May balak si James naa bumalik ng Southern Plains.Muli niyang hahawakan ang Blade of Justice at kukunin ang buhay ng mga taong hindi pwedeng parusahan ng batas.Kahit na kailangan niya ang mga malakas na pwersa kagaya ng Elite Eight para tulungan siya, nakita na sila ng publiko.Makakasagabal lang sila sa kanya kapag nanatili pa sila dito.“Masusunod.”Wala na sa kanila ang nagsalita pa.Tumango si James. “Sige, bumalik na kayo kaagad. Wala na kayong kinalaman pa sa mga bagay dito sa Cansington.”“Boss, paano nga pala ang tungkol sa panlunas…”Maingat na tiningnan ni Wave Dragon si James. Bago pa man sila sumuko kay James, uminom siya ng lason na gawa nito.Lagi siyang natatakot para sa kanyang buhay, nag-aalala na baka mamatay siya dahil dito.Ngumiti si James at tiniyak ito, “Hanapin niyo si Henry. Ibibigay niya sa inyo ang panlunas.”“Masusunod.” Tumango ang Elite Eight at lumingon para umalis. Tanging sila James, Quincy, at Blake na lang ang naiwan sa kwarto.Nakau
Interesado si James sa kasaysayan ng Gu Sect na nabuhay ilang daang taon na ang nakakaraan. Inalala ni Blake ang mga nangyari sa nakaraan, at paglipas ng ilang sandali, sinabi niya na, "Mahabang kwento. Noon pa man ay nakahiwalay na ang Gu Sect mula sa kabihasnan. Hanggang sa nalantad sa mundo ang tungkol sa amin isang daang taon na ang nakalipas. "Tatlong pangunahing pamilya ang bumubo sa Gu Sect—ang mga Maverick, ang mga Davis, at ang mga Owen. Kaya naman, mayroon dinh tatlong patriot. "Isang daang taon na ang nakakaraan, may taong pumasok sa nayon namin at pinuntahan ang pinuno ng mga Maverick. Gusto ng taong ito na gamitin ang aming kakayahan sa paggawa ng mga Gu at lason upang sakupin ang mundo. "Ang pamilya ko, ang mga Davis, ay kumampi sa mga Owen at sa ilang mga martial arts expert mula sa labas upang lipulin ang mga Maverick."Sa kalagitnaan ng kwento, huminga ng malalim si Blake. "Nangyari ito isang daang taon na ang nakakaraan noong bagong tatag pa lang ang Sol. A
"True Energy? Ano 'yun?" Ang tanong ni James. "Iisipin ko muna kung paano ko ba ipapaliwanag 'to sa'yo." Minasahe ni Blake ang kanyang mga sintido, sinubukan niyang mag-isip ng mas madaling paraan kung paano ito ipapaliwanag kay James, ngunit nabigo siya. Narinig lamang niya ang tungkol dito at malayo pa rin siya sa lebel ng pagku-cultivate ng True Energy. Nag-isip nga maigi si Blake sa loob ng mahabang oras at sinabing, "Sa madaling salita, isa itong enerhiya na taglay ng isang tao mula pa noong isinilang siya. Mula pa noong sinaunang panahon, nahati sa dalawang kategorya ang martial arts—external at internal."Tumingin siya kay James. "Naabot mo na ang rurok ng External Martial Arts, at upang maabot ang pinakarurok ng iyong potensyal, kailangan mong matutunan kung paano magcultivate ng True Energy." Malagim ang ekspresyon ng mukha ni James. Namulat ang mga mata niya sa mga sinabi ni Blake. Kailanman ay hindi niya inasahan na mayroong hindi makatotohanang bagay na gaya
"Wala." Umiling si Blake. Tumingin siya kay James at sinabing, "James, sinabi ko na sa'yo ang paraan kung paano mo aalisin ang lason kapalit ng pagtakas mo sa'kin sa kulungan. Patas na tayo ngayon. Kaya, ibigay mo na sa'kin ang lunas sa lason, at magkanya-kanya na tayo."Ngumiti si James. "Sa tingin mo ba posible 'yun? Isa kanya kriminal na hinahanap ng batas. Saan ka pwedeng tumakas?" "Hindi mo na problema 'yun.""Blake, paano kung makipagtulungan ka sa'kin?" "Makipagtulungan?" Tumingin si Blake kay James. Tumango si James at sinabing, "Si Reign ang kalaban na pumatay sa pamilya mo. Bukod dito, kalaban ko din siya. Kasabwat siya ng Emperor, at gaya ng sinabi mo, balak nilang sakupin ang mundo gaya ng ginawa ng mga taong iyon isang daang taon na ang nakakaraan. Kapag nagtagumpay sila, lalamunin ng kaguluhan ang buong mundo. Dapat silang pigilan."Nagtanong si Blake, "Ano namang kinalaman ko sa kinabukasan ng mundo?" Sumagot si James, "Ilang dekada ang nakakaraan, tinanggih
