Kaye's POV
"Goodmorning students!"
Bumati rin ang lahat sa nagsalita. Buong akala namin ay si Mr. Hanay siya ngunit hindi. Isang babaeng kung titignan ay mataray at professional. Pawang puno ng confidence ang pagkatao niya sa tayo pa lang, pati na rin sa pananalita.
"Today is the day where you'll learn all the things that you have to learn and all the abilities that you have to begin," sambit nito habang nililibot ang buong entablado. Sa bawat salita niya ay tumitingin siya sa mata ng bawat isa.
"Sa likod niyo, mga lamesang naglalaman ng mga bagay na makatutulong sa inyo upang makapagtapos."
Tumingin ang lahat sa ground, may mga lamesang pinagdugtong-dugtong at napakahaba nito. Ang ibig sabihin niyang makatutulong?
"Ang mga lamesang 'yan ay naglalaman ng mga sumusunod; mga kutsilyo, mga lubid, mga matatalim na gamit, at kung ano-ano pa."
Sandali, ibig niya bang sabihin, habang suot namin ang magagandang uniform na ito, mag-aagawan kami for that piece of metals?
Napatingin ako kay Ax. As always, iisa lang reaksyon niya kaya hindi ko malaman kung ano ang ibig niyang sabihin sa titig nya.
"Remember this, you are not a psychopath—you are the new face of a hero. Now, you have your subjects and we know that the basic subjects ay naituro na kaya naman ibang subject naman ngayon. First is Strategies and Style, kung saan ituturo ang iba't ibang pamamaraan ng pagpatay. Bibigyan kayo ng ideya kung paano kayo papatay. Second is the Instruments and Hows, kung saan malalaman niyo ang mga nasa paligid niyo na maari pa lang gamitin sa pagpatay. Third is Economy ang Law, kung saan ituturo ang mga bagay na nangyayari sa bansa. Fourth is the Rules of Killing, kung saan ituturo ang mga pamantayan at mga dapat gawin sa pagpatay. And the last and fifth one is Practical killing, alam niyo na 'yon."
Nagulat ang lahat, isang subject lang ang matino ah. Paano niya kaya nasasabi ang mga 'yon sa makalmang paraan? Sanayan ba 'yon o may diperensya na siya sa pag-iisip?
"Any questions? Violent reactions? Addition? Clarification?"
Tahimik lang ang lahat habang nakaupo at nakikinig sa kaniya. Tinitignan ko ang mga reaksyon nila, karamihan ay seryoso pero may mangilan-ngilan na walang pakialam. May ilan namang galit, excitement at tuwa ang nasa mukha. Ang weird nila, I swear!
"Okay, lets proceed. Killing of school official, faculty and staffs are strictly probhibited. Hindi niyo magugustuhan ang parusa. Hinding hindi."
Naka-smirk pa siya nang sabihin niya 'yon. Ibang klase talaga.
"Now, in the count of ten, tatakbuhin ninyo ang lamesang iyon at kukuha kayo ng mga bagay na sa tingin niyo ay maililigtas kayo at magagamit niyo."
Nagsitayuan ang lahat except kay Yuhan na tinawag kanina. Kakaiba talaga siya.
"Go!"
Nagsimulang tumakbo ang mga paa ko, nakikita kong nangunguna si Ax. Pagkarating niya sa mesa ay kumuha siya ng apat na kutsilyo, isang lubid at iba pa. May mga nakasabay siya ngunit malayuan ito kaya naman hindi siya napano.
Matapos niyang kumuha ay lumayo siya sa lamesa. Nang makarating ako ay nagkakagulo na ang lahat. Maya-maya ay may tumalsik na dugo sa mukha ko. Natigilan ako saglit ngunit nang marinig ko ang boses ni Ax na tinatawag ako ay agad kong sinubukang makakuha ng gamit. Nang makalapit sa mesa ay kumuha na lang ako nang hindi tinitignan ang mga ito at tumakbo sa direksyon ni Ax.
Yuhan's POV
Isang katangahan. Siguradong pinagtatawanan sila ngayon ng mga tauhan ng walang kwentang paaralan na ito.
Tumayo ako at naglakad hanggang sa makarating sa may damuhan habang tinitignan ang mga studyanteng nag-aagawan sa mga bagay na papatay sa kanila.
May mga nagtutulakan, may mga natatapakan, may nasusugutan ay may mga nagpapatayan na. Ano pa nga ba?
