Hindi naman sa nagpapaawa si Darryl pero gusto niya lang ipaliwanag na wala talaga siyang kasalanan. "Sa totoo lang, wala naman talaga akong intensyon na..." "Shut up!" Galit na galit si Evelyn at walang paawat niyang sinugatan si Darryl. Sa isip niya: 'Tama lang 'to sayo Darryl dahil walang hiya ka. Nakita mo na ang lahat sa akin noong videocall tapos ngayon magpapanggap ka pang inosente? Manyakis kang lalaki ka!' Pero hindi niya naman mailabas dahil nandoon ang mga kaibigan niya at wala siyang balak na ipaalam sa mga ito ang nangyari. Nang makita ni Circe ang nangyari, gulat na gulat itong nagtanong, "Evelyn, magkakilala ba kayo? Anong ginagawa mo?" "Circe, paano ko naman makikilala 'tong g*gong to?" Sagot ni Evelyn. G*go? Ngumiti rin si Darryl at sinabi ng may seryosong tono, "Hindi, hindi kami magkakilala..." Tinignan ng masama ni Evelyn si Darryl at naiiritang nagtanong kay Circe, "Bakit mo ba kasi dinala yang lalaking yan dito?" Ngumiti si Circe at mahinahong su
Dinabog ni Evelyn ang paa niya at naiinis na sinabi, "Anong gusto mo? Magmakaawa ako sayo? Mangarp ka!" Hmph. "Hindi naman na mahalaga yun, maghanap kla nalang ng ibang gagawa sayo ng pill. Mauna na ako." Dire-diretsong naglakad si Darryl palabas ng villa pero noong malapit na siya sa pintuan, bigla siyang pinigilan ni Circe. "Darryl, wag ka ng magalit. Kailangan talagga ni Evelyn ang pill na 'to." Pagmamakaawa ni Circe. Natawa si Darryl dahil kabisado niya kung paano sosolusyunan ang problema ni Evelyn. Alam niya na dahil sobra sobra ang Yin energy at kulang naman ang Yang energy nito kaya grabe mag dysmenorrhea si Evelyn, at ang Yang Pill lang ang solusyon sa problema nito. Sinusubukan niya lang ito pero noong hindi ito umimik, nawalan siya ng gana at napagdesisyunan niyang umalis nalang. "Nagmamakaawa ako para sa kaibigan ko, okay lang ba?" Sobrang kinabahan si Circe noong nakita niyang desididong umalis si Darryl kaya nagmakaawa siua, "Parang awa mo na, nagmamakaawa a
Ang unang pill ay ang Yang Phil na kakailanganin ni Evelyn, at ang dalawa pang pill ay ang tinatawag na Mixture Pill at Blooming Pill galing dun sa mga inredients na kinuha niya kanina. Ang dalawang pill na yun ay matatawag na kakaiba at espesyal. Habang masayabang sinisilip ni Darryl ang mga pill sa bulsa niya, may naramdaman siyang malakas na enerhiya kaya dali-dali siyang lumingon at laking gulat niya sa tumambad sakanya. Isang maliit na kalbong monk, na base sa tantsa niya ay nasa 1.5m lang ang tangkad ang naglalakad papalapit sakanya. Mukhang mainit ang ulo ito at kitang kita ang prominenteng itim na Scorpio sa kalbo ang nakatattoo sa kalbo nitong anit. Ano? Tattoo sa anit? Kahit na nakakatawa ang itsura nito, lamang pa rin ang enerhiya nito na ramdam na ramdam niya kaya sigurado siyang hindi ito ordinaryong tao. "Sino ka?" Tanong ni Darryl habang nakatitig sa lalaki ng ilang segundo. Halata sa aura ng lalaki na isa itong high ranking cultivator. 'Isa ba 'to sa mga sec
Sa Elysian Island. Ngayong araw, medyo mas buhay ang aura ng isla dahil sa mga maliliwanag na ilaw. Gising si Darryl noong dinala siya dito ng monk pero dahil pinindot nito ang acupoint niya, hindi siya makagalaw o makapag salita. Nalaman na ba ng Cult Master ang tungkol sa pag'akyat ng Nine Dragons mastery? O nalaman na ng Cult Master ang relasyon niya sa kabit nito? Hay nako! Nakakabaliw naman 'to! Binuhat ng monk si Darryl habang nagtatago na wag silang mahuli ng mga nagpapatrol bago ito kumatok ng dahan-dahan sa isang pinto. Ito.... Hindi ba ito... ang kwarto ng kabit ng Cult Master? 'Cult Mistress, nandito na po siya." Magalang na pag report ng monk. "Pasok." Isang mahinahong boses ang sumagot mula sa loob ng kwarto, Dinala ng monk si Darryl papasok sa kwarto at inilaglag siya sa sahig saka ito umalis. 'Bwisit! Hindi mo ba ako mailapag ng medyo mas dahan-dahan?' Sabi ni Darryl sa sarili niya dahil kanina pa siya binabalbag ng monk na ito. Nagtingin-tingi
