Gayunpaman, si Jonathan ay hindi isang ordinaryong doktor. Ang lason na ginawa niya ay mapanganib, at mabilis kumalat ang lason sa katawan. Walang oras si Jay para palabasin ito sa katawan ni Christine.Kung mas mabagal kumalat ang mga lason… Kung may oras pa siya, siguradong makakahanap siya ng antidote.Lumipas ang oras.Dalawang minuto na lang ang nanatili.Ang mga lason sa katawan ni Lucas ay halos wala na. Bumalik na ang kulay sa kanyang mukha.Nang makita na pinalabas na ni Jonathan ang mga lason sa katawan ni Lucas, alam ni Jay na talo na siya.Tumayo siya at sinabi niya, “Umaamin na ako sa pagkatalo. Hindi ko mahanap ang antidote sa natitirang oras na meron ako. Ibigay mo sa akin ang antidote.”Kung nagpilit siya at hinayaan niya an kumalat ang lason sa katawan ni Christine, mapupunta sa panganib ang buhay ni Chrstine.Nabigla ang madla. “Umaamin ng pagkatalo si Jay Fallon?”“Si Jay Fallon, ang henyo na doktor na may titulo ng Asclepius sa nakalipas na dalawampung ta
Sa entablado, tumingin si Jonathan sa mga mata ni Jay at tinanong niya, “Mr. Fallon, hindi ka ba sang-ayon sa mga sinabi ko?”Sumimangot si Jay. Dumilim ang mukha niya.Alam niya na galing si Jonathan sa Goryeo. Alam niya rin na minsan siyang isang mamamayan ng Sol na lumipat sa Goryeo. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na may masamang intensyon ito sa pagsama ng Solean medical conference ngayong taon. Nasa ilalim siya ni Jonathan sa larangan ng paggawa ng lason at paggawa ng antidote. “Hoy, magsalita ka. Ikaw ang gumawa ng Solean Doctor’s Association at naniniwala ka na ang Solean Medicine ay awtentik dahil alng may nakuha kang mga kaalaman na mula sa Goryeon Medicine. Bibigyan kita ng pagkakataon para hamunin ako. Kapag natalo ka ulit, kailangan mo ipasara ang Solean Doctor’s Association o palitan mo ang pangalan at gawin mo itong Goryeon Doctor’s Association. Sana ay hindi ito sobra para sayo.”Sinasadya ni Jonathan na maging agresibo.“Dr. Fallon, tanggapin mo ang hamon ni
“Pwede niyo akong hamunin. Basta’t may kinalaman ito sa Goryeon Medicine, tatanggapin ko ang hamon. Kapag natalo ako, hihingi agad ako ng tawad at aalis ako ng Sol. Nangangako ako na hindi na ulit ako babalik.”Sumosobra na si Jonathan. Maraming nagalit.Gayunpaman, hindi siya hinamon ng mga doctor.Tutal, naipakita ni Jonathan ang husay at kakayahan niya sa medisina. Kahit si Dr. Fallon ay walang laban sa kanya. Hindi nila matatalos si Jonathan.“Ano sa tingin mo?”“Takot ka?”“Gaano ba kahirap para umamin na ang Solean Medicine ay mula sa Goryeon Medicine?”“Ito ang katotohanan. Bakit ayaw mo itong tanggapin?”“Kung natatakot kang hamunin ako, isara mo na ang Solean Doctor’s Association?”Ang matapang na sinabi ni Jonathan.Ang mga chairman ng mga malalaking korporasyon sa ibaba ng entablado ay nag uusap tungkol sa sitwasyon ng may madilim na ekspresyon.Nalaman ng mga emcee ang tungkol dito.Sinabi ni Delilah, “Sandali lang, Mr. Harris. Pinag uusapan pa ang proposal mo s
