"Bakit tayo uuwi kung nandito na tayo? Pumasok ka naman kahit paano at magtingin ka…" Nilabas ni James ang kanyang phone at tatawagan na niya si Alex. Noong tinawagan niya si Alex para magtanong tungkol sa lugar, sinabihan siya ni Alex na hintayin siyang dumating pagkatapos niyang ibigay ang lokasyon. Biglang dumating ang isang Rolls-Royce at huminto sa tapat ng Great Dignity. Isang lalaking kalbo na medyo mataba at nasa limampung taong gulang na ang nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Lumapit siya kay James at sinabing, "P-pasensya. Medyo nagkaroon ng traffic jam habang papunta ako dito, kaya medyo na-late ako.""Ayos lang 'yun. Kadarating lang namin. Nandito tayo ngayon para kay Henry. Ito si Black Shadow mula sa Southern Plains. Kailangan mong tumulong sa pag-aasikaso sa kanya ngayong gabi, Alex. Alam mo kung anong mangyayari kapag nagalit ang General Black Shadow dahil hindi maganda ang serbisyo sa kanya ngayong gabi, hindi ba?""Sisiguraduhin ko na masisiyahan kayo sa inih
Humalakhak ng malakas si James. Hiyang-hiya si Henry. Nakahinga ng maluwag si Alex. Sa wakas ay nasiyahan si James. Tulala pa rin si Michelle at hindi pa rin niya alam kung anong nangyayari. 'Hindi ba mahirap siya? 'Wala siyang pera, kotse, o ipon. Paano niya nakilala ang sikat na si Alex ng Cansington?' "M-May maitutulong pa ba ako sa inyo?" Maingat na nagtanong ang manager. "Gusto namin silang lahat maliban sa isang 'to, yung isang 'yun, at siya."Tinuro ni James ang ilang babae at nagsalita. "Ikaw, ikaw at ikaw! Umalis na kayo. Yung iba maiwan at pagsilbihan niyo ng maigi ang mga panauhin natin!" "Masusunod."Agad na umalis ang mga babae na hindi napili. Ang mga natira ay tumayo at naglakad palapit sa kanilang tatlo. "Hindi ko kailangan ng service. Yung dalawang 'yun na lang ang pagsilbihan niyo." Agad na tumayo si James. "H-Hindi ko din kailangan ng service. Please pagsilbihan niyo ng mabuti ang guest na 'to." Agad ding nagsalita si Alex. Pinalibutan n
"Sige, aasikasuhin ko ang tungkol dito ngayon din."Binaba ni James ang tawag at sumakay siya ng taxi papunta sa lugar ni Yosef. Hapon na noong mga oras na iyon. Natatakot si Yosef na paghigantihan siya ni James. Kaya naman, sinabihan niya ang kanyang anak na si Charlie Zaborowski na papuntahin sa bahay nila ang ilan sa mga kaibigan niya. Gusto niyang masiguro na mabubugbog si James hanggang sa kahit ang nanay niya ay hindi na siya makilala kapag nangahas siyang pumunta sa bahay niya.Sa bahay ni Yosef. "Halina kayo, mga kaibigan. Uminom kayo!" Binati ng anak ni Yosef, na si Charlie, ang mga maskulado niyang kaibigan. Uminom ng alak at kumain ng barbecue ang grupo nila. Kampanteng nagsalita ang isang lalaking nasa dalawampung taong gulang ang edad na nakasuot ng itim na damit, "Huwag kang mag-alala, Charlie. Lulumpuhin ko ang mga binti ng live-in son-in-law na James na 'yun kapag pumasok siya sa pinto ng bahay niyo.""Kampante ako ngayong nandito ka Nick. Pinapangako ko
Dinakip ng mga pulis sila Yosef, Charlie, at pito o walong mga gangster. “J-James.”Bago umalis ang mga pulis, tumingin siya kay James at magalang na nagtanong, "P-Pwede ko bang malaman kung paano mo gustong paimbestigahan ang mga Callahan?" Ang pulis na ito ay ang pinuno ng Commercial Crime Investigation Department. Ang panagalan niya ay Wayne Jackson. Bago sila dumating, alam niya na kung sino si James at alam niya na son-in-law siya ng mga Callahan. Gayunpaman, hindi niya alam ang iba pang mga pagkatao ni James. Ang isang bagay na alam niya ay hindi tatratuhin ng may respeto ng kanang-kamay ng Blithe King ang isang ordinaryong tao. Hindi siya sigurado sa kung paano niya dapat imbestigahan ang mga Callahan, kaya nagtanong siya. "Pagkatapos ng imbestigasyon, ang lahat ng nararapat na mapunta sa kulungan ay dapat na mapunta sa kulungan, at ang lahat ng dapat na magmulta ay dapat magmulta." Ang sabi ni James. "Masusunod." Tumango si Wayne. "Inabala nanaman kita, Gen
