Hindi makapagsalita si Denise sa sobrang hiya, pero noong oras din na yun, nakita niya ang manager ng jewelry store na papalapit sakanila kaya dali-dali siyang sumigaw. "Dito, dito! Ito ba yung nawawala niyong kwintas?" Nagmamadaling tumakbo si Denise papalapit sa manager at inabot ang kahon. "Tignan mong niyo po. Sainyo galing ang kwintas na 'to diba?" Tumingin siya kay Darryl at itinuro ito. "Ninakaw niya yan."'Ninakaw?' Hindi maintindihan ng manager kung anong nangyayari kaya wala siyang ideya kung paano siya sasagot. Tumawa ng malakas si Denise. 'Oh! Manager na mismo ang naghahanap ng kwintas, tatanggi pa rin kayo? Hindi biro ang 60 million yuan, at sapat na yun para makulong ka ng habang buhay!' "Sir," Magalang na sabi ng manager sabay abot kay Darryl ng kahon. Bilang pagbibigay ng sobrang respeto, yumuko pa ito pagkatapos. "Sir, nakalimutan ko lang pong sabihin na sa laki ng halaga ng binili niyo ay automatic po kayong na'upgrade bilang isa sa aming mga Privileged Member.
Nagsabay-sabay ng lumabas ng mall sina Yvonne, Matt, Darryl at Lily habang nagkkwentuhan. Nagyaya si Lily na bago sila maghiwa-hiwalay, kumain mula sila ng dinner, at pumayag naman ang lahat. Pero habang nasa kasarapan ng kwentuhan, biglang nagring ang phone ni Yvonne at nang silipin niya kung sino ang tumatawag, nakita niya ang pangalan ng tatay niya na si Kingston. Pagkasagot ni Yvonne, tuloy-tuloy na nagsalita ang tatay niya sa kabilang linya, "Anak, kamusta naman ang date mo? Si Matt ang pinaka gentleman sa lahat no?" Sa dami ng sinet up ni Kingston sa anak, kabisado na niya kung paano sumagot si Yvonne. Lahat tinatanggihan nito dahil kagaya ng palagi nitong bukang bibig, si Darryl lang ang gusto nito. Palagi niyang tinatanong sa sarili niya: 'Ano ba kasing meron sa Darryl na yan? Magaling lang naman siya mag appraise ng mga antique pero parang wala namang espesyal sakanya!'Kaya inisip niyang maghanap ng medyo kaparehas nito at doon pumasok si Matt. Batang bata pero s
Pagkarating nilang apat sa Maple Street, tumambad sakanila ang napaka raming tao. At noong sandaling yun, nakuha nina Yvonne at Lily ang pansin ng lahat. Sobrang ganda nilang dalawa! Karamihan sa mga lalaki ay natulala. Sobrang magkaiba ang ganda ng dalawa pero pareho silang mala-diyosa. Pero para kina Yvonne at Lily, hindi nila napansin na pinagtitinginan nila dahil masyado silang namamangha sa mga nakikita nila sa paligid. 'Sobrang daming antique na bagsak presyo!' May mga scroll na sulat kamay, jade, ceramic, at marami pang mga kakaibang gamit ang binebenta sa bawat stalls! Nagtingin-tingin din si Darryl sa mga nadadaanan nila. Masaya talaga ang antique festival dahil doon makikita ang pinaka magagandang antique. Hindi nagtagal, nakarating sila sa pinakamalaking stall, at maraming tao ang nakapalibot, at isa sa mga nandoon ay si Kingston. Sobrang saya ni Yvonne na makita ang tatay niya kaya dali-dali niya itong nilapitan. "Papa." Tumungo lang si Kingston sa anak
Abot-tenga ang ngiti ni Kingston matapos marinig ang mga sinabi ni Matt. 'Hindi talaga ako nagkamali sa pinili ko!' Natanggal ng mga sinabi ni Matt ang pagdududa ni Kingston. 'Kakaiba talaga kapag apprentice ng isang kilalang antique appraisal master!' Bukod pa dun, sobrang gwapo rin ni Matt kaya bagay na bagay talaga ito sa anak niya! Tumungo din si Yvonne sa narinig niya. Totoo ngang kahanga-hanga ang talento ni Matt sa pagaapraise. Samantalang ang may-ari ng stall na si Austin ay nagbigay rin ng thumbs up kay Matt. "Mukhang propesyunal ka, Mister! Isang tingin mo palang, alam mo na kung anong sasabihin mo." Masayang ngumiti si Matt sa lahat ng papuring natanggap niya pero hindi na siya sumagot. Bilang apprentice ng isang sikat na antique appraisal master, sanay na siyang mapuri ng iba. Masayang tumawa si Kingston at sinabi, "O siya, austin, bibilhin ko na 'to!" Isang bilyong yuan! Kahit na parang binenta na niya ang lahat ng ari-arian niya, para kay Kingston, sobrang
