Habang nakatingin ang lahat, inilabas ni James ang Blade of Justice.Tumingin siya sa Blade of Justice at tumuro siya sa Emperor.“Ano?”Nabigla ang mga madla sa kilos niya.Nabigla ang Emperor. Pinawisan siya at tumulo ang malamig na pawis sa noo niya.Pagkatapos ng ilang sandali, kumalma na siya at sumigaw, “Ano ang ibig sabihin nito, James? Tinututok mo ang sandata mo sa akin. Pinapahiwatig mo ba na gusto mo akong patayin.”Ngumiti si James. “Emperor, marami kayong iniisip. Kaswal ko lang na kinakaway ito.”Itinaas niya nag Blade of Justice, may bigat ito na higit sa limang kilo. Ang braso niya ay mahina na, at ang mukha niya ay namutla habang namuo ang pawis sa noo niya. Hawak niya ang Blade of Justice gamit ang buong lakas niya.Nagdadalawang isip siyang ibinaba ito.Nakahinga ng maluwag ang marami.Tumingin ulit si Henry sa lahat. “Sinabi ko na ang lahat ng kailangan kong sabihin.”Pagkatapos magsalita, naglakad siya patungo sa upuan sa ibaba at umupo siya.Ang mga ju
Hindi inaashan ng kahit sino na siya ay maging isang pambansang bayani na nagsisimpatya sa mahirap at pumoprotekta sa bansa.Ang isang taong tulad niya ay nauwi sa isang miserableng kalagayan.Libo libong mga tao ang nagtipon sa labas ng courthouse. Lahat sila ay nakayuko ng tahimik. Maraming mga babae ang umiyak para sa kanya.“James…”May boses na tumunog sa likod niya. Tumalikod si James at nakita niya si Henry na humahabol sa kanya.Lumapit si Henry sa kanya at nagtanong ito, “Saan ka pupunta, James?”Tinaas ni James ang kamay niya at tinapik niya sa balikat si Henry, sinabi niya, “Nagpapasalamat ako sayo. Hindi mo na kailangan mag alala tungkol sa mga problema ko. Bumalik ka na sa Southern Plains. Kailangan ng tao doon para mamahala sa isandaan at limampung bayan. ‘Wag mo hayaang mapunta sa gulo ang Souther Plains.”“Pero, ikaw…”Kumaway si James at sumingit siya kay Henry.“‘Wag kang mag alala. Ayos lang ako. Kukunin ko ang pagkakataon na ito para magpahinga. Pagod na ak
Natapos na ang public trial na gumulo sa buong bansa.Ang mga krimen ni James ay nakalista sa trial. Gayunpaman, ang mga alegasyon ay klinaro ng isa isa.Para naman sa pagtanggap sa mga suhol…Umamin si James sa paggawa ng krimen.Gayunpaman, ang pera na nakuha ay ibinigay sa Black Dragon Army at ginamit para itayo ang Transgenerational Group para ibigay ang pera sa mga mahihirap. Kahit na hindi ito legal, nakakuha siya ng suporta mula sa mga tao.Ang Black Dragon ay may Black Dragon card at hindi siya nagkukulang sa pera. Gayunpaman, nilabag niya pa rin ang batas para ibalik ang pera sa bayan.Pagkatapos ng public trial, nawalan ng malay si James. Walang may alam kung bakit ito nangyari.Gayunpaman, alam ng publiko na simula ngayon, nawala ang War God ng Sol na isang mahusay na commander na dedikado sa kanyang bansa.Habang nasa public trial, ginamit ni James ang lahat ng lakas niya para itaas ang Blade of Justice at ibalik ito sa lugar nito.Pagkatapos umalis ng courthouse,
