Kumaway ang Cult Master at naglakad papunta sa kama at umupo dito. "Bigla akong nagising at natakot ako kaya pinuntahan kita. Haha!" Mula noong makasal si Monica sa Cult Master, wala itong ginwa kundi ang alagaan at mahalin siya. Ibinibigay nito ang lahat ng gusto niya wag lang ang pakikipag siping kaya lahat ng mga tagapaglingkod ay sobrang nirerespeto siya kagaya ng pagrespeto ng mga ito sa Cult Master dahil kapag nahuli ang mga ito na binabastos siya ay mapaparusahan na pwede pang umabot sa death penalty. Pero kabaliktaran ang nararamdaman ni Monica sa Cult Master dahil hindi talaga siya masaya mula noong pinakasalanan siya nito at nakulong sa isla. Kumuha si Monica ng isang tasa ng tsaa para sa Cult Master, pero bago niya ito ibigay ay dahan-dahan niya muna tong hinipan kasabay ng isang tanong, "Gusto ko lang sanang malaman kung paano kita napapasaya?" Tinapik ng Cult Master ang bakanteng pwesto sa tabi niya bilang senyales na umupo doon si Monica, at saka siya nakangiting
'Hindi ba yun yung pinapanakaw sa akin ng Cult Mistress?' Gulat na gulat si Monica at halos luluwa na nag mga mata niya habang nakatitig sa Cult Master. "Ano?" Ang Supreme Mystery Scripture ay ang librong pinapangarap ng lahat ng mga cultivator. Mayroong 7 volume ang set nito at iba-iba ang kulay ng bawat libro - pula, kahel, dilaw, berde, asul, indigo, at ube. Ayon sa mga pamahiin, may isang malaking sikreto raw na nakatago sa pitong libro na 'to. At kapag nakumpleto raw ang pitong libro, malalaman ng may-ari ang sikreto na pwedeng magbigay sakanya ng pambihirang lakas na wala sinuman ang pwedeng makapantay. "My dear, sino ba namang ayaw ng binigay nila? Pero ang pinagtataka ko lang ay bakit parang biglang sobrang bait nila sayo para ibigay nila yun sayo?" Nagaalalang tanong ni Monica. Ngumiti lang ang Cult Master at kalmadong sinabi, "Wag ka ng magalala, darling. Hindi ko rin alam kung anong gusto nilang mangyari pero baka tanggapin ko nalang ang binigay nila ng walang
Kinabukasan, buhay na buhay ang isla ng Heaven Cult! Marami ring mga cultivator mula sa ibang mga lugar ang pumunta para makicelebrate ng kaarawan ng Cult Master. Ang Heaven Cult ay isang napakla makapangyarihang kulto, kaya maraming makakapangyarihang tao ang gustong panatilihin ang relasyon nila sa kultong ito. Mahigit isnag daang lamesa ang nakalatag sa main hall, pero napuno rin yun kaagad ng mga high-ranking cult na galing sa iba't-ibang lugar. Nakapwesto ang Dragon Throne sa pinaka gitna ng hall kaya kitang kita ng lahat ang Cult Master na mukha talagang makapangyarihan, samantalang nakaupo naman sa tabi nito ay ang Cult Mistress. Nakasuot si Monica ng long gown na kulay ube, at agaw pansin ang kagandahan niya. Si Darryl ang tinatawag na Elder Master kaya ang posisyon niya ay sumunod sa Cult Master at Cult Mistress. Nakaupo siya sa ibaba ng dalawa. Sa ibaba naman ni Darryl ay ang Apat na Guardian Kings. Ito ang kauna-unahang beses na nakita ni Darryl na kumpleto
'Ito ang pinaka matataas na spiritual pills, saan niya 'to nakuha?!' Sobrang saya ng Cult Master sa natanggap niya, "Haha! Ang galing galing! Sobrang maalalahinin mo talaga, Elder Master!" Sobrang espesyal ng dalawang pill! Nakangiti lang si Darryl, pero sa loob-loob niya ay sobrang nasasaktan siya kasi siya mismo ang gumawa ng mga pill na yun at sobrang espesyal pa ng mga ingredient na ginamit niya. Kung wala siguro yung mga espesyal na herbs sa villa ni Circe, malamang hindi niya magagawa ang mga pill na 'to. Pero wala naman siyang magagawa dahil kaarawan ngayon ng Cult Maste, lalo na at alam niyang kailangan niyang magpasikat sa Cult Master para magustuhan siya nito lalo. Pagkatapos niyang ibigay ang mga pill, sabay-sabay naman silang nag toast. Sa sobrang saya ng Cult Master, tinanggap niya ang lahat ng mga pinapainom sakanya. Maging si Monica ay naparami rin ng inom dahil minsan lang naman ito mangyari. Pagkalipas ng tatlong rounds.. Tinanong ng Cult Master si Monica,
