Nasabik din nang husto si Darryl nang irecite niya ang tula!“Haha! Hindi na ako magtataka kung bakit tinaguriang pinakamahusay na strategist si Ping Long ng Three Kingdoms. Masyado siyang talentado para makagawa ng ganitong klase ng tula sa loob ng maiksing oras!”Kahit na nagmukhang walang kabuluahan ang ginawa nitong tula, magagawa pa rin ng tulang ito na maipasa sa mga susunod na henerasyon kung dahan dahan mo itong lalasapin! Maikukumpara rin ito sa sinaunang poetry ng World Universe!Tumingin si Darryl sa kaniyang paligid habang iniisip ang bagay na iyon bago tumingin kay Stanley. Ngumiti ito at sinabing, “Master Stanley, bigla po akong nainspired kaya ginawa ko ang tulang ito.”“Ano? Walang pakialam niyang ginawa ang tulang ito matapos ang isang dosenang paghinga?”Agad na natigilan ang lahat sa mga sinabi ni Darryl. Hindi manlang alam ng hamak na eunuch na itong magpakumbaba. Pero masyado pa rin talagang kahanga hanga ang tula na kaniyang ginawa.Namula ang mukha ni Stanl
Walang nagawa si Darryl kundi mapait na ngumiti at walang magawang tumango ng. “Susubukan ko po ang makakaya ko.”Kasabay nito ang pagpapadala ni Darryl ng senyales kay Pang Tong na nasa loob ng Seven Treasures Exquisite Pagoda. “Pasensya ka na sa abala, Pang Tong.”“Masyado kang mabait, Master!” Magalang na isinagot ni Pang Tong na nasa loob ng pagoda.Nagrecite si Darryl ng ilang pang mga tula para sa Empress sa loob ng 10 minuto. Ang bawat tula ay isang masterpiece na ginawa siyempre ng kilalang strategist na si Pang Tong!Agad na napuno ng tuwa ang mood ng Empress habang dahan dahan niyang nilalasap ang napakagandang mga tula ni Darryl na kaniya nang itinuturing bilang isang pambihirang henyo.Hanggang sa paglubog ng araw kung saan nagawa nang hayaan ng Empress si Darryl na makaalis.“Woo!” Huminga nang malalim si Darryl at agad na yumuko sa mga sandaling ito. “Mauuna na po ako.”Dito na tumalikod at umalis si Darryl.Hindi maiwasang manginig ng Empress nang makita niya ang
“Sandali lang Ambrose, ihahanap kita ng doctor,” Sabi ng nababahalang si Yvette. Nasaktan siya nang husto sa mga sandaling iyon matapos magkasakit ni Ambrose.Kinarga niya si Ambrose at tumakbo sa abot ng kaniyang makakaya!Lumipas na ang hatinggabi at ang buong Royal City ay nabalot na ng katahimikan. Wala na ring kahit na isang tao ang makikita sa malalapad nitong mga kalye.Agad na kumatok nang malakas si Yvette sa pintuan nang makarating sila sa isa sa mga pinakamalalaking clinic sa Royal City.Bang! Bang! Bang!Halos mawala na sa kaniyang sarili ang sumisigaw na si Yvette, “Doktor! May doktor ba rito? Dalian niyo nang buksan ang pinto! Iligtas ninyo ang batang ito!”Nakita ni Yvette ang walang malay na si Ambrose. Pero masyado nang mainit ang mukha nito habang mas malakas na nanginginig ang kaniyang katawan kaysa kanina, nagbabalat na rin ang mga labi nito.“Buksan ninyo ang pinto! Bilisan ninyong buksan ang pinto!” Nagpatuloy sa pagsasalita si Yvette habang sinisipa ang pi