Arogante si Jonathan. Hindi lang niya hinamon ang top hundred doctors sa Sol, pinaabot niya ba ang imbitasyon sa manunuod ng buong bansa. Sinusubukan niyang labanan ang lahat ng medical professionals sa Sol nang mag-isa. "Masyado siyang mayabang." "Kailangan siyang turuan ng leksyon." "Maghintay ka lang hanggang sa lumitaw ang isang big shot at bugbugin siya. Gusto ko siyang makitang pinapahiya sa personal." … Sumabog sa galit ang internet. "Hinahamon kita." Isang matandang lalaki ang lumapit kay Jonathan. Isa siyang doktor sa ospital sa Medical Street. Nasa pitompung taong gulang na siya. Nagsasanay siya ng medisina simula noong binata pa siya at higit limampung taon na siyang nasa larangan. Para sa kanya, ang Solean Medicine ay may malawak na kagamitan at malalim rin ito mula sa mahaba nitong kasaysayan sa nagdaang panahon. Hindi niya hahayaang dungisan ng isang tigalabas ang pangalan nito. Umakyat siya sa stage. Kilala siya sa Medical Street dahil
"W-Wala lang. Kumain na tayo." Wala nang sinabi si James. Kinuha niya ang kubyertos at nagsimulang kumain. Mabilis niyang kinain ang pagkain niya. Ang paraan ng paglamon niya ng pagkain niya ay ibang-iba sa pananamit niya. Nang nakita niya ang paraan ng pagkain niya, naalala ni Thea ang asawa niya. Pareho sila kung kumain. 'Ganito ba kumain ang lahat ng sundalo sa Southern Plains?' Nagtaka si Thea. Ngunit hindi niya ito binanggit. Kinuha niya ang kubyertos niya at kumain na rin. Pagkatapos nilang kumain, bumalik sila sa General Assembly Hall sa Medical Street. Sa sandaling makabalik sila, isang oras na ang lumipas. Nakabalik na ang lahat sa mga upuan nila. Wala silang ganang kumain at sa halip ay kumain na lang ng instant noodles. Hindi man lang kumain ang ilang malalaking pangalan na naroon. Pinaguusapan nila ang tungkol sa hamon ni Jonathan nang higit sa isang oras. Sa kasamaang palad, kahit sa kabila ng isang oras na pag-uusap, wala silang maisip n
"A-Ako?" Sandaling napahinto si Thea. Pagkatapos ay umiling siya. "I-Imposible. Maski ang mga kilalang doktor na yun ay natalo. Wala akong alam na kahit na ano tungkol sa medisina. Imposibleng manalo ako." Hindi kampante si Thea. Kahit na kinamumuhian niya si Jonathan, wala siyang kapangyarihan na gumawa ng kahit na ano. Kampanteng ngumisi si James. "Oo, kaya mo. Wag kang mag-alala. Nandito ako para tulungan ka." Nang narinig ito ni Thea, bigla niyang naalala. Si James ang Black Dragon. Sinasabi na wala siyang kapantay pagdating sa sining ng medisina. Walang nakakaalam sa hangganan ng galing niya sa panggagamot. "Oo nga pala…" Giniling niya ang ulo niya sa pagtataka. "May mga sabi-sabi na walang makakapantay sa galing mo sa medisina. Paanong nangyari ang mga usap-usapang yun?" Ngumiti si James. Nagsimula iyon maraming taon na ang nagdaan noong hindi pa siya commander-in-chief. Isang malaking personalidad sa capital ang nagkasakit nang matindi at malap
"Sige." Mayabang na binanggit ni Jonathan ang hamon niya. "Kung ganun, tatalunin kita nang patas. Anong gusto mong paglabanan natin?" Simpleng sumagot si James, "Paglabanan natin kung saan ka pinakamagaling." Nagulat ang madla. Nakita ng lahat ang kahusayan ni Jonathan sa medisina. Napakagaling niya sa lahat ng larangan ng panggagamot. Sa kabila nito, mayabang na gustong makipaglaban ni James sa pinakamagaling na larangan ni Jonathan. "Goryeon Medicine? Kalokohan! Malawak ang gamit ng Solean Medicine at napakakumplikado nito. Ang nagamay namin ay mababaw pa lang kumpara sa kalaliman ng Solean Medicine. Dahil sinasabi mo na nagmula sa Goryeon Medicine ang Solean Medicine, dapat ay nagamay mo na nang buo ang tunay na sining ng medisina. Tatalunin kita ng patas sa kung saan ka magaling para ipakita sa'yo kung gaano mo minaliit ang Solean Medicine." Nang marinig ito, naghiyawan ang madla. "Tama!" "Napakaraming doktor sa populasyon naming 1.3 billion! Hindi tayo dapa
