Napabuntong hininga nalang si Darryl. 'Mukhang may alam naman talaga si Miss Isabella, pero sobrang tigas ng ulo niya.' Mabilis na lumipas ang oras. Isang oras lang ang kumpetisyon at halos limampung minuto na ang lumilipas kaya mahigit kalahati na sa mga contestant ang tapos na. Bang! Isang malakas na tunog ang gumulat sa lahat... Ito ay mula sa kaldero ni Isabella na sinundan pa ng sobrang tapang na amoy sunog. Sunog na sunog ang kaldero at walang elixir na nagawa. 'Bakit?! Saan ako nagkamali?!!' Sobrang namutla si Isabella. 'Anong nangyari?' Ilang beses na siyang nakakagawa ng Energy Enhancer Pill, at kahit kailan, hindi naman siya nagkaroon ng problema kaya hindi niya maisip kung saan siya nagkamali. Siguro yun na ang karma sa mga taong hindi marunong makinig sa iba. Napabuntong hininga nalang si Darryl at sinabi, "Miss Isabella, sinabi ko na sainyo diba? Importante ang pagbabalanse ng init sa mga ganitong klase ng kaldero, pero hindi ka nakinig" Iiyak na sa
Sino ba namang ayaw na maging maganda at mukhang bata habang buhay? Sinasabi na ang Timeless Beauty Pill ay pinapatigil ang pagtanda ng isang tao, kaya naman gustong-gusto ng mga babae namakuha ang pill. "Tignan mo! Tignan mo yung langit!" Sigaw ng isa sa mga manunuod kaya nagtingin naman ang iba pa Isang makulimlim na ulap ang nabuo sa ibabaw ng ulo ng isang contestant. Ang contestant na yun ay si Chuck ng Shaolin Family at ang ulap sa ibabaw niya ay tinatawag na Elixir Cloud! Isa lang ang ibig sabihin nito.... Ang elixir na ginawa ni Chuck ay nagustuhan ng Elixir Cloud! Biglang nagkagulo ang lahat. Ang pagkukultivate ay labag sa batas ng kalikasan, at ang elixir ay labag naman sa kagustuhan ng Diyos kaya kapag may nakabuo ng isang sobrang kakaibang elixir, gumagawa ito ng mga natural phenomena. Isang natural phenomena ang Elixir Cloud pero hindi dun natatapos ang lahat dahil kapag sobrang kakaiba at makapagyarihan ng elixir na nagawa, tumatawag din ito ng mga kidlat, at a
Biglang natahimik ang buong Neptune Mall. Talagang sa ulo ni Darryl nakatapat ang tatlong pulang Elixir Cloud! Ang kaninang mga nagtatawanang mga tao ay biglang napatulala kay Darryl. Wala ni isa sakanila ang makapagsalita! Pa... paano nangyari yun? 'Tatlong Elixir Clouds?! Halos ten minutes palang na gumagawa si Darryl at baka nga hindi pa nabubuo yung pill na ginagawa niya, pero nakapag palabas na siya ng Elixir Cloud?! At hindi lang isa, kundi tatlo!' Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Isabella sa magkahalong gulat at saya na nararadaman niya. Sobrang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya! Lumabas labas na mas magaling pa pala sakanya ang estudyante niya! Maging si Megan ay gulat na gulat din habang nakatitig kay Darryl. Alam niya na marunong talagang gumawa si Darryl ng pills pero hindi niya naman naisip na ganun pala kagaling! Kahit si Chuck ng Shaolin Family ay isangf Elixir Cloud lang ang napalabas! Pero si Darryl, tatlong elixir clouds! Maging ang mga hura
Oo, sobrang nagulat ang mga hurado noong nakapagpalabas si Darryl ng tatlong Elixir Clouds. Pero napagkasunduan nila na ang Heavenly Restoration Pill na ginawa ni Darryl ay iba sa mga sinasabi sa mga record. At lalo lang napagtibay ng iba pang mga hurado ang duda nila sa paliwanag ni Ophelia. Pinilit nilang paniwalaan na hindi naman imposibleng makagawa ng Heavenly Restoration Pill ang isang Elixir Assistant. Pero sa totoo lang, hindi talaga! Napakunot nalang ng noo si Darryl pero hindi siya sumagot. Imposibleng palpak ang ginawa niya! Nakasulat sa Infinite Elixir Manual kung paano gawin ang Heavenly Restoration Pill, at sinigurado siya na sinunod niya ang lahat. Samantalang si Isabella ay biglang nalungkot sa sinabi ni Ophelia dahil ang buong akala niya ay may pag asa na silang manalo. Paano naging palpal ang Heavenly Restoration Pill? Sobrang lungkot ni Isabella dahil kung kanina ay para siyang nasa cloud nine, ngayon naman ay para siyag binabaon sa lupa. At ang m