Magagawa nitong magpaliwanag sa Emperor hangga’t nagawa niyang mahanap ang Prinsesa.“Huwag kang lalapit!”Pero agad namang sumigaw ang nanlalamig na si Yvette habang nagpapakita ng palaaway na itsura, “Magpapakamatay ako sa sandaling lumapit ka sa akin.”Dito na niya hinugot ang mahaba niyang espada at itinutok ito sa kaniyang leeg.Uh…Nakaramdam ng awkwardness si Sawyer at agad na itinigil ang paglalakad ng kaniyang kabayo bago mapait na ngumiti at sabihing, “Mahal na Prinsesa, ako pa rin ang iyong asawa na inappoint ng Emperor. Hindi mo ako maaaring palayuin nang ganoon ganoon na lang.”Nagalit at napahiya si Yvette nang marinig niya ang mga salitang iyon bago bastos na sabihing, “Sino ang nagsabi sa iyo na ikaw ang asawa ko? Huwag na huwag mo nang sasabihin ang bagay na ito sa harap ko sa susunod.”“Sige! Hindi ko na ito sasabihin.”Agad na ikinaway ni Sawyer ang kaniyang mga kamay at buong pasensyang sinabi na, “Mahal na Prinsesa, sumunod ka sa amin pabalik sa palasyo. Ar
Sa kabilang banda ng South Cloud World Palace.Ipinatawag ng Empress si Darryl para samahan siyang ienjoy ang buwan noong gabing iyon. Para sa kahit na sino, ang pagsama sa Empress para ienjoy ang buwan sa gabi ang pinakamataas na karangalang matatanggap nila. Pero agad na nagpakita ng torture ang mga mat ani Darryl noong mga sandaling iyon.Hindi inasahan ni Darryl na ipapatawag siya ng Empress araw araw nitong nakaraang buwan matapos noong araw na iyon para makipagusap tungkol sa music, chess, calligraphy at art.Naging torture para kay Darryl ang buong buwan na iyon habang nagiisip ng tungkol sa Dragon Essence na kasalukuyang nasa kamay ni Quincy! Buong buwan siyang nasa loob ng palasyo kaya hindi manlang niya nakita si Quincy ng kahit na isang beses mula noong araw na iyon.Pero alam ni Darryl na malapit na ring magpunta si Quincy sa palasyo. Kaya hinintay niya ito sa palasyo dahil magkikita at magkikita rin sila nito balang araw.Mahigit isang buwan ang nakalipas nanang magki
“Buwisit!”Hindi na naiwasan ni Darryl ang paparating na pagatake. Wala na siyang magagawa kundi tumalikod at harapin nang direkta ang pagatakeng ito habang nagpapanic na ginagamit ang puro niyang enerhiya.Bang!Habang nagtatama ang pagatake nilang dalawa, napaungol si Darryl habang napapaatras ng ilang dosenang hakbang bago dumura ng sariwang dugo!Kahit na nagawang imaster ni Darryl ang Pure Energy Scripture na nakapagpakapal sa kaniyang enerhiya, hindi pa rin niya magagawang tapatan si Quincy nang direkta dahil isa na itong Level Five Martial Emperor!Thud, thud, thud…Tumayo si Darryl nang diretso matapos umatras ng ilang dosenang hakbang at nararamdaman na para bang nadurog ang kaniyang mga internal organ!“Masyadong nakakatakot ang lakas ng babaeng ito! Kinakailangan kong makatakas mula sa kaniya!”Tumingin si Darryl kay Quincy habang iniisip ang bagay na iyon bago tumalikod at tumakbo.“Darryl Darby?!”Nakilala ni Quincy ang mukha ni Darryl noong mga sandaling iyon. N
Dito na sumigaw si Dax ng, “Bakit? Walang kahit na anong pasasalamat ang mga sektang iyon sa mga taong gumawa ng mabuti sa kanila. Hinding hindi pa rin sila magpapasalamat sa sandaling iligtas natin ang mga ito. Nakakalimutan mo na ba kung paano nila tinrato si Darryl? Narinig ko rin na malakas daw ang mga taong nagkunwaring mga miyembro ng Elysium Gate. Lalo na ang pinuno nilang si Quincy Long, isang Level Five Martial Emperor na ang babaeng iyon.”Kasabay nito ang pagbuhay ni Shelly sa kaniyang anak bago sabihin kay Chester na, “Hubby, mukhang dapat ka na ngang makinig kay Dax. Mukhang tama naman siya na hindi na nga natin pang iligtas ang mga iyon.”Naging supportive si Shelly sa kung anong gusting gawin ni Chester mula noong pakasalan niya ito at bigyan ng buo niyang suporta.Pero hindi pa rin magagawang suportahan ni Shelly ang gusting mangyari ni Chester sa pagkakataong ito.“Woo!” Huminga nang malalim si Chester at ngumiti. “Kinakailangan natin silang iligtas para sa kaligta
