Allison University - School For Killers

Allison University - School For Killers

last updateLast Updated : 2021-11-15
By:   YUHJJIN  Ongoing
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
21Chapters
2.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Annually, Allison University broadcasts the names of the 100 students that they picked to study in their university and be a licensed professional killer that will hunt criminals for bounty. Axelle Esguerra was one of the lucky students that were picked, and her journey is not going to be easy. It's kill or be killed situation, can she survive?

View More

Latest chapter

Free Preview

ᴘʀᴏʟᴏɢᴜᴇ

Poverty, crimes, and over population. Ilan ito sa mga dahilan ng pagbagsak ng ating bansa, paano kaya ito malulutas at maso-solusyunan?Sa bagong administrasyon ng aming bansa ay layunin nitong matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan at masolusyunan ang kahirapan.Napag-usapan ng mga namumuno sa gobyerno ang pagtatayo ng isang paaralan. Paaralang kinatatakutan ng iba, ang iba naman ay tinitignan ang institusyong ito bilang isang bagong pag-asa.Itinayo ang isang malaki— napakalaking paaralan na malayo sa mga tao, malayo sa siyudad at halos iilan lamang ang nakakaalam ng eksaktong lokasyon.Taon-taon ay kumukuha sila ng isang daang mag-aaral sa iba't ibang paaralan sa buong bansa na papasok sa paaralang ito. At sa bawat taon na may guma-graduate ay nadadagdagan ang mga licensed killers sa kanilang bansa, na kung ituring nila ay mga bagong bayani.Criminal haunting ang tawag sa trabahong ginagampanan nila, kung saan nasusubok ang kakayah...

