Tumayo siya, kinuha ang libro, at mahinang bumulong, "Salamat." Ngumiti si Quincy. "Alam ko na mamimiss mo ang librong to kaya dinala ko to para sa'yo." "Salamat…" Bahagyang tumango si James at mapagpaumanhing tumingin sa kanya. "Pasensya ka na…" Ngumiti ang magagandang labi ni Quincy habang kinawayan niya lang ang paghingi niya ng tawad at kalmadong nagsabing, "Ayos lang. Totoo yun. Sinabi ko na sa'yo na rerespetuhin ko kung anomang desisyon ang gagawin mo." Bumuntong-hininga siya. "Mahirap ang pinagdaanan ni Thea. Tinalikuran siya ng mundo pagkatapos masunog ng mukha niya. Kahit ang sarili niyang pamilya ay kinamuhian siya. Sa wakas, nagmukha nang maganda ang buhay niya, ngunit nalason naman siya. Ano kaya ang mangyayari sa kanya kapag gumana na ang lason?"Naiintindihan ni Quincy ang sitwasyon nina Thea at James. May kasalanan rin siya dito sa pagiging makasarili niya. Hindi sana maiipit si James kung hindi siya nakisali noon. "Sa totoo lang, ayaw ko nang ipagpatulo
Nagkamot ng ulo si James. Mukhang masamang ideya iyon dahil wala siyang interes sa pulitika. Gayunpaman, isang matalinong lalaki ang Hari, kaya ang naiisip niyang kandidato ay malamang na isang marangal na indibidwal. Masayang-masaya si James na pangunahan ang daan para sa isang matalinong pinuno. "Kayamanan?" Bumulong si James. Kakatapos lang ng sitwasyon sa Southern Plains at nagiging mahirap na makakuha ng sapat na kayamanan sa loob ng isang taon. Ang tanging magagawa niya lang ay magsimula sa Cansington. "Anong ibig sabihin ni Gloom? Ang mayayaman mula sa Capital, ang Oceanic Commerce, Five Provinces Business Alliance, at Infinite Commerce?" Pinag-isipan ulit ni James ang mga salita niya. 'Sinasabi niya ba na gumamit ako ng iligal na paraan para makakuha ng yamang kailangan ko mula sa mga taong ito?' Umiling si James at kinalimutan ang naisip niya. Bumalik siya sa ward dala ang medical book niya. “Mahal…”Pagkabalik niya, nagtatakang nakatingin si Thea sa k
Tinignan ni Blake ang katawan ni James. "Mukhang mas gumanda ang kalagayan mo. Mukhang nagbunga na ang pagsasanay mo. Wag mong kalimutan ang pangako mo na tuturuan mo ko ng cultivation method na yun." Nagsalita si James nang nakangiti, "Syempre. Gayunpaman, pinag-aaralan ko pa to. Pagkatapos magcultivate ang True Energy ko, ipapasa ko ang paraan sa'yo." "Nakalimutan mo rin ba na kailangan mo kong bigyan ng antidote?" Iniunat ni Blake ang kamay niya. "Bigyan mo ko ng panulat at papel. Isusulat ko ang formula para sa'yo. Pwedeng ikaw na mismo ang kumuha ng gamot." Kaagad na nagdala si Blake ng panulat at papel. Sinulat ni James ang reseta para sa gamot na magtatanggal sa lason at iniabot ito kay Blake. Kinuha ito ni Blake at mabilis itong pinahapyawan. Napakaraming medicinal materials na hindi niya makilala ang nakasulat dito. Dahil hindi niya ito maintindihan, simple niya itong itinabi. Pagkatapos, nagsalita si James nang may seryosong tono, "May misyon ako para sa'yo.
