Nabigla nag lahat. "Magtatakas ka ng tao sa kulungan?" "James, anong pakay mo sa misyong ito?" Nagtataka tumingin ang lahat kay James. Tumingin si James kay May at nagtanong, "Lumaki ka sa Dark Castle at dati kang SSS-ranked assassin, tama? Siguro naman kilala mo na ang founder ay si Blake, tama?" "Oo." Tumango si May. Nang narinig niyang mabanggit ang pangalan ni Blake, kaagad na naging seryoso ang mukha niya at nagsabing, "May kaunti akong pagkakakilala sa kanya. Gumagamit si Blake ng mababangis at walang awang paraan para makuha ang gusto niya. Ang mga hindi sumunod o nangtraydor sa kanya ay nakaranas ng masaklap na kamatayan. Sa huli, nahuli siya ilang taon ang nakalipas." Pagkatapos ng paliwanag, hindi siya makapaniwalang tumingin kay James. "James, wag mong sabihing balak mo siyang iligtas?" Tumango si James at kinumpirma ang nasa isip niya, "Ganun na nga. Kailangan ko siyang iligtas. Nalason ako, at kaagad niya itong natukoy bilang Gu. Sinabi niya na alam niya ku
Tahimik na lumipas ang gabi. Sa sumunod na araw… Dumating si Gloom nang maaga. Sa kwarto. Pinag-usapan nina James at Gloom ang detalye ng misyon nila nang ilang sandali. Gusto niyang ipagawa kay Gloom na ilagay ang Elite Eight sa Red Flame Army at iistasyon sila entrance. Ang Red Flame Army ang responsable sa kaligtasan ng Capital. Ang isang sundalo ay dapat na dumaan na napakaraming reviews bago masuri ng General ng Red Flame Army. Pagkatapos lang ng ilang sunod-sunod na assessment, doon lamang sila matatanggap bilang opisyal na miyembro. Si Gloom ay ang personal bodyguard ng Hari pero wala siyang military rank at nanatili siyang nakatago. Sa kabila nito, napakalaki ng awtoridad niya. Siya ang matatawag na representative ng Hari. Hindi mahirap para sa kanya na ilagay sina May at ang iba pa sa Red Flame Army. Ang totoo, masasabi na sisiw lang ito para sa kanya. "Sige, ako nang bahala." Tumango si Gloom. Tumingin siya sa nanghihinang si James at nagsabing, "Kailang
"Naiintindihan ko." Tumango si May at mabilis na lumabas. Napagod si James at sumandal uli sa kama. Natulala siya sa pag-iisip. Bigla na lang, lumapit si Quincy at umakyat sa kama. Minasahe niya ang binti ni James nang may nag-aalalang ekspresyon sa maganda niyang mukha. "Pagod ka na nga pero ang dami mo pang ginagawa. Dapat nagpapahinga ka na." Nahimasmasan si James at kumaway, sabay nagsabing, "Sige, tama na yan. Mainit dito sa hotel. Pwede mo ba akong ilabas para makalanghap ng sariwang hangin?""Sige." Tumango si Quincy. "Bigyan mo ko ng ilang minuto. Kailangan kong magpalit ng damit." Nagmadali siyang umalis at bumalik sa kwarto niya para magpalit ng damit. Nakasuot na siya ngayon ng dress at nakatali na ang buhok niya. Sa isang iglap, nagbagong anyo siya bilang isang marangal na babae. Pagkatapos nito, tinulak niya ang wheelchair ni James palabas ng hotel. Umaga pa lang. Malamig ang simoy ng hangin ng taglagas nang dumampi ito sa balat nila. "James, saan mo g
Sinadya ni James na makipagkita sa Emperor para subukan siya. Malakas ang reaksyon ng Emperor sa mga salita niya. May hula si James tungkol sa motibo ng Emperor. May malapit siyang relasyon sa Gu raisers. Dagdag pa roon, may sikretong research facility sa Cansington, Lily City. Maski ang intelligence network ni Jake ay hindi ito kayang pasukin. May kutob si James na ang konektado ang research facility na ito sa parasitic venom. "Mag-ikot tayo," utos ni James kay Quincy. "Sige." Tumango si Quincy at tinulak si James para mag-ikot-ikot sa lungsod. Sumakay ang Emperor sa kotse at kaagad na nagmaneho ang driver. Nakaupo siya sa likod nang may seryosong ekspresyon. Hindi niya inasahan na napakatalino ni James para mapagtagpi-tagpi ang lahat pagkatapos niya lang malason. Isa itong kasaysayan ng isandaang taon ang nakalipas na matagal nang nakalimutan. Karamihan sa mga nakakaalam ng sikretong iyon ay matagal nang patay. Paanong natuklasan ito ni James? Isa nang imbalido si
