Sinamahan si Blake papunta sa base at pinasakay sa helicopter kasama ng Elite Eight.Nakatayo si Gloom sa tabi at pinanood ang helicopter na dahan-dahan na lumipad. Pagkatapos, nilabas niya ang kanyang phone at tinawagan si James, “Nakatakas na si Blake. Igtas silang nakaalis ng Capital at papunta na ngayon sa Cansington.”Napangiti si James matapos niyang matanggap ang balita. “Kuha ko.” Sinabi ni Gloom, “Ikaw na ang bahala sa lahat. Kailangan ko pang linisin ang kalat sa Capital at burahin ang impormasyon tungkol sa mga tauhan mo. Tiyak na tatanungin ako ng Emperor pagbalik nito.”‘Sige.” Tumango si James.Tanong ni Gloom, “Kailan ka aalis?”Mahinahon na sumagot si James, “Hindi ko ito pwedeng madaliin. Kapag umalis ako ngayon, paghihinalaan ako ng Emperor. Balak kong manatili pa ng ilan pang mga araw at hintayin ang pagbabalik ng Emperor sa Sol. Kailangan ko siyang bisitahin uli bago umalis.”“Gawin mo kung ano ang gusto mo pero mag-iingat ka.” Binaba ni Gloom ang kanyang
Ngayong gabi, nabalot ng kaguluhan ang Capital. Hindi mabilang na mga gangsters ang nagpakita sa General Assembly Hall at gumawa ng malaking gulo. Ang Red Flame army ay pinadala para arestusin ang mga gangster na ito.Hindi inaasahan, ang buong siyudad ay sinarado pagkatapos. Napuno ng mga sasakyan ng mga pulis at militar ang mga kalsada, at nagtayo ng mga sentry sa lahat ng major intersections sa buong siyudad.Ang mga tao ay naguluhan at hindi maunawaan kung ano ang nangyayari. Kaya naman, pinili ng karamihan na manatili na lang sa loob ng kanilang mga bahay. Sinugod ng red Flame army ang buong siyudad ngunit hindi sila pinalad na mahanap si Blake. Hindi sila nakatulog nung gabing iyon.Hindi nagtagal ay sumikat na ang araw.Kinabukasan…Naantala ni Quincy ang pagtulog ni James.Minulat niya ang kanyang mga mata sa kalituhan at nakita si Quincy na naghahanda na ng agahan para sa kanya sa lamesa. Pinulot niya ang kanyang phone at nakita na alas diyes na pala ng umaga.“Alas
’Hindi kaya si James ang may pakana nito?’Sumagi ang bagay na ito sa kanyang isipan.Ilang segundo ang lumipas, itinanggi niya ang posibilidad na ito. Lantang gulay na si James at wala nang awtoridad. Hindi nito magagawa ang bagay na ito. Isa pa, ang lahat ng mga maimpluwensyang opisyal sa Capital ay gusto siyang patayin at kahit na kailan ay hindi siya tutulungan.Wala naman din dahilan si James para tulungan si Blake. “Ipagpatuloy niyo ang pag-iimbestiga at alamin niyo ang bagay na ito. Isa pa, magpadala kayo ng wanted order para kay Blake. Kailangan natin siyang mahuli muli.”“Masusunod!” Tumango ang mga heneral.…Ngayong araw na ito, malakas ang sikat ng araw.Bumangon sa kama si James, kumain, at pinakiusapan si Quincy na itulak siya sa labas ng sa gayon ay makapagpaaraw siya.“Saan tayo ngayon pupunta, James?”Habang tulak-tulak ang wheelchair ni James sa kalsada, hindi mapigilan na itanong ito ni Quincy.Dalawang oras na siyang tinutulak nito. Wala pa siyang ibang
”Tatandaan ko yan!”Masiglang ngumiti si James.“Hindi ako basta-basta mapapabagsak ng lason ng mga parasito! Hindi magtatagal, babalik ako sa hukuman at kukunin ang Blade of Justice at pupugutan ang mga nagkasala!”“Haha. Hihintayin ko ang marangal mong pagbabalik para kunin itong muli! Subalit, ikinalulungkot ko na baka wala ka nang pagkakataon. Narinig ko na napagkagulo ngayon sa Cansingtonat dahil ang dami mong nakalaban na mga tao, marami sa kanila ang gusto kang patayin. Malalagay ka sa panganib kapag bumalik ka doon. Ang maimumungkahi ko na lang sayo ay manatili ka na lang dito sa Capital. Kahit paano at walang sinuman ang mangangahas na kantiin ka dito.”Ang Emperor ay nagpakita ng isang sardonikong ngiti. Nagmukha tuloy siyang matamlay at nakakadiri.“Bumalik na tayo, Quincy.” Wala nang iba pang sinabi si James. “Sige.”Tinulak ni Quincy si James pabalik sa malapit na parking lot at sumakay ng sasakyan na pabalik sa kanilang hotel.Hindi nagtagal, nakabalik na sila sa
