Nagtipon sa mga villa ang mga bagong pinuno ng Great Four at ang mga tao mula sa underworld.Ang pinuno ng mga Xavier, si Hector.Ang kasalukuyang pinuno ng mga Frasier, si Melvin.Ang kasalukuyang pinuno ng mga Wilson, si Kelvin.Ang kasalukuyang pinuno ng mga Zimmerman, si Drake.Ang apat na taong ito ang tinuturing na pinaka maimpluwensyang tao sa Cansington.Maliban sa mga tao mula sa Capital, sila ang mga tunay na bigatin sa Cansington.Subalit, sa mga sandaling ito, napakaseryoso ng mga ekspresyon sa mga mukha nilang lahat.Bukod sa apat na ito, marami ring ibang tao ang dumating.Ang isa sa kanila ay nasa singkwenta na, medyo mataba, at nakasuot ng isang puting vest at gintong kwintas. May parrot na nakaupo sa balikat niya habang pinaglalaruan niya ang isang makintab na puting perlas.“Anong gagawin natin ngayon, Dawson?”Tumingin si Hector sa lalaki na pinaglalaruan ang perlas.Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Peter Dawson, na kilala bilang Dawson.Tumingin
Napuno ng galit ang mukha ni James.“Gusto niyong makipaglaro? Sige, makikipaglaro ako sa inyo at sisiguraduhin ko na magiging masaya ang laro natin.“Sabihan mo ang Blithe King na pumunta siya sa Common Clinic at makipagkita sa’kin.” Ang galit na inutos ni James.Tumingin si Henry kay James.Gusto niyang sabihin na hindi tauhan ni James ang Blithe King.Subalit, nilunok na lamang niya ang mga sasabihin niya at naglakad na lamang siya papunta sa isang sulok. Nilabas niya ang kanyang phone at tinawagan niya ang Blithe King.“Blithe King? Oo, ako ‘to. Pinapapunta ka ni James sa Common Clinic, gusto ka niyang makausap.”Kauuwi lang ng Blithe King mula sa military region. Ngunit bago pa siya makaupo, nakatanggap siya ng tawag mula kay Henry.Sumipa siya ng malakas at nabasag niya ang pinto ng villa.“Sabihin mo kay James na hindi ako nagtatrabaho para sa kanya. Wala siyang karapatan na utus-utusan ako.”Narinig ni Henry na sumigaw ang Blithe King at binasag ang kanyang pinto. Pag
Bumuntong hininga ang Blithe King.Inimbestigahan na niya ang sitwasyon ni James.Kahit na maikli ang pasensya ni James, kailanma’y hindi siya nanakit ng mga inosente, tanging ang mga may sala lamang ang pinarurusahan niya.Nakahanda ang Blithe King na pagtakpan ito para sa kanya kung nararapat lang ito sa isang dosenang tao na mamamatay.“Ito na ang huli.”Tumayo ang Blithe King at umalis.Pag-alis ng Blithe King, hindi na nagtagal pa si James sa lugar. Binilinan niya si Henry tungkol sa ilang bagay, pagkatapos ay umalis na siya sa Common Clinic at umuwi na siya sa bahay ni Thea.Alas otso na ng gabi noong dumating siya sa bahay.Naunang nakauwi si Thea bago siya.Agad na nagreklamo si Gladys pagkauwi ni James. “Saan ka nagpunta buong araw sa halip na magluto?”“May nakasalubong ako na kasamahan ko sa militar at nakipagkwentuhan ako sa kanya.” Pumasok si James sa bahay at nagpaliwanag.“Mom… Asawa ko siya, hindi siya katulong. Hindi niya responsibilidad na magluto araw-araw
Umupo si Thea sa harap ng kanyang computer at nagdesign ng mga damit.Hindi naiintindihan ni James ang proseso ng pagdidisenyo at ayaw niyang guluhin si Thea. Kinuha niya ang kanyang higaan at nilatag niya ito sa sahig.Tumingin siya kay Thea, na seryoso sa paggawa ng mga disenyo, at hindi niya namalayan na nagkaroon ng ngiti sa kanyang mukha.Kinabukasan.Dinala sa automobile center ang kotse ni David na sangkot sa aksidente at naayos na ito. Ngayong araw, kukunin na niya ang kotse at may tatapusin siyang mga follow-up procedure, kasama na ang pagrerehistro ng insurance at iba pa.Natural na sasamahan siya ni Gladys at ng buong pamilya.Bago umalis, nagtanong si Gladys, “James, marunong ka bang magmaneho?”Tumango si James. “Oo.”Hinagis ni Gladys ang isang susi ng kotse sa kanya at sinabi sa kanya na, “Uuwi si Xara ngayon. Dalhin mo ang Hondai ni David at sunduin mo siya.”“...”Kinamot ni James ang ulo niya. “Sino si Xara?”“Pinsan ko siya. Kakagraduate niya lang sa koleh
