Share

Kabanata 830

Author: Crazy Carriage
Bumaba si Thea mula sa kotse niya at kaagad na nagpunta sa ospital.

Gayunpaman, pagdating niya sa ward, wala na roon si James.

Habang nakatingin kay Tiara na nakahiga sa kama, nagtanong siya, "Nasaan si James?"

Sinubukan ni Tiara na tumayo ngunit dahil nakabalot ang buong katawan niya, halos imposible siyang makaupo. Nang may mahinang boses, sumagot siya kay Thea, "B-Bumalik si James sa Southern Plains."

"Sa Southern Plains? Para saan?" Hindi inasahan ni Thea ang sitwasyong ito.

"Sinabi sa'kin ni James na pamumunuan niya ulit ang Black Dragon Army. Pagkatapos niya roon, balak niyang bumalik sa Capital at patayin ang Emperor gamit ng Blade of Justice."

"Patayin ang Emperor?" Napanganga si Thea sa gulat.

Sinabi sa kanya ni Thomas na magkakagulo kapag namatay ang Emperor. Sinabi niya rin sa kanya na katapusan na ng lahat para kay James kapag kumilos na siya.

"Th-Thea, ang totoo…" Sinubukan ng hindi makakilos na si Tiara na ipunin angakas niya para maipaliwanag niya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 831

    Samantala, sa Cansington Military Region… Sa isang open area, isang helicopter ang nakahanda… Sa lapag sa likod ng helicopter… "James, congratulation sa pagbabalik mo sa dati mong posisyon! Ngayon, papunta ka na sa Southern Plains para ipagpatuloy ang pamumuno mo sa Black Dragon Army. Kung kumalat ang balita, masasabik nang sobra ang mga tao ng Sol." Tumawa ang Blithe King at tinapik ang malapad na balikat ni James. Gayunpaman, nanlulumo ang mukha ni James. Mukhang magandang bagay ang bumalik sa dati niyang posisyon, ngunit habang mas mataas ang ranggo, mas mabigat ang pasanin. Higit pa roon, kapag siya na ang may hawak sa Black Dragon Army, kailangan niya silang dalhin sa Capital, kukunin niya ang Blade Justice, at papatayin ang Emperor. Hindi pa rin nila alam kung anong mangyayari pagkatapos ng pagkamatay ng Emperor. "Sana walang malaking mangyayari pagkatapos nito," nag-aalala niyang sabi. "Ano namang pwedeng mangyari?" Tumawa ang Blithe King. "Kahit na anong mangyar

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 832

    "Anong plano?" Tanong ni May. "Pagkatapos ng lahat ng nangyari, pakiramdam ko ay isa akong alalay na patuloy na kinokontrol," paliwanag ni James. "Hindi magandang pakiramdam yun. Pakiramdam ko ay mamatay ako anomang oras. Sa tingin ko hindi na dapat kayo bumalik sa Southern Plains." “Hm?”Nagsalubong ang kilay nila. Nagpatuloy siya, "Magagaling kayo at malalakas. Ang mastery niyo sa martial arts ay nakarating na sa pinakatuktok ng External Martial Arts, at ilang hakbang na lang kayo mula sa pagcultivate ng True Energy at pagiging grandmasters. Ipapasa ko sa inyo ang Internal Cultivation Method sa susunod." Nagsaya ang lahat nang marinig nila ang mga salita niya. Narinig na nila ang tungkol sa Internal Cultivation Method mula kay Blake. Napakalakas talaga ng Elite Eight, ngunit kumpara sa mga Grandmasters ng Internal Cultivation Method, masyado silang mahina. Ang pagkakaiba nila ay katulad ng sa bata laban sa matanda. "Hindi ako sigurado kung alin sa mga malalaking karakt

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 833

    "Mabuhay ang Dragon King! Mabuhay ang Dragon King! Mabuhay ang Dragon King…" Umalingawngaw ang mga hiyawan sa buong lugar sa sandaling bumaba si James ng helicopter. Bumubugso ang mga boses at palakas ito nang palakas. Tumingin siya nang diretso sa libo-libong sundalo sa harapan niya, tinaas ang kamay niya, at nagbigay ng isang pababang kumpas. Biglang tumigil ang hiyawan. Pagkatapos, lumapit sa kanya ang ilang mga heneral na nakasuot ng military uniforms. "Mabuhay ang Dragon King," si Henry ang naunang nagsalita nang may masiglang ngiti sa kanyang naarawang mukha. "Ang tagal na naming hinihintay ang araw na'to. Nagbalik na rin sa wakas ang pinakahihintay na Dragon King.""Ikaw bata ka. Kailan ka pa natutong mambola?" Sinara ni James ang kamao niya at marahang tinapik si Henry sa dibdib. "Hehe." Tusong tumawa si Henry. "Tara na." Tumalikod si James at umalis. Nakasunod ang Elite Eight na sinusundan ng iba pang mga heneral. Naghanda si James ng biyahe para makaalis

