Dahil nakamamatay ang mga lason na ginawa nila Jay at Jonathan, ang mga sintomas nila ay lumabas agad nang inumin nila iot.Nakahiga sina Christine at Lucas sa entablado. Magkaiba ang kanilang mga sintomas. Mabilis na yumuko si Jay para tingnan ang pulso ni Christine para suriin ang kondisyon nito.Ganito rin ang ginawa ni Jonathan.May higit sa isang dosenang mga camera sa entablado.Ang bawat kilos nila ay recorded.Pagkatapos suriin ang kondisyon ni Christine, agad na kumuha ng ilang mga silver na karayom si Jay at hinarangan niya ang lahat ng acupuncture points at meridians ni Christine para pigilan ang pagkalat ng lason.“Sampung minuto.”Pagkatapos suriin ang kondisyon ni Christine, alam na ni Jay kung ano ang kanyang gagawin.Kailangan niyang gumawa ng gamot para ilabas ang mga lason sa loob ng katawan ni Christine sa loob ng sampung minuto. Kung hindi, mapupunta sa panganib ang buhay ni Christine.Kahit na aamin siya ng pagkatalo pagkatapos ng sampung minuto, ang kat
Gayunpaman, si Jonathan ay hindi isang ordinaryong doktor. Ang lason na ginawa niya ay mapanganib, at mabilis kumalat ang lason sa katawan. Walang oras si Jay para palabasin ito sa katawan ni Christine.Kung mas mabagal kumalat ang mga lason… Kung may oras pa siya, siguradong makakahanap siya ng antidote.Lumipas ang oras.Dalawang minuto na lang ang nanatili.Ang mga lason sa katawan ni Lucas ay halos wala na. Bumalik na ang kulay sa kanyang mukha.Nang makita na pinalabas na ni Jonathan ang mga lason sa katawan ni Lucas, alam ni Jay na talo na siya.Tumayo siya at sinabi niya, “Umaamin na ako sa pagkatalo. Hindi ko mahanap ang antidote sa natitirang oras na meron ako. Ibigay mo sa akin ang antidote.”Kung nagpilit siya at hinayaan niya an kumalat ang lason sa katawan ni Christine, mapupunta sa panganib ang buhay ni Chrstine.Nabigla ang madla. “Umaamin ng pagkatalo si Jay Fallon?”“Si Jay Fallon, ang henyo na doktor na may titulo ng Asclepius sa nakalipas na dalawampung ta
Sa entablado, tumingin si Jonathan sa mga mata ni Jay at tinanong niya, “Mr. Fallon, hindi ka ba sang-ayon sa mga sinabi ko?”Sumimangot si Jay. Dumilim ang mukha niya.Alam niya na galing si Jonathan sa Goryeo. Alam niya rin na minsan siyang isang mamamayan ng Sol na lumipat sa Goryeo. Gayunpaman, hindi niya inaasahan na may masamang intensyon ito sa pagsama ng Solean medical conference ngayong taon. Nasa ilalim siya ni Jonathan sa larangan ng paggawa ng lason at paggawa ng antidote. “Hoy, magsalita ka. Ikaw ang gumawa ng Solean Doctor’s Association at naniniwala ka na ang Solean Medicine ay awtentik dahil alng may nakuha kang mga kaalaman na mula sa Goryeon Medicine. Bibigyan kita ng pagkakataon para hamunin ako. Kapag natalo ka ulit, kailangan mo ipasara ang Solean Doctor’s Association o palitan mo ang pangalan at gawin mo itong Goryeon Doctor’s Association. Sana ay hindi ito sobra para sayo.”Sinasadya ni Jonathan na maging agresibo.“Dr. Fallon, tanggapin mo ang hamon ni
“Pwede niyo akong hamunin. Basta’t may kinalaman ito sa Goryeon Medicine, tatanggapin ko ang hamon. Kapag natalo ako, hihingi agad ako ng tawad at aalis ako ng Sol. Nangangako ako na hindi na ulit ako babalik.”Sumosobra na si Jonathan. Maraming nagalit.Gayunpaman, hindi siya hinamon ng mga doctor.Tutal, naipakita ni Jonathan ang husay at kakayahan niya sa medisina. Kahit si Dr. Fallon ay walang laban sa kanya. Hindi nila matatalos si Jonathan.“Ano sa tingin mo?”“Takot ka?”“Gaano ba kahirap para umamin na ang Solean Medicine ay mula sa Goryeon Medicine?”“Ito ang katotohanan. Bakit ayaw mo itong tanggapin?”“Kung natatakot kang hamunin ako, isara mo na ang Solean Doctor’s Association?”Ang matapang na sinabi ni Jonathan.Ang mga chairman ng mga malalaking korporasyon sa ibaba ng entablado ay nag uusap tungkol sa sitwasyon ng may madilim na ekspresyon.Nalaman ng mga emcee ang tungkol dito.Sinabi ni Delilah, “Sandali lang, Mr. Harris. Pinag uusapan pa ang proposal mo s
