Natapos na ang public trial na gumulo sa buong bansa.Ang mga krimen ni James ay nakalista sa trial. Gayunpaman, ang mga alegasyon ay klinaro ng isa isa.Para naman sa pagtanggap sa mga suhol…Umamin si James sa paggawa ng krimen.Gayunpaman, ang pera na nakuha ay ibinigay sa Black Dragon Army at ginamit para itayo ang Transgenerational Group para ibigay ang pera sa mga mahihirap. Kahit na hindi ito legal, nakakuha siya ng suporta mula sa mga tao.Ang Black Dragon ay may Black Dragon card at hindi siya nagkukulang sa pera. Gayunpaman, nilabag niya pa rin ang batas para ibalik ang pera sa bayan.Pagkatapos ng public trial, nawalan ng malay si James. Walang may alam kung bakit ito nangyari.Gayunpaman, alam ng publiko na simula ngayon, nawala ang War God ng Sol na isang mahusay na commander na dedikado sa kanyang bansa.Habang nasa public trial, ginamit ni James ang lahat ng lakas niya para itaas ang Blade of Justice at ibalik ito sa lugar nito.Pagkatapos umalis ng courthouse,
Umiling ng mahina si James.Wala siyang sinisi.Kahit wala si Thea, ang Emperor ay makakahanap ng paraan para harapin siya. Kung hindi si Thea, ibang tao ang gagamitin.“Oo nga pala, ayos ka lang ba? Mabuti na ba ang pakiramdam mo?”Umiling si Thea. “Hindi naman masama ang pakiramdam ko at ayos naman ako sa ngayon.”Nang marinig ito ni James, gumaan ang loob niya.Ang Gu sa katawan ni Thea ay hindi kasing lala ng kay James, at wala sa panganib si Thea.“Patawad. Patawad talaga… wah…”Walang masabi si Thea at nagawa niya lang na humingi ng tawad sa harap ni James.“Ayos lang. Hindi ito isang malaking bagay. Hindi ba’t ayos lang ako? Gutom na ako. Meron bang makakain dyan?”“Kukuha ako ng para sayo.”Hindi alam ni Thea kung ano ang magagawa niya para kay James. Nang marinig niya na gutom si James, mabilis siyang umalis ng ward para kumuha ng pagkain.Pagkatapos umalis ni Thea, tumahimik na ulit ang ward.Sumandal si James sa kama.Tinaas niya ang kamay niya at minasahe niya
Nataranta si Scarlett. “Mamamatay ako ng wala ang proteksyon mo, James.”Si Scarlett ay isang grave robber. Sila ng mga kasamahan niya ay ninakawan ang ancient tomb ng Prince of Orchid Mountain.Kumakalat sa mundo ng kriminal ang balita tungkol sa ancient tomb. Dati, siya ang chairman ng Transgenerational Group. Kaya naman, walang lumalapit sa kanya. Ngayon at bumagsak na ang Transgenerational Group, siguradong pupuntiryahin siya ng mga tao mula sa mundo ng mga kriminal.Mamamatay siya kapag bumalik siya ngayon.Ang mukha ni James ay namutla at sumagot siya ng mahina, “Hindi kita mapoprotektahan sa kondisyon ko ngayon. Bakit hindi ka pumunta sa Cansington at hanapin mo ang Blithe King? Humiling ka na maghanda siya ng posisyon para sayo. Isa siya sa Five Commanders, at sigurado ako na walang gugulo sayo kapag siya ang sumusuporta sayo.”Dahil gumawa na ng plano si James para sa kanya, walang reklamo si Scarlett.Tumingin si James kay Quincy at sinabi niya, “Dapat ka na rin bumalik
Magaan ang mga hakbang na iyon. Kahit na sumasama ang kalusugan ni James, hindi nanghina ang pakiramdam niya. Gumulong siya mula sa kama at naglakad nang nakatingkayad palabas ng ward. Tinignan niya ang pasilyo at nilapitan ang hagdan. Nang narating niya ang hagdan, kaagad niyang napansin ang isang lalaking nakasuot ng itim na coat at duckbill hat na sinasadyang itago ang itsura niya. Nakasandal ang lalaki sa pader at naghintay na lumapit si James. "Inutusan ako ng Hari na kumustahin ka. Ayos ka lang ba?" tanong ng isang paos na boses. Tumayo si James sa tabi niya. Hindi maayos ang kondisyon ng katawan niya at kailangan niyang sumandal sa pader para bawasan ang bigat na nararamdaman niya. May seryosong ekspresyon si James habang nagpaliwanag siya, "Nasa kritikal na kondisyon ang katawan ko. Nalason ako gamit ng Gu. Nanghina ang katawan ko at unti-unti akong manghihina hanggang sa tuluyan na akong hindi makakakilos. Hihintayin ko ang kamatayan ko nang nagdurusa habang nakara