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 834

    Ang babaeng lumitaw ay mukhang nasa edad bente. Nakasuot siya ng military uniform at may bob haircut. Matapang at mala-bayani ang kanyang dating. “James,” nilapitan siya nito at malambing na binati. Nakaupo si James sa sopa. Tiningnan niya ito ng maigi, pagkatapos ay si Henry, at tumawa. “Hindi masama. Nagbunga din ang pagsisikap mo. Kailan kayo magpapakasal?”Namula ang mukha ni Henry. “Hindi kami…”Sa mga sandaling ito, kinurot siya. Mabilis niyang itinama ang kanyang sarili, ‘Malapit na. Malapit na din mangyari yun.”“James, kamusta naman kayo ni Thea?” Tanong ni Whitney nang umupo siya ng may masiglang ngiti sa kanyang mukha.Bahagyang umiling si James. Hindi siya interesado na pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito. Umupo si Henry at mahinang siniko si Whitney. Naunawaan niya ito at hindi na nagtanong pa. “Halina kayo, samahan niyo kong uminom.” Tinaas ni James ang kanyang wine glass. Sumunod si Henry at nakipagtama ng baso kay James. ‘Mr. Caden, ngayong araw ay a

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 835

    ”Hindi ko dapat siya sinisi.”Tiningnan ni Delilah ang puntod habang ang kalungkutan sa kanyang mukha habang banayad na nagsasalita, “Akala ko ay isa siyang walang kwentang tao. Hindi ako nangahas na banggitin ang tungkol sa kanya sa harapan ng mga tao dahil sa natatakot ako na pagtawanan, pero… hindi ko alam na isa pala siyang bayani.”Nagsimulang mamugto ang kanyang mga mata habang nagsasalita siya. Nang mapagtanto niya na si James ay ang Black Dragon sa may Cansington medical conference, dinaig siya ng samu’t saring emosyon.Ang Black Dragon ay ang superior ng kanyang ama. Iyon ang dahilan kung bakit isinantabi niya ang kanyang kaligtasan para magtrabaho bilang assistant ni James, kahit na alam niya na pwede siyang mamatay.Balak niya sanang tanungin si James tungkol sa kanyang ama pagkatapos ng conference. Subalit, nakaalis na si James bago pa man matapos ang medical conference. “Pwede bang… Pwede mo bang ikwento sa akin ang tungkol sa kanya?”“Sige.” Tumango siya. Sa

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 836

    Pareho itong napasimangot nang narinig nila ito.“Nagbigay ng isang lihim na misyon ang Hari para kay James na bumalik ng Southern Plains at bawiin ang pamumuno ng Black Dragon Army. May kakaiba dito. Magtatanong-tanong ako sa paligid para malaman kung ano ang gustong mangyari ng Hari. Mag-ingat ka,” sabi ni Reign ng may seryosong ekspresyon.Pagkatapos, tumayo siya at umalis. Si Professor C ay naninigarilyo at tiningnan ang Emperor. “Naniniwala ako na malapit nang magsimula ang kaguluhan. Ang Hari ay tiyak na hinahabol ka. Dapat ay mag-isip ka na ng paraan para iligtas ang iyong sarili sa lalong madaling panahon.”“Imposible yun.” Napailing ang Emperor at sinabi, “Ako ang pinuno ng Five Commanders at ang Heneral ng Red Flame Army. Hindi niya ako hahabulin. Bukod dun, wala siyang dahilan para gawin ang bagay na iyon.”“Ang pagbabalik ni James sa Southern Plains ay isang babala. Gayunpaman, dapat ka pa din mag-ingat.”Pagkatapos itong sabihin, tumayo si Professor C at umalis ng b