Ninakaw ng teenager na si Dean Lynch ang mga inisteam na buns ni Ambrose. Mahilig itong mangapi ng mas bata at mas mahina kaysa sa kanya.Dalawang mga inisteam na tinapay lang ang ibinibigay sa bawat isang trabahador ng barracks na ito. At hindi sapat ang dalawang mga inisteam na tinapay para sa isang lumalaking teenager na kagaya ni Dean kaya napagdesisyunan niyang nakawin na lang ang mga inisteam na tinapay ni Ambrose.Dito na namumulang sumigaw si Ambrose kay Dean, “I-ikaw! Ibalik ninyo ang mga iyan sa akin! Ibalik mo iyan sa akin! Akin ang mga tinapay na iyan…”Pero agad na itinulak si Ambrose sa sahig bago pa man siya makalapit kay Dean.“Sino ang magpapatunay na sa iyo nga ang mga tinapay na ito?” Singhal ni Dean habang naiinis na tumitingin pababa kay Ambrose. “Hawak ko ang mga tinapay na ito kaya akin ito!”Galit na galit ang mangiyak ngiyak na si Ambrose nang marinig niya ang mga salitang iyon. Gustong gusto na niyang bawiin ang mga tinapay na iyon pero masyado pa siyang
Sa likod ni Darryl, si Ambrose ay may malawak na ngiti, tinitingnan si Darryl na puno ng kaligayahan sa kanyang mga mata.Pagkatapos, sa ilalim ng titig ng libo-libong tao, pumasok ang mga babaeng ikakasal. Agad, umalingawngaw ang mga hiyawan at palakpakan sa paligid. Maraming lalaki ang tila inggit.Ang walong babaeng ito ay napakaganda!Si Debra, Yvette, Yvonne, Monica, Aurora, Shannon, Quincy, at Lily. Hawak-hawak nila ang kamay ng isa't isa habang lumalakad patungo sa entablado.Higit pa rito, bawat isa sa mga ikakasal ay mataas ang katayuan. Ilang mga ito ay mga emperatris, ilan ay mga pinuno ng sekta. Masasabi na si Darryl ay namumuhay sa pangarap ng maraming lalaki.Ang kanilang mga magagarang kasuotan ay nagpapakita ng kanilang kahusayan. Sa sandaling iyon, kapag sila ay magkasama, tila sila'y mga anghel na bumaba sa mundo ng mga tao. Ito ay isang visual na kasiyahan.Sa madaling salita, ang kasal ay umabot sa rurok kung saan sila ay ipinahayag bilang mag-asawa. Ang malal
Lalo na si Magaera. Pinalisan niya ang pawis sa kanyang noo. Sa wakas, siya ay nabawasan na ng kaba. Sa totoo lang, dati niyang winasak ang fairy soul ng prinsipe. Ito ay kaparusahang kamatayan.Makikita kung gaano sila kaseryoso sa kanilang mga pagkakamali, wala nang ibang sinabi ang Matandang Ninuno. Tiningnan niya ang lahat at sinabing seryoso, "Sige, ipapahayag ko na ang isang mahalagang bagay."Habang ako ay nagme-meditate, maraming bagay ang nangyari. Gayunpaman, hindi maaaring walang hari ang Godly Region kahit isang araw. Napagdesisyunan kong italaga si Darryl Darby bilang bagong Heaven Emperor."Si Darryl ay mabait at may kaalaman. Tumulong siya sa pagtatanggol laban sa fiend race. Nagtrabaho siya ng mabuti para sa Godly Region. Siya rin ang naging guro ni Aurin, ang Royal Master. Higit pa siyang karapat-dapat sa tungkulin."Wow!Sa kanyang mga sinabi, ang buong bulwagan ay nag-ingay. Subalit, agad na lumapit ang mga opisyal at Immortals kay Darryl at binati siya. Tama an