Napakalalim ng iniisip ni James. Iniisip niya ang impormasyong ibinahagi ni Gloom tungkol sa Gu raisers na nabuhay isandaang taon ang nakalipas. 'Gusto nilang kontrolin ang mundo gamit ng mga Gu?'Nabigla siya sa boses ni Quincy. Tinaas niya ang mukha niya at tumingin kay Quincy na nakatayo sa pintuan ng ward. "Paanong di ka man lang gumawa ng ingay? Binabalak mo bang patayin ako sa gulat?" "Saan ka nagpunta?" Nagdududang tumingin si Quincy sa kanya at lumabas ng ward para tignan ang paligid niya. Nang nakita niyang walang tao sa labas, bumalik siya sa ward nang nakahalukipkip. "Gabing-gabi na. Sinong pinuntahan mo sa labas?" tanong ni Quincy. Humikab si James. Pagkatapos, naglakad siya papunta sa hospital bed at bumulong, "Ang tagal ng tulog ko at medyo nainitan ako kaya naglakad-lakad ako sa labas." "Ganun ba?" Hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya si Quincy. Humiga si James at tumango. "Syempre, ano pa bang gagawin ko?" "Sige."Hindi na nagtanong pa si Quincy
Tumingin siya sa inaantok na si James, tinuro ang wheelchair, at nagsabing, "Umupo ka rito." Natawa si James. "Seryoso? Sobra naman ang tingin mo sa kondisyon ko. Kaya ko pang maglakad." Seryosong nagsalita si Quincy, "Wag matigas ang ulo. Umupo ko na ngayon din. Sabi ng doktor, hindi inaasahan ang kondisyon mo. Hindi ka pwedeng kumilos maliban na lang kung talagang kailangan. Patuloy na hinihigop ng virus sa katawan mo ang enerhiya mo. Kung kaya't habang lalo kang kumikilos, mas nagiging aktibo ang virus cells." Tumango si James. Kagaya ng hula niya ang pahayag ng doktor. Umupo siya mula sa kama. Mabilis na lumapit si Quincy at sinuportahan siya na makaupo sa wheelchair. Pagkatapos, tinulak niya ang wheelchair ni James palabas ng ospital. Sa labas ng ospital… Nagtanong si Quincy, "Saan ka pupunta?" Tinignan ni James ang mataong siyudad. Naguluhan siya. Pakiramdam niya ay walang espasyo para sa kanya ang lungsod na ito, sa kabila ng laki nito. Bumuntong-hininga si J
Pagkatapos paglaruan ang Crucifier nang ilang sandali, initsa ito ni James sa mesa at kinuha ang phone niya para tignan ang oras. Hating-gabi na. Kumain siya ng alas-otso ngunit nagugutom na naman siya. Kung kaya't kinuha ni James ang phone niya at nagpadala ng message kay Quincy na nasa kabilang kwarto. [Nagugutom ako.]Pagkalipas ng ilang segundo matapos ipadala ang message, bumukas ang pinto ng kwarto niya. Pumasok si Quincy suot ng pajama. Ang puti niyang pajama ay manipis at ang hubad niyang katawan ay medyo nakikita, na nagbibigay ng mapang-akit na aura. Basa pa ang buhok niya dahil kakatapos niya lang maligo. "Anong gusto mo? Magoorder ako ng food delivery." "Karne," sagot ni James. Dahil nalason siya, napakalakas ng gana ni James sa pagkain, lalo na sa karne. "Sige."Kinuha ni Quincy ang phone niya at nagsimulang umorder ng food delivery para sa kanya. Pagkatapos umorder ng pagkain, umupo siya at tumingin sa nagkalat na karayom sa mesa. "Para saan ang mga to
Nabigla nag lahat. "Magtatakas ka ng tao sa kulungan?" "James, anong pakay mo sa misyong ito?" Nagtataka tumingin ang lahat kay James. Tumingin si James kay May at nagtanong, "Lumaki ka sa Dark Castle at dati kang SSS-ranked assassin, tama? Siguro naman kilala mo na ang founder ay si Blake, tama?" "Oo." Tumango si May. Nang narinig niyang mabanggit ang pangalan ni Blake, kaagad na naging seryoso ang mukha niya at nagsabing, "May kaunti akong pagkakakilala sa kanya. Gumagamit si Blake ng mababangis at walang awang paraan para makuha ang gusto niya. Ang mga hindi sumunod o nangtraydor sa kanya ay nakaranas ng masaklap na kamatayan. Sa huli, nahuli siya ilang taon ang nakalipas." Pagkatapos ng paliwanag, hindi siya makapaniwalang tumingin kay James. "James, wag mong sabihing balak mo siyang iligtas?" Tumango si James at kinumpirma ang nasa isip niya, "Ganun na nga. Kailangan ko siyang iligtas. Nalason ako, at kaagad niya itong natukoy bilang Gu. Sinabi niya na alam niya ku