Dito, kailangan mong pumatay para mabuhay at umangat. May nakadisplay na ranking sa may field, isa itong VTR kung saan ipinakikita ang ratings ng bawat estudyante. Hiwalay ang group of B's sa group of A's pero lahat ng 'yan ay maaaring magpatayan.
Hinubad ko na ang earphone ko at naglakad papunta sa mga classroom kung saan nakita ko ang ilang estudyante. A-64, nakita ko siya sa rankings. Ika-13 siya out of 34 students, tinignan niya ako at base sa kilos niya ay medyo nakakatakot ang awra niya. Parang kahit anong oras ay sasaksakin ka na lang niya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Maaga pa base sa relo ko, 8:15 pa lang. Tapos na kaya silang mag agawan?
A-16 ang nangunguna sa ranking, I wonder kung sino siya. Sa unang tingin mukha lang itong regular school na may kaunting bilang ng studyante. Sa paglalakad ko sa corridor ay may nakita akong dalawang babaeng nag-uusap.
"Basta, kailangan mo lang dumipensa. Hindi natin kailangan magsimula sa pagpatay."
"Sige, pero ikaw? Kung sakali, talaga bang papatay ka?"
"Wag mo akong isipin. Kung sakali man na gagawin ko 'yon, ay dahil kailangan."
Rinig kong usapan nila B-34 at B-2, ayon sa plate nila. Nang makita nila ako halatang nagulat sila.
Umiwas sila nang makalapit ako ngunit dineadma ko lang ang mga ito.
Katulad niyo rin ako na nandito dahil kailangan. Ang pinagkaiba natin ay nandito ako dahil ginusto ko. Ako si B-99, ang taong may misyon na kailangang gawin at handang pumatay kung susubukin.
Naalala ko na, sabi ko na eh, pamilyar 'yong B-2. Siya ang katapat kong room. Maya-maya ay may kakaiba akong naramdaman, para bang may papalapit sa akin kaya huminto ako at base sa tunog ng hakbang niya ay tumatakbo siya.
Papatayin niya ba ako?
Nang makalapit siya at bahagya kong nakitang sasaksakin niya ako ay umiwas ako. Dahil sa lakas ng impact ng pagtakbo niya ay gumulong siya sa sahig. Umayos ako ng tayo ako at lumapit sa kaniya, B-71 ang lalaking ito.
"Pakiusap, 'wag!" pagmamakaawa niya habang pinupulot ko ang kutsilyong nabitawan niya. Akalain mo 'yon, hindi naman pala kailangan pa makipagsisiksikan doon, may kutsilyo na ako."Bakit mo 'ko gustong patayin?" tanong ko gamit ang seryosong mukha. Pero sa totoo lang ay natatawa ako sa itsura niya. Parang kanina lang, ang tapang-tapang niya.
"Para umangat, saka kailangan 'yon. Please 'wag!"
Ngumiti ako nang bahagya na naging dahilan ng pag-ngiti niya. Ngunit kahit na nakangiti siya ay bakas ang takot at kaba sa mukha niya. Akala niya siguro ay okay na kami.
"Pa'no ba 'yan, 'yan din ang sagot ko."
Lumapit ako sa kaniya matapos magsalita, habang siya ay sinusubukang umatras at sumisigaw ng tulong. Seryoso? Walang tutulong sa 'yo rito, baka nga panoorin ka pa nila habang pinapatay kita.
"Dapat kasi pinipili mo ang inaatake mo," sambit ko.Pumunta ako sa bandang ulohan niya at umupo. Hinawakan ko ang buhok niya at pinatingala siya. Gamit ang kutsilyo niya ay sinaksak ko ang leeg niya sa may bandang gilid. Bumuhos ang napakaraming dugo na halos kulay itim na sa rami. Tumayo ako matapos gawin iyon at nakita ko si B-2 na nakalagay ang kamay sa mga mata ni B-34.
Tinignan ko siya na seryoso ang mukha. Tumalikod ako nang makita ko ang galit sa mukha niya at nagpatuloy sa paglalakad.
Kahit naman pumapatay ako, hindi ibig sabihin no'n ay masamang tao na ako. Hindi ko nga alam kung kaya kong pumatay ng babae.
Mr. Hanay's POV
"Nangunguna pa rin po si A-16."
