“Matalik kong kaibigan si Thea! Binabastos niyo ba ako sa pamamagitan ng pagbastos sa kanya sa aking birthday party? May mag surveillance camera dito, at madali ko lang na makikita kung sino sa inyo ang bumastos sa kanya! Ito na ang huling pagkakataon para humingi kayo ng tawad sa kanya!” Nilapitan ni Yuna si Thea at pinanlisikan ang lahat habang pinagbabantaan ang mga ito.Natakot ang mga nagsalita kanina.Thump!Bigla, isang tao mula sa kulumpon ng mga tao ang hindi na kinaya ang pressure ng ilang mga bigatin at kaagad na lumuhod ng nakadikit ang noo nito sa lapag.Ang taong ito ay isang chairman ng isang korporasyon na may ilang daang milyong dolyar na net worth.Isa siyang bigatin sa labas.Subalit, sa mga sandaling ito, nakaluhod siya sa sahig na para isang mababang alipin.Nagulantang si Thea sa eksenang ito.Hinawakan nila James at Yuna ang isa sa mga kamay niya.Tumingin siya sa kanyang kaliwa at kanan.Una ay tinignan niya si Yuna, pagkatapos ay si James.Ang magand
Walang lakas ng loob si Thea para paluhurin si Lex. Lalo na, lolo niya ito.“Tumayo ka na, Tommy.I-Ikaw din, megan.” Kaagad niyang tinulungan sila Tommy at Megan na tumayo mula sa sahig.Sa wakas ay tumayo na din ang dalawa.Subalit, hindi nangahas ang iba na tumayo. "Ms. Thea, paano mo sila gustong parusahan?" Tanong ni Alex nang tinignan niya si Thea. "Ako?" Muling nataranta si Thea. Ngayon lang siya napadpad sa ganitong klase ng sitwasyon.Ang lahat ng mga taong nakaluhod sa kanyang harapan ay mga prominenteng tao na may mas maraming ari-arian kaysa sa mga Callahan.“Paano kung utusan natin sila na sampalin ang kanilang mga sarili ng ilang beses? Lalo na, kaarawan ngayon ni Ms. Lawson, at hindi naman tama kung dumanak ang dugo,” tanong ni Alex.Tinignan ni Alex si Thea at palihim na sinilip si James.May mahinahon na ekspresyon si James.“Mahal, anong gagawin ko?” Hindi alam ni Thea kung ano ang kanyang gagawin at tinignan si James para hingin ang opinyon nito.Na
Tinignan ni Thea ang tatlo ng naguguluhan at tinanong, “Hi-hindi ko naman kayo kilalang lahat. Bakit niyo ko tinutulungan? Pakiusap at ipaliwanag niyo sa kanila, kung hindi ay muli na naman na magkakalat ng tsismis ang mga tao tungkol sa akin." Labis siyang nag-aalala. Ang mga tsismis tungkol sa kanya ay kakalat na parang apoy kapag kumalat ang balita tungkol sa nangyari ngayong araw na to.Baka sabihin pa nga nila na nakipag siping siya sa kanilang tatlo.“...”Silang tatlo ay nabigla sa kanyang sinabi.‘Magpaliwanag? Paano naman kami magpapaliwanag?‘Paano naman namin ipapaliwanag na meron kang isang maabilidad na asawa?’Silang tatlo ay hindi nangahas na magsalita ni isang salita.Matagal nang naninirahan si James sa Cansington pero ayaw niyang ibunyag ang tunay niyang pagkatao. Daig pa nila ang nagpakamatay kapag ibinunyag nila kung sino siya. Natahimik sandali ang buong bulwagan.Ang lahat ng mga bisita na nandoon ay nakatingin sa kanilang lahat. Ang lahat ay nagtata