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 837

    Sa may Capital, sa Mansyon ng Emperor…Isa itong magarbong kwarto. Sa may lamesa ay may nakakamanghang hilera ng putahe. Mga mamahalin na mga inumin at alak ang makikita din dito. Ang Emperor at nakaupo sa sopa. Na may malapad na ngiti sa kanyang mukha, tinaas niya ang kanyang wine glass. “Para sayo, Bobby.”Nakaupo sa kabilang panig ng Emperor ang isang lalaki na nasa edad na bente. Nakasuot siya ng puting suit at may maputing balat at makisig na itsura. Ang kanyang presensya ay kahanga-hanga.Tinaas ni Bobby ang kanyang wine glass at uminom ng konti. “Sigurado ako na may gusto ko mula sa akin, Mr. Johnston. Kung anuman iyon, sabihin mo lang sa akin,” walang gana niyang sinabi. Binaba ng Emperor ang kanyang wine glass at tinuro ang mga putahe na nasa lamesa. “Bago yun, kumain na muna tayo,” Hindi pa din ginalaw ni Bobby ang kanyang plato.Bilang miyembro ng Caden family, alam niya ang kasalukuyang sitwasyon sa Capital. Ang mga pangunahing mga manlalaro sa laro ng political c

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 838

    Ang Emperor ay mabilis na ipinakita ang kanyang pasasalamat at pumasok na sa loob.Sa may entrance, dahan-dahan niyang kinatok ang pinto at mapagpakumbaba na tumawag, “Mr. Gabriel.” “Mmh.” Mula sa loob ng bahay, isang malumanay na sagot ang maririnig. “Pasok.”Binuksan ng Emperor ang pinto at saka pumasok sa loob. Sa loob ng bahay, may tsimineya na may nagliliyab na kahoy sa loob nito. Sa tan nito, may iniihaw na mga kamote. Sa harapan ng tsimineya ay may isang lalaki na nakaupo na mukhang nasa edad singkwenta. Nakasuot ito ng itim na jacket at nagpapainit ng kamay sa may apoy. Lumapit ang Emperor at tumayo sa tabi nito. “Mr. Gabriel,” sabi niya, na may seryosong ekspresyon.Hindi tiningnan ni Mr. Gabriel ang Emperor. “Masyado kang padalos-dalos. Dapat ka lang parusahan sa mga pagkakamali mo,” sinabi nito ng may malumanay na boses. “Kasalanan itong lahat ni James, Mr. Gabriel. Hindi naman ako malalagay sa ganitong kalaking gulo kung hindi dahil sa kanya…”Malumanay siyang

Latest chapter

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4125

    Swoosh! Inihagis ni James ang kanyang kamao kay Wotan. Isang walang katapusang anino ang bumalot sa buong lugar, kabilang ang katawan ni Wotan.Patuloy na winawagayway ni Wotan ang kanyang espada, na naging sanhi ng walang humpay na pagkamit ng Sword Energy, na winasak ang mga anino sa paligid.“Sige.” Matapos durugin ang hindi mabilang na mga anino at makawala sa maraming pag atake ni James, tumigil si Wotan at tiningnan si James, na natatakpan ng mga pinsala at ang buhok ay gulo. Ngumiti siya, sinasabi, "Hindi na kailangang makipag away, alam ko na kung hanggang saan ang kakayahan mo. Kung magpapatuloy tayo, siguradong matatalo ka."Sinubukan ni James na ngumiti. Kung hindi dahil sa mga paghihigpit na ipinataw niya sa kanyang sarili at sa katotohanang hindi niya maipatupad ang Chaos Power, hindi siya magiging ganito kahina kapag kaharap si Wotan.Sa pagtingin kay Wotan, na hindi nasaktan at malinis pagkatapos ng labanan, binigyan ni James ng thumbs up si Wotan, na nagsasabing, "Na

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4124

    Nasa isang pagkapatas ngayon sina James at Wotan. Wala ni isa sa kanila ang gumalaw.Kahit na mukhang kalmado si James, ginamit niya ang lahat ng kanyang lakas. Matapos ipatawag ang Omniscience Path at maabot ang Seventh Stage nito, ang kapangyarihan ni James ay tumaas nang husto, na nagpapahintulot sa kanya na magkaroon ng isang lubhang nakakatakot na kapangyarihan. Ang produkto ay isang invisible magnetic field na lumalaban sa pag atake ni Wotan.Wala sa kanila ang gumagalaw, ngunit nagmula ang malalaking enerhiya mula sa dalawang core. Ang sitwasyong ito ay nagpatuloy ng halos isang minuto. Pagkaraan ng isang minuto, naputol ang magnetic field. Sa sandaling ito, ang makintab na talim ay patungo sa utak ni James.Dahil sa mabilis niyang reaksyon, madaling nakaiwas si James sa pag atake. Ang nakabubulag na kapangyarihan ng espada ay sumabog, tumagos sa kawalan at bumubuo ng isang napakalaking black hole. Ang black hole ay agad na nabawi ng mystical power.Sa pag iwas lamang sa sunt

