Share

Chapter 49

“Bakit mo tinatanong?” tanong nito sa akin. Bakit hindi niya masagot ng diretso?

“Gusto ko lang malaman,” sabi ko sa kanya.

“Wala, yung mga nakakasalamuha ko lang din sa mga bar noon.” sagot nito. Natahimik ako ng ilang minuto. Akala ko pa naman sasabihin niya ng totoo. Bakit hindi niya sabihing kasama niya yung ex niya nung gabing iyon?

“Sila lang?” tanong ko sa kanya at tumango naman ito sa akin.

“Bakit?” tanong niya.

“Alam mo bang nung gabing yon na hindi ka sumagot sa mga tawag ko, hinanap kita. Kasi tumawag din ako sa bahay niyo at sabi nung kasambahay niyong wala ka doon, hindi ka pa umuuwi. Tapos tumawag ako sa mga kaibigan mo pero hindi ka naman daw nila kasama kaya nagkusa na lang akong hanapin ka. Pumunta ako sa Sky Bar pero wala ka  doon. Noong lumabas ako, saktong lumabas ka. Alam mo kung ano ang nakita ko?” tanong ko sakanya.

“Love,” tawag n

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status