Ayaw nang makipag-usap ni Darryl sa shop assistant. Inilabas nito ang black card mula sa Amethyst Bank at itinapon ito sa counter, naiinis itong nagsalita. “Bilisan niyo, nagmamadali ako.”Nagulat ang ilang shop assistants, nagtawanan ang mga ito dahil hindi nila alam kung ano ang black card.Nagpaliwanag ang isa sa kanila, “Sir, baka hindi niyo kami narinig ng maayos kani kanina lang, ang presyo ng kuwintas ay 65 million bucks! Hindi 65 thousand bucks!”Walang masabi si Darryl. Sh*t! Malas ang makasalubong itong mga kaibigan ng asawa niya, at ang pagkakaroon ng grabeng shop assistants!“Gusto kong makausap ang manager nito.” Nabuntong hininga si Darryl. Hindi na posible na maintindihan pa ng mga assistant ang eksplanasyon ni Darryl.Lumabas ang store manager mula sa likuran. Ang babae ay nasa twenties at desente ang anyo. Nagbigay tingin ito sa black card na ansa counter at nagulat.Siyempre ay kaya nitong makilala ang black card! Baka wala pa sa tatlo ang mayroon nito sa buong
Hindi inaasahan ni Lily na bibigyan siya ni Darryl ng regalo dahil ang pagkakasabi nito ay pupunta lang ito sa CR ito sandali, at siyempre bilang isang babae, sobrang nakakakilig. "Mamaya mo na buksan." Nakangiting sabi ni Darryl. "Hindi naman yan ganun kamahal kaya sa bahay nalang natin buksan."Ang totoong dahilan kung bakit ayaw munang pabuksan ni Darryl kay Lily ang regalo niya ay dahil ang laman nito ay ang gustong kwintas ni Denise at ayaw niya naman na magkaroon pa ng inggitan. Tumungo si Lily at nakangiting sumagot, "Dear, sigurado ako na kahit ano pa man ang laman nito ay sobrang magugustuhan ko. Iingatan ko 'to ng sobra kasi mahalaga ka sakin."Natawa si Denise. "Ano ba yan?!! Buksan mo na Lily para naman makita ko rin kung anong binigay sayo ng asawa mo." Sabat ni Denise. Sa isip ni Denise: 'Sus, nagregalo ka pa pero sa bahay mo naman pinabubuksan! Ano? Ganun na ba yan ka'mura? Nahihiya kang pagtawanan ng iba no? Hay nako Lily, sayang ka talaga... Ikaw pa naman ang
Nagkakagulo na ang lahat nang may isang babae ang biglang sumulpot mula sa mga nagkukumpulang tao. "Hindi siya magnanakaw." Mahinahon na sabi ng babae. Ang babaeng yun ay si Yvonne Young. Pumunta lang siya sa mall para bumili ng lipstick at hindi niya inaasahan na makikita niya ngayong araw si Darryl. Maging si Darryl ay nagulat nang makita si Yvonne. Parang mas lalo itong gumaganda kahit na dalawang araw palang ang lumilipas noong huling beses silang nagkita. Nakasuot si Yvonne ng isang eleganteng formal suit kaya lalong nakita kung gaano kaganda ang hubog ng katawan niya, na pinaresan niya pa ng isang napakagandang pares ng sapatos na tinatawag na 'The Worship Crystal'. Binili ito sakanya ni Darryl sa Roger's Auction noon. Wow!Kung kanina, ang focus ng mga tao ay na kina Darryl at Denise, pwes ngayon ay nalipat kay Yvonne. May kasama siyang isang lalaki, na nakasuot din ng isang mamahaling suit at nakasalamin, na lalong nagpamukhang matalino rito. Naglakad si Yvonne
Hindi makapagsalita si Denise sa sobrang hiya, pero noong oras din na yun, nakita niya ang manager ng jewelry store na papalapit sakanila kaya dali-dali siyang sumigaw. "Dito, dito! Ito ba yung nawawala niyong kwintas?" Nagmamadaling tumakbo si Denise papalapit sa manager at inabot ang kahon. "Tignan mong niyo po. Sainyo galing ang kwintas na 'to diba?" Tumingin siya kay Darryl at itinuro ito. "Ninakaw niya yan."'Ninakaw?' Hindi maintindihan ng manager kung anong nangyayari kaya wala siyang ideya kung paano siya sasagot. Tumawa ng malakas si Denise. 'Oh! Manager na mismo ang naghahanap ng kwintas, tatanggi pa rin kayo? Hindi biro ang 60 million yuan, at sapat na yun para makulong ka ng habang buhay!' "Sir," Magalang na sabi ng manager sabay abot kay Darryl ng kahon. Bilang pagbibigay ng sobrang respeto, yumuko pa ito pagkatapos. "Sir, nakalimutan ko lang pong sabihin na sa laki ng halaga ng binili niyo ay automatic po kayong na'upgrade bilang isa sa aming mga Privileged Member.
