Share

Kabanata 322

Malinaw naman ang gustong iparating ni Kingston.

Na kahit na may alam si Darryl sa pag aapraise ng mga antique, si Matt pa rin ang mas kapani-paniwala dahil hindi naman ito magiging apprentice ng isang sikat na antique appraisal master kung hindi ito magaling....

Lahat ay sumang-ayon kay Kingston na si Matt ang magaling.

Sikat si Master Simon Joe sa buong bansa, kaya nga siya tinawag na antique appraisal master. Maraming beses na rin itong nafeature sa mga atique magazine, kasama na si Matt, bilang apprentice nito.

Kaya hindi pwedeng magkamali si Matt - authentic ang Tiger Roar Mountain.

Sa hiya ni Lily, hinila niya si Darryl at binulungan, "Dear, ano ba yang mga sinasabi mo?"

Kilala ang pamilya ng mga Young sa buong Donghai City dahil sa negosyo nitong mga antique, at dahil naniniwala si Kingston na authentic ang painting, sa tingin ni Lily ay malaking gulo ang pinapasok ng asawa niya.

Maging si Yvonne ay hindi rin mapakali. "Darryl, sinasabi mo bang peke ang painting na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status