’Nakuha niya ang respeto ng napakaraming bigating tao sa pagligtas lang sa isang tao.‘Sino ba ang taong ‘to?’‘Ngayong patay na yung lalaking ‘yun, bakit nagpapakita pa rin ng respeto kay Thea ang mga taong ‘to?’Pagkatapos tulungan ng ilang mga maimpluwensyang tao si Thea, hindi na siya sinubukang guluhin ng lahat. Naguluhan ang lahat dahil dito, at nagsimula silang gumawa ng mga sarili nilang hinuha. 'Posible kaya na may utang na loob talaga ang mga taong 'to sa lalaking naka suot ng maskara ng multo? 'Ngayong naibalik na nila ang pabor, titigil na kaya sila sa pangingialam sa mga problema ni Thea? 'Oo, ganun nga siguro ang mangyayari.' Maraming tao ang palihim na gumawa ng mga prediction nila. Pagkatapos nilang magkaroon ng isang konklusyon, hindi na sila sumipsip kay Thea. Sa halip, pinaligiran nila ang mga maimpluwensyang tao upang subukang mapalapit sa kanila. Sa sofa sa sulok.Natulala si Thea. Umupo si James sa tabi niya at nagtanong siya ng may malungkot na
Sa katunayan, hindi naman ganun kalaki ang halaga na ginastos ni Scarlett upang bilhin ang trade center.Inabot ng limang taon bago makumpleto ang trade center, at nasa 500 bilyong dolyar ang nagastos sa konstruksyon nito. Siguradong mas mataas ang halaga ng trade center kaysa sa halaga ng investment dito. Kaya naman, kahit si Yuna ay iniisip na imposible itong mabili ng walang ilang trilyong dolyar.Gulat na gulat si Thea sa halagang ito. Isa lamang siyang ordinaryong mamamayan at kailanma'y hindi pa siya nakihalubilo sa mga tao mula sa upper-class. Kailanma'y hindi pa siya nakakita ng ganun kalaking halaga. Napakalaking halaga ng isang trilyong dolyar para sa kanya.Ano ang isang trilyong dolyar na salapi? Hindi ito non-liquid assets. Isang halimbawa na lang ang mga Callahan. Kahit na may mga asset sila na nagkakahalaga ng higit sa isang bilyong dolyar, ito ay ang halaga ng kanilang kumpanya. Ito ang kabuuang halaga ng pinagsama-samang mga negosyo ng pamilya. Pagdating sa
Patay na si Peter para kay James. "Ano naman ang tungkol kay Nine Fingers?" Kalmado siyang nagtanong. "Mula din siya sa parehong panahon gaya ni Peter. Umangat din siya sa pinakataas noong eighties. Pero, mas mabagsik ang taong 'to kaysa kay Peter. Ang tunay niyang pangalan ay Greg Martin." Ang sabi ni Henry. "Noong wala pang nakakakilala sa kanya noong nagsisimula pa lang siya, may nakabangga siyang tao, at naputol ang isa sa mga daliri niya. "Kaya naman, nakilala siya sa bansag na Nine Fingers noong naabot niya ang pinakatuktok. "Sa madaling salita, gusto niyang malaman ng mga tao na siya ang bagong pinakamataas at pinakamakapangyarihan sa underworld. "Marami siyang negosyo, pero ang pinaka pangunahin dito ay ang mga loan shark."…Tapat na sinabi ni Henry ang lahat ng impormasyong nakalap niya."Dagdag pa dito, nagkaisa ang Great Four at humingi sila ng tulong kay Peter at Greg."Nagdilim ang mukha ni James pagkatapos niyang marinig ang balita. "Walong araw na lang
Nagtipon sa mga villa ang mga bagong pinuno ng Great Four at ang mga tao mula sa underworld.Ang pinuno ng mga Xavier, si Hector.Ang kasalukuyang pinuno ng mga Frasier, si Melvin.Ang kasalukuyang pinuno ng mga Wilson, si Kelvin.Ang kasalukuyang pinuno ng mga Zimmerman, si Drake.Ang apat na taong ito ang tinuturing na pinaka maimpluwensyang tao sa Cansington.Maliban sa mga tao mula sa Capital, sila ang mga tunay na bigatin sa Cansington.Subalit, sa mga sandaling ito, napakaseryoso ng mga ekspresyon sa mga mukha nilang lahat.Bukod sa apat na ito, marami ring ibang tao ang dumating.Ang isa sa kanila ay nasa singkwenta na, medyo mataba, at nakasuot ng isang puting vest at gintong kwintas. May parrot na nakaupo sa balikat niya habang pinaglalaruan niya ang isang makintab na puting perlas.“Anong gagawin natin ngayon, Dawson?”Tumingin si Hector sa lalaki na pinaglalaruan ang perlas.Ang lalaking ito ay walang iba kundi si Peter Dawson, na kilala bilang Dawson.Tumingin
