Share

Kabanata 321

Abot-tenga ang ngiti ni Kingston matapos marinig ang mga sinabi ni Matt.

'Hindi talaga ako nagkamali sa pinili ko!' Natanggal ng mga sinabi ni Matt ang pagdududa ni Kingston. 'Kakaiba talaga kapag apprentice ng isang kilalang antique appraisal master!'

Bukod pa dun, sobrang gwapo rin ni Matt kaya bagay na bagay talaga ito sa anak niya!

Tumungo din si Yvonne sa narinig niya.

Totoo ngang kahanga-hanga ang talento ni Matt sa pagaapraise.

Samantalang ang may-ari ng stall na si Austin ay nagbigay rin ng thumbs up kay Matt. "Mukhang propesyunal ka, Mister! Isang tingin mo palang, alam mo na kung anong sasabihin mo."

Masayang ngumiti si Matt sa lahat ng papuring natanggap niya pero hindi na siya sumagot. Bilang apprentice ng isang sikat na antique appraisal master, sanay na siyang mapuri ng iba.

Masayang tumawa si Kingston at sinabi, "O siya, austin, bibilhin ko na 'to!"

Isang bilyong yuan! Kahit na parang binenta na niya ang lahat ng ari-arian niya, para kay Kingston, sobrang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Gab Dima
nice story darryl is so humble .
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status