“Darryl Darby!”Nagpakita si Gromo ng nakamamatay na itsura habang dumudurang sinasabi kay Darryl na, “Walang kapatawaran ang kasalanang nagawa mo sa sandaling tumalab ang pill na ito sa akin.”“Ibibigay ko sana ang Golden Pill na ito sa Palace Master pero sa huli ay ako pa rin ang nagawang uminom nito nang dahil sa naging pustahan natin. Dahil dito ay nawalan ng pagkakataon ang Palace Master na palakasin ang kaniyang sarili nang dahil sa iyo. Kasalanan mo ang lahat ng ito.”Whoa…Agad na umigay ang naguusap usap na mga tao nang marinig nila ang mga salitang iyon sa ere.“Hindi nga nagkakamali rito si Elder Gromo.”“Oo nga. Tanging ang Palace Master lamang ang maaaring uminom ng Golden Pill pero pinuwersa pa rin ni Darryl si Elder Gromo na inumin ito nang dahil sa kanilang pustahan. Hindi ba’t nawalan ng pagkakataong lumakas ang Palace Master kung totoo nga ang Golden Pill na ito?”“Sino ba ang nagsasabing wala siyang kinalaman dito kung tunay ngang epektibo ang pill na iyan?”
Agad na nahimasmasan si Gromo habang nanenermon nitong sinasabi kay Darryl na, “Sinusubukan mo ba akong takutin, bata? Isang pambihirang kayamanan ang Golden Pill na iyan kaya bakit ito eepekto nang ganoon kabilis?”“Sinasabi ko s aiyo na walang kahit na anong masama ang nangyari sa akin at matagal nang panahon ang lumipas mula noong inumin ko ito. Iniisip mo ba na magagagawa mong makakuha ng kaunti pang oras matapos ng mga ginawa mo? Kasalanan mo kung bakit hindi nainom ng Palace Master ang Golden Pill. Humingi ka na nang tawad ngayundin kung gusto mo pang makalabas sa gulong pinasok mo.”Nang matapos ito sa pagsasalita, agad na tumingin si Gromo kay Suci, “Palace Master, napatunayan kong nagsisinungaling si Darryl sa lahat ng kaniyang sinabi kanina. Nakikiusap po kami ng patas na desisyon mula sa inyo.”Agad na napatingin ang lahat kay Suci nang marinig nila ang mga salitang ito sa main hall.Alam na ng lahat kung ano ang mangyayari kay Darryon noong mga sandaling iyon, nakasalal
“Sect Master!”Pero nagawa pa ring panatilihin ni Gromo ang kaniyang postura. Tumulo ang luha mula sa kaniyang mga mata habang itinataas ang kaniyang ulo para tingnan si Darryl at magmakaawa rito. “Patawarin mo na ako, pakiusap, pakiusap tulungan mo ako, tulungan mo ako…”Hindi mangmang si Gromo. Alam niya na alam din ni Darryl ang gamot sa sinumang nakainom ng palyadong Golden Pill dahil madali nitong nalaman na wala na itong epekto.Sabagay, siya pa rin ang pinuno ng Elixir Sector.“Walang problema!”Natutuwa at naaawa naman siyang tiningnan ni Darryl. “Pero natalo ka sa pustahan. Nakalimutan mo na ba ang dapat mong gawin?”“Kasalanan ko ito. Alam ko na kasalanan ko ang lahat ng ito.” Umikot ang itsura sa mukha ng nagdurusang si Gromo habang nagsisising sumasakit ang kaniyang dibdib. Hinding hindi siya sana makikipagtalo kay Darryl bago inumin ang Golden Pill kung alam niya lang na wala na itong epekto.Pero huli na ang lahat para rito.Pero masyado pa ring nakakahiya para sa
“Karapat dapat lang sa kaniya ang titulong pinuno ng Elixir Sect.”Hindi na rin nakapagpigil sio Cormac nang marinig niya ang mga pagbating ibinibigay ng lahat kay Darryl. Dito na siya ngumiti habang sinasabi na, “Sa akin kayo magpasalamat! Naririto si Darryl sa Pure Yang Division nang dahil sa akin. Kaya iniisip niyo ba na wala ito sa standards?”Tumatango namang sumangayon ang mga tao sa paligid.Nagpakita naman si Darryl ng ngiti habang tahimik itong tumitingin kay Gromo. “Kinakailangan mong baguhin ang ugali mong iyan, Elder Gromo. Huwag kang magmamatigas sa mga bagay na hindi mo alam kung ayaw mong magdusa nang dahil dito.”“Oo, Oo…” Malakas na tango ni Gromo.Hindi na nagsalita ng kahit ano si Gromo kay Darryl matapos niyang maranasan ang epekto ng palyadong Golden Pill.“Tama na iyan!”Ngumiti naman si Suci sa kaniyang trono habang tumitingin ito kay Darryl. “Masyado nang nakamumulat para sa atin ang ginawang pagtulong ng pinuno ng Elixir Sect kay Gromo sa gitna ng pangan