Napuno ng galit ang mukha ni James.“Gusto niyong makipaglaro? Sige, makikipaglaro ako sa inyo at sisiguraduhin ko na magiging masaya ang laro natin.“Sabihan mo ang Blithe King na pumunta siya sa Common Clinic at makipagkita sa’kin.” Ang galit na inutos ni James.Tumingin si Henry kay James.Gusto niyang sabihin na hindi tauhan ni James ang Blithe King.Subalit, nilunok na lamang niya ang mga sasabihin niya at naglakad na lamang siya papunta sa isang sulok. Nilabas niya ang kanyang phone at tinawagan niya ang Blithe King.“Blithe King? Oo, ako ‘to. Pinapapunta ka ni James sa Common Clinic, gusto ka niyang makausap.”Kauuwi lang ng Blithe King mula sa military region. Ngunit bago pa siya makaupo, nakatanggap siya ng tawag mula kay Henry.Sumipa siya ng malakas at nabasag niya ang pinto ng villa.“Sabihin mo kay James na hindi ako nagtatrabaho para sa kanya. Wala siyang karapatan na utus-utusan ako.”Narinig ni Henry na sumigaw ang Blithe King at binasag ang kanyang pinto. Pag
Bumuntong hininga ang Blithe King.Inimbestigahan na niya ang sitwasyon ni James.Kahit na maikli ang pasensya ni James, kailanma’y hindi siya nanakit ng mga inosente, tanging ang mga may sala lamang ang pinarurusahan niya.Nakahanda ang Blithe King na pagtakpan ito para sa kanya kung nararapat lang ito sa isang dosenang tao na mamamatay.“Ito na ang huli.”Tumayo ang Blithe King at umalis.Pag-alis ng Blithe King, hindi na nagtagal pa si James sa lugar. Binilinan niya si Henry tungkol sa ilang bagay, pagkatapos ay umalis na siya sa Common Clinic at umuwi na siya sa bahay ni Thea.Alas otso na ng gabi noong dumating siya sa bahay.Naunang nakauwi si Thea bago siya.Agad na nagreklamo si Gladys pagkauwi ni James. “Saan ka nagpunta buong araw sa halip na magluto?”“May nakasalubong ako na kasamahan ko sa militar at nakipagkwentuhan ako sa kanya.” Pumasok si James sa bahay at nagpaliwanag.“Mom… Asawa ko siya, hindi siya katulong. Hindi niya responsibilidad na magluto araw-araw
Umupo si Thea sa harap ng kanyang computer at nagdesign ng mga damit.Hindi naiintindihan ni James ang proseso ng pagdidisenyo at ayaw niyang guluhin si Thea. Kinuha niya ang kanyang higaan at nilatag niya ito sa sahig.Tumingin siya kay Thea, na seryoso sa paggawa ng mga disenyo, at hindi niya namalayan na nagkaroon ng ngiti sa kanyang mukha.Kinabukasan.Dinala sa automobile center ang kotse ni David na sangkot sa aksidente at naayos na ito. Ngayong araw, kukunin na niya ang kotse at may tatapusin siyang mga follow-up procedure, kasama na ang pagrerehistro ng insurance at iba pa.Natural na sasamahan siya ni Gladys at ng buong pamilya.Bago umalis, nagtanong si Gladys, “James, marunong ka bang magmaneho?”Tumango si James. “Oo.”Hinagis ni Gladys ang isang susi ng kotse sa kanya at sinabi sa kanya na, “Uuwi si Xara ngayon. Dalhin mo ang Hondai ni David at sunduin mo siya.”“...”Kinamot ni James ang ulo niya. “Sino si Xara?”“Pinsan ko siya. Kakagraduate niya lang sa koleh
Nelson Moore ang pangalan ng lalaking nakasakay sa BMV X5.Kilala ang boss niya sa mundo ng mga kriminal at nagmamay-ari ng isang club sa Cansington.Ang trabaho niya ay imaneho ang BMV X5 upang maghanap ng biktima sa labas ng mga bus station, mga train station, at mga airport.Sa oras na makahanap siya ng isang magandang babae mula sa ibang lugar, lalapitan niya sila at papainan.Sa sandaling sumakay sila sa kotse niya, binibihag niya sila.Agad na maglalabas si Nelson ng isang inumin na may droga na hinanda niya sa oras na sumakay ang babae sa kotse niya.Sa oras na inumin ito ng babae, agad siyang makakaramdam ng antok at makakatulog.Pagkatapos, gagahasain nila ang babae at kukuhanan nila ito ng litrato upang takutin ang babae.Pagkatapos nito, dadalhin nila ang babae sa club para kumita ng pera para sa boss nila.Tumingin si Nelson kay Xara.Isa siya sa pinakamagandang babae na nakita niya at siguradong malaki ang kikitain nilang pera sa kanya sa club.‘Siguradong malak