Malamig na tumingin si James sa Black Snake at nagsabing, "Pakawalan mo sila." Nanatili ang mga mata ng Black Snake kay James. Tinuro niya ang nakataling sina Thea at Quincy at nagsalita nang may mapaglarong ngiti, "Isa lang ang pakakawalan ko. Ikaw ang may huling salita kung sino yun sa kanila." "Pakawalan mo si Thea." Hindi nagdalawang-isip si James. Sumenyas ang Black Snake sa mga kasamahan niya. Kaagad na lumapit ang isa sa mga tao niya at tinanggal ang pagkakatali kay Thea. Mabilis na tumayo si Thea. Namanhid ang mga ganito niya sa pagkakatali nang matagal at kaagad siyang tumumba sa lapag. Tumayo siya ulit at tumingin sa armadong assassin sa paligid niya at namula ang mga mukha niya. Nanginig ang mga labi niya. "James… a-anong ginagawa mo? Si Quincy na lang ang pakawalan mo. Mananatili ako kasama mo." Sumigaw si Quincy na nakatali sa upuan, "Thea, anong ginagawa mo? Umalis ka na, dali. Hindi mo ba gustong mabuhay?" "Thea, umalis ka na!" Sumigaw si James. "H-Hi
Sa isang underground basement sa Michenton Village.Naka-lock ang bakal na pinto, at maraming assassin na puno ng sandata ang nakabantay sa labas.Nakatali si Quincy sa isang upuan at hindi makagalaw.“James, a-ayos ka lang ba?”Bakas ang pag-aalala sa maputla niyang mukha habang patuloy niyang tinitingnan si James kung ayos lang ba ito.Nakatali si James ng lubid, at ang kaliwang nitong binti at mat tama ng bala. Kahit na kayang niyang kontrolin ang daloy ng dugo ng kanyang katawan at pigilan na pagdurugo sa loob nito, malakas pa din ang pagdurugo sa kanyang katawan.Habang nakahiga sa labag, sinabi niya, “Ayos lang ako. Patawad si Thea lang ang nailigtas ko.”Sa pagitan nila Quincy at Thea, pinili niya na iligtas si Thea.Miserable ang buhay ni Thea. pagkatapos masunog ang mukha nito, tiniis nito ang pang-aalipusta ng lahat ng mga tao at nabuhay ng puno ng kalungkutan.Nakonsensya siya para kay Thea.Sa halip na mabigyan niya ng isang masayang buhay si Thea, nadamay niya it
“Oh?” Habang nakaupo sa lapag, hindi mapigilan ni James na tumingin kay Black Snake.‘Anong binabalak ni Black Snake?‘Gusto niya akong maging boss ng Dark Castle?’“Gusto mo na ako ang maging boss ng Dark Castle? Binibigay mo ba sa akin ang Dark Castle? Hindi ka ba natatakot na linisin ko ang Dark Castle kapag napasakamay ko na ito?”Tumawa ng malakas si Black Snake. “Haha, hindi problema yun.”Tumawa din di James. ‘Sige, sang-ayon ako. Luwagan niyo na ang mga lubid.”Sinenyasan ni Black Snake ang kanyang mga tauhan.Dalawang lalaki na nakaitim na damit at hood ang lumapit at pinakawalan si James.Tumayo si James, ginalaw ang kanyang mga binti, at tinignan si Black Snake ng may malokong ngiti.“Pinakawalan mo talaga ako? Hindi ka ba natatakot na baka bigla na lang kitang atakihin? Alam mo kung gaano ako kalakas. Hindi ka tatagal ng tatlong galaw sa aking mga kamay kapag seryoso kitang inatake.”Ngumisi si Black Snake. “Ang buong Dark Castle ay sayo na ngayon, at tauhan mo
Alam ni Black Snake na magiging mahirap na iligtas ang kanyang boss. Kahit na sumang-ayon ang Emperor, hindi niya lubos na mapagkakatiwalaan ang salita ng kabilang partido.Ito ang Cnasington—isa itong teritoryo na nasa ilalim ng Sol. Ang Emperor ay ang pinuno ng Five Commanders at ang may hawak sa sandatahang lakas. Hangga’t napapalibutan ng Emperor ang buong lugar, bukod sa hindi nila maililigtas si Blake, mamamatay din siya dito.Pinag-isipan niya ito ng maigi at napagtanto niya na mas malaki ang tiyansa niya kung makikipagtulungan siya kay James sa halip na gamitin ang buhay nito para pagbantaan ang Emperor.Napaisip din ng malalim si James habang naninigarilyo.Hindi niya kilala si Blake pero alam niya kung anong klaseng organisasyon ang Dark Castle. Isa itong assassination organization. Ang kamay ng mga tao na nasa Dark Castle ay may bahid na ng dugo, at si Black Snake ay hindi isang mabuting tao.Ang dahilan kaya niya pinainan si Black Snake na pumunta ng Cansington ay pa