Umiling ng mahina si James.Wala siyang sinisi.Kahit wala si Thea, ang Emperor ay makakahanap ng paraan para harapin siya. Kung hindi si Thea, ibang tao ang gagamitin.“Oo nga pala, ayos ka lang ba? Mabuti na ba ang pakiramdam mo?”Umiling si Thea. “Hindi naman masama ang pakiramdam ko at ayos naman ako sa ngayon.”Nang marinig ito ni James, gumaan ang loob niya.Ang Gu sa katawan ni Thea ay hindi kasing lala ng kay James, at wala sa panganib si Thea.“Patawad. Patawad talaga… wah…”Walang masabi si Thea at nagawa niya lang na humingi ng tawad sa harap ni James.“Ayos lang. Hindi ito isang malaking bagay. Hindi ba’t ayos lang ako? Gutom na ako. Meron bang makakain dyan?”“Kukuha ako ng para sayo.”Hindi alam ni Thea kung ano ang magagawa niya para kay James. Nang marinig niya na gutom si James, mabilis siyang umalis ng ward para kumuha ng pagkain.Pagkatapos umalis ni Thea, tumahimik na ulit ang ward.Sumandal si James sa kama.Tinaas niya ang kamay niya at minasahe niya
Nataranta si Scarlett. “Mamamatay ako ng wala ang proteksyon mo, James.”Si Scarlett ay isang grave robber. Sila ng mga kasamahan niya ay ninakawan ang ancient tomb ng Prince of Orchid Mountain.Kumakalat sa mundo ng kriminal ang balita tungkol sa ancient tomb. Dati, siya ang chairman ng Transgenerational Group. Kaya naman, walang lumalapit sa kanya. Ngayon at bumagsak na ang Transgenerational Group, siguradong pupuntiryahin siya ng mga tao mula sa mundo ng mga kriminal.Mamamatay siya kapag bumalik siya ngayon.Ang mukha ni James ay namutla at sumagot siya ng mahina, “Hindi kita mapoprotektahan sa kondisyon ko ngayon. Bakit hindi ka pumunta sa Cansington at hanapin mo ang Blithe King? Humiling ka na maghanda siya ng posisyon para sayo. Isa siya sa Five Commanders, at sigurado ako na walang gugulo sayo kapag siya ang sumusuporta sayo.”Dahil gumawa na ng plano si James para sa kanya, walang reklamo si Scarlett.Tumingin si James kay Quincy at sinabi niya, “Dapat ka na rin bumalik
Magaan ang mga hakbang na iyon. Kahit na sumasama ang kalusugan ni James, hindi nanghina ang pakiramdam niya. Gumulong siya mula sa kama at naglakad nang nakatingkayad palabas ng ward. Tinignan niya ang pasilyo at nilapitan ang hagdan. Nang narating niya ang hagdan, kaagad niyang napansin ang isang lalaking nakasuot ng itim na coat at duckbill hat na sinasadyang itago ang itsura niya. Nakasandal ang lalaki sa pader at naghintay na lumapit si James. "Inutusan ako ng Hari na kumustahin ka. Ayos ka lang ba?" tanong ng isang paos na boses. Tumayo si James sa tabi niya. Hindi maayos ang kondisyon ng katawan niya at kailangan niyang sumandal sa pader para bawasan ang bigat na nararamdaman niya. May seryosong ekspresyon si James habang nagpaliwanag siya, "Nasa kritikal na kondisyon ang katawan ko. Nalason ako gamit ng Gu. Nanghina ang katawan ko at unti-unti akong manghihina hanggang sa tuluyan na akong hindi makakakilos. Hihintayin ko ang kamatayan ko nang nagdurusa habang nakara
Napakalalim ng iniisip ni James. Iniisip niya ang impormasyong ibinahagi ni Gloom tungkol sa Gu raisers na nabuhay isandaang taon ang nakalipas. 'Gusto nilang kontrolin ang mundo gamit ng mga Gu?'Nabigla siya sa boses ni Quincy. Tinaas niya ang mukha niya at tumingin kay Quincy na nakatayo sa pintuan ng ward. "Paanong di ka man lang gumawa ng ingay? Binabalak mo bang patayin ako sa gulat?" "Saan ka nagpunta?" Nagdududang tumingin si Quincy sa kanya at lumabas ng ward para tignan ang paligid niya. Nang nakita niyang walang tao sa labas, bumalik siya sa ward nang nakahalukipkip. "Gabing-gabi na. Sinong pinuntahan mo sa labas?" tanong ni Quincy. Humikab si James. Pagkatapos, naglakad siya papunta sa hospital bed at bumulong, "Ang tagal ng tulog ko at medyo nainitan ako kaya naglakad-lakad ako sa labas." "Ganun ba?" Hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya si Quincy. Humiga si James at tumango. "Syempre, ano pa bang gagawin ko?" "Sige."Hindi na nagtanong pa si Quincy