Pero napanatag na rin si Darryl na kahit papaano ay hindi siya sinisisi ni Isabella. 'Mabait talaga 'tong si Miss Monte...' Noong sandali ring yun, may naramdaman si Darryl na papalapit sakanya kaya lumingon siya. Nakita niya si Abbess Mother Serendipity na nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sakanya. Kaya bigla siyang napakunot ng noo. 'Anong nangyayari? Bakit ang sama ng tingin niya sakin? Ang pagkakaalam ko, sobrang elegante at hinhin ni Abbess Mother Serendipity kaya bakit ganyan siya makatingin sakin, na parang ang lalim ng pinanghuhugutan niyang galit sakin? Wala naman akong maalala na nagkaroon kami ng engkwentro noon..." Habang malalim ang iniisip ni Darryl, hindi niya na namalayan na natapos ng basahin ni Ophelia ang buong resulta ng kumpetisyon at nahimasmasan lang siya nang biglang tumayo si Abbess Mother Serendipity. Ramdam na ramdam ni Darryl sa mga mata nito ang sobra sobrang galit na para bang gusto siyang patayin nito anumang oras ngayon. Kanina pa n
Tinignan ni Ophelia si Darryl at nagpatuloy, "Kung may away kayong dalawa, pwede bang ayusin niyo yan ng pribado?" Bilang Chairladu ng Jiangnan Elixir Association, hindi niya papayayagan na may mga ganitong eksena. Pagkatapos magsalita, pinitik lang ni Opelia ang dulo ng espada. Ding! Biglang nawalan ng balanse si Abbess Mother Serendipity kaya napaatras siya ng ilang hakbang. "Miss Lane, masamang tao si Darryl. Pinagsamantalahan niya ang sarili niyang sister-in-law kaya siya itinakwil ng pamilya niya kaya nagagalit ako kasi para sakin, walang karapatan ang isang kagaya niya na tumungtong sa entablong 'to!" Galit na galit na sigaw ni Abbess Mother Serendipity. Muling nagkagulo ang lahat nang marinig ang sinabi ni Abbess Mother Serendipity at halos lahat ng mga ito ay dinuro-duro at pinagusapan si Darryl. "Grabe naman pala 'tong hampas lupa na 'to!" "Ginagawa ba yun ng matinong tao?" Noong sandaling yun, muling natawa ng malakas si Kent. "Kakaiba talaga yang Darryl na
Natawa si Ophelia nang marinig niya ang sagot ni Darryl, "Paano mo naman nasabing hindi palpak ang Heavenly Restoration Pill na ginawa mo?" "Hindi pa ako nagkamali kahit kailan sa paggawa ng kahit anong pill." Walang pagdadalawang isip na sagot ni Darryl. Paano naman siya magkakamali kung hawak niya ang Infinite Elixir Manual! Nakangiting tumungo si Ophelia. "Nakakatuwa ang lakas ng loob mo, bata. Alam mo ba na mula noong naging Chairlady ako ng Jiangnan Elixir Association, wala pang tumatanggi sa akin kagaya ng ginawa mo? Kahit na ang mga master sa paggawa ng pill at mga elder ng anim na sec ay sobrang galang sa akin, pero ikaw tinanggihan mo ang imbitasyon ko sayo sa Elixir Association?" Natawa si Darryl pero hindi siya sumagot.' 'Hindi ka naman mukhang mas matanda sa akin pero tinatawag mo akong bata?' Hindi nagtagal, muling ngumiti si Ophelia at mahinahong sinabi, "Bata, sa totoo lang, tama ang pagkakagawa mo sa pill at hindi ka pumalpak." Ano? Biglang kumunot ang n
Sa sobrang excited ni Darryl sa tawag ni Caelan, hindi siya makatulog. Itinakwil na ng Eternal Life Palace Sect ang Dixon Family! Si Timothy Dixon, ang padre de pamilya ng Dixon Family ay napatay sa ilalim ng plano ng Caelan, at ang apat nitong mga step son na sina Zephyr, Nimbus, Levin, at Volt, ay dinakip at kinulong sa hall ng palasyo ng Eternal Life Palace Sect. Ang mahigit tatlong daang sugat na ginawa ni Darryl kay Donoghue ay nadagdagan pa nang pinatalsikin ang Dixon Family sa Eternal Life Palace Sect. Ang hinihinala ng lahat ay namatay na si Donoghue pero walang nakakita ng katawan nito. Pero pinagpilitan ni Caelan na hindi na kakayanin ni Donoghue na makatakas sa sobrang lala ng mga injury nito. Bago matapos ang tawag, napabuntong hininga nalang si Caelen, "Master, sa tingin ko po malakas ang loob ng Dixon Family dahil marami silang pera na nakukuha sa prostitusyon at sugal. Nadiskubri ko na marami silang malalaking hotel, may mga sex trafficking, casino, at pang