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4123

    Huminga ng malalim si James. Sa kasalukuyan, kailangan niyang umasa nang husto sa Chaos Power at sa Omniscience Path. Sa mga ganoong sitwasyon, kailangan niyang mag ingat na huwag ilantad ang Chaos Power, dahil makakaapekto ito sa kanyang magiging membership sa Dooms. Sa oras na iyon, hindi alintana kung siya ay matagumpay na pumasa bilang isang miyembro ng Dooms, ang Dooms ay magiging maingat sa kanya at tatanggihan siya sa mas mataas na posisyon. Kahit na kailangan niyang ipagsapalaran ang paglantad ng kanyang pagkatao, hindi dapat ipaalam ni James ang kanyang Chaos Power.Ang pag atake ni Wotan Buster ay nagdulot ng pagkagulat sa hindi mabilang na bilang ng mga buhay na nilalang na natipon sa lugar na ito."Siya ay nabubuhay hanggang sa kanyang pangalan–-ang Chaos Gold Ranking's top ten. Bagama't ang pisikal na lakas ni Forty nine physical ay nasa Quasi Acme Rank, napasok niya ang kanyang dibdib sa isang suntok.""Tsk, tsk, grabeng tao. At ito ay purong lakas, ng hindi gumagamit n

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4122

    Mayabang si Wotan. Hindi niya kailangan ng anumang kakampi. Ang sinumang gustong makipagsanib pwersa sa kanya ay kailangan munang patunayan ang kanilang halaga."O baka kalabanin mo ako."Lumakas ang boses ni Wotan.Sinulyapan ni James si Leilani at ang iba pa bago tumingin kay Wotan. Pagkatapos ng ilang pagmumuni muni, nagpasya siyang lumaban kay Wotan. Si Wotan ay nasa ika sampung rank sa Chaos Gold Ranking. Gusto niyang makita kung gaano kalakas si Wotan, kung isasaalang alang na ang lahat ay natatakot sa kanya.“Ikaw.”Tinuro ni James si Wotan.Isang ngiti ang sumilay sa mukha ni Wotan. Sa sandaling iyon, isang napakalakas na kapangyarihan ang lumabas mula sa loob ng kanyang katawan at tumagos sa paligid. Naging sanhi ito ng pagkasira ng kawalan. Isinasaalang alang na ang Planet Desolation ay pinangangalagaan ng kapangyarihan ng formation, hindi pa banggitin na mayroong isang misteryosong tao na kumokontrol sa lahat mula sa likod ng mga eksena, ang espasyo ay lubhang matatag d

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4121

    Ngayong lumabas na si Wotan na nasa ika sampu sa Chaos Gold Ranking, banta na siya sa lahat.Kahit na naririnig ni Wotan ang mga talakayang ito, hindi niya ito pinansin. Sa halip, sinuri niya ang kanyang paligid at humakbang pasulong, patungo sa Five-color Holy Pond sa gitna.Kahit na mayroong hindi mabilang na mga nabubuhay na nilalang dito, wala sa kanila ang nangahas na kumilos nang walang ingat. Kahit na gusto nilang pigilan si Wotan, hindi sila nangahas na humakbang pasulong, dahil ang pagpukaw kay Wotan ay maaaring mangahulugan ng tiyak na kamatayan.Papalapit ng papalapit si Wotan sa Five-color Holy Pond.Si Leilani, Wynnstand, Sigmund at ang iba pa ay nababalisa. Malungkot ang ekspresyon ni James. Ang paglalaan na ito ay magiging lubhang kapaki pakinabang sa kanya. Kaya naman, hindi niya ito kayang isuko ng ganun ganun lang."Sinusubukan na angkinin ang providence para sa sarili mo? Ano sa tingin mo ang gagawin namin?" Sabi ni James at nagpakita sa ere. Sinalubong ng kanyan

