Nainis nang husto si Cormac noong mga sandaling iyon.Inakala niya na magagamit niya ang oportunidad na iyon para mapalapit kay Darryl pero agad itong nasira nang mapasok sa gulo ang kaniyang mga disipulo na nagbigay sa kaniya ng sakit ng ulo. Kahit na ano pang mangyari, hindi siya maaaring tumayo lamang doon at panoorin lamang ang nangyari.Ikinaway ni Darryl ang kaniyang mga kamay habang tumatawa nang makita niya ang napapahiyang itsura ni Cormac. “Dapat ka nang umalis, Master. Hindi sana malubha ang sinapit ng disipulo mo.”Tapos na rin siyang maglibot sa paligid, mayroon nang ideya si Darryl sa naging layout ng buong Pure Yang Division kaya magagawa na niyang maglibot dito nang wala si Cormac.“Kung ganoon ay magenjoy ka sa iyong paglalakad lakad, Kapatid na Darryl. Mauuna na ako sa iyo.”Nagpakita ng ngiti si Cormal bago ito tumalikod para nagmamadaling maglakad palayo kay Darryl.Whew!Mabilis na nainit si Darryl nang umalis si Cormac. Kasalukuyan siyang nakatitig sa gubat
Pinuno ng Elixir Sector?Biglang napatigil dito si Gigi, mabilis na tumusok ang nakamamatay niyang tingin kay Darryl.Nakakita na si Cormac ng bagong pinuno ng Elixir Sector sa Heavenly Secret Realm, at nagkaroon din ng usap usapan tungkol sa pakikipagpustahan ng lalaking ito kay Gromo na siyang natalo sa kanilang pustahan. Muntik nang mamatay si Gromo sa negatibong epekto sa kaniyang katawan ng ininom niyang pill.Dito na nagkaroon ng matinding interes si Gigi sa bagong head ng Elixir Sect matapos niyang marinig ang mga bagay na iyon mula kay Nora.Pero hindi niya inasahan na magkikita sila nang ganito kabilis.Siya ba talaga iyon?Inakala niya na isa itong kilalang tao sa kanilang mundo! Pero sa kasamaang palad ay isa itong manyak na naninilip sa kanilang dalawa ni Nora habang naliligo sila sa mainit na bukal.Maliban pa ito sa pagkakuha niya sa kaniyang posisyon nang walang kahit na anong ipinapakitang kakayahan sa mga elixir! Kaya imposible para sa kaniyang makita kung ano a
“Narinig ko noon sa Heavenly Secret Realm na sinabi ng senior kong kuya na nakaramdam daw ng ilang mga tagong sakit ang aking master. Mukhang ito ang pinarating ng kaniyang mga sinasabi…”Hindi na nagawa pang magmatigas ni Nora gaya ng ginagaw n igigi dahil nakita na niya kung ano ang kayang gawin ni Darryl kaya sinimulan na niyang pangaralan ito.Pfft…Hindi naman naiwasang matawa ni Gigi sa kaniyang narinig, “Ano ba Nora. Sinasabi niya lang yun para subukan ang mga kalokohan niya. Isipin mo nga. Hindi ba’t makikita niya ang buo nating mga katawan sa sandaling umahon tayo sa tubig? Isa lang kalokohan ang sinasabi niyang problema sa sandaling magbabad ako sa bukal nang ganito katagal. Masyado ka pang inosente para paniwalaan ito.”Dito nagsimulang manginig ni Gigi habang nagsasalita. Agad na humawak ang kaniyang mga kamay sa magkabila niyang sentido habang kumukunot ang kaniyang noo.Agad na namutla nang husto ang balat ni Gigi habang kumakabog nang malakas ang kaniyang dibdib.M
Agad na kumunot ang noo ni Gigi habang nagpapanic nang marinig niya ang mga salitang iyon.Ano na ang mangyayari sa kaniya ngayon?Hindi na nagiging kumportable ang kaniyang pakiramdam kaya hindi niya na ito magagawa pang masolusyunan nang magisa. At higit sa lahat, hindi pa rin siya nakakaahon sa tubig kaya dapat niyang asahan na magtutuloy tuloy ang pagtindi ng sakit na kaniyang nararamdaman.“Ate Gigi! Dito na nagsalita nang mahina si Nora hanggang si Gigi na lang ang makarinig sa kaniya. “Bakit hindi mo hayaang tulungan ka ng pinuno ng Elixir Sector? Maaaring hindi siya malakas pero sigurado ako na mayroon siyang paraan para maideretso ang mga acupoint mo.”Dito na bumagsak si Gigi sa isang dilemma. Sa huli ay nagawa nitong humarap kay Darryl para magtanong ng, “Mayroon ka pa bang ibang paraan maliban dito?”Ayaw niyang humingi ng tulong kay Darryl pero wala na siyang magagawa pa. Mas tumindi nang tumindi ang hindi pagiging kumportable ng kaniyang katawan.Hindi pa umaalis si
