Sa mga oras din na ito, ilang kilometro ang layo mula sa nayon.May isa pang bahay.Ang Black Snake ay nakarating na bago pa man dumating ang bukang liwayway.Sa mga sandaling ito, tumunog ang phone ni Black Snake.Sinagot niya ang tawag.“Black Snake, pinadala ko na si Blake sa napagkasunduan nating nayon.”“Wala ka bang ibang kasama?” tanong ni Black Snake.“Huwag kang mag-alala. Walang ibang kasama.”Pinutol na ni Black Snake ang tawag.Pagkatapos ay may tinawagan pa siya. “Pumunta ka sa nayon para tingnan ito.”Pagkatapos na matanggap ang tawag, isa sa mga tauhan ni Black Snake ang humila sa pekeng James palabas ng nayon. Pagkatapos, nahanap niya ang isang nakaparadang kotse sa labas ng nayon na may isang kakaibang lalaki.Ilan sa kanyang mga tauhan ang nakatitig sa pekeng James.“Nasaan na ang boss ko?” lumapit ang tauhan, tiningnan ang kabilang partido, at nagtanong.“Ikaw ba si Black Snake?”“Oo.”Nang marinig ito, binuksan ng lalaki ang pintuan ng kotse. Sa may
Hindi nangahas ang Black Snake na kumilos habang may nakatutok na baril sa kanyang ulo.Kahit na pangalawa ang ranggo niya sa leaderboard ng mga assassin, nandito ang lahat ng mga assassin, at walang mas mahina sa kanya sa isang duwelo.“Anong ibig sabihin nito, Black Dragon? Naging tapat ako sa’yo at binigay ko sa’yo ang Dark Castle, tapos ngayon tatraydurin mo ako?” Ang sabi ng Black Snake ng may malungkot na ekspresyon.Tumayo si James at kalmadong nagsalita, “Wala akong tiwala sa’yo. Masyado kang maraming tinatago sa’kin. Tsaka, tuso ka at marami kang binabalak na masama. Mula noong dumating ka sa Cansington, nagpaplano ka na laban sa’kin at gusto mo akong gamitin, hindi ba?”“Hindi.“Seryoso ako. Gusto ko lang iligtas ang boss ko. Niligtas niya ang buhay ko. Matagal na sana akong patay kung hindi dahil kay Blake. Gagawin ko ang lahat para iligtas siya.” Ang sigaw ng Black Snake.“Patayin niyo siya.”Ang utos ni James.Tumalikod siya at agad siyang naglakad papunta sa pinto
Nakita ng Emperor ang Black Dragon na nakatayo sa harap ng bahay sa maliit na camera at sumigaw siya, “B*isit, Black Snake! Ang lakas ng loob mo na paglaruan ako?!”“Anong gagawin ko?” Bumulong ang lalaking namumuno sa grupo.Subalit, sa mga sandaling ito, isa pang grupo ng mga tao ang dumating.“Ibaba niyo ang mga armas niyo at dumapa kayo sa lupa!”Narinig ang isang malakas na sigaw.Lumingon ang mga sundalo at nakita nila na napaliligiran sila ng mga armadong sundalo. Agad na nagbago ang mga ekspresyon nila. Ang mga sundalong ito ang isang libong sundalo mula sa Black Dragon Army na dinala dito ni James mula sa Southern Plains.Kagabi, tinawagan niya si Ronald upang isama ang hukbo nila upang magmasid at maghintay para sa mga mangyayari.Lumapit si Ronald kay James at bumati, “James.”“Magaling.”Tumango si James.Pinanood ng Emperor ang eksena mula sa isang sikretong silid sa Cansington. Huminga siya ng malalim at pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili. Pagkatapos,
Di nagtagal ay nakarating na si James sa Cansington.Pagdating niya, hindi siya umuwi agad.Sa halip, dinala niya ang mga narecruit niyang mga assassin sa repair shop sa suburbs at papunta sa headquarters ng underground intelligence network.Sa repair shop, sa sikretong underground basment.Umupo si James sa sofa.Tumayo sa isang tabi ang mga assassin na narecruit niya.Isa-isa silang tiningnan ni James.Ang pangatlo sa assassin leaderboard, si Little Sis. Ang pang apat sa assassin leaderboard, si Wanderer. Ang panlima sa assassin leaderboard, si Midnight Wind. Ang pang anim sa assassin leaderboard, si Savage. Ang pang pito sa assassin leaderboard, si Grim Reaper. Ang pang siyam sa assassin leaderboard, si Scorpion. Ang pansampu sa assassin leaderboard, si Death Dance. Maliban sa namatay na si Black Snake at sa unang assassin sa leaderboard, ang Assassin King, narecruit na ni James ang halos lahat sa top ten na mga assassin. "Black Dragon, nangako ka sa'min na bi
