Lahat ng camera ay nakaturo kay James.Siya ay madumi at madungis.“Inaamin ko,” Mahinang sinabi ni James. Kahit na ang mga witness ay sinobrahan ang kwento, hindi maitatanggi na pinatay niya sila.“Mabuti.” Tumayo ang Emperor at sumigaw, “Tutal umaamin ka, ano sa tingin mo ang iyong magiging kaparusahan ayon sa batas para sa mga krimen?”“Kamatayan.”Tumingin si James sa mata ng Emperor. Ang kanyang mata ay walang takot.Kahit na siya ay nanghihina, ang kanyang titig ay laging nakakatakot.Nairita ang Emperor. Pakiramdam na siya ay pinupuntirya ng isang mabangis na hayop, natural siyang umatras ng ilang hakbang.Subalit, kaagad nagpanggap siya. Ang kaba na nasa mukha niya ay nawala. Tinignan ang kanyang paligid, sinabi niya, “Si James ay papatayin para sa kanyang krimen ayon sa batas. Mga miyembro ng jury, pagusapan niyo ito sa isa’t isa.”Narinig ito, nagpalitan sila ng kanilang mga opinyon ng nagbubulungan.Sa labas ng courthouse…Isang convoy ang huminto sa harap ng gate
”Nakasuot siya ng itim na robe… Siya ay heneral ng Southern Plains! Ano ang sinusubukan niyang gawin sa paglitaw kasama ang Blade of Justice sa trial ni James? Sinusubukan niya bang iligtas si James gamit ang espada?”Mainit ang naging usapan ng mga tao.Samantala, si James ay nakaupo sa defendant stand at nakangiti.Nakita ang Blade of Justice, ang mukha ng Emperor ay nandilim.Sa ilalim ng maingat na tingin ng mga tao, sinabi ni Henry, “Kahit na ang Sol ay bansa na pinamumunuan ng batas, marami pa din ang nagawang tumakas sa hustisya sa paghahanap ng butas. Ang Blade of Justice ay nagsisilbi na patayin ang mga masamang kriminal at ibigay ang nararapat sa kanila.”Sinabi ni Henry na may matinding kumpyansa, “Ang Black Dragon, commander-in-chief ng Black Dragon army, ay sinusunod ang batas ng Sol sa pagpatay sa lahat ng nakatakas sa hustosya. Ang mga nakaraang pinuno ng the Great Four ng Cansington ay pinatay dahil sa massacre sampung taon ang nakalipas.”“Sampung taon nakalipas,
Habang nakatingin ang lahat, inilabas ni James ang Blade of Justice.Tumingin siya sa Blade of Justice at tumuro siya sa Emperor.“Ano?”Nabigla ang mga madla sa kilos niya.Nabigla ang Emperor. Pinawisan siya at tumulo ang malamig na pawis sa noo niya.Pagkatapos ng ilang sandali, kumalma na siya at sumigaw, “Ano ang ibig sabihin nito, James? Tinututok mo ang sandata mo sa akin. Pinapahiwatig mo ba na gusto mo akong patayin.”Ngumiti si James. “Emperor, marami kayong iniisip. Kaswal ko lang na kinakaway ito.”Itinaas niya nag Blade of Justice, may bigat ito na higit sa limang kilo. Ang braso niya ay mahina na, at ang mukha niya ay namutla habang namuo ang pawis sa noo niya. Hawak niya ang Blade of Justice gamit ang buong lakas niya.Nagdadalawang isip siyang ibinaba ito.Nakahinga ng maluwag ang marami.Tumingin ulit si Henry sa lahat. “Sinabi ko na ang lahat ng kailangan kong sabihin.”Pagkatapos magsalita, naglakad siya patungo sa upuan sa ibaba at umupo siya.Ang mga ju
Hindi inaashan ng kahit sino na siya ay maging isang pambansang bayani na nagsisimpatya sa mahirap at pumoprotekta sa bansa.Ang isang taong tulad niya ay nauwi sa isang miserableng kalagayan.Libo libong mga tao ang nagtipon sa labas ng courthouse. Lahat sila ay nakayuko ng tahimik. Maraming mga babae ang umiyak para sa kanya.“James…”May boses na tumunog sa likod niya. Tumalikod si James at nakita niya si Henry na humahabol sa kanya.Lumapit si Henry sa kanya at nagtanong ito, “Saan ka pupunta, James?”Tinaas ni James ang kamay niya at tinapik niya sa balikat si Henry, sinabi niya, “Nagpapasalamat ako sayo. Hindi mo na kailangan mag alala tungkol sa mga problema ko. Bumalik ka na sa Southern Plains. Kailangan ng tao doon para mamahala sa isandaan at limampung bayan. ‘Wag mo hayaang mapunta sa gulo ang Souther Plains.”“Pero, ikaw…”Kumaway si James at sumingit siya kay Henry.“‘Wag kang mag alala. Ayos lang ako. Kukunin ko ang pagkakataon na ito para magpahinga. Pagod na ak