Nainis nang husto si Cormac noong mga sandaling iyon.Inakala niya na magagamit niya ang oportunidad na iyon para mapalapit kay Darryl pero agad itong nasira nang mapasok sa gulo ang kaniyang mga disipulo na nagbigay sa kaniya ng sakit ng ulo. Kahit na ano pang mangyari, hindi siya maaaring tumayo lamang doon at panoorin lamang ang nangyari.Ikinaway ni Darryl ang kaniyang mga kamay habang tumatawa nang makita niya ang napapahiyang itsura ni Cormac. “Dapat ka nang umalis, Master. Hindi sana malubha ang sinapit ng disipulo mo.”Tapos na rin siyang maglibot sa paligid, mayroon nang ideya si Darryl sa naging layout ng buong Pure Yang Division kaya magagawa na niyang maglibot dito nang wala si Cormac.“Kung ganoon ay magenjoy ka sa iyong paglalakad lakad, Kapatid na Darryl. Mauuna na ako sa iyo.”Nagpakita ng ngiti si Cormal bago ito tumalikod para nagmamadaling maglakad palayo kay Darryl.Whew!Mabilis na nainit si Darryl nang umalis si Cormac. Kasalukuyan siyang nakatitig sa gubat
Pinuno ng Elixir Sector?Biglang napatigil dito si Gigi, mabilis na tumusok ang nakamamatay niyang tingin kay Darryl.Nakakita na si Cormac ng bagong pinuno ng Elixir Sector sa Heavenly Secret Realm, at nagkaroon din ng usap usapan tungkol sa pakikipagpustahan ng lalaking ito kay Gromo na siyang natalo sa kanilang pustahan. Muntik nang mamatay si Gromo sa negatibong epekto sa kaniyang katawan ng ininom niyang pill.Dito na nagkaroon ng matinding interes si Gigi sa bagong head ng Elixir Sect matapos niyang marinig ang mga bagay na iyon mula kay Nora.Pero hindi niya inasahan na magkikita sila nang ganito kabilis.Siya ba talaga iyon?Inakala niya na isa itong kilalang tao sa kanilang mundo! Pero sa kasamaang palad ay isa itong manyak na naninilip sa kanilang dalawa ni Nora habang naliligo sila sa mainit na bukal.Maliban pa ito sa pagkakuha niya sa kaniyang posisyon nang walang kahit na anong ipinapakitang kakayahan sa mga elixir! Kaya imposible para sa kaniyang makita kung ano a
“Narinig ko noon sa Heavenly Secret Realm na sinabi ng senior kong kuya na nakaramdam daw ng ilang mga tagong sakit ang aking master. Mukhang ito ang pinarating ng kaniyang mga sinasabi…”Hindi na nagawa pang magmatigas ni Nora gaya ng ginagaw n igigi dahil nakita na niya kung ano ang kayang gawin ni Darryl kaya sinimulan na niyang pangaralan ito.Pfft…Hindi naman naiwasang matawa ni Gigi sa kaniyang narinig, “Ano ba Nora. Sinasabi niya lang yun para subukan ang mga kalokohan niya. Isipin mo nga. Hindi ba’t makikita niya ang buo nating mga katawan sa sandaling umahon tayo sa tubig? Isa lang kalokohan ang sinasabi niyang problema sa sandaling magbabad ako sa bukal nang ganito katagal. Masyado ka pang inosente para paniwalaan ito.”Dito nagsimulang manginig ni Gigi habang nagsasalita. Agad na humawak ang kaniyang mga kamay sa magkabila niyang sentido habang kumukunot ang kaniyang noo.Agad na namutla nang husto ang balat ni Gigi habang kumakabog nang malakas ang kaniyang dibdib.M
Agad na kumunot ang noo ni Gigi habang nagpapanic nang marinig niya ang mga salitang iyon.Ano na ang mangyayari sa kaniya ngayon?Hindi na nagiging kumportable ang kaniyang pakiramdam kaya hindi niya na ito magagawa pang masolusyunan nang magisa. At higit sa lahat, hindi pa rin siya nakakaahon sa tubig kaya dapat niyang asahan na magtutuloy tuloy ang pagtindi ng sakit na kaniyang nararamdaman.“Ate Gigi! Dito na nagsalita nang mahina si Nora hanggang si Gigi na lang ang makarinig sa kaniya. “Bakit hindi mo hayaang tulungan ka ng pinuno ng Elixir Sector? Maaaring hindi siya malakas pero sigurado ako na mayroon siyang paraan para maideretso ang mga acupoint mo.”Dito na bumagsak si Gigi sa isang dilemma. Sa huli ay nagawa nitong humarap kay Darryl para magtanong ng, “Mayroon ka pa bang ibang paraan maliban dito?”Ayaw niyang humingi ng tulong kay Darryl pero wala na siyang magagawa pa. Mas tumindi nang tumindi ang hindi pagiging kumportable ng kaniyang katawan.Hindi pa umaalis si