'Siya nga talaga 'yun.'Inasahan na ni Thea na mangyayari ito.Gayunpaman, medyo sumama lang ang loob niya dahil ang taong niligtas niya mula sa villa ng mga Caden at ang lalaking nakasuot ng maskara ng multo na nagligtas sa kanya ay pinatay ng Blithe King.Sa kasamaang palad, hindi na niya malalaman kung sino ang taong ito, at hindi na rin siya magkakaroon ng pagkakataon na makita ang taong palihim na tumutulong sa kanya.Nalungkot siya sa balitang ito. Noong sandaling iyon, isa pang bigatin ang dumating. Ang taong ito ay si Charles, ang executive chairman ng Abundant Group. Agad niyang nakita ang mga tao pagpasok niya sa bulwagan. Nang makita niya si James, nakaramdam siya ng matinding takot. Nanlambot ang kanyang mga binti at halos bumigay na ang mga ito. Lumapit siya at binati niya sila, at sinabi na, "Mr. Caden, Ms. Thea."“Dad!"Dad, pinaluhod ako ng mga taong 'to!" Agad na nanumbalik ang lakas ng loob ni Luke noong nakita niya si Charles at nagsumbong siya. Sa
’Nakuha niya ang respeto ng napakaraming bigating tao sa pagligtas lang sa isang tao.‘Sino ba ang taong ‘to?’‘Ngayong patay na yung lalaking ‘yun, bakit nagpapakita pa rin ng respeto kay Thea ang mga taong ‘to?’Pagkatapos tulungan ng ilang mga maimpluwensyang tao si Thea, hindi na siya sinubukang guluhin ng lahat. Naguluhan ang lahat dahil dito, at nagsimula silang gumawa ng mga sarili nilang hinuha. 'Posible kaya na may utang na loob talaga ang mga taong 'to sa lalaking naka suot ng maskara ng multo? 'Ngayong naibalik na nila ang pabor, titigil na kaya sila sa pangingialam sa mga problema ni Thea? 'Oo, ganun nga siguro ang mangyayari.' Maraming tao ang palihim na gumawa ng mga prediction nila. Pagkatapos nilang magkaroon ng isang konklusyon, hindi na sila sumipsip kay Thea. Sa halip, pinaligiran nila ang mga maimpluwensyang tao upang subukang mapalapit sa kanila. Sa sofa sa sulok.Natulala si Thea. Umupo si James sa tabi niya at nagtanong siya ng may malungkot na
Sa katunayan, hindi naman ganun kalaki ang halaga na ginastos ni Scarlett upang bilhin ang trade center.Inabot ng limang taon bago makumpleto ang trade center, at nasa 500 bilyong dolyar ang nagastos sa konstruksyon nito. Siguradong mas mataas ang halaga ng trade center kaysa sa halaga ng investment dito. Kaya naman, kahit si Yuna ay iniisip na imposible itong mabili ng walang ilang trilyong dolyar.Gulat na gulat si Thea sa halagang ito. Isa lamang siyang ordinaryong mamamayan at kailanma'y hindi pa siya nakihalubilo sa mga tao mula sa upper-class. Kailanma'y hindi pa siya nakakita ng ganun kalaking halaga. Napakalaking halaga ng isang trilyong dolyar para sa kanya.Ano ang isang trilyong dolyar na salapi? Hindi ito non-liquid assets. Isang halimbawa na lang ang mga Callahan. Kahit na may mga asset sila na nagkakahalaga ng higit sa isang bilyong dolyar, ito ay ang halaga ng kanilang kumpanya. Ito ang kabuuang halaga ng pinagsama-samang mga negosyo ng pamilya. Pagdating sa
Patay na si Peter para kay James. "Ano naman ang tungkol kay Nine Fingers?" Kalmado siyang nagtanong. "Mula din siya sa parehong panahon gaya ni Peter. Umangat din siya sa pinakataas noong eighties. Pero, mas mabagsik ang taong 'to kaysa kay Peter. Ang tunay niyang pangalan ay Greg Martin." Ang sabi ni Henry. "Noong wala pang nakakakilala sa kanya noong nagsisimula pa lang siya, may nakabangga siyang tao, at naputol ang isa sa mga daliri niya. "Kaya naman, nakilala siya sa bansag na Nine Fingers noong naabot niya ang pinakatuktok. "Sa madaling salita, gusto niyang malaman ng mga tao na siya ang bagong pinakamataas at pinakamakapangyarihan sa underworld. "Marami siyang negosyo, pero ang pinaka pangunahin dito ay ang mga loan shark."…Tapat na sinabi ni Henry ang lahat ng impormasyong nakalap niya."Dagdag pa dito, nagkaisa ang Great Four at humingi sila ng tulong kay Peter at Greg."Nagdilim ang mukha ni James pagkatapos niyang marinig ang balita. "Walong araw na lang
