Pinigil ni James ang kanyang paghinga.Nanood ding maigi si Cynthia.Gusto din niyang malaman kung ano ang nilalaman ng kahon na binili ni James sa halagang 100 milyon. Kasabay nito, gusto rin niyang malaman kung bakit nakay James ang susi na kailangan upang mabuksan ang kahon.Sa ilalim ng mga titig ni Cynthia, dahan-dahang pinihit ni James ang susi. Click!Umalingawngaw ang isang malakas na tunog. Bahagyang bumukas ang kulay tansong kahon. Napako ang tingin ni James sa kahon. Nasa loob ng kahon ang isang nakatuping kalatas. Maingat niya itong nilabas mula sa kahon.Gawa sa kakaibang materyales ang sinaunang kalatas na ito, na nakatulong upang mapreserba ito ng maayos. Kasabay nito, may kabigatan din ang kalatas na ito. Binuklat ito ni James at nilatag niya ito sa mesa. Napakalaki ng sinaunang kalatas na ito, umabot sa isang metro ang haba nito noong binuklat niya ito. "A-Ano 'to?" Tiningnan ni Cynthia ang mga larawan sa sinaunang kalatas at naguluhan siya. "I
Sa isang courtyard house sa Capital ng Sol.Ito ang mansyon ng Emperor, ang tahanan ng Emperor—ang pinuno ng Five Commanders at ang commander ng Red Flame Army.Nakabalik na sa Capital ang Emperor.Sa ilalim ng isang gazebo sa courtyard.Isang lalaking nakasuot ng itim na suit ang nakikipag-usap sa isang binata na nasa dalawampung taong gulang."Brother Caden, ilang taon tayong hindi nagkita. High school ka pa lang noong huli kitang nakita. Bakit ka naparito?" Ang lalaking nakasuot ng itim na suit ay ang Emperor. "Mr. Johnston, yung totoo, nakatanggap ang pamilya ko ng balita na natagpuan sa Cansington ang kahon na nahukay mula sa sinaunang libingan ng Prince of Orchid Mountain. Nalaman din namin ang nasa kamay ito ngayon ng isang miyembro ng pamilya ni Thomas. May dalawang rason kaya ako pinapunta dito ni Lolo. Ang isa ay upang kunin ang kahon, ang isa naman ay upang patayin ang natitirang miyembro ng pamilya ng traydor na si Thomas."Pinaliwanag ng binata ang kanyang motibo
Ngumiti ang Emperor at hindi na siya nagsalita.Di nagtagal, naglakad palapit sa kanila ang isang lalaki at babae. Ito ay sila James at Cynthia.Agad na tumayo ang Emperor at inunat niya ang kanyang mga braso upang yakapin si James.“James, ang tagal nating hindi nagkita!”Inangat ni James ang kanyang paa at sinipa niya ang Emperor at sinabi niya na, “Huwag ka nang magkunwari. Alam mo kung bakit ako nandito.”Agad na iniwasan ng Emperor ang sipa niya at umatras siya ng ilang hakbang.“Anong ibig mong sabihin, James? Hindi ko alam kung bakit ka pumunta dito.” Ang sabi ng Emperor ng may naguguluhang ekspresyon.“Ikaw si James?”Umalingawngaw ang isang boses.Narinig ni James ang boses at lumingon siya sa pinagmulan nito.Tumayo ang isang binata na nasa dalawampung taong gulang pa lamang. Nakasuot siya ng puting damit, na nakatingin ng masama sa kanya.“Sino ka?” Sumimangot si James.Tumingin si Bobby kay James at kalmadong nagsalita, “Ako si Bobby Caden.”Lalong nagsalubong
“Haha!”Tumawa si Bobby na para bang narinig niya ang pinaka nakakatawang biro sa buong buhay niya. "Anong sinasabi mo, James? Ang lakas naman ng loob mo na hingin sa'kin ang Moonlit Flowers on Cliffside's Edge. Ang mga Caden ang tagapangalaga ng Moonlit Flowers on Cliffside's Edge. Ikaw ang apo ng traydor sa pamilya ng mga Caden. Latak ka lang ng isang pamilya na karapatdapat lang mamatay. Dapat ka ring mamatay gaya nila!"Nagdilim ang mukha ni James. Dahan-dahan siyang naglakad palapit kay Bobby. Agad na lumapit ang Emperor at tumayo siya sa harap ni James. "Anong balak mong gawin, James? Alam mo ba kung sino siya? Isa siyang miyembro ng pamilya ng mga Caden at ang susunod na magiging pinuno ng mga Caden. Apo ka lang ng traydor ng mga Caden. Malaking kabastusan na ang hindi mo pagluhod upang batiin ang susunod na pinuno ng pamilya.""Umalis ka sa daanan ko," Sumigaw si James. Ang boses niya ay gaya ng isang malakas na kulog, dahilan para mabigla ang Emperor. Nahimasmas
