Share

Chapter 43

Tahimik akong nagising kinabukasan, ang dalawang kasama ko naman ay tinitignan lang din ang mga galaw ko. Nang hindi na ako makapagpigil pa ay tinaasan ko sila ng tingin. Nag-iwas naman agad sila ng tingin.

“Anong meron?” tanong ko sa kanilang dalawa. Umiling naman sila agad sa akin.

“Ano nga?” medyo tumaas na ang boses ko sa pagtanong.

“Nasaan si Kyle?” tanong sa akin ng pinsan ko.

“Huh? Bakit sa akin niyo tinatanong? Mukha ba kaming magkasama? Nakita niyo naman tulog ako,” saad ko sa kanila. Umupo pa si Shona sa kama niya at humarap sa akin.

“Ikaw yung last na kasama niya kagabi,” sambit niya sa akin. Kumunot namaan ang noo ko sa kanya.

“What do you mean? Hindi naman kami nag-usap kagabi. Agad din siyang lumabas nung lumabas kayong dalawa,” paliwanag ko sa kanya.

“Wala kasi siya sa room niya kanina,” sambit naman ng pinsan ko. Napatingin ako sa kanya

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status