Tiningnan ni James ang oras. Madaling araw na.Nag-isip siya sandali at inutos, “May mga kakailanganin akong mga bagay. Ikuha mo ko ng panulat at papel para mailista ko ang mga ito. Dalian niyo at ihanda ito para sa akin.”Kaagad na inutos ni Black Snake, “Maghanda kayo ng panulat at papel.”Hindi nagtagal, may nagdala ng panulat at papel.Nilista ni James ang mga materyales na kakailanganin niya para gumawa ng human mask at ilang medisinal na mga materyal.Nang makita niya ang mga inilista ni James, napasimangot si Black Snake at nagtanong, “Para saan naman ang mga medisinal na materyales na to?”“Hindi mo na kailangan pang malaman ang tungkol sa bagay na to. Ihanda niyo na lang ito kaagad. Nauubos na ang oras natin.”Kaagad itong inasikaso ni Black Snake. Sa kabilang banda, ipinikit ni James ang kanyang mga mata para magpahinga.Mabilis na inihanda ni Black Snake ang lahat ng kailangan.Wala pang isang oras, ang lahat ng kailangan ni James ay dumating na.Sinimulan nang g
Nagsalita si James ng paisa-isa.“Ano ang gusto mong sabihin?”“Tigilan mo na ang paligoy-ligoy.”“Diretsuhin mo na kami. Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin.”Nainip na ang mga assassin.Bahagyang ngumiti si James, “Ang totoo, simple lang naman ang gusto kong sabihin. Kaya ko kayong bigyan ng pera kung iyon ang gusto niyo. Kaya ko din kayong bigyan ng ordinaryong buhay kung iyon ang hanap niyo. Basta’t ibaba niyo lang ang madugo niyong mga patalim at tumigil sa pagiging mga assassin, sumuko sa alkin, sundin ako, at paglingkuran. Pagkatapos, lahat ng gusto niyo ay makukuha niyo. Ang pinakamahalaga pa dun ay mabubuhay pa kayo.”Sinabi na ni James kung ano ang pakay niya.“Pag-isipan niyo muna ng maigi. Siya nga pala, ipapaalala ko lang na dalawang oras na lang ang natitira bago magbuklang liwayway. Nauubos na ang oras.”Pagkatapos magsalita ni James, tumayo siya at naglakad pabalik sa loob ng bahay.Sa labas ng bahay.Natahimik ang grupo ng mga assassins.May katwir
Sa isa pang bahay sa loob ng nayon.Nakaupo si Black Snake sa sopa, hinampas ang lamesa gamit ng kanyang mga kamay, at dahan-dahan na minasahe ang kanyang sentido.Nakatayo naman sa kanyang tabi ang isa sa mga kanyang tauhan.“Black Snake, ang Black Dragon ay ni-recruit ang ilan sa mga assassin na inupahan natin.”Nang marinig ni Black Snake ang ulat ng kanyang tauhan, dumilim ang ekspresyon ni Black Snake. Talagang nakakatakot ang Black Dragon. Ang mga assassin na ito ay naka-rango sa tuktok ng assassin leaderboard. Bawat isa sa kanila ang malakas. Imposible na matipon silang lahat kung hindi lang dahil sa alok na sampung bilyong dolyar.Ang pamamaraan ni James ay pambihira kung nagawa niyang i-recruit ang mga ito ng ganun kadali.“Hayaan mo sila.”Kinaway ni Black Snake ang kanyang mga kamay.Wala siyang pakialam kung sinuman ang i-recruit ni James basta’t mailigtas lang niya si Blake.Si Blake Davis ang nagtatag ng Dark Castle.Halos 30 taon na din simula nung naitatag
Sa mga oras din na ito, ilang kilometro ang layo mula sa nayon.May isa pang bahay.Ang Black Snake ay nakarating na bago pa man dumating ang bukang liwayway.Sa mga sandaling ito, tumunog ang phone ni Black Snake.Sinagot niya ang tawag.“Black Snake, pinadala ko na si Blake sa napagkasunduan nating nayon.”“Wala ka bang ibang kasama?” tanong ni Black Snake.“Huwag kang mag-alala. Walang ibang kasama.”Pinutol na ni Black Snake ang tawag.Pagkatapos ay may tinawagan pa siya. “Pumunta ka sa nayon para tingnan ito.”Pagkatapos na matanggap ang tawag, isa sa mga tauhan ni Black Snake ang humila sa pekeng James palabas ng nayon. Pagkatapos, nahanap niya ang isang nakaparadang kotse sa labas ng nayon na may isang kakaibang lalaki.Ilan sa kanyang mga tauhan ang nakatitig sa pekeng James.“Nasaan na ang boss ko?” lumapit ang tauhan, tiningnan ang kabilang partido, at nagtanong.“Ikaw ba si Black Snake?”“Oo.”Nang marinig ito, binuksan ng lalaki ang pintuan ng kotse. Sa may