Nagtipon sa mga villa ang mga bagong pinuno ng Great Four at ang mga tao mula sa underworld.Ang pinuno ng mga Xavier, si Hector.Ang kasalukuyang pinuno ng mga Frasier, si Melvin.Ang kasalukuyang pinuno ng mga Wilson, si Kelvin.Ang kasalukuyang pinuno ng mga Zimmerman, si Drake.Ang apat na taong ito ang tinuturing na pinaka maimpluwensyang tao sa Cansington.Maliban sa mga tao mula sa Capital, sila ang mga tunay na bigatin sa Cansington.Subalit, sa mga sandaling ito, napakaseryoso ng mga ekspresyon sa mga mukha nilang lahat.Bukod sa apat na ito, marami ring ibang tao ang dumating.Ang isa sa kanila ay nasa singkwenta na, medyo mataba, at nakasuot ng isang puting vest at gintong kwintas. May parrot na nakaupo sa balikat niya habang pinaglalaruan niya ang isang makintab na puting perlas.“Anong gagawin natin ngayon, Dawson?”Tumingin si Hector sa lalaki na pinaglalaruan ang perlas.Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Peter Dawson, na kilala bilang Dawson.Tumingin
Matagal ng nakatagpo ni Yermolai si Quanesha sa Twelfth Universe. Gayunpaman, dahil siya ay hindi gaanong mahalaga noon, hindi siya mapakali na tingnan siya. Gayunpaman, mula ng ang Thirteenth Universe ay sumanib sa First Universe, siya ay lumitaw bilang isang pwersa na dapat isaalang alang at naging isang nakakatakot na katawan. Kaya naman, unti unti, nakuha niya ang atensyon ni Yermolai.Tumingin si Yermolai sa espirituwal na bundok. Habang mas nag aatubili si Quanesha na magsalita ng totoo, mas interesado siya."Pupunta ako doon para tingnan. Iniisip ko kung ano ang nasa loob."Ang kanyang katawan ay kumikislap at siya ay lumipad ng diretso.“Ikaw! Bumalik ka!”Sigaw ni Quanesha, hinihimok siyang bumalik ngunit hindi nagtagumpay.Sa sandaling iyon, si James ay nasa closed-door meditation sa espirituwal na bundok. Nag set up siya ng Time Formation sa kanyang paligid. Kahit na tatlong libong taon lamang ang lumipas sa labas ng mundo, isang mahabang panahon ang lumipas sa Formati
“Kasalukuyan siyang nasa sekta. Pumasok ka.”Ang bawat disipulo ng Mount Snow Sect ay lubos na gumagalang sa kanya dahil ang lalaki ay walang iba kundi si Yermolai Devereux, ang alagad ng Omnipotent Lord. Hindi lamang iyon, ngunit siya rin ay isang Macrocosm Ancestral God na nag cultivate ng sampung Path. Dahil dito, nagkaroon siya ng mataas na katayuan sa First Universe. Bilang isang kababalaghan, hindi siya interesado sa sinumang babae maliban kay Quanesha Samara. Sa sandaling itinuon niya ang kanyang mga mata sa kanya, nabighani siya sa kanyang kagandahan at madalas na bibisitahin ang Mount Snow Sect para hanapin siya.Nakangiting ibinalik ni Yermolai ang maayang pagbati at kaswal na inihagis sa kanila ang ilang Genesis Stones."Siguradong mapagbigay ang Ancestral Cloud Master!""Talagang, bibigyan niya tayo ng mga kayamanan tuwing naririto siya.""Kung makakapagsanib pwersa si Master sa kanya, ang Mount Snow Sect ay tiyak na aabot ng mas mataas pa."“Hindi ko alam kung ano an