Kumalat ang balita ng pagtiwalag ng Elite Eight mula sa Southern Plains hanggang sa buong bansa at naging internasyonal na usapin sa loob lang ng maikling panahon. Mainit na pinag-usapan ng netizens ang bagay na ito. Si James ang kumontrol sa Elite Eight. Kung kaya't natural na naging usap-usapan rin siya. Nakisimpatiya ang buong bansa kay James. Sayang lang at hindi makita justice system ang nagawa niya. Kung hindi, isa na siyang buhay na alamat ngayon. Nanatili si James sa ospital buong araw at pinag-aaralan niya pa rin ang medical book. Pagkatapos malaman ang tungkol sa balita, bahagya siyang ngumiti. "Darling, tumiwalag ang Elite Eight sa Black Dragon Army." Walang magawa si Thea habang nakahiga sa kama. Kahit na nagpaiwan si James para samahan siya sa ospital, hindi siya nito kinausap. Patuloy siyang naghahanap ng pagkakataon para kausapin siya. Nang nakita niya ang balita sa phone niya, binanggit niya ito at sinubukan itong gamitin bilang panimula. Sa sandaling
Dahan-dahan na binuod ni Newton ang sitwasyon sa Cansington.“At saka…”Sinabi ni Newton, “Kamakailan lang, isang bagong pharmaceutical group na ang pangalan ay Centennial Corporation ay itinatag sa Cansington.”“Ano? Centennial Corporation? Sino ang nasa likod nila?” Nagtaas ng kilay si James.Umiling si Newton. “Hindi ko alam. Kasalukuyan silang sumisikat sa paglalabas ng ilang mga bagong gamot na umani ng di-mabilang na mga papuri mula sa mga consumer. Higit pa dun, nakaani sila ng maraming tagahanga sa may Medical Street. Marami na silang mga kilalang kilala na mga doktor na sumusuporta sa kanila, kabilang na doon si Jonathan na natalo sayo sa huling medical conference.”May napagtanto si James nung marinig niya ito. ‘Kung hindi ako nagkakamali, ang boss sa likod ng Centennial Corporation ay ang Emperor dahil si Jonathan ay kasabwat niya,’ sinabi ng malakas ni James ang kanyang ispekulasyon. “Centennial Corporation? Isang daang taon? Isa ba itong reperensya sa kanilang pla
Hirap na hirap gumawa ng desisyon si James. Ayaw na niya talaga ng gambalain pa si Quincy.Gayunpaman, umaasa siya na tutulungan siya nito. “Sabihin mo sa akin ang iba pang mga detalye. Ano ang gusto mong gawin ko? Hindi kita tutulungan ng libre. May limitasyon kung hanggang kailan kita tutulungan ng libre.” pilyang ngumiti si Quincy.Pinag-isipan muna ni James ang tungkol dito ng mga ilang sandali saka sinabi, “Hahanap muna ako ng paraan para makahanap ng pera. Gugulin mo ang ilang susunod na mga araw para ihanda ang pagtatatag ng kumpanya. Kapag naasikaso ko na ang lahat sa panig ko, tatawagan kita para sa susunod na hakbang.”“Tumango si Quincy. “Sige. Pwede na yun.”Tumayo siya at lumingon para tingnan ang ospital.Gusto ni quincy na bisitahin si Thea ngunit alam niya na masama pa din ang loob sa kanya ni Thea, kaya hindi na lang niya ito ginawa. Kinaway niya ang kanyang kamay at naglakad palayo. “Mauuna na akong umalis.”Pinanood ni James si Quincy na umalis. Pagkatapo
Kung nangyari ito habang si James ay ang Dragon King pa, tatanggihan niya ito.Subalit, kailangan na kailangan niya ang pera ngayon.“Pakiusap at isipin mo na lang na utang ko ito sayo, tinitiyak ko na babayaran kita kapag kaya ko na. At tungkol naman kay Cynthia, bigyan mo ko ng panahon. Magagawa ko din siyang pagalingin ng tuluyan.”Kampante si James sa kakayahan ng Crucifier.Hangga’t magagawa niyang mag-cultivate ng True Energy at gamitin ito, ang sakit ni Cynthia ay tuluyan na niyang mapapagaling.“Sige. Magkita na lang tayo sa Cansington bukas.”Pagkatapos magkaroon ng kasunduan kay Zane, tinapos na ni James ang tawag. Nakahinga siya ng maluwag pagkatapos niyang ibaba ang tawag.Mabuti na lang, bukal sa loob ni Zane na tulungan siya, Kung hindi, hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin. Pagkatapos na lutasin ang isyu tungkol sa pera, pumasok na siya sa ward. Sila Newton at Serena ay lumingon at binati siya. “Mr. Caden.”Tumango si James bilang tugon. Pinulo
Umikot si James at umalis.Sumigaw ang director sa kanyang likuran, “Isang disenteng babae si Lydia! Magiging isa siyang mabuting asawa!” Hindi siya pinansin ni James at bumalik na sa ward ni Thea. Napagod siya sa kakatakbo sa loob ng ospital. Humiga siya sa may sopa at dahan-dahan na minasahe ang kanyang sentido.Habang inaasikaso niya ang ilang mga bagay, hindi naman natulog si Thea. “Mahal, pwede ka bang lumapit at makipag-usap sa akin?” Muling sinubukan ni Thea na makipag-usap kay James.Tinaas ni James ang kanyang ulo at tiningnan si Thea.Nang makita ang walang magawa na ekspresyon nito, napabuntong hininga na lang siya.Sumama ang loob niya para kay thea at wala siyang ibang gusto kung hindi ang protektahan ito gamit ang kanyang buhay.Subalit, wala siyang oras para gawin ang bagay na iyon ngayon.Kumuha si James ng isang bangko at umupo sa tabi ng kama. Hinawakan niya ang kamay nito at sinabi, “Napagod ako kanina at wala akong lakas para makipag-usap. Hindi naman s