Nakatayo ako ngayon sa harap ni Principal, habang siya ay nilalaro ang rubics cube.
Tumayo siya at naglakad papunta sa isang bintana na puro salamin, kung saan kita ang buong paaralan. Nasa bandang itaas kasi ang office niya kaya naman kita ang field ng school na pinalilibutan ng mga corridors at classroom.
Sa gitna ng field ay may umagaw ng atensyon ko, dalawang babaeng nakaupo sa may fountain, mukhang magkaibigan sila. Tignan natin kung hanggang saan aabot ang pagkakaibigan niyo.
Axelle's POVAng sama niya. Talagang sa harapan pa namin? Sabi ko na nga ba. Unang beses pa lang kitang nakita, Yuhan Callejo, wala ka nang gagawing tama. Isa ka sa mga estudyanteng nagpasakop sa kultura ng paaralang ito.
Katabi ko si Kaye at nandito kami sa gitna ng field, sa may fountain. 'Yong mga nakuha naming gamit ay inilagay namin sa bag namin at yung matatalim ay binalot muna namin ng papel bago ipasok sa bag.
Mukhang safe rito sa gitna dahil kitang-kita mo kung may papalapit sa 'yo.
"Tinatawagan ang lahat na pumunta sa Pavilion, group of A's and group of B's," isang mensaheng bumulabog sa lahat.
Nakita na lang namin na nag-iipon-ipon ang lahat sa may hall na tinatawag nilang Pavillion. Dahil medyo may kalayuan ito mula sa kinaroroonan namin ay nasa likod na kami.
"Sa mga naritong A, alam niyo na ang activity natin every week 'di ba?" tanong ng nagsasalita, siya rin 'yong nagsalita kaninang umaga. Sumagot naman ang mga A ng 'oo'.
Activity every week? Mukhang hindi maganda ito. Tinignan ko si Kaye, muli ay kinakabahan siya. Sadyang mahina ang loob niya at alam ko rin na takot siya sa dugo at 'yon ang ikinatatakot ko.
"Criminal haunting ang tawag sa proseso ng paghahanap ng mapapatay. At dito sa eskwelahan na ito ay mayroon ding ganoon, ito ay tinatawag na 'Killer Goals'."
What a weird name.
"Every Saturday, bubunot kayo. At kung anong group letter at number ang makuha niyo, you have to keep it secretly. Kasi ang taong makukuha niyo ay ang dapat niyong patayin, for the whole week. But it doesn't mean na ikaw lang ang mangha-haunt, dahil may tao rin na nakabunot sa 'yo na kailangan kang patayin."
That's insane!
"Anong mangyayari 'pag hindi namin sila napatay? At pwede rin ba kaming pumatay except sa dapat naming patayin?" tanong ng isang babae sa bandang unahan.
"Nice question B-43, you have your points. Kapag napatay niyo ang dapat niyong patayin, may 20 points ka. Kung hindi naman ay maiiwan ka sa baba. Kapag naman pumatay ka ng ibang estudyante, 10 points lang ang makukuha mo. Remember na Top 10 lang ang makaka-graduate. The rest, matitira rito mag mags-stay hanggang sa makapasok sila sa Top 10 at back to zero ang points nila."
Cool pero hindi makatarungan. Tahimik ang lahat habang nakikinig.
"After you graduate, magiging licensed killer na kayo. Kung saan ang sahod niyo ay depende sa kriminal na papatayin niyo. Example, ang papatayin niyo ay isang drug pusher na may 1,000,000 pesos. Ang 500,000 ay sa inyo at ang natitirang kalahati naman ay sa gobyerno. Siyempre kung hindi kayo kikilos, walang kikita. Before I dismiss you, ang bunutan ay magaganap bukas at ang identity plate ninyo ay hindi pwedeng alisin. Dahil kapag ginawa niyo 'yon ay ha-haunting-in ka ng lahat ng students, dahil 15 points ang pwede nilang makuha sa 'yo."
I hate it! Akala ko ayos lang na hindi kami pumatay. Pero bakit naiipit kami sa dapat makaalis at 'wag pumatay! May 5 points na makukuha sa pag-defend at 'pag nabigong mapatay ka ng papatay sa 'yo. Pero hindi sapat 'yon para makapasok sa Top 10.
"So kailangan kong pumatay?" tanong ni Kaye.