Pinandilatan ni Quanesha si James, umaasang makikita ang kanyang lakas. Gayunpaman, hindi niya makita ang kanyang ranggo. Naging maingat ito habang tahimik na nag iisip, ‘Kailan nagkaroon ng napakalakas na nilalang sa First Universe?’ Talagang nakita niya ang lahat ng Macrocosm Ancestral Gods ng First Universe. Gayunpaman, ang lalaking nasa harapan niya ay may hindi pamilyar na mukha.“Sino ka?” Tanong ulit ni Quanesha.Napangiti ng mahina si James at sinabing, “Si Forty nine.”Hindi niya ibinunyag ang tunay niyang pagkatao.“Forty nine?”Napaatras si Quanesha, tila natakot sa pangalang ito. Ang pangalan ni Forty nine ay naging kilala kamakailan sa mga universe Bilang isang Macrocosm Ancestral God ng First Universe, natural niyang alam na si Forty nine ay isang tao mula sa Twelfth Universe. Sa Chaos ng Twelfth Universe, nilipol niya ang Three-Power Macrocosm Ancestral God ng Sixth Universe.“B-Bakit nandito ka? Ito ay isang restricted area ng Mount Snow Sect. Walang sinuman ang p
Ang lugar na ito ay nag eexist mula noong likhain ang Mount Snow Sect. Minsan ay may isang makapangyarihang nilalang dito na nagresolba sa isang krisis ng sect.Si Quanesha Samara ay isang alagad ng Mount Snow Sect. Mula nang makakuha siya ng Chaotic Treasure, maraming makapangyarihang pigura ang napunta sa kanya.Si James ang nagligtas sa kanya at tumulong sa kanya na maunawaan ang providence ng universe. Mula noon, siya ay mabilis na lumitaw bilang isang pwersa na dapat isaalang alang.Sa sandaling ang bagong universe ay sumanib sa First Universe, hindi na siya nag aalala tungkol sa kanyang kaligtasan. Sinimulan niyang ipakita ang kanyang lakas. Gamit ang kanyang Five Great Paths, tumawid siya sa Caelum Ancestral God Rank sa maikling panahon.Sa huli, nagsanib ang Five Great Paths at nacultivate niya ang isang Macrocosm Power, kaya naging isang Macrocosm Ancestral God. Ng maabot niya ang Macrocosm Ancestral God Rank, ang Mount Snow Sect ay tumaas din sa kapangyarihan at may mataa
Maraming malalaking kalawakan ang nag eexist sa loob ng nebula at mayroong hindi bababa sa isang daang bilyong planetang may nakatira. Napakalaki ng mga planeta at mayroong hindi bababa sa isang trilyong buhay na nilalang sa bawat isa sa mga planetang ito.May isang planeta sa loob ng nebula na ito na mayroong Tatlong Dimension—Mortal, Sage at Divine.Ang planeta ay dating tinatawag na Silent Realm ngunit kalaunan ay pinalitan ng pangalan ang Cassa Realm.Si James ay humakbang pasulong sa nebula at agad na pumasok sa isang kalawakan, na lumilitaw sa labas ng Cassa Realm. Nakatayo sa labas ng Cassa Realm, biglang nakaramdam ng liit si James, na para bang isa lang siyang maliit na butil.Ang planeta ay mula sa Thirteenth Universe. Ng pumasok siya sa Thirteenth Universe noong nakaraan, nasaksihan niya ang pagsilang ng Silent Realm nang nagkataon. Noon, isang dimension lang ang planeta.Ngayon, ito ay umunlad na sa isang pangunahing kaharian na may tatlong dimensyon.Hindi alam ni Ja
Gayunpaman, ang mga nebula na ito ay isang maliit na bahagi lamang ng First Universe.Sa First Universe, marami pang ibang nebulae."Nakarating na rin ako sa Fist Universe.”"Ang haba ng buhay ng First Universe ay dapat na matagal ng natapos. Gayunpaman, pinagsama nila ang Ikalabintatlong Uniberso sa kanila at pilit na pinahaba ang kanilang habang buhay. Kung hindi, hindi na sila nag eexist."Nakatayo sa labas ng hangganan ng First Universe, naalala ni James ang ilang bagay tungkol sa Twelfth Universe.Lumakad siya sa hangganan at pumasok sa First Universe.Agad na pinakawalan ni James ang kanyang Divine Sense, na kumalat sa buong universe. Mabilis niyang nalaman na ang First Universe ay napakalaki. Pagkatapos nilang pagsamahin ang Thirteenth Universe, ang kanilang lugar ay naging dalawang beses sa laki ng Twelfth Universe.Ang Heavenly Path ng First Universe ay napakatatag at malakas din.Bumulong si James, "Tulad ng inaasahan mula sa First Universe."Biglang may ilang taong