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4120

    Nakaharap kay Wotan, maging ang ekspresyon ni Leilani ay malungkot. Para sa kanya, kailangan niyang pagsamahin ang lakas ng kanyang grupo para makalaban si Wotan.Sa sandaling iyon, maraming buhay na nilalang ang dumating. Gayunpaman, nang makita si Leilani, Wotan at ang iba pa, napaatras sila at hindi nangahas na lumapit. Si Leilani, Wynnstan, at ang iba pa sa grupo ay hindi kapani paniwalang makapangyarihang mga indibidwal. Gayunpaman, ang presensya ni Wotan ay nagtanim ng takot sa kanilang mga puso.Ng makitang parami ng parami ang mga taong nagkukumpulan dito, napataas ang kilay ni James. Napakaraming tao na ang narito sa maikling panahon. Nag aalala siya na may dadating pa.'Ano ang dapat kong gawin?'Naguguluhan si James.Tiwala siya sa kanyang lakas. Gayunpaman, hindi siya masyadong mapagmataas para maniwala na kaya niyang labanan ang lahat ng pinakamakapangyarihang nilalang sa Greater Realms ng mag isa.Ng makita si Leilani at ang iba pa, naglakad si James palapit sa kani

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4119

    "Mga kapwa ko kaibigan!"Sa sandaling iyon, muling nagboom ang boses kanina."Maraming providences sa Planet Desolation. Ngayon, ang unang major providence ay lumitaw sa isang limang kulay na pond sa isang bundok. Sa pond, mayroong isang pambihirang Five-color Holy Water. Sa pamamagitan ng pagbababad sa pond, ang iyong pisikal na lakas ay tataas ng mabilis! Ang Five-Color Holy Pond ay napakabihirang, kaya mangyaring huwag hayaan ang isang mapagkukunan ng buhay na sayangin ang maaari."Ng marinig ito ni James ay tuwang tuwa.Sa ibang mga nilalang, ito ay para lamang sa pagpapataas ng pisikal na lakas ng isang tao. Gayunpaman, para kay James, ito ay isang malaking hakbang patungo sa Eight Stage ng Omniscience Path. Sa sandaling tumawid siya sa Eighth Stage ng Omniscience Path, hindi na siya matatakot sa sinumang Acmeans. Kapag naabot na niya ang Ninth Stage, nasa stage na si Soren Plamen, walang nabubuhay na nilalang sa Greater Realms ang makakapatay sa kanya.Tuwang tuwa si James,

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4118

    Itinago ni James ang kanyang sarili sa mga anino at pinanood ang labanan sa pagitan ng dalawampung buhay na nilalang. Pagkatapos, nagsagawa siya ng Blossoming at ipinatawag ang Sacred Blossom. Habang lumalaganap ang kapangyarihan ng Sacred Blossom, ang mga buhay na nilalang sa ibaba ay agad na nawasak.Matapos lipulin ang mga taong iyon, naramdaman ni James ang ilang pagbabago sa loob ng kanyang katawan. Habang pinagmamasdan niyang mabuti ang kanyang katawan, wala siyang makitang kakaiba.Nagsalubong ang kilay niya.Kahit na may mga anomalya sa loob ng kanyang katawan, hindi niya ito maramdaman. Ito ay hindi makatwiran. Ang kanyang cultivation base ay umabot na sa tugatog ng cultivation. Gayunpaman, ang boses na humihila ng mga string sa likod ng mga eksena ay nagawang pakialaman ang kanyang katawan. Nangangahulugan ito na ang pag cucultivate ng buhay na nilalang ay higit pa sa kanya.Dahil hindi maintindihan ni James ang nangyayari, isinantabi muna niya ang mga iniisip. Ang kailan

  • Ang Alamat ng Dragon General   Kabanata 4117

    Bukod dito, nakikita nila na ang pagbuo ay dahan dahan at unti unting lumilipat patungo sa gitnang rehiyon. Kahit na ang bilis ay katamtaman, ang pagbuo ay magiging sentro ng Desolate Grand Canyon sa loob ng isang milyong taon.“Totoo ba ito?”"Talagang pinapatay ang mga tao sa formation?"Sa sandaling iyon, marami ang nagsimulang kabahan. Ang ilan ay pumailanglang sa langit at sinubukang umalis sa lugar na ito. Gayunpaman, ng malapit na silang umalis sa Planet Desolation, nakipag ugnayan sila sa formation at agad na nagkawatak watak sa kawalan.Ng makita ito, namutla ang mukha ng maraming tao. Malungkot din ang ekspresyon ni James."Mukhang totoo ito. Kailangan kong asahan ang pinakamasama," Bulong niya.Siya ay nagpaplano para sa pinakamasamang senaryo. Iyon ay dahil hindi niya alam kung sino ang pumasok sa Planet Desolation at kung mayroong anumang mga Acmean sa kanila sa nakalipas na milyon milyong taon. Kung meron man, mahirap para sa iba na mabuhay."Hindi ito laro, mga ta

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status