Pagkatapos umalis ng mga taong nagdala ng regalo, agad na nilapitan ni Tommy ang kahon na naglalaman ng pera, kinuha niya ang mga ito, at binilang niya ito. Binusisi niya ang mga ito at sumigaw siya, “Lolo, tunay ang pera.”Sinusubukan pa ring alamin ni Lex kung sino ang Mr. Caden na ito, at bakit napakabuti niya sa kanila.Binaba ni Tommy ang pera at naglakad siya papunta kay Lex. Pagkatapos, sinabi niya na, “Lolo. Ang tanging babae lang na wala pang asawa sa mga Callahan ay si Megan at Yzabella mula sa side ni uncle. Pero, may boyfriend na si Yzabella, at hindi rin Caden ang pangalan niya.”“Oo nga, hindi rin sinabi ng Mr. Caden na ‘to kung kaninong kamay ang hinihingi niyang pakasalan at nagpadala siya ng napakaraming regalo?” Tumango si Lex at nagsalita.“Malamang para sa’kin ‘to. Higit na mas maganda ako kaysa kay Yzabella. Siguradong hindi interesado sa kanya ang misteryosong Mr. Caden na ‘to. Siguradong ang kamay ko ang hinihingi niya para pakasalan.” Ang sabi ni Megan at na
Nakauwi na si James sa bahay.Subalit, wala sa bahay ang pamilya, at hindi niya nadala ang susi niya noong umalis siya.Wala siya sa family group chat ng mga Callahan, kaya hindi niya alam na papunta sila sa villa ng mga Callahan.Tinawagan niya si Thea.Nagpunta si Thea sa Longevity Pharmaceuticals at tinanong niya si Yuna para sa ilang mga order.Pauwi na siya noong mabasa niya ang mga message sa group chat.“Isang misteryosong Mr. Caden?“Mga mamahaling regalo?”Nagulat si Thea pagkatapos niyang makita ang mga regalo na pinost ni Tommy sa family group chat.Dahil dito, bigla niyang naisip ang isang tao sa di malamang dahilan.Ang lalaking nakamaskara ng multo.Biglang tumunog ang kanyang phone.Pinakalma niya ang kanyang sarili at sinagot niya ang tawag, “Anong problema mahal?”“Thea, nasaan ka? Walang tao sa bahay, at hindi ko dala ang susi ko, kaya hindi ako makapasok ngayon.”“Pauwi na ako.”“Sige.”Binaba ni James ang tawag.Pagkatapos, naghintay siya sa may pin
Si Lex, na nakaupo sa sofa, ay minulat ang kanyang mga mata at tumingin siya kay James. “I-Ikaw ba talaga ang nagpadala ng mga ‘to?”Tumango si James. “Oo naman.”“Sinungaling! Paano ka magkakaroon ng ganun karaming pera?” Sumigaw si Tommy.“Tigilan mo na ang kawalang-hiyaan mo, James. Hindi dahil Caden ang apelyido mo hindi ibig sabihin nun na galing na sa’yo ang mga ‘to!” Sinigawan siya ni Gladys.“Tama ‘yun. Hindi naman sinabi ng nagpadala nito kung para kanino ‘to. Tsaka, kasal na si Thea, kaya imposibleng para sa kanya ‘to. Siguradong interesado sa’kin ang Mr. Caden na ‘to.” Ang sabi ni Megan.Hindi sigurado si Lex kung kanino ba talaga galing ang mga regalo na ‘to.Hindi sinabi ng lalaking nagdeliver nito kung para kanino ito at sinabi lang niya na mula ito sa isang Mr. Caden.“Thea, may kilala ka bang mayamang lalaki na nagngangalang Mr. Caden?” Tumingin si Lex kay Thea at nagtanong siya.“O-Oo.” Natulala sandali si Thea, pagkatapos ay bahagya siyang tumango.Maraming t
”Dad, sigurado ka ba na mula kay Mr. Caden ang mga regalo at hindi kay Mr. Watson?” Muling nagtanong si Gladys.Pakiramdam niya pa rin na si Zavier ang nagpadala ng mga regalo at hindi ang taong niligtas ni Thea sampung taon na ang nakakaraan.Hinithit ni Lex ang kanyang tobacco at tumango siya. “Oo, mula nga ito kay Mr. Caden. Mukhang siya nga ang taong mula sa mga Caden na niligtas ni Thea sampung taon na ang nakakaraan. Para kay Thea ang mga regalong ito.”“H-Hindi ko ‘to matatanggap.” Agad itong tinanggihan ni Thea.“Syempre, kukunin namin ang mga ‘to! Bakit hindi?” Agad na tumayo si David at dinampot niya ang susi ng limited edition Ferrari sports car sa loob ng kahon.“Hindi na mahalaga kung si Mr. Caden o si Mr. Watson ang nagpadala nito. Pagmamay-ari ‘to ng pamilya namin kung para kay Thea ang mga ‘to.” Ang sabi ni David.“Anong ginagawa mo? Ibaba mo ‘yan! Hindi pa natin alam kung para kanino ‘to! Paanong naging kay Thea ang mga ‘to? Siguradong para kay Megan ‘to!” Ang sa