Ang pagbubukas ng isang klinika sa Nine Dragons Street ay isang masamang ideya.Ang mga tao sa Cansington ay pupunta sa Medical Street para magpagamot sa doktor.Pumupunta ang mga taong taga-labas ng Cansington dito dahil sa reputasyon ng Medical Street, at hindi sila pupunta sa mga maliliit at pangkaraniwan na klinika.Bahagyang nakabukas ang pintuan ng Common Clinic.Narinig ni James ang boses ng isang babae mula sa loob ng klinika.“Anong nangyayari dito?”Kaagad na nagbago ang kanyang ekspresyon. Hindi siya sumugod sa loob ng klinika at sa halip ay sumilip mula sa labas ng pinto.Sa loob ng klinika.Nakaupo si Henry sa isang bangko habang may babae sa kanyang harapan.Mukhang ang babae ay nasa pagitan ng 25 hanggang 26 na taong gulang. Mukha siyang disente na may make-up at nakasuot ng magandang damit.“Ikaw si Henry, tama? Hindi ko alam kung bagay tayo para sa isa’t isa. Wala kang kotse o kaya naipon, at wala ding customer ang bulok niyong klinika. Mataas ang pamantayan
Sumakay si Henry sa kanyang modified Tesla at umalis sa Nine Dragon Street kasama si James. "Saan tayo pupunta, James?" "Sa urban area, sa isang lugar na tinatawag na Great Dignity on Mount Street. "Sige." Ang sagot ni Henry. Pagkatapos, tinuon niya ang kanyang atensyon sa pagmamaneho. "Sa totoo lang, disenteng tao si Michelle. Nabasa ko ang background information niya. Nagtapos siya sa isang kilalang unibersidad at siya ang kasalukuyang manager ng isang malaking enterprise na may sahod na nasa thirty thousand dollars kada buwan. Hindi nakapagtataka na mas mataas ang requirements niya para sa magiging partner niya." Walang magawa si Henry kundi magpaliwanag. "Yung Michelle ba na tumawag sa'yo na mahirap yung pinag-uusapan natin?" Tumingin si James kay Henry. "Oo, Michelle Yeager ang buong pangalan niya." Tumango si Henry. "Kalimutan mo na ang babaeng 'yun. Sasabihan ko si Scarlett na ipakilala ka sa isang mas mabuting babae. Oo nga pala, pwede kang magtrabaho sa Transge
"Bakit tayo uuwi kung nandito na tayo? Pumasok ka naman kahit paano at magtingin ka…" Nilabas ni James ang kanyang phone at tatawagan na niya si Alex. Noong tinawagan niya si Alex para magtanong tungkol sa lugar, sinabihan siya ni Alex na hintayin siyang dumating pagkatapos niyang ibigay ang lokasyon. Biglang dumating ang isang Rolls-Royce at huminto sa tapat ng Great Dignity. Isang lalaking kalbo na medyo mataba at nasa limampung taong gulang na ang nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Lumapit siya kay James at sinabing, "P-pasensya. Medyo nagkaroon ng traffic jam habang papunta ako dito, kaya medyo na-late ako.""Ayos lang 'yun. Kadarating lang namin. Nandito tayo ngayon para kay Henry. Ito si Black Shadow mula sa Southern Plains. Kailangan mong tumulong sa pag-aasikaso sa kanya ngayong gabi, Alex. Alam mo kung anong mangyayari kapag nagalit ang General Black Shadow dahil hindi maganda ang serbisyo sa kanya ngayong gabi, hindi ba?""Sisiguraduhin ko na masisiyahan kayo sa inih
Humalakhak ng malakas si James. Hiyang-hiya si Henry. Nakahinga ng maluwag si Alex. Sa wakas ay nasiyahan si James. Tulala pa rin si Michelle at hindi pa rin niya alam kung anong nangyayari. 'Hindi ba mahirap siya? 'Wala siyang pera, kotse, o ipon. Paano niya nakilala ang sikat na si Alex ng Cansington?' "M-May maitutulong pa ba ako sa inyo?" Maingat na nagtanong ang manager. "Gusto namin silang lahat maliban sa isang 'to, yung isang 'yun, at siya."Tinuro ni James ang ilang babae at nagsalita. "Ikaw, ikaw at ikaw! Umalis na kayo. Yung iba maiwan at pagsilbihan niyo ng maigi ang mga panauhin natin!" "Masusunod."Agad na umalis ang mga babae na hindi napili. Ang mga natira ay tumayo at naglakad palapit sa kanilang tatlo. "Hindi ko kailangan ng service. Yung dalawang 'yun na lang ang pagsilbihan niyo." Agad na tumayo si James. "H-Hindi ko din kailangan ng service. Please pagsilbihan niyo ng mabuti ang guest na 'to." Agad ding nagsalita si Alex. Pinalibutan n
