Hindi mabuting tao si Lorne. Dati siyang isang school bully. Marami siyang na-bully na estudyante noon. Kaya naman, nagpalakpakan ang karamihan sa mga tao sa paligid noong nakita nila na binugbog siya. Mag-isang naglalaro ng Plants vs. Zombies si James. May ilang tao na lumapit upang batiin siya. Ngumiti lamang siya at nagpatuloy siya sa paglalaro. “James?”Narinig niya ang isang magandang boses.Inangat ni James ang kanyang ulo at nakita niya ang isang babae na nakatayo sa harap niya. Ang babae ay may itim na buhok, makinis na kutis, at magandang itsura. Tila nasa dalawampu't pito o dalawampu't walong taong gulang na siya. “Hmm?”"Joan Dunn?" Sumimangot si James. “Huh?"Kilala mo ba ako?" Bahagyang nagulat si Joan. Ngumiti si James at nagtanong, "May kailangan ka ba?" "Wala naman. Lumapit lang ako kasi James ang pangalan mo." Nakangiting sumagot si Joan at umupo siya sa tapat ni James. “Okay.”Suminghot si James at hindi na siya nagsalita pa. Tumingin si J
”Hindi ko alam. Naglaho siya pagkatapos nun, at nalaman ko na may nangyaring masama sa pamilya niya. Umulit ako ng isang taon sa high school at sineryoso ko ang mga sinabi niya. Nag-aral ako ng mabuti at nagtagumpay akong makapasok sa University ng Sol.”Bahagyang nagulat si James.Hindi niya inasahan na ang school bully, na dating nagsusuot ng gothic fashion, ay mag-aaral ng mabuti at makakapasok sa pinakamagandang unibersidad sa Sol."Magaling." Pinuri ni James si Joan, na may malinis na itsura. "Salamat." Ngumiti si Joan. Nag-usap ang dalawa sa loob ng ilang oras. Biglang may lumapit kay Thea at pabirong sinabi na, "Thea, may nang-aakit sa asawa mo. Joan ang pangalan ng babaeng 'yun. Dati siyang bully sa school at magaling siyang makipaglandian sa mga lalaki. Dahil nakita niya na malakas ang asawa mo, sinusubukan niya siyang akitin ngayon. Mag-iingat ka."Natawa si Thea at sinabing, "Class reunion 'to. Nag-uusap lang sila. Ayos lang 'yun." May tiwala si Thea kay James.
Natakot ang mapagmataas na si Kian sa mga sinabi ni James. Hindi siya nangahas na magsalita pa at pinagpatuloy niya ang kanyang pagtatanghal. Tinapik ni James ang balikat ni Zion at nakangiti niyang sinabi na, "Ayos lang 'yun. Huwag kang mag-alala. Namnamin mo na lang ang mga pagkain at inumin.""Salamat." Muling nagpasalamat si Zion kay James. "Wala 'yun." Kinumpas ni James ang kanyang kamay.Tumingin si Quincy kay James at hinawakan niya ang kanyang baba habang nag-iisip. 'Mukhang mas komplikado pa sa inaasahan ko ang lalaking 'to.' Ang naisip ni Quincy. Mula pa noong una ay iniisip na niya na walang kwenta si James. Pinakita ni James ang nakakatakot niyang lakas, pinabagsak niya ang mga bodyguard ni Quay, at binugbog din niya si Lorne at ang kanyang mga tauhan hanggang sa umalis sila sa party. Ngayon, maging ang isang celebrity na gaya ni Kian ay nirerespeto siya ng ganito. Tinawag pa nga niyang chairman si James. “James.”"Ano 'yun?" Tumingin si James kay Quinc
Pinagmamalaki ng mga babaeng tagahanga niya na nakasiping nila siya. "Walang utang na loob." Ang sabi ni Kian. Pagkatapos umalis ni Thea, agad siyang pinalibutan ng iba niyang mga tagahanga upang magpakuha ng litrato kasama siya. Pinupulupot ni Kian ang mga braso niya sa baywang at mga balikat ng mga mas magaganda niyang tagahanga. Samantala, nakatayo lamang siya sa tabi ng mga tagahanga niya na hindi gaanong maganda. Pagkatapos niyang magpakuha ng litrato kasama ang kanyang mga tagahanga, umalis si Kian at bumalik siya sa kanyang silid sa ikalawang palapag upang magpahinga. Ang kanyang manager, si Helen, ay nagpapahinga sa loob ng silid. Nasa kanyang 30s na si Hellen ngunit maganda pa rin ang kanyang itsura, mukha siyang nasa 18 o 19 taong gulang pa lang na may maputi at malambot na balat. Nakasuot siya ng isang sexy na damit at mapang-akit ang itsura niya habang nakahiga siya sa kama. “Hellen.”"Hulaan mo kung sinong nakita ko?" Lumapit si Kian at masayang nagsalit