Malinaw naman ang gustong iparating ni Kingston. Na kahit na may alam si Darryl sa pag aapraise ng mga antique, si Matt pa rin ang mas kapani-paniwala dahil hindi naman ito magiging apprentice ng isang sikat na antique appraisal master kung hindi ito magaling....Lahat ay sumang-ayon kay Kingston na si Matt ang magaling. Sikat si Master Simon Joe sa buong bansa, kaya nga siya tinawag na antique appraisal master. Maraming beses na rin itong nafeature sa mga atique magazine, kasama na si Matt, bilang apprentice nito. Kaya hindi pwedeng magkamali si Matt - authentic ang Tiger Roar Mountain. Sa hiya ni Lily, hinila niya si Darryl at binulungan, "Dear, ano ba yang mga sinasabi mo?" Kilala ang pamilya ng mga Young sa buong Donghai City dahil sa negosyo nitong mga antique, at dahil naniniwala si Kingston na authentic ang painting, sa tingin ni Lily ay malaking gulo ang pinapasok ng asawa niya. Maging si Yvonne ay hindi rin mapakali. "Darryl, sinasabi mo bang peke ang painting na
Lahat ay nakatingin lang kay Darryl at sa tupi na ginawa niya sa painting. Tumawa si Darryl at nagpatuloy, "Mister Austin, sabi mo diba kapag peke ang painting na 'to, ipupusta mo ang shop mo at isasarado mo ang antique business mo?" Hindi na rin nakasagot si Austin nang makita niya ang Gull Folding Method. Matagal na ring nasakanya ang painting at ilang nagaappraise na ng antique ang pinagtanungan niya, at lahat yun kinumpirmang authentic ang painting. At bukod tangi lang na si Darryl ang naglakas loob na sabihing peke ito... si Darryl na hindi nga kilala sa larangan ng pag aappraise ng mga antique. Lalong nagalit si Austin. "Oo, at uulitin ko. Kapag napatunayan mong peke ang painting na yan, ipupusta ko ang shop ko at isasarado ko ang antique business ko, at kung magkataong totoo yan, luluhod ka sa akin para humingi ng tawad!" Nagbuntong hininga si Darryl at nagsalita, "Maraming ginawang painting si Watt Thompson noong nabubuhay pa siya, pero ilan lang nalang ang mga natitira
Lalong gumulo ang sitwasyon! Ibig sabihin mali ang mga sinabi ng hampaslupa! Kay Master Simon na nanggaling na authentic ang painting, kaya paano yan magiging peke? "Pare, narinig mo ba yun?" Tumayo si Austin at sinabi kay Darryl, "Lumuhod ka at humingi ng tawad sa akin, ngayon mismo!" "Mister Austin, wag naman po kayong magalit. Kalma lang po." Nagmamadaling lumapit si Yvonne.. "Siguro po nagkamali lang ang kaibigan ko, pasensya na po. Diba isang bilyong yuan ang presyo niyo dito? Bibilhin naman po namin." Napangiti nalang si Yvonne sa hiya, at nagmamadali niyang nilabas ang kanyang phone para magtransfer ng pera kay Austin, pero dali-daling kinuha ni Darryl ang cellphone ni Matt. "May problema po ba sa mata niyo, Simon Joe?" Walang wmosyong tanong ni Darryl. Tignan niyo pong maigi, Authentic ba 'tong painting na 'to? Tignan niyo po!" Galit na galit si Matt habang nakatitig kay Darryl. "Bakit mo kinakausap ang master ko ng ganyan? Wala ka bang manners? Ibalik mo nga sa a
Si Lily naman na nakatayo sa tabi ni Darryl ay halos maiyak na. Wala siyang kaalam-alam sa mga antique pero noong narinig niya ang naging sagot ni Simon Joe, para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib niya. Kilala niya si Simon Joe at maging siya ay hindi niya inaasahan na sobrang rerespetuhin nito ang asawa niya. Pagkatapos marinig ni Darryl ang gusto niyang marinig, binaba niya na ang tawag at hinagis ang painting sa isang gilid. "Mister Austin, diba ang sabi mo kapag napatunayan kong peke ang painting, handa mong ipusta ang shop mo at isarado ang antique business mo?" "A...." Galit na galit si Austin at gusto niyang sugurin si Darryl, pero bigla siyang nahimatay. Ngumiti lang si Darryl nang makita ito at tumingin kay Kingston. "Mister Young, may nadaanan ako kanina sa pangatlong stall mula dito na magandang vase na galing pa sa Qing dynasty. Good buy yun kapag nakuha mo ng mababa sa 20 million yuan. Kahit na malumanay lang ang boses ni Darryl, rinig na rinig pa rin ito ng la