"Sige, aasikasuhin ko ang tungkol dito ngayon din."Binaba ni James ang tawag at sumakay siya ng taxi papunta sa lugar ni Yosef. Hapon na noong mga oras na iyon. Natatakot si Yosef na paghigantihan siya ni James. Kaya naman, sinabihan niya ang kanyang anak na si Charlie Zaborowski na papuntahin sa bahay nila ang ilan sa mga kaibigan niya. Gusto niyang masiguro na mabubugbog si James hanggang sa kahit ang nanay niya ay hindi na siya makilala kapag nangahas siyang pumunta sa bahay niya.Sa bahay ni Yosef. "Halina kayo, mga kaibigan. Uminom kayo!" Binati ng anak ni Yosef, na si Charlie, ang mga maskulado niyang kaibigan. Uminom ng alak at kumain ng barbecue ang grupo nila. Kampanteng nagsalita ang isang lalaking nasa dalawampung taong gulang ang edad na nakasuot ng itim na damit, "Huwag kang mag-alala, Charlie. Lulumpuhin ko ang mga binti ng live-in son-in-law na James na 'yun kapag pumasok siya sa pinto ng bahay niyo.""Kampante ako ngayong nandito ka Nick. Pinapangako ko
Dinakip ng mga pulis sila Yosef, Charlie, at pito o walong mga gangster. “J-James.”Bago umalis ang mga pulis, tumingin siya kay James at magalang na nagtanong, "P-Pwede ko bang malaman kung paano mo gustong paimbestigahan ang mga Callahan?" Ang pulis na ito ay ang pinuno ng Commercial Crime Investigation Department. Ang panagalan niya ay Wayne Jackson. Bago sila dumating, alam niya na kung sino si James at alam niya na son-in-law siya ng mga Callahan. Gayunpaman, hindi niya alam ang iba pang mga pagkatao ni James. Ang isang bagay na alam niya ay hindi tatratuhin ng may respeto ng kanang-kamay ng Blithe King ang isang ordinaryong tao. Hindi siya sigurado sa kung paano niya dapat imbestigahan ang mga Callahan, kaya nagtanong siya. "Pagkatapos ng imbestigasyon, ang lahat ng nararapat na mapunta sa kulungan ay dapat na mapunta sa kulungan, at ang lahat ng dapat na magmulta ay dapat magmulta." Ang sabi ni James. "Masusunod." Tumango si Wayne. "Inabala nanaman kita, Gen
Pagkatapos umalis ng mga taong nagdala ng regalo, agad na nilapitan ni Tommy ang kahon na naglalaman ng pera, kinuha niya ang mga ito, at binilang niya ito. Binusisi niya ang mga ito at sumigaw siya, “Lolo, tunay ang pera.”Sinusubukan pa ring alamin ni Lex kung sino ang Mr. Caden na ito, at bakit napakabuti niya sa kanila.Binaba ni Tommy ang pera at naglakad siya papunta kay Lex. Pagkatapos, sinabi niya na, “Lolo. Ang tanging babae lang na wala pang asawa sa mga Callahan ay si Megan at Yzabella mula sa side ni uncle. Pero, may boyfriend na si Yzabella, at hindi rin Caden ang pangalan niya.”“Oo nga, hindi rin sinabi ng Mr. Caden na ‘to kung kaninong kamay ang hinihingi niyang pakasalan at nagpadala siya ng napakaraming regalo?” Tumango si Lex at nagsalita.“Malamang para sa’kin ‘to. Higit na mas maganda ako kaysa kay Yzabella. Siguradong hindi interesado sa kanya ang misteryosong Mr. Caden na ‘to. Siguradong ang kamay ko ang hinihingi niya para pakasalan.” Ang sabi ni Megan at na
Nakauwi na si James sa bahay.Subalit, wala sa bahay ang pamilya, at hindi niya nadala ang susi niya noong umalis siya.Wala siya sa family group chat ng mga Callahan, kaya hindi niya alam na papunta sila sa villa ng mga Callahan.Tinawagan niya si Thea.Nagpunta si Thea sa Longevity Pharmaceuticals at tinanong niya si Yuna para sa ilang mga order.Pauwi na siya noong mabasa niya ang mga message sa group chat.“Isang misteryosong Mr. Caden?“Mga mamahaling regalo?”Nagulat si Thea pagkatapos niyang makita ang mga regalo na pinost ni Tommy sa family group chat.Dahil dito, bigla niyang naisip ang isang tao sa di malamang dahilan.Ang lalaking nakamaskara ng multo.Biglang tumunog ang kanyang phone.Pinakalma niya ang kanyang sarili at sinagot niya ang tawag, “Anong problema mahal?”“Thea, nasaan ka? Walang tao sa bahay, at hindi ko dala ang susi ko, kaya hindi ako makapasok ngayon.”“Pauwi na ako.”“Sige.”Binaba ni James ang tawag.Pagkatapos, naghintay siya sa may pin