Tumingin siya sa inaantok na si James, tinuro ang wheelchair, at nagsabing, "Umupo ka rito." Natawa si James. "Seryoso? Sobra naman ang tingin mo sa kondisyon ko. Kaya ko pang maglakad." Seryosong nagsalita si Quincy, "Wag matigas ang ulo. Umupo ko na ngayon din. Sabi ng doktor, hindi inaasahan ang kondisyon mo. Hindi ka pwedeng kumilos maliban na lang kung talagang kailangan. Patuloy na hinihigop ng virus sa katawan mo ang enerhiya mo. Kung kaya't habang lalo kang kumikilos, mas nagiging aktibo ang virus cells." Tumango si James. Kagaya ng hula niya ang pahayag ng doktor. Umupo siya mula sa kama. Mabilis na lumapit si Quincy at sinuportahan siya na makaupo sa wheelchair. Pagkatapos, tinulak niya ang wheelchair ni James palabas ng ospital. Sa labas ng ospital… Nagtanong si Quincy, "Saan ka pupunta?" Tinignan ni James ang mataong siyudad. Naguluhan siya. Pakiramdam niya ay walang espasyo para sa kanya ang lungsod na ito, sa kabila ng laki nito. Bumuntong-hininga si J
Swoosh! Inihagis ni James ang kanyang kamao kay Wotan. Isang walang katapusang anino ang bumalot sa buong lugar, kabilang ang katawan ni Wotan.Patuloy na winawagayway ni Wotan ang kanyang espada, na naging sanhi ng walang humpay na pagkamit ng Sword Energy, na winasak ang mga anino sa paligid.“Sige.” Matapos durugin ang hindi mabilang na mga anino at makawala sa maraming pag atake ni James, tumigil si Wotan at tiningnan si James, na natatakpan ng mga pinsala at ang buhok ay gulo. Ngumiti siya, sinasabi, "Hindi na kailangang makipag away, alam ko na kung hanggang saan ang kakayahan mo. Kung magpapatuloy tayo, siguradong matatalo ka."Sinubukan ni James na ngumiti. Kung hindi dahil sa mga paghihigpit na ipinataw niya sa kanyang sarili at sa katotohanang hindi niya maipatupad ang Chaos Power, hindi siya magiging ganito kahina kapag kaharap si Wotan.Sa pagtingin kay Wotan, na hindi nasaktan at malinis pagkatapos ng labanan, binigyan ni James ng thumbs up si Wotan, na nagsasabing, "Na
Nasa isang pagkapatas ngayon sina James at Wotan. Wala ni isa sa kanila ang gumalaw.Kahit na mukhang kalmado si James, ginamit niya ang lahat ng kanyang lakas. Matapos ipatawag ang Omniscience Path at maabot ang Seventh Stage nito, ang kapangyarihan ni James ay tumaas nang husto, na nagpapahintulot sa kanya na magkaroon ng isang lubhang nakakatakot na kapangyarihan. Ang produkto ay isang invisible magnetic field na lumalaban sa pag atake ni Wotan.Wala sa kanila ang gumagalaw, ngunit nagmula ang malalaking enerhiya mula sa dalawang core. Ang sitwasyong ito ay nagpatuloy ng halos isang minuto. Pagkaraan ng isang minuto, naputol ang magnetic field. Sa sandaling ito, ang makintab na talim ay patungo sa utak ni James.Dahil sa mabilis niyang reaksyon, madaling nakaiwas si James sa pag atake. Ang nakabubulag na kapangyarihan ng espada ay sumabog, tumagos sa kawalan at bumubuo ng isang napakalaking black hole. Ang black hole ay agad na nabawi ng mystical power.Sa pag iwas lamang sa sunt