Pwersahang kinaladkad ni James si Thea pabalik sa kanilang silid. Sa loob ng isang silid sa ikalawang palapag.“Anong ginagawa mo? Bakit mo sinisira ang kasiyahan ko, James?” Nainis si Thea.“Sandali lang, Mahal.”Nagmadaling umalis si James.Nagpunta siya sa isang supermarket sa bundok at bumili siya ng isang one-piece swimsuit.Mabilis siyang bumalik sa silid at inabot niya ang swimsuit kay Thea.“Ito ang isuot mo.” Ang sabi ni James.Dinampot ito ni Thea at tiningnan niya ito. Natawa siya sa sitwasyon.“Kailangan ba talaga ‘to, James?”“Oo, magbihis ka na dali.”“Sige. Lumabas ka muna.” Tumayo si Thea at tinulak niya si James palabas ng silid.Pagkatapos niyang itulak palabas si James, tiningnan niya ang one-piece swimsuit na hawak niya at ngumiti siya. Sa puso niya, masaya siya.Hindi niya inasahan na gagawin ito ni James. Subalit, nagustuhan niya ito.Mabilis siyang lumabas suot ang swimsuit na binili ni James para sa kanya.Tiningnan ni James ang swimsuit na suot
Tumalikod si Thea at nagbalak siyang umalis.Agad na nagsalita si Hellen, “Thea, huwag kang bastos. Kilala mo ba kung sino ako? Ako ang pinakamahusay na manager sa Sol. Malawak ang impluwensya ko. Sa maniwala ka o sa hindi, kakalat sa buong bansa ang isang video na magkasama kayo ni Kian sa kama bukas ng umaga.”Nagsimulang magbanta si Hellen.Humarap sa kanya si Thea ng nakasimangot at nagtanong, “Anong gusto mo?”Nagpatuloy sa pagbabanta si Hellen, “Hindi mo ba alam na may technology na tinatawag na deepfake? Pwedeng-pwede kong gamitin ang isang video ni Kian na nakikipaghalikan siya sa ibang tao at gamitin ang technology na ‘yun upang ilagay ang mukha mo sa video. Naiisip mo na ba kung gaano kalaking balita ‘yun?”“Ikaw…”Nanginig sa galit ang katawan ni Thea. Mukhang nagmamalaki si Hellen. Ito ang taktika niya. Mga pagbabanta at temptasyon. Kahit ang isang konserbatibong babae ay magiging isang p*ta. "Makinig ka sa'kin. Makipagsiping ka kay Kian ngayong gabi, at walan
Umasa si Kian na Thea ang makikita niya. Ngunit, sa halip, si James pala ang nasa labas ng pinto.“C-Chairman, bakit ka nandito?”Natulala sandali si Kian ngunit agad siyang nahimasmasan at inimbitahan niyang pumasok ng silid si James.Kalmadong naglakad papasok si James.Sumigaw si Kian, “Hellen, dalian mo at magtimpla ka ng kape. Nandito ang chairman!”Noong narinig ni Hellen ang mga sigaw ni Kian, agad siyang tumayo at tumingin sa pinto. Noong nakita niya si James, agad na nagbago ang kanyang ekspresyon. Ito ang tunay na chairman sa likod ng Transgenerational Group. Ang tunay na may-ari na may net worth na trilyon-trilyong dolyar.Hindi siya nangahas na magbagal-bagal sa pag-aasikaso sa kanya.“Chairman, maupo ka muna.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, nagmadali siyang magtimpla ng kape.Tumayo si Kian sa isang tabi ng may ngiti sa kanyang gwapong mukha.“Chairman, ako ang mali sa nangyari noon. Hindi ko dapat ginamit ang Transgenerational Group para pag-usapan ako. Pakiusa
Hinagis ni James si Kian sa sahig. Noong gumasgas sa sahig ang kanyang katawan, nakaramdam si Kian ng sakit ngunit hindi siya nangahas na mag-ingay.Tumingin si James kay Hellen, na nakaluhod sa sahig. Inangat niya ang kanyang paa at sinipa niya siya."Huwag mong isipin na hindi kita sasaktan dahil lang isa kang babae."Sinipa niya si Hellen ngunit hindi nangahas si Hellen na magsalita. Lumuhod si Kian sa sahig at nagmakaawa, "Chairman, kasalanan ko ang lahat. Natukso ako at nakagawa ako ng pagkakamali. Pakiusap, patawarin mo ako."Gusto talagang patayin ni James si Kian. Subalit, nangako siya kay Thea na hindi siya mananakit ng ibang tao. Huminga siya ng malalim at sinabi niya na, "Puntahan mo si Thea at personal kang humingi ng tawad sa kanya. Tandaan mo, humingi ka ng tawad habang nakaluhod ka. Matatapos na ang lahat kapag pinatawad ka ni Thea. Kung hindi, ipapatapon kita sa dagat at ipapakain kita sa mga isda."Nag-iwan si James ng isang babala at tumalikod siya para uma