Agad na kumunot ang noo ni Gigi habang nagpapanic nang marinig niya ang mga salitang iyon.Ano na ang mangyayari sa kaniya ngayon?Hindi na nagiging kumportable ang kaniyang pakiramdam kaya hindi niya na ito magagawa pang masolusyunan nang magisa. At higit sa lahat, hindi pa rin siya nakakaahon sa tubig kaya dapat niyang asahan na magtutuloy tuloy ang pagtindi ng sakit na kaniyang nararamdaman.“Ate Gigi! Dito na nagsalita nang mahina si Nora hanggang si Gigi na lang ang makarinig sa kaniya. “Bakit hindi mo hayaang tulungan ka ng pinuno ng Elixir Sector? Maaaring hindi siya malakas pero sigurado ako na mayroon siyang paraan para maideretso ang mga acupoint mo.”Dito na bumagsak si Gigi sa isang dilemma. Sa huli ay nagawa nitong humarap kay Darryl para magtanong ng, “Mayroon ka pa bang ibang paraan maliban dito?”Ayaw niyang humingi ng tulong kay Darryl pero wala na siyang magagawa pa. Mas tumindi nang tumindi ang hindi pagiging kumportable ng kaniyang katawan.Hindi pa umaalis si
Masyadong sensitive ang katawan ni Gigi kaya agad nitong naramdaman na para bang kinukuryente siya nang igalaw ni Darryl ang mga kamay nito sa kaniyang likuran. Namula rin nang husto ang kaniyang mukha habang minamasahe siya ni Darryl.Hindi pa rin niya ito pinansin sa takot na baka mabigo si Darryl sa pagmasahe sa kaniya.“Tapos na!”Pagkatapos ng 10 minuto, ipinalakpak ni Darryl ang kaniyang mga kamay habang nakangiting sinasabi na, “Subukan mo ngang gumalaw ngayon. Sigurado ako na nawala na ang panghihina na iyong nararamdaman.”Ginamit niya ang pagkakataong ito para humanga sa hubog ng katawan ni Gigi habang nagsasalita.Hindi nakapagtataka na masyadong kabighabighani si Gigi. Naging kasing dulas ng seda at kasing puti ng itlog ang kaniyang balat.“Sige!”Sagot ni Gigi habang ginagamit ang kaniyang internal energy para subukan ito. Hindi nagtagal ay bumalik na rin sa dati ang kaniyang lakas, wala na ang panghihina na kaniyang naramdaman kanina.Dito na tuluyang nagulat si
Nagpakita si Sofia kay Darryl ng isang mahinhing ngiti habang nagiisip ng, “Ipinagkatiwala rin po sa akin ng Palace Master ang iyong pagkain at pagtira rito. Hinding hindi po ako gagawa ng kahit na anong pagkakamali.”At sa huli, bahagyang namula ang mukha ni Sofia.‘Pinagloloko niyo ba ako!’Dito na biglang naintindihan ni Darryl ang isang bagay. Agad niyang ikinaway ang kaniyang kamay habang awkward na sinasabing. “Uhh… hindi mo na kailangan pang asikasuhin ang aking pagtira at pagkain dito. Kinailangan mo lang na maging isang Elixir Assistant sa akin.”Napakabog nang husto ang dibdib ni Darryl sa sobrang gulat.Maganda si Sofia at naintindihan ni Darryl ang intensyon ng Palace Master nang hayaan nito siyang magenjoy habang kasama ang napakagandang si Sofia. Ito ay para gawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya sa pagtulong na makabalik sa paggawa ng pambihirang mga pill ang Pure Yang Division.Pero hindi nagmula sa lugar na ito si Darryl. Aalis din siya sa tamang panahon. Kaya
Napangiti na lang sa huli si Sofia habang sinasabi na, “Ikaw na ang pinakasikat na tao sa parting iyon ng bayan ngayon. Marami na ang mga tao na gustong makita ka.”Ganoon pala!Nang marinig niya ang mga salitang ito, tumatangong napatanong na lang si Darryl ng, “Kung ganoon, ano ang kailangan ng mga disipulong ito ng Heavenly Dragon Sect sa akin.”Agad namang napatagilid ang ulo ni Sofia bago ito magisip nang kaunti at sumagot ng, “Narinig ko na nakakita raw sila ng ilang mga pill sa isang sinaunang libingan nitong nakaraan, pero hindi nila alam kung ano ang epekto ng mga ito.“Narinig nila na nagtalaga ang Pure Yang Division ng bagong head sa Elixir Sector kaya naisip ng mga itong magpunta para ipakita ang mga ito sa iyo.”Nagpakita ng hindi mabasang itsura sa kaniyang mukha si Sofia habang nagsasalita.Nitong mga nakalipas na taon, nagkaroon ng pangdaigdigang paghahanap sa anumang bakas ng kasaysaysan sa paligid. Marami sa mga sekta ang sumuyod sa daigdig sa pagasang makakakuh
