Share

Kabanata 538

Tiningnan ni James ang oras. Madaling araw na.

Nag-isip siya sandali at inutos, “May mga kakailanganin akong mga bagay. Ikuha mo ko ng panulat at papel para mailista ko ang mga ito. Dalian niyo at ihanda ito para sa akin.”

Kaagad na inutos ni Black Snake, “Maghanda kayo ng panulat at papel.”

Hindi nagtagal, may nagdala ng panulat at papel.

Nilista ni James ang mga materyales na kakailanganin niya para gumawa ng human mask at ilang medisinal na mga materyal.

Nang makita niya ang mga inilista ni James, napasimangot si Black Snake at nagtanong, “Para saan naman ang mga medisinal na materyales na to?”

“Hindi mo na kailangan pang malaman ang tungkol sa bagay na to. Ihanda niyo na lang ito kaagad. Nauubos na ang oras natin.”

Kaagad itong inasikaso ni Black Snake.

Sa kabilang banda, ipinikit ni James ang kanyang mga mata para magpahinga.

Mabilis na inihanda ni Black Snake ang lahat ng kailangan.

Wala pang isang oras, ang lahat ng kailangan ni James ay dumating na.

Sinimulan nang g
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status