Hindi nangahas ang Black Snake na kumilos habang may nakatutok na baril sa kanyang ulo.Kahit na pangalawa ang ranggo niya sa leaderboard ng mga assassin, nandito ang lahat ng mga assassin, at walang mas mahina sa kanya sa isang duwelo.“Anong ibig sabihin nito, Black Dragon? Naging tapat ako sa’yo at binigay ko sa’yo ang Dark Castle, tapos ngayon tatraydurin mo ako?” Ang sabi ng Black Snake ng may malungkot na ekspresyon.Tumayo si James at kalmadong nagsalita, “Wala akong tiwala sa’yo. Masyado kang maraming tinatago sa’kin. Tsaka, tuso ka at marami kang binabalak na masama. Mula noong dumating ka sa Cansington, nagpaplano ka na laban sa’kin at gusto mo akong gamitin, hindi ba?”“Hindi.“Seryoso ako. Gusto ko lang iligtas ang boss ko. Niligtas niya ang buhay ko. Matagal na sana akong patay kung hindi dahil kay Blake. Gagawin ko ang lahat para iligtas siya.” Ang sigaw ng Black Snake.“Patayin niyo siya.”Ang utos ni James.Tumalikod siya at agad siyang naglakad papunta sa pinto
Nakita ng Emperor ang Black Dragon na nakatayo sa harap ng bahay sa maliit na camera at sumigaw siya, “B*isit, Black Snake! Ang lakas ng loob mo na paglaruan ako?!”“Anong gagawin ko?” Bumulong ang lalaking namumuno sa grupo.Subalit, sa mga sandaling ito, isa pang grupo ng mga tao ang dumating.“Ibaba niyo ang mga armas niyo at dumapa kayo sa lupa!”Narinig ang isang malakas na sigaw.Lumingon ang mga sundalo at nakita nila na napaliligiran sila ng mga armadong sundalo. Agad na nagbago ang mga ekspresyon nila. Ang mga sundalong ito ang isang libong sundalo mula sa Black Dragon Army na dinala dito ni James mula sa Southern Plains.Kagabi, tinawagan niya si Ronald upang isama ang hukbo nila upang magmasid at maghintay para sa mga mangyayari.Lumapit si Ronald kay James at bumati, “James.”“Magaling.”Tumango si James.Pinanood ng Emperor ang eksena mula sa isang sikretong silid sa Cansington. Huminga siya ng malalim at pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili. Pagkatapos,
Di nagtagal ay nakarating na si James sa Cansington.Pagdating niya, hindi siya umuwi agad.Sa halip, dinala niya ang mga narecruit niyang mga assassin sa repair shop sa suburbs at papunta sa headquarters ng underground intelligence network.Sa repair shop, sa sikretong underground basment.Umupo si James sa sofa.Tumayo sa isang tabi ang mga assassin na narecruit niya.Isa-isa silang tiningnan ni James.Ang pangatlo sa assassin leaderboard, si Little Sis. Ang pang apat sa assassin leaderboard, si Wanderer. Ang panlima sa assassin leaderboard, si Midnight Wind. Ang pang anim sa assassin leaderboard, si Savage. Ang pang pito sa assassin leaderboard, si Grim Reaper. Ang pang siyam sa assassin leaderboard, si Scorpion. Ang pansampu sa assassin leaderboard, si Death Dance. Maliban sa namatay na si Black Snake at sa unang assassin sa leaderboard, ang Assassin King, narecruit na ni James ang halos lahat sa top ten na mga assassin. "Black Dragon, nangako ka sa'min na bi
Muling may inutos si James, "Bantayan niyo ang Sovereign Antique Shop sa Antique Street. Tingnan niyo kung may balita tungkol sa kahon na nahukay mula sa ancient tomb ng Prince of Orchid Mountain mula sa Southern Plains. Sabihan niyo ako agad kapag may nalaman kayo.""Masusunod.""Oo nga pala, alamin niyo ang background ng mga assassin na 'yun. Dalhin niyo ang mga pamilya nila sa Cansington kung pwede. Tsaka, bilhan niyo sila ng mga bahay at hanapan niyo sila ng mga trabaho. Magiging masunurin ang mga assassin na 'yun kapag nasa Cansington ang mga pamilya nila.""Masusunod."Tumango si Ronald. Pagkatapos asikasuhin ni James ang ilang mga bagay, tumayo siya at umalis. Paglabas niya mula sa repair shop, dumaan ang isang jeep, at bumaba ang bintana ng sasakyan. Nagpakita ang Blithe King at kinawayan niya si James.Lumapit si James, binuksan niya ang pinto, at sumakay siya sa sasakyan. Naglabas ng sigarilyo ang Blithe King at inabot niya ito kay James. Pagkatapos, nagtanong siya