Kaya pala kanina pa siya tahimik, iniisip niya rin 'yon. Nandito kami ngayon sa isang upuang semento na may disenyong kahoy sa may corner ng school.
"Ang alam ko lang, kailangan natin makalabas dito. Dapat makapasok tayo sa Top 10."
Hindi ko kayang sabihin ng direkta na kailangan nga naming pumatay.Napatingin siya sa VTR na nasa bandang itaas at tanaw ng lahat.
"145 points ang rank 1 na si A-16, hindi natin kakayanin kung patago-tago lang. Kailangan kumilos, pero pa'no?" tanong niya ulit.
Napatingin ako sa kan'ya. Bakit gano'n? May tapang na lumalabas sa kaniya, malayo sa Kaye na palaging polbos at liptint ang priority, malayo sa Kaye na kilala ko.
"Kaya mo ba?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko rin alam."
Habang nag-uusap ay nakita ko ang isang grupo ng mga A students, lima sila. Tatlong lalaki at dalawang babae, mukhang isa silang grupo ng magkakaibigan dito at hindi ko gusto iyon.
Habang nagtatawanan sa corridor ay napatingin sila sa isang babaeng naglalakad papunta sa direksyon nila. Ang tapang naman ng babaeng ito, sa mga itsura ng magkakaibigan mukhang papatayin ka nila anytime.
Pero nang makalapit ang babae ay mali ang hinala ko, nagsitabi sila upang padaanin yung babae. Nakapagtataka naman na gano'n ang ginawa nila. Sino ba siya?
Nung makaliko 'yong babae ay tinignan ko ang plate niya.
A-16
Yuhan's POV Kailangan ko siyang mahanap. Bukas magsisimula na, kailangan naming maging maingat. Naglalakad ako ngayon pababa ng hagdan mula sa dorm. Tahimik ang paligid, halos parang haunted nga ang ambiance dito, marahil dahil magsisimula na ang unang gabi at lahat ay takot na takot. Habang naglalakad ay muli kong nakasalubong ‘yong dalawang babae, umiwas sila at nang bahagya akong makalampas sa kanila ay nagsalita ito. “Lalabas ka? Para pumatay?” tanong ni B-2 o Axelle Esguerra, habang pinipigilan siya ni B-34 o Kaye Horrie. Napangiti ako sa sinabi niya ngunit hindi ako lumingon. “Maybe,” saad ko at nagpatuloy sa paglalakad. Walang mangyayari sa mga babaeng ‘yon kung patuloy silang magpapasakop sa takot. Buong buhay ko ay ganito na, bale ang pasok ko dito is like hitting two birds with one stone. Una, hindi ko na kailangang magtago pa sa tuwing may papatayin ako, at kikita pa ako. I work as a private killer ng isang mayamang k
Axelle’s POV Siya? Muli akong tumingin sa field, naglakad siya papalapit kay A-45 na putol ang braso at iniinda ang sakit at kirot nito. Ranking:A-16 — 170 — 1st placeA-83 — 135 — 2nd placeA-99 — 100 — 3rd place “Bakit ba ang hilig mong mang-agaw?!” sigaw ni A-99 kay Alexia Quezada o A-16. Pinugutan ni A-16 ng ulo si A-45 kaya naman ganoon ang nangyari sa scores ng ranking. Lahat ay nabigo, akala nila isa kina A-99 at A-45 ang mananalo pero biglag sumingit ang isang ‘to. Nakakadalawa na siya ngayong araw pa lang, hindi nakapagtatakang siya ang nangunguna. Sino kaya si A-83? “Halika na,” pag-aaya sa akin ni Kaye. Medyo nandidiri pa siya sa nangyari pero pinipilit niyang tanggapin ang sitwasyon. Sa paaralang ito, libre ang pagkain. Pwede kang pumunta sa canteen to pick foods, nasa sa iyo rin kung papasok ka sa subjects. Pero kami, hindi dapat maging relax dahil hindi namin alam kung sino ang nakabunot sa a