“Sandali.”Umikot si James at naglakad papunta sa nayon.Hindi nagtagal, bumalik siya dun.“Haha, Black Dragon, sinasabi ko na nga ba at makikipagtulungan ka sa akin.”Nang makita niya si James na bumalik, lumapit si Black Snake, inilahad ang kanyang mga kamay, at gustong yakapin si James.“Lumayas ka sa harapan ko.”Tinaas ni James ang kanyang paa at sinipa ito.May tama siya ng bala sa kanyang hita at hindi niya mapigilan na magngalit ang kanyang mga ngipin nung tinaas niya ito.Humakbang paatras ng ilang beses si Black Snake at umilag.“Ihanda mo ko ng kotse,” sabi ni James.Naglabas ng ilang susi si Black Snake at binato ito kay James. Pagkatapos, sinabi niya, “Ang kotse ay nasa bukana ng nayon.”Kinuha ni James ang susi saka umalis.Nang makabalik siya, nandoon na si Quincy sa bukana ng nayon. Subalit, maraming armadong lalaki ang nakabantay sa paligid, kaya naman hindi siya nangahas na pumasok.Hindi niya alam kung ano ang ginagawa ni James sa loob ng nayon, kaya ang
Tiningnan ni James ang oras. Madaling araw na.Nag-isip siya sandali at inutos, “May mga kakailanganin akong mga bagay. Ikuha mo ko ng panulat at papel para mailista ko ang mga ito. Dalian niyo at ihanda ito para sa akin.”Kaagad na inutos ni Black Snake, “Maghanda kayo ng panulat at papel.”Hindi nagtagal, may nagdala ng panulat at papel.Nilista ni James ang mga materyales na kakailanganin niya para gumawa ng human mask at ilang medisinal na mga materyal.Nang makita niya ang mga inilista ni James, napasimangot si Black Snake at nagtanong, “Para saan naman ang mga medisinal na materyales na to?”“Hindi mo na kailangan pang malaman ang tungkol sa bagay na to. Ihanda niyo na lang ito kaagad. Nauubos na ang oras natin.”Kaagad itong inasikaso ni Black Snake. Sa kabilang banda, ipinikit ni James ang kanyang mga mata para magpahinga.Mabilis na inihanda ni Black Snake ang lahat ng kailangan.Wala pang isang oras, ang lahat ng kailangan ni James ay dumating na.Sinimulan nang g
Nagsalita si James ng paisa-isa.“Ano ang gusto mong sabihin?”“Tigilan mo na ang paligoy-ligoy.”“Diretsuhin mo na kami. Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin.”Nainip na ang mga assassin.Bahagyang ngumiti si James, “Ang totoo, simple lang naman ang gusto kong sabihin. Kaya ko kayong bigyan ng pera kung iyon ang gusto niyo. Kaya ko din kayong bigyan ng ordinaryong buhay kung iyon ang hanap niyo. Basta’t ibaba niyo lang ang madugo niyong mga patalim at tumigil sa pagiging mga assassin, sumuko sa alkin, sundin ako, at paglingkuran. Pagkatapos, lahat ng gusto niyo ay makukuha niyo. Ang pinakamahalaga pa dun ay mabubuhay pa kayo.”Sinabi na ni James kung ano ang pakay niya.“Pag-isipan niyo muna ng maigi. Siya nga pala, ipapaalala ko lang na dalawang oras na lang ang natitira bago magbuklang liwayway. Nauubos na ang oras.”Pagkatapos magsalita ni James, tumayo siya at naglakad pabalik sa loob ng bahay.Sa labas ng bahay.Natahimik ang grupo ng mga assassins.May katwir
Sa isa pang bahay sa loob ng nayon.Nakaupo si Black Snake sa sopa, hinampas ang lamesa gamit ng kanyang mga kamay, at dahan-dahan na minasahe ang kanyang sentido.Nakatayo naman sa kanyang tabi ang isa sa mga kanyang tauhan.“Black Snake, ang Black Dragon ay ni-recruit ang ilan sa mga assassin na inupahan natin.”Nang marinig ni Black Snake ang ulat ng kanyang tauhan, dumilim ang ekspresyon ni Black Snake. Talagang nakakatakot ang Black Dragon. Ang mga assassin na ito ay naka-rango sa tuktok ng assassin leaderboard. Bawat isa sa kanila ang malakas. Imposible na matipon silang lahat kung hindi lang dahil sa alok na sampung bilyong dolyar.Ang pamamaraan ni James ay pambihira kung nagawa niyang i-recruit ang mga ito ng ganun kadali.“Hayaan mo sila.”Kinaway ni Black Snake ang kanyang mga kamay.Wala siyang pakialam kung sinuman ang i-recruit ni James basta’t mailigtas lang niya si Blake.Si Blake Davis ang nagtatag ng Dark Castle.Halos 30 taon na din simula nung naitatag