Arogante si Jonathan. Hindi lang niya hinamon ang top hundred doctors sa Sol, pinaabot niya ba ang imbitasyon sa manunuod ng buong bansa. Sinusubukan niyang labanan ang lahat ng medical professionals sa Sol nang mag-isa. "Masyado siyang mayabang." "Kailangan siyang turuan ng leksyon." "Maghintay ka lang hanggang sa lumitaw ang isang big shot at bugbugin siya. Gusto ko siyang makitang pinapahiya sa personal." … Sumabog sa galit ang internet. "Hinahamon kita." Isang matandang lalaki ang lumapit kay Jonathan. Isa siyang doktor sa ospital sa Medical Street. Nasa pitompung taong gulang na siya. Nagsasanay siya ng medisina simula noong binata pa siya at higit limampung taon na siyang nasa larangan. Para sa kanya, ang Solean Medicine ay may malawak na kagamitan at malalim rin ito mula sa mahaba nitong kasaysayan sa nagdaang panahon. Hindi niya hahayaang dungisan ng isang tigalabas ang pangalan nito. Umakyat siya sa stage. Kilala siya sa Medical Street dahil
"W-Wala lang. Kumain na tayo." Wala nang sinabi si James. Kinuha niya ang kubyertos at nagsimulang kumain. Mabilis niyang kinain ang pagkain niya. Ang paraan ng paglamon niya ng pagkain niya ay ibang-iba sa pananamit niya. Nang nakita niya ang paraan ng pagkain niya, naalala ni Thea ang asawa niya. Pareho sila kung kumain. 'Ganito ba kumain ang lahat ng sundalo sa Southern Plains?' Nagtaka si Thea. Ngunit hindi niya ito binanggit. Kinuha niya ang kubyertos niya at kumain na rin. Pagkatapos nilang kumain, bumalik sila sa General Assembly Hall sa Medical Street. Sa sandaling makabalik sila, isang oras na ang lumipas. Nakabalik na ang lahat sa mga upuan nila. Wala silang ganang kumain at sa halip ay kumain na lang ng instant noodles. Hindi man lang kumain ang ilang malalaking pangalan na naroon. Pinaguusapan nila ang tungkol sa hamon ni Jonathan nang higit sa isang oras. Sa kasamaang palad, kahit sa kabila ng isang oras na pag-uusap, wala silang maisip n
"A-Ako?" Sandaling napahinto si Thea. Pagkatapos ay umiling siya. "I-Imposible. Maski ang mga kilalang doktor na yun ay natalo. Wala akong alam na kahit na ano tungkol sa medisina. Imposibleng manalo ako." Hindi kampante si Thea. Kahit na kinamumuhian niya si Jonathan, wala siyang kapangyarihan na gumawa ng kahit na ano. Kampanteng ngumisi si James. "Oo, kaya mo. Wag kang mag-alala. Nandito ako para tulungan ka." Nang narinig ito ni Thea, bigla niyang naalala. Si James ang Black Dragon. Sinasabi na wala siyang kapantay pagdating sa sining ng medisina. Walang nakakaalam sa hangganan ng galing niya sa panggagamot. "Oo nga pala…" Giniling niya ang ulo niya sa pagtataka. "May mga sabi-sabi na walang makakapantay sa galing mo sa medisina. Paanong nangyari ang mga usap-usapang yun?" Ngumiti si James. Nagsimula iyon maraming taon na ang nagdaan noong hindi pa siya commander-in-chief. Isang malaking personalidad sa capital ang nagkasakit nang matindi at malap
"Sige." Mayabang na binanggit ni Jonathan ang hamon niya. "Kung ganun, tatalunin kita nang patas. Anong gusto mong paglabanan natin?" Simpleng sumagot si James, "Paglabanan natin kung saan ka pinakamagaling." Nagulat ang madla. Nakita ng lahat ang kahusayan ni Jonathan sa medisina. Napakagaling niya sa lahat ng larangan ng panggagamot. Sa kabila nito, mayabang na gustong makipaglaban ni James sa pinakamagaling na larangan ni Jonathan. "Goryeon Medicine? Kalokohan! Malawak ang gamit ng Solean Medicine at napakakumplikado nito. Ang nagamay namin ay mababaw pa lang kumpara sa kalaliman ng Solean Medicine. Dahil sinasabi mo na nagmula sa Goryeon Medicine ang Solean Medicine, dapat ay nagamay mo na nang buo ang tunay na sining ng medisina. Tatalunin kita ng patas sa kung saan ka magaling para ipakita sa'yo kung gaano mo minaliit ang Solean Medicine." Nang marinig ito, naghiyawan ang madla. "Tama!" "Napakaraming doktor sa populasyon naming 1.3 billion! Hindi tayo dapa