Nelson Moore ang pangalan ng lalaking nakasakay sa BMV X5.Kilala ang boss niya sa mundo ng mga kriminal at nagmamay-ari ng isang club sa Cansington.Ang trabaho niya ay imaneho ang BMV X5 upang maghanap ng biktima sa labas ng mga bus station, mga train station, at mga airport.Sa oras na makahanap siya ng isang magandang babae mula sa ibang lugar, lalapitan niya sila at papainan.Sa sandaling sumakay sila sa kotse niya, binibihag niya sila.Agad na maglalabas si Nelson ng isang inumin na may droga na hinanda niya sa oras na sumakay ang babae sa kotse niya.Sa oras na inumin ito ng babae, agad siyang makakaramdam ng antok at makakatulog.Pagkatapos, gagahasain nila ang babae at kukuhanan nila ito ng litrato upang takutin ang babae.Pagkatapos nito, dadalhin nila ang babae sa club para kumita ng pera para sa boss nila.Tumingin si Nelson kay Xara.Isa siya sa pinakamagandang babae na nakita niya at siguradong malaki ang kikitain nilang pera sa kanya sa club.‘Siguradong malak
”Ano…”Nagdalawang isip si Francis.Hinahabol niya si Xara ng maraming taon at ang kanyang pagkakataon ay sa wakas dumating na.Subalit si Mad Dog ay hindi tao na pwede niyang bastusin. Siya ay gangster mula sa mundo ng mga kriminal at may ilang daang tauhan sa ilalim niya. Ang mga Leland ay malalagay sa problema kung mabastos niya si Mad Dog.“Dalian mo at umalis…” Tinulak siya ni Nelson palayo gamit ang kanyang paa.“O-Oo! Aalis na ako ngayon.”Matapos pagisipan ang pros at cons, nagdesisyon si Francis.Walang rason para bastusin si Mad Dog para lang sa isang babae.Ang mga Leland ay malalagay sa malaking problema kung puntiryahin sila ni Mad Dog.Tumalikod siya para umalis.“Xara?”Biglang may boses na narinig.Tinigil ni James ang kotse at kinumpara ang babae sa litrato sa taong nakatayo sa tabi ng kalsada.Matapos makumpirma na ito ang tamang tao, nagmadali siyang lumapit at binati siya, sinabi “Xara, ako si Jamse.”“Ikaw si James na kinasal sa mga Callahan?” Tumingi
Tumawag si Nelson.Natakot si Francis.Masasangkot siya at magugulpi ni Mad Dog kung talagang magpakita siya kasama ang mga tauhan niya. Ang mga Leland ay maaari ding mahatak sa gulong ito.Siya ay sobrang natakot na ang kanyang mga binti ay nanlambot. Kaagad, tumalikod siya, sumakay sa kotse niya at nagmaneho palayo sa ligtas na layo para panoorin ng hindi dalhin si Xara kasama niya.Si Xara ay medyo nagaalala.Kahit na siya ay hindi mula sa Cansington, alam niya na ang mga Leland ay kinukunsidera na mayamang pamilya sa city. Sa kabila nito si Francis ay takot na mabastos ang lalaki.Pinapatunayan nito an ang tao sa harapan nila ay hindi tao na madaling banggain.Hinatak niya si James at bumulong, “Dali, kailangan nating tumakbo.”Subalit, si James ay mukhang hindi apektado.Tumingin siya kay Nelson, na nasa phone. Merong medyo may itsurang mukha si Nelson. Sa kasamaang palad, ito ay dahil sa kanyang magandang itsura na nagawa niyang maloko ang ilang mga vain na babae.“Maka
Lumapit si Daniel at ngumiti kay James. Tapos, binigay niya ang utos.“Hulihin sila.”Ang mga mabangis na mga thug ay nahuli ng kaagad.Ng makita si Daniel, kumabog ang puso ni Xara.Ito ay ang one-star na Heneral si Daniel Highsmith sa ilalim ng pamamahala ng Blithe King!Subalit, bago pa man siya makakilos, umalis si Daniel.Pinanood niya siyang umalis, ang kanyang kalungkutan ay malinaw sa kanyang mukha. Iyon ang pinakamalapit niyang naging sa kanyang bayani. Paano niya nagawang mapalampas ang pagkakataon na makasama siya sa litrato?Matagal ng alam ni James na ang Blithe King ay patagong nagpadala ng tao para buntutan siya. Siguro ito ay tagong blessing, para hindi siya makakuha ng atensyon.Kinuha niya ang suitcase ni Xara at ngumiti. “Tara na.”Tumango si Xara bilang tugon. “Okay.”Nakita ang mga gangster na nahuli, si Francis, na nanonood sa hindi kalayua ay nagmaneho palapit sa kanilla kaagad.Lumabas siya sa sasakyan at lumapit kay Xara. Nagmadali siyang nagpaliwana