Interesting books of the same period

Comments

No Comments
21 Chapters
ᴘʀᴏʟᴏɢᴜᴇ
Poverty, crimes, and over population. Ilan ito sa mga dahilan ng pagbagsak ng ating bansa, paano kaya ito malulutas at maso-solusyunan?Sa bagong administrasyon ng aming bansa ay layunin nitong matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan at masolusyunan ang kahirapan.Napag-usapan ng mga namumuno sa gobyerno ang pagtatayo ng isang paaralan. Paaralang kinatatakutan ng iba, ang iba naman ay tinitignan ang institusyong ito bilang isang bagong pag-asa.Itinayo ang isang malaki— napakalaking paaralan na malayo sa mga tao, malayo sa siyudad at halos iilan lamang ang nakakaalam ng eksaktong lokasyon.Taon-taon ay kumukuha sila ng isang daang mag-aaral sa iba't ibang paaralan sa buong bansa na papasok sa paaralang ito. At sa bawat taon na may guma-graduate ay nadadagdagan ang mga licensed killers sa kanilang bansa, na kung ituring nila ay mga bagong bayani.Criminal haunting ang tawag sa trabahong ginagampanan nila, kung saan nasusubok ang kakayah
last updateLast Updated : 2021-07-08
Read more
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴏɴᴇ: ᴛʜᴇ ᴄʜᴏsᴇɴ
Axelle's POVNakatutok ang lahat sa bunutan, sa walang kwentang bunutan. Anong kabaliwan ba ang sumanib sa mga namamahala para magsagawa ng ganitong klase ng kalokohan?"Ax, 'di ka ba manonood?"Napatingin ako sa pabibong nagsalita at sarkastikong sumagot. "Para saan? Magiging kriminal din naman ang mga mabubunot diyan, walang kwenta."Itinuon ko ang na lang atensyon ko sa pagguguhit ng kung ano-anong bagay. Kung pwede lang lumabas sa classroom ay ginawa ko na. Ngunit dahil sa 'tradisyon' kuno nila, dapat daw lahat ay abangan ito. Wala naman talaga akong pakialam, basta hindi ako mabunot. Saka sa milyon-milyong mag-aaral mula sa buong bansa, malabong mabunot ako sa isang daan na 'yan. Hindi talaga ako masyadong nangingialam sa mga bagay-bagay na hindi ako intersado. Normal na sa akin ang pagiging matapang, hindi pala-salita at pagiging committed sa mga ibinibigay na gawain sa akin.Wala namang kakaiba sa akin, norm
last updateLast Updated : 2021-07-08
Read more
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛᴡᴏ: ᴄᴏɴғᴇʀᴇɴᴄᴇ
Axelle's POVIsang black na van ang inabutan namin ni Kaye sa labas ng gate ng Lockwood University. Magkasama kami dahil naabutan niya akong naglalakad.Pareho kaming tig-dalawang bag, ngunit halata sa bag namin ang pagkakaiba ng estado namin sa buhay. May kaya sina Kaye kaya naman medyo maarte ito. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Nang makarating sa room ay bumungad sa amin ang isang babae at dalawang lalaki na mukhang alalay niya."Goodmorning, Section A of Grade 11. I am Ms. Tilly and these guys are my assistants," pagpapakilala nito nang makaupo kami ni Kaye.Pumunta 'yong babaeng si Tilly sa gitna. Tuwid siya kung tumayo habang suot ang kanyang heels. She's wearing a black and white business woman attire. Malinis rin ang buhok niyang nakabrush-up."We are here to clear things out. Ms. Esguerra and Ms. Horrie, please stand up."Tumayo si Kaye habang tinitignan ang reaksyon ng mga kaklase namin. Tumingin din siya sa akin n
last updateLast Updated : 2021-07-08
Read more
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛʜʀᴇᴇ: ᴡᴇʟᴄᴏᴍᴇ!
Kaye's POV"Goodmorning students!"Bumati rin ang lahat sa nagsalita. Buong akala namin ay si Mr. Hanay siya ngunit hindi. Isang babaeng kung titignan ay mataray at professional. Pawang puno ng confidence ang pagkatao niya sa tayo pa lang, pati na rin sa pananalita."Today is the day where you'll learn all the things that you have to learn and all the abilities that you have to begin," sambit nito habang nililibot ang buong entablado. Sa bawat salita niya ay tumitingin siya sa mata ng bawat isa."Sa likod niyo, mga lamesang naglalaman ng mga bagay na makatutulong sa inyo upang makapagtapos."Tumingin ang lahat sa ground, may mga lamesang pinagdugtong-dugtong at napakahaba nito. Ang ibig sabihin niyang makatutulong?"Ang mga lamesang 'yan ay naglalaman ng mga sumusunod; mga kutsilyo, mga lubid, mga matatalim na gamit, at kung ano-ano pa."Sandali, ibig niya bang sabihin, habang suot namin ang magagandang uniform na ito, mag-aagawan kam
last updateLast Updated : 2021-07-08
Read more
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ғᴏᴜʀ: ʙᴀᴛᴛʟᴇ ᴏғ ᴛʜᴇ ᴀssᴀsɪɴs
Yuhan's POV   Kailangan ko siyang mahanap. Bukas magsisimula na, kailangan naming maging maingat. Naglalakad ako ngayon pababa ng hagdan mula sa dorm. Tahimik ang paligid, halos parang haunted nga ang ambiance dito, marahil dahil magsisimula na ang unang gabi at lahat ay takot na takot. Habang naglalakad ay muli kong nakasalubong ‘yong dalawang babae, umiwas sila at nang bahagya akong makalampas sa kanila ay nagsalita ito. “Lalabas ka? Para pumatay?” tanong ni B-2 o Axelle Esguerra, habang pinipigilan siya ni B-34 o Kaye Horrie. Napangiti ako sa sinabi niya ngunit hindi ako lumingon. “Maybe,” saad ko at nagpatuloy sa paglalakad. Walang mangyayari sa mga babaeng ‘yon kung patuloy silang magpapasakop sa takot. Buong buhay ko ay ganito na, bale ang pasok ko dito is like hitting two birds with one stone. Una, hindi ko na kailangang magtago pa sa tuwing may papatayin ako, at kikita pa ako. I work as a private killer ng isang mayamang k