Huminga ng malalim si James. Sa kasalukuyan, kailangan niyang umasa nang husto sa Chaos Power at sa Omniscience Path. Sa mga ganoong sitwasyon, kailangan niyang mag ingat na huwag ilantad ang Chaos Power, dahil makakaapekto ito sa kanyang magiging membership sa Dooms. Sa oras na iyon, hindi alintana kung siya ay matagumpay na pumasa bilang isang miyembro ng Dooms, ang Dooms ay magiging maingat sa kanya at tatanggihan siya sa mas mataas na posisyon. Kahit na kailangan niyang ipagsapalaran ang paglantad ng kanyang pagkatao, hindi dapat ipaalam ni James ang kanyang Chaos Power.Ang pag atake ni Wotan Buster ay nagdulot ng pagkagulat sa hindi mabilang na bilang ng mga buhay na nilalang na natipon sa lugar na ito."Siya ay nabubuhay hanggang sa kanyang pangalan–-ang Chaos Gold Ranking's top ten. Bagama't ang pisikal na lakas ni Forty nine physical ay nasa Quasi Acme Rank, napasok niya ang kanyang dibdib sa isang suntok.""Tsk, tsk, grabeng tao. At ito ay purong lakas, ng hindi gumagamit n
Mayabang si Wotan. Hindi niya kailangan ng anumang kakampi. Ang sinumang gustong makipagsanib pwersa sa kanya ay kailangan munang patunayan ang kanilang halaga."O baka kalabanin mo ako."Lumakas ang boses ni Wotan.Sinulyapan ni James si Leilani at ang iba pa bago tumingin kay Wotan. Pagkatapos ng ilang pagmumuni muni, nagpasya siyang lumaban kay Wotan. Si Wotan ay nasa ika sampung rank sa Chaos Gold Ranking. Gusto niyang makita kung gaano kalakas si Wotan, kung isasaalang alang na ang lahat ay natatakot sa kanya.“Ikaw.”Tinuro ni James si Wotan.Isang ngiti ang sumilay sa mukha ni Wotan. Sa sandaling iyon, isang napakalakas na kapangyarihan ang lumabas mula sa loob ng kanyang katawan at tumagos sa paligid. Naging sanhi ito ng pagkasira ng kawalan. Isinasaalang alang na ang Planet Desolation ay pinangangalagaan ng kapangyarihan ng formation, hindi pa banggitin na mayroong isang misteryosong tao na kumokontrol sa lahat mula sa likod ng mga eksena, ang espasyo ay lubhang matatag d
Ngayong lumabas na si Wotan na nasa ika sampu sa Chaos Gold Ranking, banta na siya sa lahat.Kahit na naririnig ni Wotan ang mga talakayang ito, hindi niya ito pinansin. Sa halip, sinuri niya ang kanyang paligid at humakbang pasulong, patungo sa Five-color Holy Pond sa gitna.Kahit na mayroong hindi mabilang na mga nabubuhay na nilalang dito, wala sa kanila ang nangahas na kumilos nang walang ingat. Kahit na gusto nilang pigilan si Wotan, hindi sila nangahas na humakbang pasulong, dahil ang pagpukaw kay Wotan ay maaaring mangahulugan ng tiyak na kamatayan.Papalapit ng papalapit si Wotan sa Five-color Holy Pond.Si Leilani, Wynnstand, Sigmund at ang iba pa ay nababalisa. Malungkot ang ekspresyon ni James. Ang paglalaan na ito ay magiging lubhang kapaki pakinabang sa kanya. Kaya naman, hindi niya ito kayang isuko ng ganun ganun lang."Sinusubukan na angkinin ang providence para sa sarili mo? Ano sa tingin mo ang gagawin namin?" Sabi ni James at nagpakita sa ere. Sinalubong ng kanyan
Nakaharap kay Wotan, maging ang ekspresyon ni Leilani ay malungkot. Para sa kanya, kailangan niyang pagsamahin ang lakas ng kanyang grupo para makalaban si Wotan.Sa sandaling iyon, maraming buhay na nilalang ang dumating. Gayunpaman, nang makita si Leilani, Wotan at ang iba pa, napaatras sila at hindi nangahas na lumapit. Si Leilani, Wynnstan, at ang iba pa sa grupo ay hindi kapani paniwalang makapangyarihang mga indibidwal. Gayunpaman, ang presensya ni Wotan ay nagtanim ng takot sa kanilang mga puso.Ng makitang parami ng parami ang mga taong nagkukumpulan dito, napataas ang kilay ni James. Napakaraming tao na ang narito sa maikling panahon. Nag aalala siya na may dadating pa.'Ano ang dapat kong gawin?'Naguguluhan si James.Tiwala siya sa kanyang lakas. Gayunpaman, hindi siya masyadong mapagmataas para maniwala na kaya niyang labanan ang lahat ng pinakamakapangyarihang nilalang sa Greater Realms ng mag isa.Ng makita si Leilani at ang iba pa, naglakad si James palapit sa kani