"Para siguraduhin ang patas na laban at tanggapin mo na ang Solean Medicine ay isang sangay lang ng Goryeon Medicine, iiwan ko ang paghahanda ng herbs sa Herbal Biotech." Tiwalang-tiwala si Jonathan sa sarili niya. Alam ni Jay na ito ang magiging huling pagkakataon ng Solean Medicine. Kung matalo si James, tuluyang mawawalan ng kredibilidad ang Solean Medicine at mula sa araw na ito, magiging Goryeon Medicine ang tingin ng mundo sa Solean Medicine. Kung kaya't personal niyang pinili ang mga herb. Pumili siya ng isang libo sa mga ito. Magkaiba ang herbs na makukuha ng bawat isang kalahok. Hindi nagtagal, dalawang malalaking kahon ang binuhat papunta sa stage. Silyado ito at may isang butas lang ito na sapat na para magkasya ang isang kamay. Tumingin si Jay kina James at Jonathan at nagsabing, "Pinili ang mga herbs na'to nang random. Ang bawat isang kahon ay may magkaibang herbs sa loob nito. Mamili kayo ng isa." Tumingin si James kay Jonathan. "Mauna ka na." T
Tinitigan ni James ang kakaibang palasyo na nasa harapan niya ng maingat. Kakaiba ang formation at hindi ito maarok ng kanyang Divine Sense. Kaya, hindi niya maramdaman kung ano ang nasa loob."Tao ka ba o Doom?"Isang paos na boses ang nagmula sa loob ng hawla. Tila matagal nang hindi nagsasalita ang nasa loob.Nagsalubong ang kilay ni James. Pumunta siya rito sa Greater Realms para magpanggap bilang isang Doom, pumasok sa Doom Race at maghasik ng gulo sa Ten Great Races para magsimula ng paglalaban.Hindi niya alam kung ano ang nasa loob ng hawla.Pagkatapos ng ilang pagmumuni muni, sinabi niya, "Isang Doom."“Paano ka nakapasok?” Malamig na tanong ng may buhay sa formation.Walang sagot si James sa tanong na ito.“Hindi ko alam.” Nagkibit balikat si James at sinabing, "Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin kong nagkataon lang akong pumasok sa formation na ito?"“Hmph!”Malamig na ungol ng may buhay. Pagkatapos, isang napakalawak na kapangyarihan ang nagmula sa loob ng fo
Madilim ang ekspresyon ni James. Alam niya kung gaano katakot ang isang Acmean. Upang labanan ang kahit na isang nasugatan na Acmean, kinailangan niyang ipatawag ang kanyang buong lakas para lamang maging pantay. Samantala, ang isang Acmean ay magiging mas kakilakilabot lamang pagkatapos na isakripisyo ang kanyang sarili. Noong nakaraan sa panahon ng labanan laban sa Ursa, siya ay halos mamatay sa kanyang mga kamay. Kaya, iniisip niya kung dapat ba siyang lumapit sa hawla."Dahil hindi ko masira ang pormasyon sa ngayon, marahil ay dapat akong pumunta doon at tingnan. Marahil ay makakapagtrabaho ako kasama ang Acmean at makaalis dito."Isang ideya ang pumasok sa isip ni James. Habang nasa isip ang ideyang iyon, humakbang siya ng may pag iingat.Crack...Sa pagtapak niya sa isang bato sa lupa, nabasag ang bato at naging tambak ng buhangin. Ang bato ay pinalambot ng kaagnasan ng mahiwagang kapangyarihan. Kung hindi dahil sa pag catalyze ni James ng kanyang kapangyarihan upang mabawasa