Si James ay hindi napansin na ang kanyang mga salita ay nagkumbinsi kay Mirabelle at sa Omnipotent Lord.Para siguruhin ang mga salita ni James, personal na nagtungo si Mirabelle sa Dark World para imbestigahan ang mga bagay na ito.Sa kabilang banda, inutusan ng Omnipotent Lord ang kanyang pinagkakatiwalaan na maglakbay sa ibang mga universe upang magtanong tungkol kay Yukia.Samantala, pumunta na si James sa Demon Realm para makipagkita kay Henrik.“Haha!”Matapos malaman na na-bluff ni James ang isang powerhouse ng First Universe, tumawa si Henrik at sinabing, “Nalaman ko lang na mas mahusay kang magsinungaling kaysa sa aking amo. Ang galing mo talaga. Ang First Universe ay tiyak na mag iingat sayo ngayon."Sinabi ni James, "Gumawa ako ng ganoong plano dahil nag aalala ako na ang negosasyon sa panahon ng conference ay hindi magiging maayos at ang First Universe ay susubukan na gumamit ng pwersa laban sa iba pang mga universe."Tumango si Henrik at sinabing, “Ito ay isang maga
Gayunpaman, hindi sigurado ang Omnipotent Lord kung ilang powerhouse ang nakatago sa kailaliman ng Dark World.Nagtanong ang Omnipotent Lord, “Paano mo nalaman ang mga bagay na ito?”Sagot ni Mirabelle, “Ng makilala ko si Forty nine sa Twelfth Universe, sinabi niya sa akin ang tungkol sa mga kaganapang ito. Ang powerhouse na ikinasugat ng tatlong daang Ninth Stage Lords ay tinatawag na Yukia. Hindi niya sinabi sa akin kung ano ang kanyang cultivation rank. Gayunpaman, siya ay dapat na isang existence na nalampasan na ang isang Nine-Power Macrocosm Ancestral God."“Haha!” Tumawa ang Omnipotent Lord."Ikaw ay isang Eighth-Power Macrocosm Ancestral God, Mirabelle. Naniwala ka lang ba talaga sa sinabi niya? Imposibleng lumampas sa isang Nine-Power Macrocosm Ancestral God. Matagal na akong naging Nine-Power Macrocosm Ancestral God. Sa totoo lang, isang Nine-Power Macrocosm Ancestral God ang limitasyon. Imposibleng lampasan iyon. Maliban kung pagsasamahin natin ang ating mga universe, hi
Natanggap ni James ang imbitasyon ni Mirabelle mula sa First Universe. Mayroon pa siyang sampung libong taon bago ang conference. Maraming oras iyon.Bumalik si James sa kanyang seclusion sanctuary sa Divine Dimension ng Human Realm.Sa una, binalak niyang makipagkita sa kanyang pamilya at mga kaibigan bago umalis patungo sa First Universe. Gayunpaman, nagpasya siyang hindi na makita ang mga ito pagkatapos ng ilang deliberasyon. Para sa kanila, isa na siyang patay na tao.Mas mabuting hindi na sila muling magsama dahil kailangan na naman niya silang iwan. Mas lalo lang siyang mami miss nito.Kaya, si James ay tumungo upang makipagkita kay Henrik sa halip.Bukod kay Radomir, si Henrik ang pangalawang pinakamalakas na tao sa Twelfth Universe. Nais ni James na hilingin sa kanya na tingnan ang Twelfth Universe at panatilihin ang kapayapaan habang siya ay wala.Samantala, pabalik na rin si Mirabelle sa First Universe.Bagama't ang Chaos ay walang hangganan, ang isang powerhouse na tu