"Wala kang ibang pagpipilian."Nagbanta si James, "Isang landas lang ang pwede mong tahakin. Pwede kang kumampi sa'kin at tulungan akong gawin ang ilang mga bagay o bumalik ka sa bilangguan. Pag-isipan mong maigi ang tungkol dito. Babalikan kita."Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumayo si James upang umalis. Si Quincy, na sumama kay James, ay nanatiling tahimik habang nag-uusap sila. Noong nakita niya na patayo na si James, nagmadali siyang lumapit upang alalayan si James. Nakaupo si Blake sa sofa ng may malagim na ekspresyon sa kanyang mukha habang pinapanood niya ang pagtayo ni James. Inalalayan ni Quincy si James at umalis na sila. Sa labas ng apartment building… Nagtanong si Quincy, "James, naniniwala ka ba sa kanya?" Tumango si James. "Oo. Ilang libong taon ang kasaysayan ng Sol, at maraming bagay ang nabaon na sa nakaraan. Naniniwala ako na mayroong mga grandmaster na may kakayahang magcultivate ng True Energy."Duda si Quincy sa mga hindi kapani-paniwalang kwento
Tinakpan ni James ang kanyang bibig at umubo. Noong inalis niya ang kanyang kamay, nakita niya na puno ito ng dugo.Makikita ang maliliit na insektong gumagapang sa kanyang dugo.Namutla ang mukha ni Quincy noong napansin niya ang mga ito, at nagsalita siya, “J-James, may mga insekto sa dugo mo…”Kumuha si James ng tissue at pinunasan niya ang kanyang mga kamay. Nanghihina siyang sumagot, “Ito siguro ang Gu sa katawan ko. Ito ang dahilan kung bakit nanghihina ang katawan ko. Kailangan kong matutunan kung paano magcultivate ng True Energy sa lalong madaling panahon. Kung hindi, tatlong buwan lang ang mayroon ako bago ako tuluyang maparalisa.”Doktor si James at alam na alam niya ang kondisyon ng katawan niya.Nangingitlog sa dugo niya ang Gu na nasa katawan niya at mabilis itong dumarami.Di magtatagal, tuluyan siyang mapaparalisa at hindi na siya makakabangon dahil sa Gu, hindi na niya maigagalaw ang kahit isang muscle sa kanyang katawan.Magiging pugad ng napakaraming Gu ang ka
Matagal na hindi nakauwi si Quincy, kaya walang pagkain sa kusina. Higit pa dito, hindi siya yung tipo na mahilig magluto.Kaya naman, umorder na lamang siya ng pagkain.Nilabas ni James ang kanyang phone, binuksan niya ang isang mapa, at sinuri niya ito.Pagkatapos niyang umorder ng pagkain, lumingon si Quincy at sinilip niya ang phone ni James. Nagtanong siya dahil nagtataka siya, “Anong tinitingnan mo?”Dumikit ang katawan ni Quincy kay James, at nararamdaman niya ang init na nagmumula sa kanyang balat.Mukhang malapit na malapit sa isa’t isa ang dalawa.Nagpaliwanag si James, “Sampung taon na ang nakakaraan, tumalon ako sa isang ilog pagkatapos akong iligtas ni Thea mula sa sunog. Inanod ng ilog ang katawan ko, at napadpad ako sa loob ng isang kweba, kung saan ko natagpuan ang libro ko.”“Kung ganun, doon nagmula ang kakayahan mo sa medisina at panggagamot.” May napagtanto si Quincy.“Oo.” Tumango si James at nagpatuloy, “Napakalaki ng kweba. Nagugutom na ako at nagmadali a
May ilang maps na puno ng maraming linya at bilog ang nakakalat sa lamesa.Pagkatapos ng mabusising pagsusuri, naglabas ng panibagong mapa si James, kumuha ng panulat, at binilugan ang mapa.“Nahanap mo na ba?” Tanong ni Quincy.Hindi tiyak na tugon ni James, “Sampung taon na ang nakakaraan, naaalala ko na kakatapos ko lang kumain ng hapunan kasama ng aking pamilya bago sinunog ang aming villa. Pagkatapos akong mailigtas, tumalon ako sa ilog at nawalan ng malay. Nung nagising ako, nasa loob na ako kaagad ng isang yungib sa ilalim ng lupa. Natagalan ako bago ako nakaramdam ng gutom, kaya masasabi ko na ang yungib sa ilalim ng lupa ay hindi ganun kalayo sa aming villa.”Tinuro ni James ang isang ilog sa mapa.“Tumalon ako sa ilog na ito. Ayon sa bilis ng agos ng tubig, ang yungib sa ilalim ng lupa ay malamang nasa lugar na ito.”Pagkatapos, tinuro niya ang isang bundok.Muling nagtanong si Quincy, ‘Kung ganun, kailan ka pupunta?”Kinaway ni James ang kanyang at sinagot, “Hindi na