Muling may inutos si James, "Bantayan niyo ang Sovereign Antique Shop sa Antique Street. Tingnan niyo kung may balita tungkol sa kahon na nahukay mula sa ancient tomb ng Prince of Orchid Mountain mula sa Southern Plains. Sabihan niyo ako agad kapag may nalaman kayo.""Masusunod.""Oo nga pala, alamin niyo ang background ng mga assassin na 'yun. Dalhin niyo ang mga pamilya nila sa Cansington kung pwede. Tsaka, bilhan niyo sila ng mga bahay at hanapan niyo sila ng mga trabaho. Magiging masunurin ang mga assassin na 'yun kapag nasa Cansington ang mga pamilya nila.""Masusunod."Tumango si Ronald. Pagkatapos asikasuhin ni James ang ilang mga bagay, tumayo siya at umalis. Paglabas niya mula sa repair shop, dumaan ang isang jeep, at bumaba ang bintana ng sasakyan. Nagpakita ang Blithe King at kinawayan niya si James.Lumapit si James, binuksan niya ang pinto, at sumakay siya sa sasakyan. Naglabas ng sigarilyo ang Blithe King at inabot niya ito kay James. Pagkatapos, nagtanong siya
Buong gabing hindi natulog si Thea. Buong gabi siyang sinamahan ni Quincy. Pagsapit ng umaga, paulit-ulit niyang tinawagan si James. Subalit, nakapatay ang phone ni James, at hindi niya siya makausap, kahit na gaano karaming beses siya tumawag. “Ten o’clock na. Bakit hindi ka pa umuuwi?”Nag-aalalang nagpalakad-lakad si Thea sa loob ng kanyang silid.“Huwag kang mag-alala, Thea. Magiging ayos lang si James.”Buo ang tiwala ni Quincy kay James dahil siya ang Black Dragon. Nagawa niyang talunin ang mga martial arts guru ng 28-nations at isang daang libong sundalo. Bale wala sa kanya ang ilang mga assassin. "Kung ganun, bakit nakapatay pa rin ang phone niya?" Umupo si Thea ng puno ng pag-aalala at hinawakan niya ang kamay ni Quincy. "Quincy, pumunta tayo sa mga pulis." Ang sabi ni Thea. Hindi makapagsalita si Quincy. 'Tawagan ang mga pulis? 'May magagawa ba ang pagtawag sa mga pulis?' Kahit na hindi niya alam kung sino ang bumihag sa kanila at kay James kagabi, nala
”Wala talaga akong kinalaman sa Black Dragon. Niligtas ko lang siya sampung taon na ang nakakaraan. Ngayong patay na siya, bakit ginugulo pa rin nila ako?”Nagkibit balikat si James. “Anong malay ko? Oo nga pala, Hindi pa ako nakakain mula kagabi. Nagugutom na ako!”“Kumain tayo sa labas.” Hinawakan ni Thea ang mga kamay ni James.Tumingin si James kay Quincy at nagtanong siya ng may ngiti sa kanyang mukha, “Quincy, ikaw ang vice president ng Transgenerational Group at malamang marami ka pang kailangang gawin. Alas dyis na ng umaga. Hindi mo ba kailangang pumasok sa trabaho?”Agad na naintindihan ni Quincy ang intensyon ni James.Ayaw niyang sumunod siya sa kanila.Ngumuso siya at ngumiti. “Humingi muna ako ng leave sa trabaho at hindi ko kailangang pumunta sa kumpanya ngayon. Hindi pa rin ako kumakain. Sabay-sabay na tayo.”“Quincy, salamat sa pagsama mo sa’kin kagabi. Kung wala ka, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Ililibre kita!" Hinawakan ni Thea ang kamay ni Qu
Noong nakita niya ang reaksyon ng mukha ni Thea, ngumisi si Quincy. "Nagbibiro lang ako. Isa siyang taong walang ambisyon, at hindi ko gusto 'yun. Gusto ko ng isang lalaking may kakayahan!" Nakahinga ng maluwag si Thea. Inakala niya na interesado talaga si Quincy kay James. "Tinakot mo ako dun, Quincy. Hindi ka dapat nagbibiro ng ganyan, lalo na sa harap niya. Kung hindi, iisipin nanaman niya na kung sino siya at magyayabang nanaman siya.""Oo, alam ko." Tumawa si Quincy. Mabilis nilang tinapos ang kanilang pagkain. Pagkatapos ng hapunan. Sa labas ng restaurant. Hinawakan ni Quincy ang kamay ni Thea at sinabing, "Thea, mauna ka nang umuwi. Pupunta ako sa kumpanya kasama si James."Namroblema si James. Wala siyang sinabi na pupunta siya sa kumpanya. "Quincy, Ms. Xenos, iba ang posisyon ko sa posisyon mo. Isa kang high-ranking superior sa kumpanya, habang ako naman ay isang maliit na salesman lang. Hindi ko kailangang pumunta sa kumpanya araw-araw. Ang trabaho ko ay m