"W-Wala lang. Kumain na tayo." Wala nang sinabi si James. Kinuha niya ang kubyertos at nagsimulang kumain. Mabilis niyang kinain ang pagkain niya. Ang paraan ng paglamon niya ng pagkain niya ay ibang-iba sa pananamit niya. Nang nakita niya ang paraan ng pagkain niya, naalala ni Thea ang asawa niya. Pareho sila kung kumain. 'Ganito ba kumain ang lahat ng sundalo sa Southern Plains?' Nagtaka si Thea. Ngunit hindi niya ito binanggit. Kinuha niya ang kubyertos niya at kumain na rin. Pagkatapos nilang kumain, bumalik sila sa General Assembly Hall sa Medical Street. Sa sandaling makabalik sila, isang oras na ang lumipas. Nakabalik na ang lahat sa mga upuan nila. Wala silang ganang kumain at sa halip ay kumain na lang ng instant noodles. Hindi man lang kumain ang ilang malalaking pangalan na naroon. Pinaguusapan nila ang tungkol sa hamon ni Jonathan nang higit sa isang oras. Sa kasamaang palad, kahit sa kabila ng isang oras na pag-uusap, wala silang maisip n
"A-Ako?" Sandaling napahinto si Thea. Pagkatapos ay umiling siya. "I-Imposible. Maski ang mga kilalang doktor na yun ay natalo. Wala akong alam na kahit na ano tungkol sa medisina. Imposibleng manalo ako." Hindi kampante si Thea. Kahit na kinamumuhian niya si Jonathan, wala siyang kapangyarihan na gumawa ng kahit na ano. Kampanteng ngumisi si James. "Oo, kaya mo. Wag kang mag-alala. Nandito ako para tulungan ka." Nang narinig ito ni Thea, bigla niyang naalala. Si James ang Black Dragon. Sinasabi na wala siyang kapantay pagdating sa sining ng medisina. Walang nakakaalam sa hangganan ng galing niya sa panggagamot. "Oo nga pala…" Giniling niya ang ulo niya sa pagtataka. "May mga sabi-sabi na walang makakapantay sa galing mo sa medisina. Paanong nangyari ang mga usap-usapang yun?" Ngumiti si James. Nagsimula iyon maraming taon na ang nagdaan noong hindi pa siya commander-in-chief. Isang malaking personalidad sa capital ang nagkasakit nang matindi at malap
"Sige." Mayabang na binanggit ni Jonathan ang hamon niya. "Kung ganun, tatalunin kita nang patas. Anong gusto mong paglabanan natin?" Simpleng sumagot si James, "Paglabanan natin kung saan ka pinakamagaling." Nagulat ang madla. Nakita ng lahat ang kahusayan ni Jonathan sa medisina. Napakagaling niya sa lahat ng larangan ng panggagamot. Sa kabila nito, mayabang na gustong makipaglaban ni James sa pinakamagaling na larangan ni Jonathan. "Goryeon Medicine? Kalokohan! Malawak ang gamit ng Solean Medicine at napakakumplikado nito. Ang nagamay namin ay mababaw pa lang kumpara sa kalaliman ng Solean Medicine. Dahil sinasabi mo na nagmula sa Goryeon Medicine ang Solean Medicine, dapat ay nagamay mo na nang buo ang tunay na sining ng medisina. Tatalunin kita ng patas sa kung saan ka magaling para ipakita sa'yo kung gaano mo minaliit ang Solean Medicine." Nang marinig ito, naghiyawan ang madla. "Tama!" "Napakaraming doktor sa populasyon naming 1.3 billion! Hindi tayo dapa
"Para siguraduhin ang patas na laban at tanggapin mo na ang Solean Medicine ay isang sangay lang ng Goryeon Medicine, iiwan ko ang paghahanda ng herbs sa Herbal Biotech." Tiwalang-tiwala si Jonathan sa sarili niya. Alam ni Jay na ito ang magiging huling pagkakataon ng Solean Medicine. Kung matalo si James, tuluyang mawawalan ng kredibilidad ang Solean Medicine at mula sa araw na ito, magiging Goryeon Medicine ang tingin ng mundo sa Solean Medicine. Kung kaya't personal niyang pinili ang mga herb. Pumili siya ng isang libo sa mga ito. Magkaiba ang herbs na makukuha ng bawat isang kalahok. Hindi nagtagal, dalawang malalaking kahon ang binuhat papunta sa stage. Silyado ito at may isang butas lang ito na sapat na para magkasya ang isang kamay. Tumingin si Jay kina James at Jonathan at nagsabing, "Pinili ang mga herbs na'to nang random. Ang bawat isang kahon ay may magkaibang herbs sa loob nito. Mamili kayo ng isa." Tumingin si James kay Jonathan. "Mauna ka na." T
