'Ito ang pinaka matataas na spiritual pills, saan niya 'to nakuha?!' Sobrang saya ng Cult Master sa natanggap niya, "Haha! Ang galing galing! Sobrang maalalahinin mo talaga, Elder Master!" Sobrang espesyal ng dalawang pill! Nakangiti lang si Darryl, pero sa loob-loob niya ay sobrang nasasaktan siya kasi siya mismo ang gumawa ng mga pill na yun at sobrang espesyal pa ng mga ingredient na ginamit niya. Kung wala siguro yung mga espesyal na herbs sa villa ni Circe, malamang hindi niya magagawa ang mga pill na 'to. Pero wala naman siyang magagawa dahil kaarawan ngayon ng Cult Maste, lalo na at alam niyang kailangan niyang magpasikat sa Cult Master para magustuhan siya nito lalo. Pagkatapos niyang ibigay ang mga pill, sabay-sabay naman silang nag toast. Sa sobrang saya ng Cult Master, tinanggap niya ang lahat ng mga pinapainom sakanya. Maging si Monica ay naparami rin ng inom dahil minsan lang naman ito mangyari. Pagkalipas ng tatlong rounds.. Tinanong ng Cult Master si Monica,
Bakas sa mukha ng Cult Master ang lungkot nang tignan niya ng malapitan at pagkumparahin ang tatlo at sinabi, “ang volume na ito ay ipinadala sa akin ng Eternal Life Palace Sect. ano ang mali dito?” Maliban sa kulay nito, mukhang magkakamukha silang tatlo. Ngumiti si Darryl at nagpatuloy, “Maari ko bang tignan ang yellow volume?” Samantala, may pagdududang iniabot ng Cult Master ang volume sa kanya. Pagkatapos tanggapin ang volume, hinawakan ni Darryl ang cover at hindi mapigilan tumawa ng malakas. Sinabi niya na mahusay ang pagkakagawa sa replica. Subalit, kapansin-pansin na bago ang papel na ginamit. Naramdaman ni Darryl na mayroong kaunting bukol sa baba ng cover page habang binubuklat niya ito. “Maaring may nakatago rito” pag-iisip nito. Maya-maya, biglaan niyang napunit ang libro! Punit! Lahat ng tao sa hall ay hindi makapaniwala sa nakita nila, at halos hindi na makahinga ang mga ito habang pinapanuod siya! “Ano!? Na…napunit niya ang libro!?” Hindi na nakap
Bwisit!Huminga ng malalim si Darryl. 'Haaaay, bakit ba kasi ako natatakot!' Noong sandali ring 'yun, may nilabas ang Cult Master. Laking gulat ni Darryl nang makita kung ano ito. Isa itong espadang kulay puti na may kakaibang mga pattern at kumukutitap kapag natatamaan ng ilaw. Sobrang kakaiba, at hindi maitatanggi na matatawag talaga itong piece of art! Bilang siya si Darryl, hindi niya napigilang magtanong, "Cult Master, ano po ito?" Ngumiti naman ang Cult Master at nagpaliwanag, "Ito ang tinatawag na Celestial Silkworm Armor. Ginawa ito ng isa sa ating mga sisipulo mahigit limang daang tao na ang nakakalipas. Gawa ito sa pinagsamang silk at metal kaya sobrang tibay nito. Kayang kaya ka nitong protektahan sa kahit anong sandata, at sigurado ako na kapag ginamit mo ito ay maliligtas ang buhay mo." Inabot ng Cult Master ang Celestial Silkwork Armor kay Darryl at sinabi, "Ingatan mo 'to."Puno ng galak at pasasalamat namang tinanggap ni Darryl ang regalo ng Cult Master.