Bakas sa mukha ng Cult Master ang lungkot nang tignan niya ng malapitan at pagkumparahin ang tatlo at sinabi, “ang volume na ito ay ipinadala sa akin ng Eternal Life Palace Sect. ano ang mali dito?” Maliban sa kulay nito, mukhang magkakamukha silang tatlo. Ngumiti si Darryl at nagpatuloy, “Maari ko bang tignan ang yellow volume?” Samantala, may pagdududang iniabot ng Cult Master ang volume sa kanya. Pagkatapos tanggapin ang volume, hinawakan ni Darryl ang cover at hindi mapigilan tumawa ng malakas. Sinabi niya na mahusay ang pagkakagawa sa replica. Subalit, kapansin-pansin na bago ang papel na ginamit. Naramdaman ni Darryl na mayroong kaunting bukol sa baba ng cover page habang binubuklat niya ito. “Maaring may nakatago rito” pag-iisip nito. Maya-maya, biglaan niyang napunit ang libro! Punit! Lahat ng tao sa hall ay hindi makapaniwala sa nakita nila, at halos hindi na makahinga ang mga ito habang pinapanuod siya! “Ano!? Na…napunit niya ang libro!?” Hindi na nakap
Bwisit!Huminga ng malalim si Darryl. 'Haaaay, bakit ba kasi ako natatakot!' Noong sandali ring 'yun, may nilabas ang Cult Master. Laking gulat ni Darryl nang makita kung ano ito. Isa itong espadang kulay puti na may kakaibang mga pattern at kumukutitap kapag natatamaan ng ilaw. Sobrang kakaiba, at hindi maitatanggi na matatawag talaga itong piece of art! Bilang siya si Darryl, hindi niya napigilang magtanong, "Cult Master, ano po ito?" Ngumiti naman ang Cult Master at nagpaliwanag, "Ito ang tinatawag na Celestial Silkworm Armor. Ginawa ito ng isa sa ating mga sisipulo mahigit limang daang tao na ang nakakalipas. Gawa ito sa pinagsamang silk at metal kaya sobrang tibay nito. Kayang kaya ka nitong protektahan sa kahit anong sandata, at sigurado ako na kapag ginamit mo ito ay maliligtas ang buhay mo." Inabot ng Cult Master ang Celestial Silkwork Armor kay Darryl at sinabi, "Ingatan mo 'to."Puno ng galak at pasasalamat namang tinanggap ni Darryl ang regalo ng Cult Master.
Kinaumagahan, mahimbing na natutulog si Darryl habang nakayakap sakanya si Monica at kahit sinong lalaki ay sobrang magseselos. Kagabi, lasing na lasing si Monica kaya hindi niya pinaalis si Darryl, at wala ng nagawa si Darryl kundi ang matulog nalang sa tabi nito. Walang nangyari sakanila kagabi dahil lasing na lasing si Monica at pagod naman si Darryl kaya nagyakapan lang sila. Ding! Isang malakas na tunog ang gumising sakanyang mahimbing na magkakatulog. 'Hay.... Sino bang tatawag ng ganito kaaga?' Nang silipin ni Darryl kung sino ang tumatawag, biglang kumunot ang noo niya. "Bwisit naman. Anim na six ang dulo ng number niya... Ibig sabihin, hindi basta-basta ang taong 'to." Sabi niya sa sarili niya bago niya sagutin ang tawag. Pagkasagot niya, isang pamilyar na boses ang sumalubong sakanya. "Darryl, nasaan ka?" Ang taong tumawag ay ang kanyang tito na si Drake Darby, ang nagiisang anak na lalaki ng Darby Family. Ang kaninang antok na antok pa ay biglang nagisi
Kumpara sa mga ordinaryong araw, medyo mas busy ngayon ang Donghai City First Hospital, lalo na ang second floor na punong-puno ng mga tao, kasama na ang mga Darby at iba pang mayayamang pamilya. Ang balita na sobrang dumurog sa puso ng marami ay kumalat sa mga balita kahapon. Aminin man o sa hindi, si Old Master Darby ang isa sa pinaka importanteng tao sa Donghai City, kay noong oras na lumabas sa balita ang tungkol sa sakit nito, nagdagsaan na ang iba't-ibang pamilya para dumalaw. Totoo ang balita. May sakit nga si old Master Darby. Nadiagnose siya ng acute leukemia, at lahat ng mga bumisita sakanya ay sobrang lungkot at medyo naguguluhan. Alam ng lahat na isang high ranking cultivator si Old Master Darby, at umabot din ito sa pagigng Martial Marquis,kata maano ito nagka leukemia? Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na kapag isa kang cultivator ay di hamak na mas malakas ang katawan mo kumpara sa mga ordinaryong tao, at kapag mas nappractice ang pagkcucultivate, lalong lumalakas