Walang pakialam namang sumagot si Darryl ng, “Hayaan mo muna silang maghintay ng ilang sandali. Okay lang iyan dahil tuturuan muna kita kung paano gumawa ng mga pill.”“Sige!”Hindi na napigilan pa ni Sofia ang kaniyang pagkasabik nang sabihin ito ni Darryl habang tumatalon na parang isang batang babae. “Maraming salamat po, Sect Master.”Habang nagsasalita, nagsimula na ang dalawang magpuna sa pill making room sa likuran ng pill tower.Sumasangayon namang tumango si Darryl nang makarating sila sa silid. Isa ito sa mga pinakakilalang mga sekta sa buong Cryolet Continent kaya natural lang na mapuno ng kagamitan ang kanilang pill making room.Makikitang nakalagay sa loob ng higit sa 10 magkakapatong na rack ang ilang mga herb at sangkap na kinakailangan sa paggawa ng mga pill. Natural lang na ibigay ito ng Palace Master dalawang araw na ang nakalilipas.Sabagay, higit isang libong taon na ring walang bihasa sa paggawa ng pill sa buong Cryolet Continent. Napakatagal nang abandonado
Pero hindi pa rin nakalimutan ni Darryl kung paano nagawang itake advantage ng pinsan ni Selina na si Ronny ang kaniyang pribilehiyo at estado para makipagaway kay Darryl.Hindi naiwasang mapasimangot ni Darryl nang makita niya si Ronny. Inakala niya na hindi na niya muling makikita ang hayop na anak mayamang ito pero muling nagkrus ang kanilang mga landas.Dito na narealize ni Darryl ang isang bagay matapos niyang pagisipan nang husto ang kasalukuyang niyang sitwasyon.Naalala niya kung paano sinabi noon ni Ronny kung paano ito nakapasok sa Heavenly Dragon Sect gamit ang estado ng kaniyang pamilya. Kaya hindi na siya nagtaka nang mapamilyaran niya ang pangalang Heavenly Dragon Sect.Nagiisip sa kaniyang sarili si Darryl nang makita niya ang babaeng nakatayo sa tabi ni Ronny na nagpalagkit sa kaniyang tingin.Nasa 20 years old na ang babaeng ito na nakasuot ng isang malambot at kulay pink na paldang nagpakita sa magandang hubog ng kaniyang katawan at sa matalino nitong itsura. Hin
Walang kamuang muang si Ronny na si Darryl ang head ng Elixir Sector.At hindi rin Derrick ang pangalan nito.“Ak—"Natawa nang husto si Darryl sa naging trato sa kaniya ni Ronny. Inakala siguro ng mangmang na ito na magagawa niya pa ring dalhin dito ang kaniyang pribelehiyo para ituring na basura ang ibang tao. Hinding hindi pa rin talaga ito nagbabago.Sasabihin na sana ni Darryl na siya ang head ng Elixir Sector na kikitain ng mga ito. Pero biglang nagbago ang kaniyang isip kaya agad niyang pinigilan ang kaniyang sarili na gawin ito.Hindi naman gaanong pinansin ni Darryl si Ronny at sa halip ay ngumiti lang ito kay Sandra habang sinasabi na, “Ms. Swanson! Maraming salamat dahil hindi mo hinayaang makuha tayo ng mga bandidong nanambang satin sa paglalakbay nating iyon. Hindi pa kita napapasalamatan dito.”Tumango naman si Sandra bilang sagot sa sincere na itsura ni Darryl. “Walang problema, okay lang!”Habang nagsasalita, tumingin si Sandra sa labas ng pinto habng sinasabi na
Umangat lang lalo ang galit ni Ronny nang sumigaw si Darryl ng. “Huwag kang aalis diyan! Sinasabi ko sa iyo na babaliin ko ang mga binti mo ngayong araw.”Matagal nang gustong turuan ni Ronny ng leksyon si Darryl noon sa tahanan ng mga Stanford pero palagi pa rin nitong pinoprotektahan ang hayop na iyon kaya wala na siyang pagkakataon para turuan ito.Hinding hindi na ito palalampasin ni Ronny ngayong nagkrus muli ang kanilang landas sa Pure Yang Division.Sabagay, isa lang utusan ang lalaking iyon. Walang kahit na sino ang papansin dito kahit na mabugbog pa ito.Nakarinig ang mga disipulo ng Pure Yang Division ng ingay sa labas ng Wild Crane Restaurant kaya agad itong nagsipasok sa loob.Agad namang napangiti si Ronny nang makita niya ang mga ito, agad itong tumayo nang diretso habang nakangiti itong tumuturo kay Darryl, “Huwag kayong magalala. Gumagawa lang ng kalokohan ang utusan ninyong ito kaya tinuturuan ko lang ito nang leksyon.”Itinuring nang bisita ni Ronny ang kaniyang