“Ngumiti si James at sinabi, “Busog na ako.”“Sige.”Kaswal na sagot ni Quincy at sinabi, “Ang lipad mo ay alas dos ng hapon. May sapat na tayong oras kung magche-check out na tayo ngayon at pumunta kaagad ng airport.”Tumango si James. “Sige kung ganun, mag-check out na tayo.”Mabilis na tumakas si Quincy. Sumandal naman si James sa sopa habang pinapanood na umalis si Quincy. Hindi niya mapigilan na sambitin, “Ano kaya ang iniisip ng babaeng yun? Bakit bigla na lang namula ang mukha niya?”Bumulagta siya sa sopa at nanigarilyo.Hindi nagtagal, nakapag-check out na si Quincy. Umalis silang dalawa ng hotel at sumakay ng taksi papuntang airport. Pagkatapos maghintay ng sampung minuto, binigyan na ng pahintulot ang mga pasahero na sumakay ng eroplano.Unti-unting lumipad na ang eroplano sa kalangitan.Sa eroplano pabalik ng Cansington, pinikit ni James ang kanyang mga mata at nagpahinga. Nahihilo siya nung nakarating na sila ng Cansington.“James, lumapag na tayo.” Narinig niya
May balak si James naa bumalik ng Southern Plains.Muli niyang hahawakan ang Blade of Justice at kukunin ang buhay ng mga taong hindi pwedeng parusahan ng batas.Kahit na kailangan niya ang mga malakas na pwersa kagaya ng Elite Eight para tulungan siya, nakita na sila ng publiko.Makakasagabal lang sila sa kanya kapag nanatili pa sila dito.“Masusunod.”Wala na sa kanila ang nagsalita pa.Tumango si James. “Sige, bumalik na kayo kaagad. Wala na kayong kinalaman pa sa mga bagay dito sa Cansington.”“Boss, paano nga pala ang tungkol sa panlunas…”Maingat na tiningnan ni Wave Dragon si James. Bago pa man sila sumuko kay James, uminom siya ng lason na gawa nito.Lagi siyang natatakot para sa kanyang buhay, nag-aalala na baka mamatay siya dahil dito.Ngumiti si James at tiniyak ito, “Hanapin niyo si Henry. Ibibigay niya sa inyo ang panlunas.”“Masusunod.” Tumango ang Elite Eight at lumingon para umalis. Tanging sila James, Quincy, at Blake na lang ang naiwan sa kwarto.Nakau
Interesado si James sa kasaysayan ng Gu Sect na nabuhay ilang daang taon na ang nakakaraan. Inalala ni Blake ang mga nangyari sa nakaraan, at paglipas ng ilang sandali, sinabi niya na, "Mahabang kwento. Noon pa man ay nakahiwalay na ang Gu Sect mula sa kabihasnan. Hanggang sa nalantad sa mundo ang tungkol sa amin isang daang taon na ang nakalipas. "Tatlong pangunahing pamilya ang bumubo sa Gu Sect—ang mga Maverick, ang mga Davis, at ang mga Owen. Kaya naman, mayroon dinh tatlong patriot. "Isang daang taon na ang nakakaraan, may taong pumasok sa nayon namin at pinuntahan ang pinuno ng mga Maverick. Gusto ng taong ito na gamitin ang aming kakayahan sa paggawa ng mga Gu at lason upang sakupin ang mundo. "Ang pamilya ko, ang mga Davis, ay kumampi sa mga Owen at sa ilang mga martial arts expert mula sa labas upang lipulin ang mga Maverick."Sa kalagitnaan ng kwento, huminga ng malalim si Blake. "Nangyari ito isang daang taon na ang nakakaraan noong bagong tatag pa lang ang Sol. A
"True Energy? Ano 'yun?" Ang tanong ni James. "Iisipin ko muna kung paano ko ba ipapaliwanag 'to sa'yo." Minasahe ni Blake ang kanyang mga sintido, sinubukan niyang mag-isip ng mas madaling paraan kung paano ito ipapaliwanag kay James, ngunit nabigo siya. Narinig lamang niya ang tungkol dito at malayo pa rin siya sa lebel ng pagku-cultivate ng True Energy. Nag-isip nga maigi si Blake sa loob ng mahabang oras at sinabing, "Sa madaling salita, isa itong enerhiya na taglay ng isang tao mula pa noong isinilang siya. Mula pa noong sinaunang panahon, nahati sa dalawang kategorya ang martial arts—external at internal."Tumingin siya kay James. "Naabot mo na ang rurok ng External Martial Arts, at upang maabot ang pinakarurok ng iyong potensyal, kailangan mong matutunan kung paano magcultivate ng True Energy." Malagim ang ekspresyon ng mukha ni James. Namulat ang mga mata niya sa mga sinabi ni Blake. Kailanman ay hindi niya inasahan na mayroong hindi makatotohanang bagay na gaya