Kinaumagahan, mahimbing na natutulog si Darryl habang nakayakap sakanya si Monica at kahit sinong lalaki ay sobrang magseselos. Kagabi, lasing na lasing si Monica kaya hindi niya pinaalis si Darryl, at wala ng nagawa si Darryl kundi ang matulog nalang sa tabi nito. Walang nangyari sakanila kagabi dahil lasing na lasing si Monica at pagod naman si Darryl kaya nagyakapan lang sila. Ding! Isang malakas na tunog ang gumising sakanyang mahimbing na magkakatulog. 'Hay.... Sino bang tatawag ng ganito kaaga?' Nang silipin ni Darryl kung sino ang tumatawag, biglang kumunot ang noo niya. "Bwisit naman. Anim na six ang dulo ng number niya... Ibig sabihin, hindi basta-basta ang taong 'to." Sabi niya sa sarili niya bago niya sagutin ang tawag. Pagkasagot niya, isang pamilyar na boses ang sumalubong sakanya. "Darryl, nasaan ka?" Ang taong tumawag ay ang kanyang tito na si Drake Darby, ang nagiisang anak na lalaki ng Darby Family. Ang kaninang antok na antok pa ay biglang nagisi
Kumpara sa mga ordinaryong araw, medyo mas busy ngayon ang Donghai City First Hospital, lalo na ang second floor na punong-puno ng mga tao, kasama na ang mga Darby at iba pang mayayamang pamilya. Ang balita na sobrang dumurog sa puso ng marami ay kumalat sa mga balita kahapon. Aminin man o sa hindi, si Old Master Darby ang isa sa pinaka importanteng tao sa Donghai City, kay noong oras na lumabas sa balita ang tungkol sa sakit nito, nagdagsaan na ang iba't-ibang pamilya para dumalaw. Totoo ang balita. May sakit nga si old Master Darby. Nadiagnose siya ng acute leukemia, at lahat ng mga bumisita sakanya ay sobrang lungkot at medyo naguguluhan. Alam ng lahat na isang high ranking cultivator si Old Master Darby, at umabot din ito sa pagigng Martial Marquis,kata maano ito nagka leukemia? Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na kapag isa kang cultivator ay di hamak na mas malakas ang katawan mo kumpara sa mga ordinaryong tao, at kapag mas nappractice ang pagkcucultivate, lalong lumalakas
Alas tres na ng hapon nang may rumaragasang taxi ang huminto sa tapat ng Donghai City First Hospital at isang binata ang nagmamadaling lumabas dito at tumatakbong pumasok ng ospital. Noong matanggap niya ang tawag mula kay Drake, halo-halo ang naramdaman ni Darryl. Hindi niya alam kung gusto niya bang pumunta, dahil nandoon pa rin yung galit noong muntok nitong patayin ang tatay niya. Pero habang iniisip niya na konti nalang ang natitirang mga araw ng lolo niya, hindi niya na natiis at napagdesisyunan niya na nga itong bisitahin. Tandang-tanda niya pa na mula pagkabata ay mahal na mahal talaga siya nito kaya nga ito ang paborito niya sa lahat. Pagkarating niya, nagmamadali siyang dumiretso sa second floor at tumambad sakanya ang napakaraming bisita na karamihan pa ay mga pamilyar na mukha, Sa mga oras na yun, wala siya sa mood na makipagbatian. "Diba yan yung hampas lupa na itinakwil ng Drby Family?" Tanong ng isa pagkadaan niya. Pero para kay Darryl, parang wala siyang nar
Nagulat silang lahat. Napasimangot si Darryl dahil alam niyang hindi ito umaayos. “Kailangan ko i-clarify na ang bone marrow transplant ay isang high-risk procedure. Maaring mamamatay ang pasyente habang inooperahan. Kahit na hindi mataas ang chance na ito, posibleng mangyari ito. Kahit na hindi rin masyadong nakikitaan ang donor ng side effects, maaring mas mahina ang immune system nito pagkatapos ng transplant. Ang pinakaimportanteng bagay dito ay mas babagal ang proseso ng cultivation kumpara sa iba,” pagpapatuloy ni Shelly habang nakatingin sa buong ward. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Shelly, nagtinginan ang lahat. Mga mukhang naguguluhan ito at takot. Mukhang walang may gusto na magdonate ng bone marrow nila. Ang iba nga sa kanila ay umatras.Syempre, mga sakim na species ang mga tao. Pagkakita sa pagbabago ng mga mukha ng mga kasapi nito, pasikretong natawa si Darryl. Ang daming sinakripisyo ni Old Master Darby para sa pamilya niya. Ito ay hango nga sa kasabihan na wala
Halos gusto na ni Darryl tumawa. Wala naman sa kanya kung idodonate niya ang bone marrow niya pero mapanakit ang mga binitawang salita ng lolo niya. Pinili siya nito dahil nakakasama ito sa katawan at ayaw niyang mangyari ito kay Florian. Okay lang kung siya ang mapapahamak?“Tama ka lolo. Si Darryl dapat,” sabi ng isa.Nang biglang, tumango ang lahat.“Sakto, ang bastardong tulad niya ay may utang na loob sa pamilya kaya dapat siya!” “Ito na ang chance mo para tumanaw ng utang na loob sa pamilya.”Pagkarinig nito, hindi mapigilan ni Darryl na matawa.‘Haha! Ito pala yung tinatawag ko na pamilya! Nakita ko na ang tunay na kulay nila matagal na!’ Nasa isip nito.Samantalang, lumapit si Yumi kay Darryl. “Darryl, huwag ka ng malungkot. Isang karangalan ang maging donor. Ito na ang pagkakataon mo para makabawi, hindi ka ba dapat nagpapasalamat?”‘Makabawi? Para namang totoo ito!’ Iniisip ni Darryl. Huminga ng malalim si Darryl at tumawa, “Yumi, hindi mo na ako kailangan pilitan