"Mga kapwa ko kaibigan!"Sa sandaling iyon, muling nagboom ang boses kanina."Maraming providences sa Planet Desolation. Ngayon, ang unang major providence ay lumitaw sa isang limang kulay na pond sa isang bundok. Sa pond, mayroong isang pambihirang Five-color Holy Water. Sa pamamagitan ng pagbababad sa pond, ang iyong pisikal na lakas ay tataas ng mabilis! Ang Five-Color Holy Pond ay napakabihirang, kaya mangyaring huwag hayaan ang isang mapagkukunan ng buhay na sayangin ang maaari."Ng marinig ito ni James ay tuwang tuwa.Sa ibang mga nilalang, ito ay para lamang sa pagpapataas ng pisikal na lakas ng isang tao. Gayunpaman, para kay James, ito ay isang malaking hakbang patungo sa Eight Stage ng Omniscience Path. Sa sandaling tumawid siya sa Eighth Stage ng Omniscience Path, hindi na siya matatakot sa sinumang Acmeans. Kapag naabot na niya ang Ninth Stage, nasa stage na si Soren Plamen, walang nabubuhay na nilalang sa Greater Realms ang makakapatay sa kanya.Tuwang tuwa si James,
Itinago ni James ang kanyang sarili sa mga anino at pinanood ang labanan sa pagitan ng dalawampung buhay na nilalang. Pagkatapos, nagsagawa siya ng Blossoming at ipinatawag ang Sacred Blossom. Habang lumalaganap ang kapangyarihan ng Sacred Blossom, ang mga buhay na nilalang sa ibaba ay agad na nawasak.Matapos lipulin ang mga taong iyon, naramdaman ni James ang ilang pagbabago sa loob ng kanyang katawan. Habang pinagmamasdan niyang mabuti ang kanyang katawan, wala siyang makitang kakaiba.Nagsalubong ang kilay niya.Kahit na may mga anomalya sa loob ng kanyang katawan, hindi niya ito maramdaman. Ito ay hindi makatwiran. Ang kanyang cultivation base ay umabot na sa tugatog ng cultivation. Gayunpaman, ang boses na humihila ng mga string sa likod ng mga eksena ay nagawang pakialaman ang kanyang katawan. Nangangahulugan ito na ang pag cucultivate ng buhay na nilalang ay higit pa sa kanya.Dahil hindi maintindihan ni James ang nangyayari, isinantabi muna niya ang mga iniisip. Ang kailan
Bukod dito, nakikita nila na ang pagbuo ay dahan dahan at unti unting lumilipat patungo sa gitnang rehiyon. Kahit na ang bilis ay katamtaman, ang pagbuo ay magiging sentro ng Desolate Grand Canyon sa loob ng isang milyong taon.“Totoo ba ito?”"Talagang pinapatay ang mga tao sa formation?"Sa sandaling iyon, marami ang nagsimulang kabahan. Ang ilan ay pumailanglang sa langit at sinubukang umalis sa lugar na ito. Gayunpaman, ng malapit na silang umalis sa Planet Desolation, nakipag ugnayan sila sa formation at agad na nagkawatak watak sa kawalan.Ng makita ito, namutla ang mukha ng maraming tao. Malungkot din ang ekspresyon ni James."Mukhang totoo ito. Kailangan kong asahan ang pinakamasama," Bulong niya.Siya ay nagpaplano para sa pinakamasamang senaryo. Iyon ay dahil hindi niya alam kung sino ang pumasok sa Planet Desolation at kung mayroong anumang mga Acmean sa kanila sa nakalipas na milyon milyong taon. Kung meron man, mahirap para sa iba na mabuhay."Hindi ito laro, mga ta