Ano ang...?Nagulat si Emperor Aurelias. Tinitigan niya ang Ancient Ancestor na may hindi makapaniwala.Imposible. Siya mismo ang sumira sa kaluluwa ng Ancient Ancestor. Paano ito nabuhay pa?Sa wakas, bumalik sa kanyang katinuan si Emperor Aurelias. Sinabi niya, "Ikaw..." Sobrang gulat siya na hindi na niya kayang ituloy ang kanyang sasabihin matapos banggitin ang isang salita.Tahimik na tinitigan siya ng Ancient Ancestor na walang anumang ekspresyon sa kanyang mukha. Dahan-dahan itong nagsalita, "Ang iyong sinira dati ay isa lamang sa aking mga kopya. Aurelias, hindi pa rin nagbabago ang iyong ugali paglipas ng maraming taon. Ako’y lubos na nadismaya sa iyo.""Haha!" Pagkarinig nito, sa una'y nagulat si Emperor Aurelias, pagkatapos ay malakas itong tumawa. "Tama na ang iyong mga sermon. Kahit paborito mo ang Nine Heaven Emperor, patay na siya. Sa iyong puso, hindi ako kailanman makakapantay sa kanya. Hindi mo ba ito nagustuhan? Ano ang gagawin mo tungkol dito?"Pagkatapos ay i
Whew!Huminga ng malalim si Darryl at dahan-dahang nagsalita, "Narito tayo sa Bundok ng Sealed Fiend, maraming mandirigma ng lahi ng fiend ang namatay dito. Ang aura dito ay talagang kaaway. Pinagsama ang aura at ang Immortals Trap Formation, dapat ay makaya itong pigilan siya sa loob…”Subalit bago pa siya makatapos sa kanyang sasabihin, sumigaw nang malakas si Emperor Aurelias. Sumabog ang kanyang enerhiya at tinamaan nito ang Immortals Trap Formation.Slam!Sa malakas na ingay, sinalanta ni Emperor Aurelias ang ilang haligi ng bato. Agad na nahina ang kapangyarihan ng formation. Ginamit ni Emperor Aurelias ang pagkakataon upang makawala.Ano ba 'yan!Nang makita ito, nanginig sa gulat si Darryl. May ganung kalakas na kapangyarihan si Emperor Aurelias na hindi siya mapigilan ng Immortals Trap Formation.Nagbago rin ang ekspresyon ni Magaera. Punong-puno ng kaba at seryosidad ang kanyang mga mata.Sa sandaling iyon, tinitigan sila ni Emperor Aurelias. "Mga batang ito. Mamamata
Si Magaera ay ang magpapaain kay Emperor Aurelias doon. Sa tamang sandali, si Darryl ay mag-a-activate ng Immortals Trap Formation at siya'y mabibitin sa loob nito.Kumuha rin si Darryl ng Divine Dragon Jade upang magpadala ng senyales kay Shandy. Binigay ni Shandy kay Darryl ang Divine Dragon Jade, at palaging dala niya ito.Tahimik na nagtago si Darryl sa gilid at nag-antay pagkatapos magtayo ng formation.Slam! Slam! Slam!Hindi nagtagal, narinig niya ang labanan sa kalapit na kalangitan, kasunod ang pagdating ng dalawang pigura.Ito ay sina Magaera at Emperor Aurelias.Kung saan sila naroroon, may nabubuong madilim na mga ulap at ang hangin ay bumubugso dahil sa kakilakilabot na surge ng enerhiya.Natutuwa at nasisiyahan si Darryl nang makita ito.Sa oras na iyon, nakikipaglaban si Magaera kay Emperor Aurelias habang sinusuri ang paligid. Nalaman niyang nasa lugar na ang formation nang hindi niya makita si Darryl.Sa kanilang naunang kasunduan, kapag naitayo na ang formati
Nagulat ang tinaguriang Emperor Aurelias nang marinig ang sinabi ni Darryl, pero pagkatapos ay ngumiti siya at sinabi, "Walang duda na ikaw ng Royal Master." Hindi nakakapagtaka na mataas ang tingin sayo ni Prince Aurin dati pa. Agad mong nalaman ang nangyayari. Kakaiba!"Pagkatapos, itinaas niya ang kanyang mga kamay at pinunasan ang kanyang mukha, naipakita ang tunay niyang pagkatao.Si Magaera pala ito.Ano ba 'to!Nang makita ni Darryl si Magaera, agad siyang na-shock. "Paano ka nakalabas mula sa chaotic void?"Sa oras na iyon, talagang na-shock si Darryl. Tama ang kanyang hula na ang Emperor Aurelias sa harap niya ay isang peke. Maraming tao ang pumasok sa isip niya, pero hindi niya inaasahang si Magaera ito.Mas nakakagulat pa ay ang kakayahan ni Magaera na makatakas sa chaotic void.Tumawa ng bahagya si Magaera. "Kung madali mong ako mahuli sa chaotic void, paano pa ako magiging isang Lord General?"Naginhawa si Darryl at unti-unti siyang kumalma pagkatapos marinig ang s
