Hindi makapagsalita si Darryl. Sa isip niya: 'Bwisit! Sumali kami ni Isabella sa Elixir Competition sa sarili lang namin. At wala kayong kinalaman dun kaya saan kayo kumukuha ng lakas ng loob para sabihin yang mga walang kwentang bagay na yan?' Tumayo si Daisy at lumapit kay Darryl. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at nangiinsultong sinabi, "Darryl, hindi ako makapaniwala na may lakas ka pa ng loob na pumunta dito. Kung ako ang estudyante ni Miss Monte na naging dahilan ng pagkatalo niya, mahihiya na siguro akong pumasok sa klase niya." Noong oras na yun, hindi na kinaya ni Dax na manahimik kaya bigla niyang hinampas ang lamesa at galit na galit na sinabi, "Ang dami niyong alam no? Kung sumali man sina Darryl at Isabella sa kumpetsisyon, labas na kayo dun!" Kaya biglang nanahimik ang buong klase. Pero walang balak na magpatalo si Declan kaya galit na galit din itong tumayo, "Dax, sinasabi lang namin ang totoo. Si Darryl nga hindi nagsasalita kasi tanggap niya, tapos i
Inabot ng lalaki ang kahon kay Isabella at nakangiting sinabi, "Pinapasabi ng Chairlady na ang team niyo ang totoong nanalo sa kumpetisyon kahapon. Nagkamali lang daw siya ng paghusga at sana ay mapatawad niyo raw po siya. Miss Monte, tanggapin niyo po ang reward niyo bilang totoong nanalo." Pagkatapos magsalita, umalis na rin kaagad ang lalaki. Samantalang si Isabella ay naiwan sa kinatatayuan niya ng tulala. Mali ang husga sa resulta kahapon?! Pero... Sampung minuto lang ginawa ni Darryl ang pill.... Hindi napigilan ni Isabella na tignan si Darryl nang may nanlalambot na katawan. Sa tagal niyang nagtuturo, ito lang ang unang pagkakataon na namangha siya sa estudyante niya! Maging ang mga kaklase ni Darryl ay natameme rin at gulat na gulat sa nangyari. 'Anong nangyayari? Si Darryl, yung hampas lupa, ang nanalo sa Elixir Competition?!!!' Ang kaninang maraming satsat na sina Daisy at Daphne ay halos hindi rin makapagsalita kaya napatingin nalang sila kay Darryl. Noong sand
Alas otso na ng gabi. Sobrang ganda talaga ng Donghai City tuwing gabi dahil sa magagandang ilaw na nakasindi kapag lumubog na ang araw. Dumating si Darryl sa villa na nakalagay sa invitation ni Circe. Nakatapat ang villa sa mga naglalakihang bundok samantalang isang magandang lawa naman ang nasa likod nito. Maganda ang paligid nito, yun nga lang ay medyo liblib ang lugar. Biglang kumunot ang noo ni Darryl at hindi niya napigilang magtanong, "Circe, bakit mo ako dinala dito? Diba ang sabi mo magpapatulong ka lang na gumawa ng pill para sa kaibigan mo?" Sobrang ganda ni Circe, at bagay na bagay din dito ang itim nitong bistida. Ngumiti si Circe kay Darryl at mahinhin na sumagot, "Kasi nandito ang kaibigan ko. May gathering kasi kami ngayon ng mga bestfriend ko at binili ko ang villa na 'to kahapon para may matambayan kami ng mga kaibigan ko at wala kaming problema na may maiistorbo kami kasi liblib yung lugar. Jusko! Anak mayaman si Circe dahil galing ito sa isa sa pinaka
Hindi naman sa nagpapaawa si Darryl pero gusto niya lang ipaliwanag na wala talaga siyang kasalanan. "Sa totoo lang, wala naman talaga akong intensyon na..." "Shut up!" Galit na galit si Evelyn at walang paawat niyang sinugatan si Darryl. Sa isip niya: 'Tama lang 'to sayo Darryl dahil walang hiya ka. Nakita mo na ang lahat sa akin noong videocall tapos ngayon magpapanggap ka pang inosente? Manyakis kang lalaki ka!' Pero hindi niya naman mailabas dahil nandoon ang mga kaibigan niya at wala siyang balak na ipaalam sa mga ito ang nangyari. Nang makita ni Circe ang nangyari, gulat na gulat itong nagtanong, "Evelyn, magkakilala ba kayo? Anong ginagawa mo?" "Circe, paano ko naman makikilala 'tong g*gong to?" Sagot ni Evelyn. G*go? Ngumiti rin si Darryl at sinabi ng may seryosong tono, "Hindi, hindi kami magkakilala..." Tinignan ng masama ni Evelyn si Darryl at naiiritang nagtanong kay Circe, "Bakit mo ba kasi dinala yang lalaking yan dito?" Ngumiti si Circe at mahinahong su