Ang Greater Realms ay binubuo ng hindi mabilang na mga mundo. Ang ilan ay malakas, habang ang iba ay mahina. Ang ilang mas malalakas na mundo ay napakalakas na kahit ang pagsasama sama ng apatnapu't siyam na Universe Seeds sa mundo ni James ay hindi maihahambing. Ang ilang mas mahina ay hindi kasing lakas ng Twelfth Universe. Ang mundong dumating si James sa Greater Realms ay itinuturing na isang makapangyarihang tinatawag na Cloud Realm.Ang Cloud Realm ay isang makapangyarihang mundo sa Greater Realms at pinangungunahan ng Cloud Race, isa sa Ten Great Races. Ito rin ang punong tanggapan ng Cloud Race. Kahit na ang Cloud Race ay kabilang sa Ten Great Races, sila rin ang pinakamahina. Sa panahon ng digmaan sa Primordial Realm, kahit na ang Cloud Race ay mayroon lamang isang maliit na bilang ng mga Acmean, lahat sila ay lumahok sa digmaan. Dahil ang mga Acmean ng Cloud Race ay medyo mahina, halos lahat sila ay namatay sa larangan ng digmaan. Isa lang ang nakaligtas. Gayunpaman, siya ay
Sa sandaling dumapo siya sa lupa, nawala ang formation."May formation ba dito?" Nakakunot ang kanyang mga kilay, bumulong siya, "Nasaan ako?"Pagkatapos ng ilang pagmumuni muni, lumukso siya sa langit at nakarating sa isang lugar malapit sa formation. Habang itinataas niya ang kanyang kamay, isang malakas na pwersa ang gumutay sa hangin at nakipag ugnayan sa formation. Bumalik ang kanyang kapangyarihan at nagmamadali siyang umiwas. Dumapo ang kapangyarihan sa isang bundok sa ibaba niya.Boom!Sa sandaling iyon, yumanig ang lupa at nawasak ang bundok sa ibaba.“Napakalakas ng formation…”Natigilan si James.Sa kanyang rank, hindi dapat magkaroon ng anumang formation na maaaring bitag sa kanya. Ngayon, gayunpaman, siya ay nakulong. Kahit na inatake niya ang formation, ang kapangyarihan ay tumalbog pabalik.Nakakunot ang kanyang mga kilay, sinubukan ni James na gawin ang Space Path. Gayunpaman, napagtanto niya na ang espasyo dito ay tinatakan ng isang mahiwagang pwersa. Kahit na
Umalis si James gamit ang daanan. Ang daanan na ito ay hindi isang landas sa reincarnation. Sa halip, ito ay isang lihim na daanan patungo sa Greater Realms na naiwan sa edad ng Primordial Realm. Isang solong tao lamang sa mundong ito ang nakakaalam tungkol sa pagkakaroon ng daanan—si Thea Callahan.Naisip ni James na si Thea ay muling nag reincarnate sa Twelfth Universe. Hindi niya inaasahan na siya ay nasa Greater Realms. Hindi nakakapagtaka na wala siyang mahanap na bakas sa kanya.Matapos makita si Thea, maganda ang mood ni James. Iyon ay dahil kahit na ang reincarnated na si Thea o si Yukia Dearnaley mismo, silang lahat ay asawa niya, si Thea Callahan.Habang binabagtas niya ang daanan, naramdaman niya ang paglabas ng oras sa sobrang bilis. Bagama't pumasok siya sa landas sa Primeval Age ng Twelfth Universe, natanto niya na habang siya ay umuunlad, nagbabago ang panahon. Hindi nagtagal, bumalik siya sa punto ng panahon kung saan nakipaglaban siya sa Ursa. Sa pagdating sa ganito
“Managinip ka. Hindi ka magkakaroon ng dalawang asawa. Ako lang simula umpisa pa lang.""Hehe..." Nakangiting sabi ni James.“Sige ngayon, ihinto ang kalokohan at magtungo na sa Greater Realms. Ang kinabukasan ng sangkatauhan ay nakasalalay sayo. Kung mabigo ka, papatayin ng Ten Great Race ang Human Race kahit na magtagumpay ako.""Pero ayoko... Kakakilala lang namin matapos mahiwalay ng matagal na panahon." Hindi nasiyahan, sinabi ni James, “Hindi naman kami nagmamadali. Bakit hindi tayo umalis sa lugar na ito at manatiling nakatago sa ibang lugar sa labas ng mundo?""Hindi, kailangan nating ituwid ang ating mga priyoridad." Tinanggihan siya ni Thea.“Kung ganoon, dapat ay magtagal pa tayo nang magkasama. Hindi mo ba ako namimiss?”Pagkatapos, naglakad si James papunta kay Thea at niyakap siya bago siya binigyan ng halik.“Mhm…!”Bago pa makapagsalita si Thea ay hinalikan na siya ni James.Walang pakialam si James sa sasabihin niya. Habang hinahalikan niya si Thea ay unti unt