Hindi nagpapatalo si Jonathan. Pagkatapos kumuha ng isang herb, kailangan niya lang ng ilang segundo para matukoy ito. Nang kumuha siya nang ilan na may mahina o walang amoy, simple njya itong isinantabi at nagpatuloy. Marami ang nanuod nang maigi. Kinakabahan ang mga emcee. Basa ng pawis ang mga palad ni Thea. Hindi nagtagal, lumipas ang sampung minuto. “Time’s up.”Nang marinig ito, huminto sina James at Jonathan. Tinanggal nila ang piring nila. Habang nakatingin kay James, kampanteng ngumiti si Jonathan. "Ngayon, imbitahan natin ang mga judge sa stage para tiyakin ang resulta." Pagkatapos magsalita ng emcee, maraming dalubhasang doktor ang kaagad na umakyat sa stage. Ang una nilang sinuri ay ang mga sagot ni Jonathan. Hindi sila nagtagal na matapos na markahan ang mga sagot niya. Sa loob lang ng sampung minuto, nakakuha siya ng pitomput walong tamang sagot. Pagkatapos ay si James naman. Pagkatapos makita ang ilang dosenang sagot, kumunot
Nanalo si James. Nanalo talaga siya nang malaki laban kay Jonathan. Nagpalakpakan ang madla. Ngayon, hindi nagtangka ang mga emcee na patahimikin ang lahat. Tumigil lang ang hiyawan pagkatapos ng sampung minuto. Naglaho na ang ngisi kanina ni Jonathan at napalitan ito ng galit na ekspresyon. Hindi siya makapaniwala na mayroong taong ganito kagaling sa medisina. Naniniwala siya na nagsabwatan sina Jay at ang iba pa para pahiyain siya. "Gusto ko ng isa pang round!" Naiinis na sabi ni Jonathan. Nang hindi man lang naapektuhan, lumingon si James sa kanya. "Sige, pwede kang pumili ng kahit na anong gusto mo." "Gagawa tayo ng lason kagaya kanina laban kay Jay. Ngayon, tataasan natin ang bilang ng herbs hanggang sampung libo. Gagamit tayo ng sampung libong herbs at gagawa ng isang lason na iinumin ng kabilang partido." "Sige." Sabi ni James nang walang kahit na anong pagdadalawang-isip. Kinabahan si Thea. Mahina niyang hinila ang manggas ni James at bumulong
Mahaba at manipis ang mga binti niya. Nakakaakit ito sa mga mata. "Wow… Ang ganda niya…" "Ang konti ng damit niya. Diyos ko…" "Ako na ang number one fan niya! Nahulog ako sa kanya."Nagwala ang madla sa sabik at sigla. Habang hawak ang mic, namula ang mukha ni Delilah habang sinabihan niya ang madla. "Ang totoo, hindi pa ako nagsuot nang ganito kaigsi noon. Kahit noong nagsho-shoot kami, likod ko lang ang naipakita ko. Pero tungkulin ko na tumayo hindi lang para sa mamamayan ng Sol, kundi pati rin sa Solean Medicine na pinasa ng mga ninuno natin at pinanatiling buhay hanggang ngayon." "Kaya sana wag niyong isipin na ginagawa ko lang to para magpapansin." Nang marinig ito, tumawa nang malakas ang madla. Hindi napigilan ni Thea na tignan ang katawan ni Delilah. Nakakaakit ang katawan niya at ang mukha niya ay napakaganda. Hindi napigilan ni Thea na ikumpara ang sarili niya kay Delilah. Samantala, may seryosong ekspresyon si Jonathan. Bumulong si Lucas sa ta
Ang makasaysayang laban ay magsisimula na. Ito ay isang laban sa ngalan ng pamana ng kultura. Kapag natalo si James, kailangan nilang kilalanin na ang Goryeon Medicine ang tunay na landas ng medisina. Si Jonathan, sa kabilang banda naman, ay magagamit ang pagkakataon na ito para ikalat ang Goryeon Medicine sa buong mundo. Kailangan manalo ni James. Wala na siyang ibang pagpipilian. Tiningnan ni Kevin ang mga kalahok. “Handa na ba kayo?” “Oo.” “Handa na ako.” Sabay na tumango sila James at Jonathan. “Three… Two… One… Start!” Kaagad na hinalughog si Jonathan ang mga halamang gamot kasama si Lucas. Naghanap sila ng mga halamang gamot habang nag-uusap ng may mahinang boses. May malawak na pagpipilian ng mga halamang gamot. Maraming pwedeng pagpilian pagdating sa paggawa ng lason gamit ng maraming halamang gamot na ito na pwede nilang gamitin. Gustong gumawa nila Jonathan at Lucas ng isag nakamamatay na lason na halos imposibleng gamutin. Samantala, nag-iisip