Natapos na ang public trial na gumulo sa buong bansa.Ang mga krimen ni James ay nakalista sa trial. Gayunpaman, ang mga alegasyon ay klinaro ng isa isa.Para naman sa pagtanggap sa mga suhol…Umamin si James sa paggawa ng krimen.Gayunpaman, ang pera na nakuha ay ibinigay sa Black Dragon Army at ginamit para itayo ang Transgenerational Group para ibigay ang pera sa mga mahihirap. Kahit na hindi ito legal, nakakuha siya ng suporta mula sa mga tao.Ang Black Dragon ay may Black Dragon card at hindi siya nagkukulang sa pera. Gayunpaman, nilabag niya pa rin ang batas para ibalik ang pera sa bayan.Pagkatapos ng public trial, nawalan ng malay si James. Walang may alam kung bakit ito nangyari.Gayunpaman, alam ng publiko na simula ngayon, nawala ang War God ng Sol na isang mahusay na commander na dedikado sa kanyang bansa.Habang nasa public trial, ginamit ni James ang lahat ng lakas niya para itaas ang Blade of Justice at ibalik ito sa lugar nito.Pagkatapos umalis ng courthouse,
Umiling ng mahina si James.Wala siyang sinisi.Kahit wala si Thea, ang Emperor ay makakahanap ng paraan para harapin siya. Kung hindi si Thea, ibang tao ang gagamitin.“Oo nga pala, ayos ka lang ba? Mabuti na ba ang pakiramdam mo?”Umiling si Thea. “Hindi naman masama ang pakiramdam ko at ayos naman ako sa ngayon.”Nang marinig ito ni James, gumaan ang loob niya.Ang Gu sa katawan ni Thea ay hindi kasing lala ng kay James, at wala sa panganib si Thea.“Patawad. Patawad talaga… wah…”Walang masabi si Thea at nagawa niya lang na humingi ng tawad sa harap ni James.“Ayos lang. Hindi ito isang malaking bagay. Hindi ba’t ayos lang ako? Gutom na ako. Meron bang makakain dyan?”“Kukuha ako ng para sayo.”Hindi alam ni Thea kung ano ang magagawa niya para kay James. Nang marinig niya na gutom si James, mabilis siyang umalis ng ward para kumuha ng pagkain.Pagkatapos umalis ni Thea, tumahimik na ulit ang ward.Sumandal si James sa kama.Tinaas niya ang kamay niya at minasahe niya
Nataranta si Scarlett. “Mamamatay ako ng wala ang proteksyon mo, James.”Si Scarlett ay isang grave robber. Sila ng mga kasamahan niya ay ninakawan ang ancient tomb ng Prince of Orchid Mountain.Kumakalat sa mundo ng kriminal ang balita tungkol sa ancient tomb. Dati, siya ang chairman ng Transgenerational Group. Kaya naman, walang lumalapit sa kanya. Ngayon at bumagsak na ang Transgenerational Group, siguradong pupuntiryahin siya ng mga tao mula sa mundo ng mga kriminal.Mamamatay siya kapag bumalik siya ngayon.Ang mukha ni James ay namutla at sumagot siya ng mahina, “Hindi kita mapoprotektahan sa kondisyon ko ngayon. Bakit hindi ka pumunta sa Cansington at hanapin mo ang Blithe King? Humiling ka na maghanda siya ng posisyon para sayo. Isa siya sa Five Commanders, at sigurado ako na walang gugulo sayo kapag siya ang sumusuporta sayo.”Dahil gumawa na ng plano si James para sa kanya, walang reklamo si Scarlett.Tumingin si James kay Quincy at sinabi niya, “Dapat ka na rin bumalik
Magaan ang mga hakbang na iyon. Kahit na sumasama ang kalusugan ni James, hindi nanghina ang pakiramdam niya. Gumulong siya mula sa kama at naglakad nang nakatingkayad palabas ng ward. Tinignan niya ang pasilyo at nilapitan ang hagdan. Nang narating niya ang hagdan, kaagad niyang napansin ang isang lalaking nakasuot ng itim na coat at duckbill hat na sinasadyang itago ang itsura niya. Nakasandal ang lalaki sa pader at naghintay na lumapit si James. "Inutusan ako ng Hari na kumustahin ka. Ayos ka lang ba?" tanong ng isang paos na boses. Tumayo si James sa tabi niya. Hindi maayos ang kondisyon ng katawan niya at kailangan niyang sumandal sa pader para bawasan ang bigat na nararamdaman niya. May seryosong ekspresyon si James habang nagpaliwanag siya, "Nasa kritikal na kondisyon ang katawan ko. Nalason ako gamit ng Gu. Nanghina ang katawan ko at unti-unti akong manghihina hanggang sa tuluyan na akong hindi makakakilos. Hihintayin ko ang kamatayan ko nang nagdurusa habang nakara