Walang takot na nagsalita si Bobby, "James, pu*ang ina ka, isa kang makasalanan. Lumuhod ka sa harap ko ngayon! Kung hindi, mamamatay si Thea."Tumingin ng masama si James kay Bobby. "Hindi. Kailanman hindi luluhod ng ganun kadali ang isang lalaki. Bakit naman ako luluhod para sa isang bastardong gaya mo? "Asawa ko dati si Thea, pero hiwalay na kami ngayon. Isa kang hangal para gamitin siya laban sa'kin.""Saktan niyo siya."Inutusan ni Bobby ang tauhan niya sa kabilang linya. Sa isang construction site, sa Cansington. Nakatali si Thea sa isang upuan. Bantay-sarado ng mga lalaking naka itim ang buong lugar. Ang isa sa kanila ay may hawak na patalim na nakatutok sa mukha ni Thea. Noong matanggap niya ang utos, agad niyang hiniwa ng patalim ang mukha ni Thea. Agad na nagkaroon ng isang malaking sugat sa kaliwang pisngi ni Thea noong dumaan ang patalim sa kanyang mukha. Nagsimulang tumulo ang dugo mupa sa kanyang pisngi, at tumulo ito sa kulay puti niyang damit. Nakaram
Isinalaysay ng Emperor ang kuwento ng pinagmulan ng Ancient Four.Ang Ancient Four ay nagmula pa noong ilang libong taon na ang nakalilipas.“Prince of Orchid Mountain?”Napasimangot si James.Walang bakas ang taong ito sa kasaysayan.Sinulyapan niya ang Emperor at nagtanong, “Sino siya?”Umiling-iling ang Emperor.Hindi rin niya alam kung sino ang Prince of Orchid Mountain.“Paano ko malalaman ang tungkol sa isang tao matapos lumipas ang ilang libong taon simula ng mga panahon na nabubuhay pa siya? Bukod pa doon, kaunti lamang ang nakatala sa kasaysayan tungkol sa kanyang pagkakakilanlan sa ancient scrolls ng Ancient Four.”“Mr. Johnston, bakit ang dami mo ipinapaliwanag sa kanya?” hindi natutuwang sagot ni Bobby.Sumenyas ang Emperor gamit ang kanyang kamay at sinabi, “Bobby, nagmula din si James sa angkan ng mga Cadens. May karapatan siya malaman ang tungkol sa kasaysayan ng pamilya niya. Dagdag pa dito, hindi naman mga sikreto ang mga sinasabi ko sa kanya.”Hindi na nakielam pa si
“Totoo?” nabigla si Cynthia.Umiling-iling si Bobby at sinabi, “Anong malay ko? Alamat lang ito sa isang pamilya. Simula pa noong unang panahon, marami na ang kumakalat na tsismis tungkol sa mga emperor na naglalayag sa karagatan para hanapin ang gamot para maging imortal sila kabilang na din dito ang pagaalay ng mga sakripisyo sa kalangitan para makuha ang buhay na walang hanggan. Walang katapusan ang topic na ito sa Sol.”Malamig na suminghal si Bobby.“Bakit ko ba ito sinasabi sa inyo?”Itinikom ni Bobby ang bibig niya at hindi na nagsalita pa.Samantala, si James ay may malalim na iniisip.Iniisip niya kung nagsasabi ba ng totoo ang Emperor at si Bobby.Naging tense muli ang paligid.Lumipas ang oras.Mahigit sa kalahating araw ang lumipas na tila isang kisap mata lang.Sa puntong ito, tumunog ang phone ni Bobby, at sinagot niya ang tawag.“Nakuha na namin ang baul.”Hindi sumagot si Bobby. Ibinaba niya ang tawag, tumayo at umalis.Tumayo si James at hinarangan siya. “Nakuha mo na
Nilisan ni James ang Emperor’s Mansion.Sa oras na umalis siya, inilabas niya ang phone niya at tinatawagan si Ronald.“Alamin ninyo kung nasaan ni Thea agad. Pabalik na ako ngayon.”Matapos ibigay ang utos, ibinaba ni James ang tawag at sumakay sa private plane ni Zane pabalik sa Cansington.Naging mabilis ang pagbalik niya. Sa loob lamang ng dalawang oras, nasa Cansington na siya. Bago pa lumubog ang araw.Matapos bumaba mula sa eroplano., tinawagan niya muli si Ronald.“Natagpuan na ba ninyo si Thea?”Narinig ang boses ni Ronald mula sa kabilang linya. “Boss, hindi pa po namin siya natatagpuan. Bigyan niyo po ako ng kaunting oras pa.”“Bilisan mo.”Huminga ng malalim si James.Hinatak ni Cynthia ang kamay niya at bumulong, “Huwag ka magalala, James. Magiging okay din ang lahat.”“Sana nga.”Malungkot si James at malamig na sinabi, “Ihahatid ko si Bobby sa kamatayan niya kapag may nangyari sa kanya.”Alam ni James na walang maitutulong ang magpanic, kaya matiyaga siyang naghintay.”L