Uhh…Tuluyang naguluhan si Darryl nang maramdaman niya ang galit ng Old Master Stanford. Gayunpaman, sinubukan niya ang lahat ng kaniayng makakaya para matiyagang magpaliwanag.“Paniguradong ikaw si Old Master Stanford. Magpapakatotoo ako sa’yo. Darryl Darby ang pangalan ko. Hindi ako ang hinahanap niyong si Derrick Darby. Nagmula ako sa ibang lupain. Dumaan lamang ako sa burol na iyon nang bigla akong hulihin ng mga tauhan mo at dalhin dito.”Huh?Kumunot ang noo ng Old Master Stanford.Hindi mapigilang maglakad ni Gerald palapit at muli nitong binatukan si Darryl, sumigaw siya. “Iyan pa rin ang sinasabi mo hih? Bakit wala ka pa ring hiya sa puntong ito? Ano ang tungkol sa Darryl Darby na iyon at sa ibang lupain? Gusto mo talagang mabugbog!”Lumingon ito para kausapin ang Old Master Stanford. “Sumusobra na siya sa puntong ito, Old Master Stanford. Suhestiyon kong parusahan siya at bigyan ng maliit na leksyon.”Motherf*cker. Mapaparusahan ako dahil sa sinabi kong iyon?Nagulat
Habang napapaisip ang lalake, nakalimutang i-lock ni Sheniqua ang pinto. Tahimik siyang lumabas.Biglang nakita ang sampung anyong nakasuot ng itin na damit, tumatawid ang mga ito sa pader. Nakatakip ang kanilang mukha at hindi mahirap makitang mga bandito sila.“Argh!”Nakakabinging sumigaw si Sheniqua nang makita niya ang mga tao. Subalit nahuli siya at sinukluban ng mga bandito. Matapang na umangil ang pinuno ng grupo. “Huwag kang mag-iingay, kundi ay papatayin kita.”Dinikit niya ang mahabang espada sa leeg ni Sheniqua. Kasing lamig ng yelo ang patalim, nanginig at namutla sa takot ang babae.Napakunot sa sarili si Darryl. ‘Hay*p. Isa bai tong nakawan?’Sa puntong iyon, nadiskubre rin ng mga bandito si Darryl. Dali-dali silang lumapit at iginapos ang mga kamay nito.Sa parehong sandali, narinig ang mga pag-iyak mula sa great hall ng Stanford mansion at nagkagulo ang mga tao.“Mayroong mga pag-atake ng bandito!”“Pakiusap, tulungan ninyo kami!”Sa pagkakataong iyon, malami
Nanginig sa galit ang Old Master Stanford at tinuro niya si Herod. “Ikaw… Maayos ang katayuan mo, Heord Houllier. Hindi ka ba natatakot maging katatawanan dahil sa paggamit sa mahinang babae bialng panakot? Pakawalan mo siya ngayon.”Matanda na siya nang maging anak niya ang babae at walang hanggan ang pagmamahal niya rito. Paano niya mapipigilan ang kaniyang galit kung nakita niyang tinatakot ni Herod si Selina gamit ang patalim?Tinatag ng Old Master Stanford si Selina nang magsalita siya. “Huwag kang mag-alala, Selina! Nandito ako!”Lubhang mas malakas si Selina kumpara sa inaasahan. Walang kaba na makikita sa kaniyang mukha. Sa halip, hindi makatotohanan ang pagiging kalmado niya.Kinausap niya ang Old Master Stanford. “Huwag kang mag-alala sa akin, Ama. Isa pa, hindi na rin namana ko magtatagal sa mundo dahil sa sakit ko. Hayaan mong patayin nila ako kung gusto nila. Wala tayong ibibigay na pagmamay-ari ng Stanfords sa mga gungong na ito.”Sigh…Hindi kalmdo ang Old Master S
Malamig ang naging tingin ni Herod nang kumalat sa hangin ang huling salita.Talagang binalak niyang mag-massacre ngayong gabi. Isa pa, walang pakialam ang Stanfords sa walang kwenta nialng manugang. Siya ang unang mamamatay.Napunit ang damit ni Darryl at nakita ang dibdib nito. Kinuha ng isa sa mga miyembro ng Snow Wolf Mountain ang mahabang espada at mabilis na naglakad.‘Naku po!’Takot na takot si Darryl sa naging pangyayari. Namuo ang pawis sa kaniyang noo at nagsalita siya. “Pakiusap, tumigil ka. Mali ang nakuha ninyong lalake. Hindi ako manugang ng Stanfords.”Narinig ang mga sinabi nito, nagsimulang sumigaw ang lahat kabilang na ang Old Master Stanford at ang mga nakapalibot na miyembro ng Stanford dahil sag alit.‘Talagang kakaiba si Derrick, kung ano-anong walang kabuluhan pa rin ang sinasabi nito.Ang mas nakakagalit pa ay nang mahuli si Selina, at wala siyang balak mag-isip kung paano ito ililigtas bilang fiancé ng babae. Sa halip, sinubukan niya ang lahat ng kaniya
