"Sa Neptune Mall." Sagot ni Isabella. Ang Neptune mall ay ang pinaka malaking mall sa Donghai City. Nasa Atlantic Street ito at sa sobrang laki nito ay kasya ang pito hanggang walang football fields sa loob nito. Gabi-gabi, may mga senior citizen na nagzuzumba 'dun, at ang mga kabataan naman ay nag sskateboard kaya hindi nawawalan ng mga tao sa mall na ito. Pagkarating nina Darryl at Isabella, marami ng tao sa Neptune Mall. Puno na rin ang parking lot ng mga mamahaling sasakyan. May isang malaking entablado at sa gitna 'nun ay may mga makukulay na bandila na may mga nakasulat na pangalan na Shaolin, Wudang, at Emei. Maraming pumunta sa Elixir Competition na galing sa iba't-ibang panig ng bansa para makita nila ang elixir production. Sa entablado, makikita ang maraming kaldero na gagamitin sa kumpetisyon. Ang mga kalderong ito ay gawa sa purong copper para mabilis uminit kaya ang dating dalawang oras ay magiging isa nalang para makabuo ng mga elixir. Sobrang dinagsa ng mg
Sa sobrang ganda ni Abbes Mother Seerendipity, halos lahat ng lalaki ay napatulala at napalunok ng mga laway nila. Kasalukuyang nakatira si Abess Mother Serendipity sa bahay ng mga Darby at noong inimbitahan siya ng mga organizer na maging isa sa mga hurado para sa Elixir Competition, hindi siya nagdalawang isip na pumayag. Pagkatapos, pinakilala rin ng host ang pang apat na hurado - ang vice chairman ng Jiangnan Elixir Association, na isang matandang lalaki. Pagkatapos, nagpatuloy ang host ng may abot-tengang ngiti. "At ngayon naman ay iwelcome natin ang ating pinaka huling hurado! Ang Chairlady ng Jiangnan Elixir Association, Ophelia Lane." Nandoon din ang chairlady ng Elixir Association! Lahat ng mga manunuod ay nakatutok sa entablado at nang lumabas na ang chairlady, nagsitayuan ang halos lahat para makita ang itsura nito. Maganda rin ito at bagay na bagay dito ang suot nitong pencil skirt na pinaresan ng isang simpleng blouse. Lalo pa itong gumanda dahil sa ngiti nit
Naikwento sakanya ng mga Darby na inatake raw ni Darryl ang mga kapatid nito kaya ito itinakwil ng pamilya nito. 'Ang lakas nga naman ng loob ng demonyong yan na sumali pa sa kumpetisyong 'to bilang assistant!' Sobrang nakakahiya 'to para sa management ng Elixir Competition! Napakuyumos ng kamay si Abbess Mother Serendipity sa sobrang galit. Gusto niyang patayin si Darryl! Siya ang panganay na anak ng Emei family kaya matapang siya at hindi niya kayang matiis na makakita ng isang taong kasing sama ng demonyo na kagaya ni Darryl! Maguumpisa na ang kumpitesyon at kung papatayin niya ngayon mismo si Darryl, masisira ang buong event. Kaya pinilit niyang magtimpi at kimkimin nalang sa loob niya ang galit na nararamdaman niya. "Okay! Contestants, lumapit na kayo sa kanya-kanya niyong mga kaldero." Magiliw na sabi ng host. Kagaya ng ibang mga contestant, sinundan ni Darryl si Isabella papunta sa kaldero na may nakasulat na number 13. Dinala ng mga staff ang mga materyales na
Napabuntong hininga nalang si Darryl. 'Mukhang may alam naman talaga si Miss Isabella, pero sobrang tigas ng ulo niya.' Mabilis na lumipas ang oras. Isang oras lang ang kumpetisyon at halos limampung minuto na ang lumilipas kaya mahigit kalahati na sa mga contestant ang tapos na. Bang! Isang malakas na tunog ang gumulat sa lahat... Ito ay mula sa kaldero ni Isabella na sinundan pa ng sobrang tapang na amoy sunog. Sunog na sunog ang kaldero at walang elixir na nagawa. 'Bakit?! Saan ako nagkamali?!!' Sobrang namutla si Isabella. 'Anong nangyari?' Ilang beses na siyang nakakagawa ng Energy Enhancer Pill, at kahit kailan, hindi naman siya nagkaroon ng problema kaya hindi niya maisip kung saan siya nagkamali. Siguro yun na ang karma sa mga taong hindi marunong makinig sa iba. Napabuntong hininga nalang si Darryl at sinabi, "Miss Isabella, sinabi ko na sainyo diba? Importante ang pagbabalanse ng init sa mga ganitong klase ng kaldero, pero hindi ka nakinig" Iiyak na sa