last updateLast Updated : 2021-10-29
Read more
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ғɪᴠᴇ: ғʀɪɢʜᴛ
Axelle’s POV Siya? Muli akong tumingin sa field, naglakad siya papalapit kay A-45 na putol ang braso at iniinda ang sakit at kirot nito. Ranking:A-16 — 170 — 1st placeA-83 — 135 — 2nd placeA-99 — 100 — 3rd place “Bakit ba ang hilig mong mang-agaw?!” sigaw ni A-99 kay Alexia Quezada o A-16. Pinugutan ni A-16 ng ulo si A-45 kaya naman ganoon ang nangyari sa scores ng ranking. Lahat ay nabigo, akala nila isa kina A-99 at A-45 ang mananalo pero biglag sumingit ang isang ‘to. Nakakadalawa na siya ngayong araw pa lang, hindi nakapagtatakang siya ang nangunguna. Sino kaya si A-83? “Halika na,” pag-aaya sa akin ni Kaye. Medyo nandidiri pa siya sa nangyari pero pinipilit niyang tanggapin ang sitwasyon. Sa paaralang ito, libre ang pagkain. Pwede kang pumunta sa canteen to pick foods, nasa sa iyo rin kung papasok ka sa subjects. Pero kami, hindi dapat maging relax dahil hindi namin alam kung sino ang nakabunot sa a
last updateLast Updated : 2021-10-29
Read more
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ sɪx: ʙ-19
Kaye’s POV   Ikaw? I suddenly blushed when he smiled at me. I never expected him… to save me. “Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Cedrick “Maraming salamat, wala naman akong sugat. Pero honestly, hindi ako okay. Akala ko mamatay na ako!” Hindi ko namalayang tumulo na ang mga luha ko, dahil na rin siguro sa kaba, takot at pag-aakalang ‘yon na ang katapusan. Pero wala na akong dapat ipangamba sa ngayon. Mas ikinagulat ko pa yung pagyakap niya sa akin. Naramdaman ko ang init ng katawan niya at narinig ang tibok ng puso niya. He’s so gentleman, napakaperpekto niya. My savior! “It’s okay, naiintindihan kita. Pero Kaye, kailangan mong lumaban.” Until may lumabas na 5 points sa B-34 do’n sa VTR. “Congratulations, it’s your first points.” Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. Ngumiti ako ngunit hindi pa rin nawawala ‘yong kaba ko. Naglakad kami papunta sa dorm, habang naglalakad ay pati
last updateLast Updated : 2021-10-29
Read more
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ sᴇᴠᴇɴ: ᴄᴏᴜᴘʟᴇ ᴡᴀᴛᴄʜ
CHAPTER 7: COUPLE WATCH Axelle’s POV “Kanina ka pa tulala riyan, ah.” Batid kong apektado rin si Kaye sa mga pangyayari. Nangako ako sa sarili ko na poprotektahan ko siya dahil bago kami pumasok dito ay aayaw na dapat siya, pero pinigilan ko. Kinailangan kong makipagkasundo kay Yuhan para sa kaligtasan naming dalawa. Sa tingin ko naman ay hindi niya kami papatayin hanggang sa kailangan niya ako. Hindi ko kayang magtiwala masyado kay Yuhan, o sa kahit sino rito sa paaralang ito. “May iniisip lang,” tugon niya habang nakatingin sa malayo. Hinihintay namin na tumunog ang bell upang magsi-pasok na ang lahat sa kwarto. Nakaupo kami sa madalas naming upuan, doon sa pabilog na itsurang kahoy pero semento naman talaga. Hindi lang ang pagpayag sa hiling ni Yuhan ang iniisip ko, iniisip ko rin kung papano ko papatayin si B-19, kung kaya ko nga ba. Isama mo pa kung sino ang nakabunot sa akin pati na kung nakita nga ba ako ni A-83. Dum
last updateLast Updated : 2021-11-09
Read more
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴇɪɢʜᴛ: ᴀxᴇʟʟᴇ ᴋɪʟʟs
  Axelle' POV "I can kill 2 people at a time, nothing to worry." Seryosong sambit nya, hindi ko alam kung tutuwa ako sa sagot nya. Kaya nya talagang gawin yun? Pero bakit ganun, kahit na alam kong may pinatay na sya at nakita ko pa pero... Walang takot, bakit ang gaan ng loob ko sa kanya? Nung una nagduda ako, pero nung mapindot ng hindi sinasadya ang relo at totoong dumating sya, nawala yung pagdududa. Ewan ko, ang alam ko lang makakatulong sya. "Sa tingin mo? Anong gagawin nila sa bagong recruit?" Pagiiba ko sa usapan, ang tahimik kase sa mga corridor na to. "Ewan ko, maybe fraternity type lang naman. Saka kapag kasali kana dun, hindi sila titigil hanggang sa hindi ka nakaka abot ng Ranking, just like the First B in the top 10." Bakit ganun? Kahit anong sabihin nya parang walang nagbabago sa ekspresyon nya. Hindi ata to maru
last updateLast Updated : 2021-11-13
Read more
ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ɴɪɴᴇ: ᴡᴀᴛᴄʜ
  Axelle's POV Pakiramdam ko mahihimatay ako, parang nakatingin sa akin ang lahat. Nanlalamig ang buong katawan ko. Umagaw ng atensyon ko ang tunog na nagmumula sa Monitor, isang senyales na may pumatay nanaman at sa sitwasyong ito ay ako yun. Ipinanganak akong matapang ngunit hindi mamamatay tao, ano itong nagawa ko? Habang nakatayo at nakatingin sa katawan ng isang babaeng naka handusay sa harap ko. Wala na itong buhay, nakatingin sa akin ang lahat ng nandito sa canteen, pati mga naka upo at kumakain. Hindi ko sinsadya! "B-2, anong nangyare dito?" Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakitaan ko si Yuhan ng pag-aalala. Marahil ay nakita nya ang puntos ko sa Monitor kaya agad nya akong hinanap. "Ayos ka lang ba?" Tanong naman ni Kaye na kakarating lang din, inabutan nya ako sa may gilid ng glassdoor ng canteen.
last updateLast Updated : 2021-11-13
Read more
DMCA.com Protection Status