katawan.“Hindi ko alam kung sinong sumira sa Kunlun Sect.” Mahinahong sabi ng Abbess. Humigop ito ng tsaa at saka nagpatuloy, “Kung sino man iyon, paniguradong hindi ito ang walang kwentang si Darryl.”…Ang Young residence sa Donghai City.Himiga si Darryl sa kahoy na upuan habang ine-enjoy ang hawak na tasa ng tsaa. Tahimik na nakaupo si Yvonne sa kaniyang tabi; nakangiti ito.Dalawang araw nang nakikitira si Darryl sa guestroom ng bahay ng pamilya Young.Walang magawa si Kingston. Gusto niyang paalisin si Darryl pero nagdesisyon si Yvonne na pakakasalan ito kapag ginawa niya iyon. Wala itong nagawa kundi tanggapin ang desisyon ni Yvonne.Matapos niyang magpahinga ng dalawang araw, sawakas ay gumaling na ito. Mamula mula ang mga pisngi nito, hindi nagbago ang kaniyang ganda.Nagpahinga ang snow eagle malapit