'Inlove ba siya sakin?' Tanong ni Darryl sa isip niya. "Oo naman, hindi ko nakakalimutan ang misyon na binigay mo sa akin. Pumasok ako sa Hexad School bilang estudyante at naghihitay lang ako ng tamang panahon." Bakit ba kasi sobrang hirap na magnakaw sa principal? Ni hindi manlang niya nakita ang Cult Master kahit nasa iisang isla nalang sila! "Umaasa ako na may maririnig akong magandang balita mula sayo." Paulot ulit na tumungo si Darryl pero biglang bumagsak ang istura niya, "Cult Mistressm hindi po madali ang misyon na pinapagawa niyo. Alam niyo po ba kung ilang beses na po akong sumubok na pumasok sa principal's office? Pero wala po talaga akong napapala. Noong huling beses ko nga pong sinubukan, nahuli ako ng security guard at muntik pa akong mamatay sa bugbog! Nandito pa nga po yung mga sugat na natamo ko oh." "Ang talino ko talaga. Sigurado ako na makukuha ko siya sa drama ko na 'to. Kagaya ng inaasahan, nabakas sa mukha ni Monica ang panic at dali-dali itong lumapi
Kumaway ang Cult Master at naglakad papunta sa kama at umupo dito. "Bigla akong nagising at natakot ako kaya pinuntahan kita. Haha!" Mula noong makasal si Monica sa Cult Master, wala itong ginwa kundi ang alagaan at mahalin siya. Ibinibigay nito ang lahat ng gusto niya wag lang ang pakikipag siping kaya lahat ng mga tagapaglingkod ay sobrang nirerespeto siya kagaya ng pagrespeto ng mga ito sa Cult Master dahil kapag nahuli ang mga ito na binabastos siya ay mapaparusahan na pwede pang umabot sa death penalty. Pero kabaliktaran ang nararamdaman ni Monica sa Cult Master dahil hindi talaga siya masaya mula noong pinakasalanan siya nito at nakulong sa isla. Kumuha si Monica ng isang tasa ng tsaa para sa Cult Master, pero bago niya ito ibigay ay dahan-dahan niya muna tong hinipan kasabay ng isang tanong, "Gusto ko lang sanang malaman kung paano kita napapasaya?" Tinapik ng Cult Master ang bakanteng pwesto sa tabi niya bilang senyales na umupo doon si Monica, at saka siya nakangiting
'Hindi ba yun yung pinapanakaw sa akin ng Cult Mistress?' Gulat na gulat si Monica at halos luluwa na nag mga mata niya habang nakatitig sa Cult Master. "Ano?" Ang Supreme Mystery Scripture ay ang librong pinapangarap ng lahat ng mga cultivator. Mayroong 7 volume ang set nito at iba-iba ang kulay ng bawat libro - pula, kahel, dilaw, berde, asul, indigo, at ube. Ayon sa mga pamahiin, may isang malaking sikreto raw na nakatago sa pitong libro na 'to. At kapag nakumpleto raw ang pitong libro, malalaman ng may-ari ang sikreto na pwedeng magbigay sakanya ng pambihirang lakas na wala sinuman ang pwedeng makapantay. "My dear, sino ba namang ayaw ng binigay nila? Pero ang pinagtataka ko lang ay bakit parang biglang sobrang bait nila sayo para ibigay nila yun sayo?" Nagaalalang tanong ni Monica. Ngumiti lang ang Cult Master at kalmadong sinabi, "Wag ka ng magalala, darling. Hindi ko rin alam kung anong gusto nilang mangyari pero baka tanggapin ko nalang ang binigay nila ng walang
Kinabukasan, buhay na buhay ang isla ng Heaven Cult! Marami ring mga cultivator mula sa ibang mga lugar ang pumunta para makicelebrate ng kaarawan ng Cult Master. Ang Heaven Cult ay isang napakla makapangyarihang kulto, kaya maraming makakapangyarihang tao ang gustong panatilihin ang relasyon nila sa kultong ito. Mahigit isnag daang lamesa ang nakalatag sa main hall, pero napuno rin yun kaagad ng mga high-ranking cult na galing sa iba't-ibang lugar. Nakapwesto ang Dragon Throne sa pinaka gitna ng hall kaya kitang kita ng lahat ang Cult Master na mukha talagang makapangyarihan, samantalang nakaupo naman sa tabi nito ay ang Cult Mistress. Nakasuot si Monica ng long gown na kulay ube, at agaw pansin ang kagandahan niya. Si Darryl ang tinatawag na Elder Master kaya ang posisyon niya ay sumunod sa Cult Master at Cult Mistress. Nakaupo siya sa ibaba ng dalawa. Sa ibaba naman ni Darryl ay ang Apat na Guardian Kings. Ito ang kauna-unahang beses na nakita ni Darryl na kumpleto