Share

Kabanata 605

Nagkagat ng labi si Yvonne. Gusto lamang niyang malaman ang kondisyon ni Lily; hindi niya inakalang sesermunan siya ng ganoon ng pamilya nito.

Buong buhay niya ay ibinigay ng kaniyang pamilya ang lahat sa kaniya, nirespeto siya ng lahat. Wala siyang magawa at gusto na lamang niyang mamatay nang marinig ang mga salita ng pamilya Lyndon.

Nanatiling galit si Darryl at mahinahong kinausap si Yvonne, “Antayin mo ako sa sasakyan.”

Ang pinakaimportante ay ang kondisyon ni Lily. Para sa kaniya ay walang punto ang pakikipagtalo sa pamilya Lyndon.

Tumango si Yvonne at mabigat ang loob nang umalis.

Nang makaalis ito ay inilabas ng kanilang lola ang naramdamang galit. Tinuro niya si Darryl at nagsalita, “Isa kang hayop! Paano nakakuha ang aming pamilya ng isang basurang manugang.”

“Hindi ka pwede dito! Umalis ka na!”

“Hindi mob a kami narinig? Umalis ka na!”

Tinuro siya ng buong pamilya habang sinesermunan.

Mariing ipinagdikit ni Darryl ang kaniyang mga ngipin at kinuyom ang mga kamao. Ga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status