Hindi mapigilang sumigaw nang pagalit ni Gerald kay Darryl. “Isa kang walang hiyang traydor, Derrick Darby! Naging mabait sa’yo ang Old Master Stanford. Sino ka para tumalikod at tulungan ang ma banditong ito sa ganitong sitwasyon?”“Dapat ay binali na namin ang iyong binti nang makita ka namin.”Nanginig sa galit si Selina nang sumigaw siya sa Old Master Stanford. “Ama! Mas gugustuhin kong mamatay kaysa ang makasama ang isang hay*p na traydor tulad niya! Kanselahin niyo ang kasal bukas…”Galit na galit din ang Old Master Stanford. Nandilim ang gilid ng kaniyang paningin sa mga sinabi ng kaniyang anak, halos mahimatay siya.Talagang lubusan siyang nabigo. Akala niya’y magkakaroon ng swerte ang kaniyang anak kapag ipinakasal niya ito, iyon pala’y walang kahit katiting na dangal ang lalake. Halos kaagad siyang tumiklop sa kaunting pananakot ng mga bandito.Paano magbibigay ng paliwanag ang Old Master Stanford sa kaniyang mga ninuno tungkol sa bagay na iyon kapag pumanaw siya?Napab
”Naku naman!”Mabilis lumipas ang kalahating oras at naubos ang pasensya ni Herod nang makita niyang hindi pa rin sila dinadala ni Darryl sa kuwartong mayroong kayamanan.Sumigaw siya. “Alam mo ba talaga kung nasaan ang kayamanan? Oh niloloko mo lang ako?”Uhh…Napakamot ng ulo si Darryl, takot na takot ang ekspresyon nito.“Hindi, siyempre ay hindi. Madilim na at malaki ang bahay ng Stanford. Tatlong araw palang akong nandito kaya hindi ko talaga alam ang hitsura ng lugar.“Huwag kang mag-alala! Ipinakita sa akin ng Old Master Stanford ang mga kayamanan noong nakaraang araw at alam ko kung saang kuwarto ito nakatago. Sigurado akong mahahanap ko iyon.”Bahagyang lumamig ang ekspresyon ni Herod nang marinig niya ang paliwanag ni Darryl. Subalit walang pasensya siyang sumigaw. “Bilisan mo na kung ganoon! Huwag mong sayangin ang oras ko.”“Oo, sige!”Dali-daling sumagot si Darryl, muli niyang inikot sa buong bahay ang mga ito.Mabilis nilang narating ang altar ng Stanford. Tumig
Hay*p!Base sa ekspresyon ni Herod, mukha siyang sasabog. Tinuro niya si Darryl at sumigaw. “Mukhang gusto mong mamatay! Pabagsakin siya at baliin ang kaniyang binti!”Sinong magtatangkang bastusin ang makapangyarihang pinuno ng Snow Wolf Mountain? Paano siya mabubuhay nang ganoon, ang maliitin ng mababang manugang?Kalagitnaan ng kaniyang galit, kinuha niya ang mahabang espada at sumugod sa direksyon ni Darryl.Kasabay noon ay sumugod din ang mga lalakeng nasa kaniyang likuran.Hahaha!Nakangiti lang si Darryl nang maramdaman niya ang galit ni Herod, hindi niya ito kinatakutan kahit kaunti habang nanatili siyang nakatayo roon.Isang biro ang isiping nahulog sa patibong ni Darryl si Herod, ang makapangyarihang kapitan ng grupo ng mga bandito.“Naku naman! Kahit anong mangyari, papatayin kita ngayong araw!”Sumigaw siya ng malakas at binilisan ang kaniyang kilos, naghanda siyang saksakin si Darryl at pagpirasuhin ito.Sobrang nagulat si Herod sa sumunod na nangyari.Nagulat s
Nagsimulang muling sumigaw si Gerald habang sikretong napapaisip ang Old Master Stanford.“Naku naman! Hay*p na Derrick! Talagang naging bulag ang Old Master para ipakasal ka sa kaniyang anak. Makikidlatan ka at ma-trahedyang mamamatay…”Matalim din ang tingin ni Selina kay Darryl at hindi nito maitago ang pagkamuhi at galit sa kaniyang mga mata.‘Hay*p!’Nang sandaling iyon, naghandang umalis si Darryl kasama si Dmitry at ang iba pa. Halos hindi nila kayanin ang ginawang pagsigaw ni Gerald.‘Nawawala na ba siya sa kaniyang sarili? Nagsimula lamang siyang sumigaw habang walang kaalam-alam.’Napaisip si Darryl sa kaniyang sarili, kumuha siya ng basahan sa labas ng pinto at dali-daling lumapit para isungalngal ito sa bibig ni Gerald.Sob…Sandaling napatitig si Gerald habang nanlaki ang kaniyang mga mata at namula ang pisngi, sinubukan niyang magsalita. Pagtapos ay halos sumabog siya sa galit.‘Hay*p. Mas lalong lumalakas ang loob ni Derrick. Ang kapal naman ng mukha niya para i