Sino ba namang ayaw na maging maganda at mukhang bata habang buhay? Sinasabi na ang Timeless Beauty Pill ay pinapatigil ang pagtanda ng isang tao, kaya naman gustong-gusto ng mga babae namakuha ang pill. "Tignan mo! Tignan mo yung langit!" Sigaw ng isa sa mga manunuod kaya nagtingin naman ang iba pa Isang makulimlim na ulap ang nabuo sa ibabaw ng ulo ng isang contestant. Ang contestant na yun ay si Chuck ng Shaolin Family at ang ulap sa ibabaw niya ay tinatawag na Elixir Cloud! Isa lang ang ibig sabihin nito.... Ang elixir na ginawa ni Chuck ay nagustuhan ng Elixir Cloud! Biglang nagkagulo ang lahat. Ang pagkukultivate ay labag sa batas ng kalikasan, at ang elixir ay labag naman sa kagustuhan ng Diyos kaya kapag may nakabuo ng isang sobrang kakaibang elixir, gumagawa ito ng mga natural phenomena. Isang natural phenomena ang Elixir Cloud pero hindi dun natatapos ang lahat dahil kapag sobrang kakaiba at makapagyarihan ng elixir na nagawa, tumatawag din ito ng mga kidlat, at a
Biglang natahimik ang buong Neptune Mall. Talagang sa ulo ni Darryl nakatapat ang tatlong pulang Elixir Cloud! Ang kaninang mga nagtatawanang mga tao ay biglang napatulala kay Darryl. Wala ni isa sakanila ang makapagsalita! Pa... paano nangyari yun? 'Tatlong Elixir Clouds?! Halos ten minutes palang na gumagawa si Darryl at baka nga hindi pa nabubuo yung pill na ginagawa niya, pero nakapag palabas na siya ng Elixir Cloud?! At hindi lang isa, kundi tatlo!' Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Isabella sa magkahalong gulat at saya na nararadaman niya. Sobrang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya! Lumabas labas na mas magaling pa pala sakanya ang estudyante niya! Maging si Megan ay gulat na gulat din habang nakatitig kay Darryl. Alam niya na marunong talagang gumawa si Darryl ng pills pero hindi niya naman naisip na ganun pala kagaling! Kahit si Chuck ng Shaolin Family ay isangf Elixir Cloud lang ang napalabas! Pero si Darryl, tatlong elixir clouds! Maging ang mga hura
Oo, sobrang nagulat ang mga hurado noong nakapagpalabas si Darryl ng tatlong Elixir Clouds. Pero napagkasunduan nila na ang Heavenly Restoration Pill na ginawa ni Darryl ay iba sa mga sinasabi sa mga record. At lalo lang napagtibay ng iba pang mga hurado ang duda nila sa paliwanag ni Ophelia. Pinilit nilang paniwalaan na hindi naman imposibleng makagawa ng Heavenly Restoration Pill ang isang Elixir Assistant. Pero sa totoo lang, hindi talaga! Napakunot nalang ng noo si Darryl pero hindi siya sumagot. Imposibleng palpak ang ginawa niya! Nakasulat sa Infinite Elixir Manual kung paano gawin ang Heavenly Restoration Pill, at sinigurado siya na sinunod niya ang lahat. Samantalang si Isabella ay biglang nalungkot sa sinabi ni Ophelia dahil ang buong akala niya ay may pag asa na silang manalo. Paano naging palpal ang Heavenly Restoration Pill? Sobrang lungkot ni Isabella dahil kung kanina ay para siyang nasa cloud nine, ngayon naman ay para siyag binabaon sa lupa. At ang m
Pero napanatag na rin si Darryl na kahit papaano ay hindi siya sinisisi ni Isabella. 'Mabait talaga 'tong si Miss Monte...' Noong sandali ring yun, may naramdaman si Darryl na papalapit sakanya kaya lumingon siya. Nakita niya si Abbess Mother Serendipity na nanlilisik ang mga mata habang nakatingin sakanya. Kaya bigla siyang napakunot ng noo. 'Anong nangyayari? Bakit ang sama ng tingin niya sakin? Ang pagkakaalam ko, sobrang elegante at hinhin ni Abbess Mother Serendipity kaya bakit ganyan siya makatingin sakin, na parang ang lalim ng pinanghuhugutan niyang galit sakin? Wala naman akong maalala na nagkaroon kami ng engkwentro noon..." Habang malalim ang iniisip ni Darryl, hindi niya na namalayan na natapos ng basahin ni Ophelia ang buong resulta ng kumpetisyon at nahimasmasan lang siya nang biglang tumayo si Abbess Mother Serendipity. Ramdam na ramdam ni Darryl sa mga mata nito ang sobra sobrang galit na para bang gusto siyang patayin nito anumang oras ngayon. Kanina pa n