Nanginig sa galit ang Old Master Stanford at tinuro niya si Herod. “Ikaw… Maayos ang katayuan mo, Heord Houllier. Hindi ka ba natatakot maging katatawanan dahil sa paggamit sa mahinang babae bialng panakot? Pakawalan mo siya ngayon.”Matanda na siya nang maging anak niya ang babae at walang hanggan ang pagmamahal niya rito. Paano niya mapipigilan ang kaniyang galit kung nakita niyang tinatakot ni Herod si Selina gamit ang patalim?Tinatag ng Old Master Stanford si Selina nang magsalita siya. “Huwag kang mag-alala, Selina! Nandito ako!”Lubhang mas malakas si Selina kumpara sa inaasahan. Walang kaba na makikita sa kaniyang mukha. Sa halip, hindi makatotohanan ang pagiging kalmado niya.Kinausap niya ang Old Master Stanford. “Huwag kang mag-alala sa akin, Ama. Isa pa, hindi na rin namana ko magtatagal sa mundo dahil sa sakit ko. Hayaan mong patayin nila ako kung gusto nila. Wala tayong ibibigay na pagmamay-ari ng Stanfords sa mga gungong na ito.”Sigh…Hindi kalmdo ang Old Master S
Malamig ang naging tingin ni Herod nang kumalat sa hangin ang huling salita.Talagang binalak niyang mag-massacre ngayong gabi. Isa pa, walang pakialam ang Stanfords sa walang kwenta nialng manugang. Siya ang unang mamamatay.Napunit ang damit ni Darryl at nakita ang dibdib nito. Kinuha ng isa sa mga miyembro ng Snow Wolf Mountain ang mahabang espada at mabilis na naglakad.‘Naku po!’Takot na takot si Darryl sa naging pangyayari. Namuo ang pawis sa kaniyang noo at nagsalita siya. “Pakiusap, tumigil ka. Mali ang nakuha ninyong lalake. Hindi ako manugang ng Stanfords.”Narinig ang mga sinabi nito, nagsimulang sumigaw ang lahat kabilang na ang Old Master Stanford at ang mga nakapalibot na miyembro ng Stanford dahil sag alit.‘Talagang kakaiba si Derrick, kung ano-anong walang kabuluhan pa rin ang sinasabi nito.Ang mas nakakagalit pa ay nang mahuli si Selina, at wala siyang balak mag-isip kung paano ito ililigtas bilang fiancé ng babae. Sa halip, sinubukan niya ang lahat ng kaniya
Hindi mapigilang sumigaw nang pagalit ni Gerald kay Darryl. “Isa kang walang hiyang traydor, Derrick Darby! Naging mabait sa’yo ang Old Master Stanford. Sino ka para tumalikod at tulungan ang ma banditong ito sa ganitong sitwasyon?”“Dapat ay binali na namin ang iyong binti nang makita ka namin.”Nanginig sa galit si Selina nang sumigaw siya sa Old Master Stanford. “Ama! Mas gugustuhin kong mamatay kaysa ang makasama ang isang hay*p na traydor tulad niya! Kanselahin niyo ang kasal bukas…”Galit na galit din ang Old Master Stanford. Nandilim ang gilid ng kaniyang paningin sa mga sinabi ng kaniyang anak, halos mahimatay siya.Talagang lubusan siyang nabigo. Akala niya’y magkakaroon ng swerte ang kaniyang anak kapag ipinakasal niya ito, iyon pala’y walang kahit katiting na dangal ang lalake. Halos kaagad siyang tumiklop sa kaunting pananakot ng mga bandito.Paano magbibigay ng paliwanag ang Old Master Stanford sa kaniyang mga ninuno tungkol sa bagay na iyon kapag pumanaw siya?Napab
”Naku naman!”Mabilis lumipas ang kalahating oras at naubos ang pasensya ni Herod nang makita niyang hindi pa rin sila dinadala ni Darryl sa kuwartong mayroong kayamanan.Sumigaw siya. “Alam mo ba talaga kung nasaan ang kayamanan? Oh niloloko mo lang ako?”Uhh…Napakamot ng ulo si Darryl, takot na takot ang ekspresyon nito.“Hindi, siyempre ay hindi. Madilim na at malaki ang bahay ng Stanford. Tatlong araw palang akong nandito kaya hindi ko talaga alam ang hitsura ng lugar.“Huwag kang mag-alala! Ipinakita sa akin ng Old Master Stanford ang mga kayamanan noong nakaraang araw at alam ko kung saang kuwarto ito nakatago. Sigurado akong mahahanap ko iyon.”Bahagyang lumamig ang ekspresyon ni Herod nang marinig niya ang paliwanag ni Darryl. Subalit walang pasensya siyang sumigaw. “Bilisan mo na kung ganoon! Huwag mong sayangin ang oras ko.”“Oo, sige!”Dali-daling sumagot si Darryl, muli niyang inikot sa buong bahay ang mga ito.Mabilis nilang narating ang altar ng Stanford. Tumig