Salungat ang mga sinabi ni Thea at ikinalito ni James. Umiiral ang mga avatar upang pigilan si Yukia na matuklasan, dahil ang lahat ay mawawala, ngunit tiwala si Thea na kaya niyang patayin ang Watchers.“Anong plano mo? Ano ang papel ko dito?" Tanong ni James.Ipinaliwanag ni Thea, “Nagdusa ako ng matinding pinsala noong digmaan sa Primordial Realm. Gayunpaman, dahil medyo nakabawi na ang aking lakas, naglakas loob akong magpakita ngayon. Dati, daan daang Lord ang na cultivate. Malakas sila, at hindi ko kayang tumayo at panoorin sila patungo sa tiyak na kamatayan. Kaya naman pinigilan ko sila. Gayunpaman, hindi nila pinansin ang mga utos ko. Kaya naman sinubukan kong supilin sila sa pamamagitan ng pwersa. Nahaharap sa 300 Ninth Stage Lords, hindi ako naging all-out sa kabila na nasa isang magandang posisyon. Ang layunin ko ay pigilan sila, pagkatapos ng lahat. Habang nagpipigil ako sa laban, nasugatan ako. Pagkatapos, sa sandaling iyon, lumitaw ang mga Watchers at wala akong pagpipi
Bahagyang kumaway si James at pinutol si Thea.Tiningnan niya ito sa mata at nagtanong, “Isantabi muna natin ang isyu ng kinabukasan ng sangkatauhan. Isa lang ba ang gusto kong malaman— kasangkapan lang ba ako para sayo? Inayos mo ba ang lahat, mula sa iyong avatar na naging Ancestral God Rank Elixir at pagpapakasal sa akin hanggang sa bawat aksyon na ginawa ko sa nakaraan? Kailangan mo lang ba ng tulong? Sa layuning iyon, isinakripisyo mo ba ang iyong sarili sa pagpapakasal sa akin?"Nanatiling tahimik si Thea. Lumapit siya kay James at inabot ang kanyang magiliw na kamay, hinawakan siya at tinitigan siya nang may mapagmahal na ekspresyon.“Gusto ko lang sabihin sayo na, kahit na si Thea sa Primeval Age ng Twelfth Universe o ang isa na muling nabuhay sa isang Ancestral God Rank Elixir, lahat sila ay ako. Ang kanilang mga kaluluwa ay may parehong pinagmulan at ang aking sigil ay umiiral sa pinakamalalim na bahagi ng kanilang mga kaluluwa. Kahit na wala sa kanila ang aking alaala, an
Nahulaan ni James na hindi naglakas-loob na lumitaw si Thea dahil may mga Watchers na sumusubaybay sa kanya mula sa mga anino. Gayunpaman, hindi niya alam ang tungkol sa mga detalye. Ngayong nasa harapan na niya si Thea, marahil ay masasagot na ang mga tanong niya."Alam ko ang tungkol sa digmaan sa Primordial Realm. Alam ko rin na ang lahat ng makapangyarihang nilalang ng Primordial Realm's Human Race ay nabura. Ikaw lang ang nakatakas at binigyan ang sarili ng bagong pangalan—Yukia Dearnaley. Ngunit gusto kong malaman ang higit pa tungkol sa mga detalye."Napatingin si James kay Thea, ang asawa niya. Ang taong nauna sa kanya ay pamilyar ngunit banyaga sa kanya. Ang kanyang itsura ay pamilyar, ngunit ang kanyang pagkakakilanlan bilang ang matrona ng Human Race at ang misteryosong Yukia Dearnaley ay hindi pamilyar sa kanya.Nahulog sa malalim na pag iisip si Thea. Pagkaraan ng ilang oras, sinabi niya, "Ang Primordial Realm ay dating kabilang sa Greater Realms at ang Human Race ay is