"Pupuntahan ko siya ngayon sa Imperial Sky Palace."Handang umalis si Empress Heidi patungo sa Imperial Sky Palace, ngunit pinigilan siya ni Magaera."Mahal na Reyna, huwag maging padalus-dalos," seryosong sabi ni Magaera. "Kung pupunta ka doon ngayon, mahuhulog ka lang sa kanilang patibong.""Kaya ano..." Ang makikita sa magandang mukha ni Empress Heidi ay puno ng inis. Sabi niya nang may pag-aalala, "Ano ang dapat nating gawin?" Sa kasalukuyang sitwasyon, wala na siyang maisip na solusyon.Huminga nang malalim si Magaera, para bang gumawa siya ng malaking desisyon. "Kung nais mong kalabanin si Emperor Aurelias, kailangan mo ng tulong mula sa iba.""Sino?" Mabilis na tanong ni Empress Heidi.Nagkaroon ng kumplikadong ekspresyon si Magaera. Sabi niya, "Darryl Darby!""Ano?"Inaasahan ni Empress Heidi na banggitin ni Magaera ang pangalan ng isang Immortal. Hindi niya inaasahang banggitin ni Magaera ang pangalan ni Darryl. Nagulat siya at tiningnan si Magaera. "Darryl Darby? Gust
Boom!Nang marinig ng mga guwardiya sa paligid ng Imperial Sky Palace ang ingay, agad silang tumakbo patungo roon.Agad silang nag-init ang ulo nang makita si Magaera sa kalangitan."Si Panginoon General.""Ano ang ginagawa niya? Hinahamon ba niya si Kanyang Kamahalan?"Habang nag-uusap ang mga guwardiya, isang gintong ilaw ang suminag ang dali-daling lumipad mula sa Imperial Sky Palace, bumangga kay Magaera sa kalangitan.Isang pigura na nakabalot sa ginintuang dragon robe ang nagpapakita ng malakas na awtoridad at kayabangan. Siya si Emperor Aurelias."Magaera?" Nang makita si Magaera, hindi nagbago ang ekspresyon ni Emperor Aurelias. Sabi niya na may kalmado, "Akala ko nasa chaotic void ka pa rin. Hindi ko inakalang ligtas kang babalik. Magaling."Maraming kailangang gawin sa Godly Region ngayon. Kailangan ko ng tamang tao na tutulong sa akin."Akala ni Emperor Aurelias na nandoon si Magaera para tulungan siya.Tumawa si Magaera, hindi ipinapakita ang respeto. "Tulong? Hin
Aba!Ang matinding enerhiya ang nagpahina kay Dax; hindi siya makagalaw, lalo na sa pag-iwas sa atake. Nakatingin lamang siya kay Romeo habang papalapit ito.Nabigla at nagalit din si Chester. "Tumigil kal!"Subalit, hindi pinansin ni Romeo. Sa halip ay pinabilis pa niya ang kanyang galaw."Ikaw—"Natakot si Circe nang makitang handa nang patayin ni Romeo si Dax. Gusto sana niyang pigilan ito pero mukhang huli na. Hinugot niya ang kanyang espada at inilagay ito sa kanyang leeg sa kawalan ng pag-asa."Sige. Kung gusto mo talagang maghiganti, hindi ko na rin gustong mabuhay." Masakit para sa kanya itong sabihin.Nakita niya ang pagkawasak ni Archfiend Antigonus ng kanyang mga mata. Si Circe ay lubos na nasaktan. Naging miyembro siya ng Holy Saint Sect. Noong una, inakala niya na mag-isa na lamang siyang tatanda. Hindi niya alam na si Romeo, ang kanyang batang kapatid, ay maging host ng katawan ni Archfiend Antigonus.Bago pa man siya magkaroon ng kagalakan dito, naghanap na ito