Nagsabay-sabay ng lumabas ng mall sina Yvonne, Matt, Darryl at Lily habang nagkkwentuhan. Nagyaya si Lily na bago sila maghiwa-hiwalay, kumain mula sila ng dinner, at pumayag naman ang lahat. Pero habang nasa kasarapan ng kwentuhan, biglang nagring ang phone ni Yvonne at nang silipin niya kung sino ang tumatawag, nakita niya ang pangalan ng tatay niya na si Kingston. Pagkasagot ni Yvonne, tuloy-tuloy na nagsalita ang tatay niya sa kabilang linya, "Anak, kamusta naman ang date mo? Si Matt ang pinaka gentleman sa lahat no?" Sa dami ng sinet up ni Kingston sa anak, kabisado na niya kung paano sumagot si Yvonne. Lahat tinatanggihan nito dahil kagaya ng palagi nitong bukang bibig, si Darryl lang ang gusto nito. Palagi niyang tinatanong sa sarili niya: 'Ano ba kasing meron sa Darryl na yan? Magaling lang naman siya mag appraise ng mga antique pero parang wala namang espesyal sakanya!'Kaya inisip niyang maghanap ng medyo kaparehas nito at doon pumasok si Matt. Batang bata pero s
Pagkarating nilang apat sa Maple Street, tumambad sakanila ang napaka raming tao. At noong sandaling yun, nakuha nina Yvonne at Lily ang pansin ng lahat. Sobrang ganda nilang dalawa! Karamihan sa mga lalaki ay natulala. Sobrang magkaiba ang ganda ng dalawa pero pareho silang mala-diyosa. Pero para kina Yvonne at Lily, hindi nila napansin na pinagtitinginan nila dahil masyado silang namamangha sa mga nakikita nila sa paligid. 'Sobrang daming antique na bagsak presyo!' May mga scroll na sulat kamay, jade, ceramic, at marami pang mga kakaibang gamit ang binebenta sa bawat stalls! Nagtingin-tingin din si Darryl sa mga nadadaanan nila. Masaya talaga ang antique festival dahil doon makikita ang pinaka magagandang antique. Hindi nagtagal, nakarating sila sa pinakamalaking stall, at maraming tao ang nakapalibot, at isa sa mga nandoon ay si Kingston. Sobrang saya ni Yvonne na makita ang tatay niya kaya dali-dali niya itong nilapitan. "Papa." Tumungo lang si Kingston sa anak
Abot-tenga ang ngiti ni Kingston matapos marinig ang mga sinabi ni Matt. 'Hindi talaga ako nagkamali sa pinili ko!' Natanggal ng mga sinabi ni Matt ang pagdududa ni Kingston. 'Kakaiba talaga kapag apprentice ng isang kilalang antique appraisal master!' Bukod pa dun, sobrang gwapo rin ni Matt kaya bagay na bagay talaga ito sa anak niya! Tumungo din si Yvonne sa narinig niya. Totoo ngang kahanga-hanga ang talento ni Matt sa pagaapraise. Samantalang ang may-ari ng stall na si Austin ay nagbigay rin ng thumbs up kay Matt. "Mukhang propesyunal ka, Mister! Isang tingin mo palang, alam mo na kung anong sasabihin mo." Masayang ngumiti si Matt sa lahat ng papuring natanggap niya pero hindi na siya sumagot. Bilang apprentice ng isang sikat na antique appraisal master, sanay na siyang mapuri ng iba. Masayang tumawa si Kingston at sinabi, "O siya, austin, bibilhin ko na 'to!" Isang bilyong yuan! Kahit na parang binenta na niya ang lahat ng ari-arian niya, para kay Kingston, sobrang
Malinaw naman ang gustong iparating ni Kingston. Na kahit na may alam si Darryl sa pag aapraise ng mga antique, si Matt pa rin ang mas kapani-paniwala dahil hindi naman ito magiging apprentice ng isang sikat na antique appraisal master kung hindi ito magaling....Lahat ay sumang-ayon kay Kingston na si Matt ang magaling. Sikat si Master Simon Joe sa buong bansa, kaya nga siya tinawag na antique appraisal master. Maraming beses na rin itong nafeature sa mga atique magazine, kasama na si Matt, bilang apprentice nito. Kaya hindi pwedeng magkamali si Matt - authentic ang Tiger Roar Mountain. Sa hiya ni Lily, hinila niya si Darryl at binulungan, "Dear, ano ba yang mga sinasabi mo?" Kilala ang pamilya ng mga Young sa buong Donghai City dahil sa negosyo nitong mga antique, at dahil naniniwala si Kingston na authentic ang painting, sa tingin ni Lily ay malaking gulo ang pinapasok ng asawa niya. Maging si Yvonne ay hindi rin mapakali. "Darryl, sinasabi mo bang peke ang painting na