Masyadong sensitive ang katawan ni Gigi kaya agad nitong naramdaman na para bang kinukuryente siya nang igalaw ni Darryl ang mga kamay nito sa kaniyang likuran. Namula rin nang husto ang kaniyang mukha habang minamasahe siya ni Darryl.Hindi pa rin niya ito pinansin sa takot na baka mabigo si Darryl sa pagmasahe sa kaniya.“Tapos na!”Pagkatapos ng 10 minuto, ipinalakpak ni Darryl ang kaniyang mga kamay habang nakangiting sinasabi na, “Subukan mo ngang gumalaw ngayon. Sigurado ako na nawala na ang panghihina na iyong nararamdaman.”Ginamit niya ang pagkakataong ito para humanga sa hubog ng katawan ni Gigi habang nagsasalita.Hindi nakapagtataka na masyadong kabighabighani si Gigi. Naging kasing dulas ng seda at kasing puti ng itlog ang kaniyang balat.“Sige!”Sagot ni Gigi habang ginagamit ang kaniyang internal energy para subukan ito. Hindi nagtagal ay bumalik na rin sa dati ang kaniyang lakas, wala na ang panghihina na kaniyang naramdaman kanina.Dito na tuluyang nagulat si
Nagpakita si Sofia kay Darryl ng isang mahinhing ngiti habang nagiisip ng, “Ipinagkatiwala rin po sa akin ng Palace Master ang iyong pagkain at pagtira rito. Hinding hindi po ako gagawa ng kahit na anong pagkakamali.”At sa huli, bahagyang namula ang mukha ni Sofia.‘Pinagloloko niyo ba ako!’Dito na biglang naintindihan ni Darryl ang isang bagay. Agad niyang ikinaway ang kaniyang kamay habang awkward na sinasabing. “Uhh… hindi mo na kailangan pang asikasuhin ang aking pagtira at pagkain dito. Kinailangan mo lang na maging isang Elixir Assistant sa akin.”Napakabog nang husto ang dibdib ni Darryl sa sobrang gulat.Maganda si Sofia at naintindihan ni Darryl ang intensyon ng Palace Master nang hayaan nito siyang magenjoy habang kasama ang napakagandang si Sofia. Ito ay para gawin niya ang lahat ng kaniyang makakaya sa pagtulong na makabalik sa paggawa ng pambihirang mga pill ang Pure Yang Division.Pero hindi nagmula sa lugar na ito si Darryl. Aalis din siya sa tamang panahon. Kaya
Napangiti na lang sa huli si Sofia habang sinasabi na, “Ikaw na ang pinakasikat na tao sa parting iyon ng bayan ngayon. Marami na ang mga tao na gustong makita ka.”Ganoon pala!Nang marinig niya ang mga salitang ito, tumatangong napatanong na lang si Darryl ng, “Kung ganoon, ano ang kailangan ng mga disipulong ito ng Heavenly Dragon Sect sa akin.”Agad namang napatagilid ang ulo ni Sofia bago ito magisip nang kaunti at sumagot ng, “Narinig ko na nakakita raw sila ng ilang mga pill sa isang sinaunang libingan nitong nakaraan, pero hindi nila alam kung ano ang epekto ng mga ito.“Narinig nila na nagtalaga ang Pure Yang Division ng bagong head sa Elixir Sector kaya naisip ng mga itong magpunta para ipakita ang mga ito sa iyo.”Nagpakita ng hindi mabasang itsura sa kaniyang mukha si Sofia habang nagsasalita.Nitong mga nakalipas na taon, nagkaroon ng pangdaigdigang paghahanap sa anumang bakas ng kasaysaysan sa paligid. Marami sa mga sekta ang sumuyod sa daigdig sa pagasang makakakuh
Walang pakialam namang sumagot si Darryl ng, “Hayaan mo muna silang maghintay ng ilang sandali. Okay lang iyan dahil tuturuan muna kita kung paano gumawa ng mga pill.”“Sige!”Hindi na napigilan pa ni Sofia ang kaniyang pagkasabik nang sabihin ito ni Darryl habang tumatalon na parang isang batang babae. “Maraming salamat po, Sect Master.”Habang nagsasalita, nagsimula na ang dalawang magpuna sa pill making room sa likuran ng pill tower.Sumasangayon namang tumango si Darryl nang makarating sila sa silid. Isa ito sa mga pinakakilalang mga sekta sa buong Cryolet Continent kaya natural lang na mapuno ng kagamitan ang kanilang pill making room.Makikitang nakalagay sa loob ng higit sa 10 magkakapatong na rack ang ilang mga herb at sangkap na kinakailangan sa paggawa ng mga pill. Natural lang na ibigay ito ng Palace Master dalawang araw na ang nakalilipas.Sabagay, higit isang libong taon na ring walang bihasa sa paggawa ng pill sa buong Cryolet Continent. Napakatagal nang abandonado