“Tandaan mo, may utang ka pa sakin.” Sabi ni Yvette. Kumaway siya at sinabing, “Sige, alis na ako.” Tumalikod siya at umalis na sa Carter Mansion.Noong gabi, natulog si Darryl sa sahig habang binabantayan si Yvonne. Natatakot siya na baka kapag natulog siya sa kama, masagi niya ang mga karayom habang tulog siya.Hindi siya nakatulog nang maayos, matigas at malamig ang sahig. Sa susunod na araw, may eyebags na siya. Binalik niya si Yvonne sa Donghai City. Nang papunta sila roon, tinawagan niya si Zephyr at tinuruan niya ito para utusan ang kanyang mga tao para maghanap ng lunas sa nangyari kay Yvonne.Tanghali noon nung naibalik ni Darryl si Yvonne sa bahay at napagtanto na walang tao rito noong pagpasok niya. Diretso niyang dinala si Yvonne sa kwarto, nalito siya nang kaunti at hindi siya sigurado kung sasama ang loob ni Lily na inuwi niya si Yvonne sa bahay.Sa pag iisip niya kay Lily, tinawaga niya ito.Agad na sinagot ni Lily ang tawag, masaya niyang sinagot ito. “Asawa ko! Sa
‘Ano? Asawa niya ‘to?’ sa isip ng mga lalaki nang tiningnan nila si Darryl na may halong inggit at inis. Gusto nilang suntukin ito sa isip nila.Hindi pinansin ni Lily ang tingin ng mga lalaki habang nakahawak siya sa kamay ni Darryl at nakangiti. “Asawa ko, kilala mo si Circe diba, hindi ko na siya kailangang ipakilala sa’yo. Ito si Evelyn Featherstone, kaibigan ni Circe. Kasali siya sa Lion Slaughtering Conference. Kung tama ang pagkaalala ko, naglaban kayong dalawa noon.”Pinakilala ni Lily si Evelyn na hindi napagtantong magkakilala na si Evelyn at Darryl noon pa! Galit na nakatingin si Evelyn kay Lily na gulat at sinabing, “Lily, asawa mo siya?”Noong unang makilala ni Evelyn si Lily, akala niya maganda at mabait ito. Sinong mag aakala na ang isang mabait na babae ay papakasalan ang isang hayop na ‘to! Hindi tama ‘to!Natigilan si Lily habang siya rin ay natawa, “Kilala niyo ang isa’t isa?”“Walang gustong kumilala sakanya! Isa siyang tae ng kalabaw!” pinagdikit ni Evelyn ang
Bakit hindi nababahala si Lily? Sa kasalukuyang kapangyarihan niya, hindi niya kayang saktan si Jeremy.Ang mga Langleys are mayaman at makapangyarihan, atsaka ang master ni Jeremy ay si Zachary Hume, ang Deputy Head ng Tianshan School, siya ay sinusuportahan nito.Walang wala si Darryl kung ikukumpara sakanya. Wala siyang kahit anong Internal Energy. Magiging masama lang sakanya kapag hinamon niya si Jeremy.Sa pag iisip na ‘yon, nahalata sa magandang mukha ni Lily na nataranta ito.Walang nag akala na walang ganang sasagot si Darryl, “Alam mo Jeremy, pakikinggan ko ang suhestyon mong dapat lumuhod at humingi nang tawad. Pero, ikaw dapat ‘yon, ang bago mong girlfriend at ang mga babae mo.”‘Ano?!’ natigilan ang lahat, akala nila ay mali ang pagkakarinig nila kay Darryl.‘Baliw na ba ‘tong taong ‘to? Wala nga siyang kapangyarihan, ang korporasyon niya ay na-bankrupt, pero ganyan pa rin ang sinasabi niya?’ sa isip ito nang lahat.“Hinahanap mo talaga ang kamatayan!” Galit na gali
Sumigaw si Darryl, hindi na niya napigilan. Agad siyang sumugod at kinuha ang kuwelyo ni Jeremy, sinuntok nang sinuntok, hindi ito natapos.Thud! Blag! Thud!Kada suntok ay mas nagiging malakas kaysa sa iba.Nilabas ni Darryl ang pinakamalalim at pinakamalakas niyang Pure Internal Energy at pinalibutan nito ang buong lugar. Natahimik ang lahat dahil dito. Natigilan ang lahat nang makita si Darryl. Para siyang baliw na nawalan nang control habang si Jeremy naman ay sumisigaw na sa sakit kada suntok niya.“Anong karapatan mong suntukin ako!” Ang mukha ni Jeremy ay dumudugo na. Namilipit siya sa sakit at hindi makagalaw. “Patay ka sakin! Patay ka talaga! Narito ang master ko, sisiguraduhin niyang mamamatay ka ngayon dito!” patuloy siyang sumisigaw. Maga na ang kanyang ulo, hindi siya makalaban pabalik.Pumunta rito si Jeremy kasama ang kanyang master, si Zachary Hume. Si Zachary ang deputy head ng Tianshan school. Siya ay nahuling magpakita at bigla nalang lumabas. Inimbitahan ni Jer