Hay*p!Base sa ekspresyon ni Herod, mukha siyang sasabog. Tinuro niya si Darryl at sumigaw. “Mukhang gusto mong mamatay! Pabagsakin siya at baliin ang kaniyang binti!”Sinong magtatangkang bastusin ang makapangyarihang pinuno ng Snow Wolf Mountain? Paano siya mabubuhay nang ganoon, ang maliitin ng mababang manugang?Kalagitnaan ng kaniyang galit, kinuha niya ang mahabang espada at sumugod sa direksyon ni Darryl.Kasabay noon ay sumugod din ang mga lalakeng nasa kaniyang likuran.Hahaha!Nakangiti lang si Darryl nang maramdaman niya ang galit ni Herod, hindi niya ito kinatakutan kahit kaunti habang nanatili siyang nakatayo roon.Isang biro ang isiping nahulog sa patibong ni Darryl si Herod, ang makapangyarihang kapitan ng grupo ng mga bandito.“Naku naman! Kahit anong mangyari, papatayin kita ngayong araw!”Sumigaw siya ng malakas at binilisan ang kaniyang kilos, naghanda siyang saksakin si Darryl at pagpirasuhin ito.Sobrang nagulat si Herod sa sumunod na nangyari.Nagulat s
Nagsimulang muling sumigaw si Gerald habang sikretong napapaisip ang Old Master Stanford.“Naku naman! Hay*p na Derrick! Talagang naging bulag ang Old Master para ipakasal ka sa kaniyang anak. Makikidlatan ka at ma-trahedyang mamamatay…”Matalim din ang tingin ni Selina kay Darryl at hindi nito maitago ang pagkamuhi at galit sa kaniyang mga mata.‘Hay*p!’Nang sandaling iyon, naghandang umalis si Darryl kasama si Dmitry at ang iba pa. Halos hindi nila kayanin ang ginawang pagsigaw ni Gerald.‘Nawawala na ba siya sa kaniyang sarili? Nagsimula lamang siyang sumigaw habang walang kaalam-alam.’Napaisip si Darryl sa kaniyang sarili, kumuha siya ng basahan sa labas ng pinto at dali-daling lumapit para isungalngal ito sa bibig ni Gerald.Sob…Sandaling napatitig si Gerald habang nanlaki ang kaniyang mga mata at namula ang pisngi, sinubukan niyang magsalita. Pagtapos ay halos sumabog siya sa galit.‘Hay*p. Mas lalong lumalakas ang loob ni Derrick. Ang kapal naman ng mukha niya para i
’Uh…’Walang masabi si Darryl. ‘Napakatigas ng ulo ng pinakamatandang anak na babae ng Stanfords!’Hindi pinansin ni Darryl ang sinabi ni Selina at tinanggal niya ang pagkakatali sa Old Master Stanford. Sa halip ay natawa siya at nagsalita. “Maayos na ang lahat ngayon, Old Master Stanford.”“Maayos na ang lahat?”Nagkatinginan ang lahat kasama ang Old Master Stanford.‘Anong ibig niyang sabihin sa maayos ang lahat? Hindi ba’t kinukuha ng mga bandito ng Snow Wolf Mountain ang kanilang mga kayamanan?’Hindi napigilang magtanong ng Old Master Stanford. “Anong nangyayari, Derrick? Sabihin mo sa akin, nasaan si Herod at ang kaniyang mga tauhan?”Gumaan ang loob ni Darryl at bahagyang natawa. “Ikinulong ko si Herod at ang kaniyang mga tauhan sa ancestral hall. Ngayon ay wala na silang magagawang masama. Old Master Stanford, maaari kayong mag-file ng report mamaya tungkol dito.”‘Huh? Nakakulong sa ancestral hall sina Herod?’Bahagyang huminga ng malalim ng gulat ang lahat.Nagulat
Kahit na nakaramdam ng inis si Darryl ay hindi ito nagalit. Sa halip. Bumungisngis at tumingin siya kay Selina.“Mabilis ka mag-isip, Young miss, pero iyon nga lang ay mali ka.”TIningnan niya ang Old Master Stanford at nagdagdag. “Naging mabuti sa akin ang Old Master Stanford. Paano ko naman pagtataksilan ang mga Stanford?”‘Dapat kong ipagpatuloy ang katauhan ko sa ngayon dahil pinapaniwalaan naman nilang ako si Derrick.’Haha…Puno ng pagkamuhing suminghal si Selina habang nakatingin siya kay Darryl. “Sinasabi mo bang nagkamali kami sa pagkakakilala sa’yo?”“Siyempre!” Malakas na tumango si Darryl.Suminghal si Selina, pinili niyang hindi pansinin ang lalake.Ayaw din magsayang ng hininga ni Darryl at nakangiti itong nagsalita. “Bakit hindi tayo magpustahan? Kapag hindi pala totoo ang sinabi natin ay maaari ninyo akong parusahan. Pero kapag totoo naman ang mga sinabi ko, papayag kang maging asawa ko, Young Miss. Ano sa tingin niyo?”Ayaw sanang maging seryoso ni Darryl tung