Pagkatapos niyang mabusog, humiga siya sa kama at nagpahinga habang nililinis ni Quincy ang kanyang kinainan.Sa buong araw na iyon, nanatili siya sa loob ng hotel.Nakakabagot sa loob ng hotel, pero naging nakakatuwa naman ito dahil sa mga biro ni Quincy.Mabilis na lumipas ang oras.Hindi nagtagal, dumating na ang araw ng kanilang misyon. Kinagabihan. Tumayo si James sa may balkonahe at tiningnan ang maliwanag na siyudad sa kanyang harapan.Nilapitan siya ni Quincy na may hawak na malaking coat at pinatong ito sa kanya at pinaalalahanan siya, “Taglagas na, at lumalamig na ang panahon. Sa kasalukuyan mong kondisyon, hindi ka dapat magkasipon. Binalaan ka ng doktor na magiging delikado para sayo kapag nagkasakit ka.” Natutuwa si James sa tanawin ng siyudad sa gabi.“Tingnan mo, ang Capital ay nakakamangha sa gabi.”“Hindi ako makapaniwala na nasa mood ka pa din na mag-senti. Ang mga tauhan mo ay kikilos ngayong gabi. Kapag nabigo sila, kamatayan lang ang naghihintay sa kan
Ininom ni Blake ang lason na gawa ni James. Alam n James na malakas si Blake, at magiging isang malaking delubyo kapag walang makakapigil dito kapag nakalabas ito ng kulungan. Ayaw niya na gumagawa ng isang bagay ng walang kasiguraduhan.Kapag itinakas niya si Blake, dapat ay hawak niya ang buhay nito.Ngayon, may mabusising plano si James at may malinaw na pagkakahati ng mga gawain.Ang ilan ay gagamitin ang routine daily inspection para makapasok sa kulungan, habang ang iba naman ay responsable sa pagpatay sa kuryente para mamatay pansamantala ang mga surveillance cameras.Hindi nagtagal, dinala ni May si Blake sa lugar kung nasaan ang iba pang mga sundalo ng Red Flame army na walang malay.Tinuro ni May ang walang malay na sundalo na nakahandusay sa lapag at inutos, “Hubaran mo ang isa sa kanila at suotin mo ito, Bilisan mo.”Nanatiling tahimik si Blake at kaagad na hinubaran ang isa sa mga sundalo at mabilis na sinuto ang uniporme nito. “Tara na.”Mabilis silang umalis u
Sinamahan si Blake papunta sa base at pinasakay sa helicopter kasama ng Elite Eight.Nakatayo si Gloom sa tabi at pinanood ang helicopter na dahan-dahan na lumipad. Pagkatapos, nilabas niya ang kanyang phone at tinawagan si James, “Nakatakas na si Blake. Igtas silang nakaalis ng Capital at papunta na ngayon sa Cansington.”Napangiti si James matapos niyang matanggap ang balita. “Kuha ko.” Sinabi ni Gloom, “Ikaw na ang bahala sa lahat. Kailangan ko pang linisin ang kalat sa Capital at burahin ang impormasyon tungkol sa mga tauhan mo. Tiyak na tatanungin ako ng Emperor pagbalik nito.”‘Sige.” Tumango si James.Tanong ni Gloom, “Kailan ka aalis?”Mahinahon na sumagot si James, “Hindi ko ito pwedeng madaliin. Kapag umalis ako ngayon, paghihinalaan ako ng Emperor. Balak kong manatili pa ng ilan pang mga araw at hintayin ang pagbabalik ng Emperor sa Sol. Kailangan ko siyang bisitahin uli bago umalis.”“Gawin mo kung ano ang gusto mo pero mag-iingat ka.” Binaba ni Gloom ang kanyang
Ngayong gabi, nabalot ng kaguluhan ang Capital. Hindi mabilang na mga gangsters ang nagpakita sa General Assembly Hall at gumawa ng malaking gulo. Ang Red Flame army ay pinadala para arestusin ang mga gangster na ito.Hindi inaasahan, ang buong siyudad ay sinarado pagkatapos. Napuno ng mga sasakyan ng mga pulis at militar ang mga kalsada, at nagtayo ng mga sentry sa lahat ng major intersections sa buong siyudad.Ang mga tao ay naguluhan at hindi maunawaan kung ano ang nangyayari. Kaya naman, pinili ng karamihan na manatili na lang sa loob ng kanilang mga bahay. Sinugod ng red Flame army ang buong siyudad ngunit hindi sila pinalad na mahanap si Blake. Hindi sila nakatulog nung gabing iyon.Hindi nagtagal ay sumikat na ang araw.Kinabukasan…Naantala ni Quincy ang pagtulog ni James.Minulat niya ang kanyang mga mata sa kalituhan at nakita si Quincy na naghahanda na ng agahan para sa kanya sa lamesa. Pinulot niya ang kanyang phone at nakita na alas diyes na pala ng umaga.“Alas