Isang malakas na Internal Energy ang lumabas kay Zachary. Sa sobrang lakas nito napalibutan nito ang hangin sa paligid niya nang ito ay lumitaw.“Mamamatay si Darryl!” sabi ito nang karamihan ng tao.“Dapat lang sakanya ‘yan! Bakit niya hinamon ang deputy head ng Tianshan School?”Naramdaman nang lahat na papatayin ni Zachary si Daryl! Sino ang may kayang iwasan ang malakas na suntok na ‘yon?“Asawa ko!” sumigaw si Lily. Siya ay naluluha na. Gusto niyang tulungan si Darryl pero huli na ang lahat.Nataranta rin si Circe at sinabing, “Darryl, takbo! Ano pa bang hinihintay mo?”Kahit na nakikita niyang galit si Zachary, ang paborito niyang alagad ay nabugbog, sino ang hindi magagalit? Pero, hindi gumalaw si Darryl. Tinitigan niya lang si Zachary,Nagbigay nang malakas na suntok si Zachary. Marami ang ayaw tumingin pero alam nilang tapos na si Darryl sa suntok na ito. Ang suntok ay malakas at masakit.Ang mga ayaw tumingin ay sinarado ang kanilang mga mata. Alam nilang kapag nasunt
Gustong umayaw ni Jeremy. Pero, nakita niyang pumilantik ang pulso ni Darryl, isang pulang mahaba na espada ang lumitaw sa kamay niya, alam na niyang wala siyang ibang pagpipilian maliban kung gusto niyang mamatay.Ang espada ay mukhang delikado. Kasama ang masamang tingin ni Darryl, kapag sinabi niyang ayaw niya, natatakot siya na baka maligo siya sa dugo.Thud!Lumuhod si Jeremy. Wala na siyang pakialam sa pagmamataas niya. Kumpara sa sarili niyang buhay, ang pagmamataas niya ay walang kwenta.“Pasensya na. Pasensya ka na, Mr. Darryl.” Walang tigil na humihingi nang patawad si Jeremy, tagaktak na ang pawis niya.“Ikaw din.” Tumingin si Darryl kay Vera.Thud!Isang tingin lang ang kailangan para lumuhod si Vera. Agad siyang lumuhod at humingi ng patawad.Nang kumalma na si Darryl, sumimangot si Jeremy at Vera. Ito ay isang madugong laban, ang malakas ay inaapi ang mahina. Hangga’t sa kaya mong lumaban, ang mga tao ay magmamakaawa para sa iyong kapatawaran.Noong siya ay walan
Hindi nagpasindak si Darryl kay Evelyn. Uupo na siya pero tiningnan niya muna kung may matulis na bagay ulit sa upuan niya bago siya umupo.Nang uupo na siya, sinuri niya ang paligid. Naging emosyonal siya sa passion ng mga fans ni Angela. Ito ang kaibahan ng legendary pop star sa isang regular lamang. Ang laki ng concert na ito ay kasing laki ng concert ng mga international pop star.“Angela! Angela!” sabi ng mga tao, sumisigaw na may tuwa sakanilang mukha habang nagsisimula na ang concert.Isang eleganteng pigura na nakasuot ng maroon na evening gown na may nakaburdang crystals ang lumitaw sa stage. Mukha talagang isang legendary pop star si Angela, sobrang ganda!Hindi mapigilan ni Darryl na i-cheer ito. Namangha siya. Si Angela ay nasa edad 30s na pero napanatili niyang maganda ang katawa niya. Wala man lang sensyales nang katandaan at syempre ang kanyang pigura, para lang siyang nasa edad 20s.“Hello, Donghai City! Ako si Angela Angel! Kumusta kayong lahat?” tanong ni Angela.
Habang nagpapagaling si Dax buong oras ay hindi niya sinubukang tawagan si Darryl. Kaya agad-agad na kinuha ni Darryl ang kanyang telepeno nang tumawag ito. “Dax!” sigaw ni Darryl. “Dax!” Gayunpaman, masyadong maingay ang concert. Hindi niya marinig kahit isa sa mga salitang binibigkas ni Dax. Nang ibababa na niya ang tawag upang magpadala na lamang ng mensahe para kay Dax ay hinablot ni Evelyn ang kanyang phone at itinapon ito sa sahig. “Wala na bang mas nakakainis pa riyan? Nandito tayo para manood ng concert, pero nasa tawag ka? Wala ka bang kahit na anong respeto?” ungol ni Evelyn at sinamaan ito ng tingin. “Anong ginawa mo?!” sigaw ni Darryl na napakalakas. Kinuha ni Darryl ang kanyang phone at nakita ang basag na screen nito. ‘May sakit ba ‘to sa utak?’ isip niya sa kanyang sarili. “Ano bang problema mo? Lahat sumisigaw ‘don, bawal bang kuhain ko ‘tong