Dinabog ni Evelyn ang paa niya at naiinis na sinabi, "Anong gusto mo? Magmakaawa ako sayo? Mangarp ka!" Hmph. "Hindi naman na mahalaga yun, maghanap kla nalang ng ibang gagawa sayo ng pill. Mauna na ako." Dire-diretsong naglakad si Darryl palabas ng villa pero noong malapit na siya sa pintuan, bigla siyang pinigilan ni Circe. "Darryl, wag ka ng magalit. Kailangan talagga ni Evelyn ang pill na 'to." Pagmamakaawa ni Circe. Natawa si Darryl dahil kabisado niya kung paano sosolusyunan ang problema ni Evelyn. Alam niya na dahil sobra sobra ang Yin energy at kulang naman ang Yang energy nito kaya grabe mag dysmenorrhea si Evelyn, at ang Yang Pill lang ang solusyon sa problema nito. Sinusubukan niya lang ito pero noong hindi ito umimik, nawalan siya ng gana at napagdesisyunan niyang umalis nalang. "Nagmamakaawa ako para sa kaibigan ko, okay lang ba?" Sobrang kinabahan si Circe noong nakita niyang desididong umalis si Darryl kaya nagmakaawa siua, "Parang awa mo na, nagmamakaawa a
Ang unang pill ay ang Yang Phil na kakailanganin ni Evelyn, at ang dalawa pang pill ay ang tinatawag na Mixture Pill at Blooming Pill galing dun sa mga inredients na kinuha niya kanina. Ang dalawang pill na yun ay matatawag na kakaiba at espesyal. Habang masayabang sinisilip ni Darryl ang mga pill sa bulsa niya, may naramdaman siyang malakas na enerhiya kaya dali-dali siyang lumingon at laking gulat niya sa tumambad sakanya. Isang maliit na kalbong monk, na base sa tantsa niya ay nasa 1.5m lang ang tangkad ang naglalakad papalapit sakanya. Mukhang mainit ang ulo ito at kitang kita ang prominenteng itim na Scorpio sa kalbo ang nakatattoo sa kalbo nitong anit. Ano? Tattoo sa anit? Kahit na nakakatawa ang itsura nito, lamang pa rin ang enerhiya nito na ramdam na ramdam niya kaya sigurado siyang hindi ito ordinaryong tao. "Sino ka?" Tanong ni Darryl habang nakatitig sa lalaki ng ilang segundo. Halata sa aura ng lalaki na isa itong high ranking cultivator. 'Isa ba 'to sa mga sec
Sa Elysian Island. Ngayong araw, medyo mas buhay ang aura ng isla dahil sa mga maliliwanag na ilaw. Gising si Darryl noong dinala siya dito ng monk pero dahil pinindot nito ang acupoint niya, hindi siya makagalaw o makapag salita. Nalaman na ba ng Cult Master ang tungkol sa pag'akyat ng Nine Dragons mastery? O nalaman na ng Cult Master ang relasyon niya sa kabit nito? Hay nako! Nakakabaliw naman 'to! Binuhat ng monk si Darryl habang nagtatago na wag silang mahuli ng mga nagpapatrol bago ito kumatok ng dahan-dahan sa isang pinto. Ito.... Hindi ba ito... ang kwarto ng kabit ng Cult Master? 'Cult Mistress, nandito na po siya." Magalang na pag report ng monk. "Pasok." Isang mahinahong boses ang sumagot mula sa loob ng kwarto, Dinala ng monk si Darryl papasok sa kwarto at inilaglag siya sa sahig saka ito umalis. 'Bwisit! Hindi mo ba ako mailapag ng medyo mas dahan-dahan?' Sabi ni Darryl sa sarili niya dahil kanina pa siya binabalbag ng monk na ito. Nagtingin-tingi
'Inlove ba siya sakin?' Tanong ni Darryl sa isip niya. "Oo naman, hindi ko nakakalimutan ang misyon na binigay mo sa akin. Pumasok ako sa Hexad School bilang estudyante at naghihitay lang ako ng tamang panahon." Bakit ba kasi sobrang hirap na magnakaw sa principal? Ni hindi manlang niya nakita ang Cult Master kahit nasa iisang isla nalang sila! "Umaasa ako na may maririnig akong magandang balita mula sayo." Paulot ulit na tumungo si Darryl pero biglang bumagsak ang istura niya, "Cult Mistressm hindi po madali ang misyon na pinapagawa niyo. Alam niyo po ba kung ilang beses na po akong sumubok na pumasok sa principal's office? Pero wala po talaga akong napapala. Noong huling beses ko nga pong sinubukan, nahuli ako ng security guard at muntik pa akong mamatay sa bugbog! Nandito pa nga po yung mga sugat na natamo ko oh." "Ang talino ko talaga. Sigurado ako na makukuha ko siya sa drama ko na 'to. Kagaya ng inaasahan, nabakas sa mukha ni Monica ang panic at dali-dali itong lumapi