Kaye’s POV Ikaw? I suddenly blushed when he smiled at me. I never expected him… to save me. “Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Cedrick “Maraming salamat, wala naman akong sugat. Pero honestly, hindi ako okay. Akala ko mamatay na ako!” Hindi ko namalayang tumulo na ang mga luha ko, dahil na rin siguro sa kaba, takot at pag-aakalang ‘yon na ang katapusan. Pero wala na akong dapat ipangamba sa ngayon. Mas ikinagulat ko pa yung pagyakap niya sa akin. Naramdaman ko ang init ng katawan niya at narinig ang tibok ng puso niya. He’s so gentleman, napakaperpekto niya. My savior! “It’s okay, naiintindihan kita. Pero Kaye, kailangan mong lumaban.” Until may lumabas na 5 points sa B-34 do’n sa VTR. “Congratulations, it’s your first points.” Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. Ngumiti ako ngunit hindi pa rin nawawala ‘yong kaba ko. Naglakad kami papunta sa dorm, habang naglalakad ay pati
CHAPTER 7: COUPLE WATCH Axelle’s POV “Kanina ka pa tulala riyan, ah.” Batid kong apektado rin si Kaye sa mga pangyayari. Nangako ako sa sarili ko na poprotektahan ko siya dahil bago kami pumasok dito ay aayaw na dapat siya, pero pinigilan ko. Kinailangan kong makipagkasundo kay Yuhan para sa kaligtasan naming dalawa. Sa tingin ko naman ay hindi niya kami papatayin hanggang sa kailangan niya ako. Hindi ko kayang magtiwala masyado kay Yuhan, o sa kahit sino rito sa paaralang ito. “May iniisip lang,” tugon niya habang nakatingin sa malayo. Hinihintay namin na tumunog ang bell upang magsi-pasok na ang lahat sa kwarto. Nakaupo kami sa madalas naming upuan, doon sa pabilog na itsurang kahoy pero semento naman talaga. Hindi lang ang pagpayag sa hiling ni Yuhan ang iniisip ko, iniisip ko rin kung papano ko papatayin si B-19, kung kaya ko nga ba. Isama mo pa kung sino ang nakabunot sa akin pati na kung nakita nga ba ako ni A-83. Dum
Axelle' POV "I can kill 2 people at a time, nothing to worry." Seryosong sambit nya, hindi ko alam kung tutuwa ako sa sagot nya. Kaya nya talagang gawin yun? Pero bakit ganun, kahit na alam kong may pinatay na sya at nakita ko pa pero... Walang takot, bakit ang gaan ng loob ko sa kanya? Nung una nagduda ako, pero nung mapindot ng hindi sinasadya ang relo at totoong dumating sya, nawala yung pagdududa. Ewan ko, ang alam ko lang makakatulong sya. "Sa tingin mo? Anong gagawin nila sa bagong recruit?" Pagiiba ko sa usapan, ang tahimik kase sa mga corridor na to. "Ewan ko, maybe fraternity type lang naman. Saka kapag kasali kana dun, hindi sila titigil hanggang sa hindi ka nakaka abot ng Ranking, just like the First B in the top 10." Bakit ganun? Kahit anong sabihin nya parang walang nagbabago sa ekspresyon nya. Hindi ata to maru
Axelle's POV Pakiramdam ko mahihimatay ako, parang nakatingin sa akin ang lahat. Nanlalamig ang buong katawan ko. Umagaw ng atensyon ko ang tunog na nagmumula sa Monitor, isang senyales na may pumatay nanaman at sa sitwasyong ito ay ako yun. Ipinanganak akong matapang ngunit hindi mamamatay tao, ano itong nagawa ko? Habang nakatayo at nakatingin sa katawan ng isang babaeng naka handusay sa harap ko. Wala na itong buhay, nakatingin sa akin ang lahat ng nandito sa canteen, pati mga naka upo at kumakain. Hindi ko sinsadya! "B-2, anong nangyare dito?" Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakitaan ko si Yuhan ng pag-aalala. Marahil ay nakita nya ang puntos ko sa Monitor kaya agad nya akong hinanap. "Ayos ka lang ba?" Tanong naman ni Kaye na kakarating lang din, inabutan nya ako sa may gilid ng glassdoor ng canteen.
Hanay's POV Isang madugong gabi nanaman. Inutusan kona ang mga teachers at iba pang staffs na maagang pumunta sa safe building kung saan lahat ng studyante ay pinagbabawalang puntahan ito. Oo, bawal pumatay ng staff pero hindi parin namin hawak ang mga utak ng bawat estudyante lalo na ang batch na ito, masyado silang mapupusok. Kung noon halos lahat ay takot at kinailangan pa naming turukan sila ng ibat ibang uri ng drugs para maging wild sila at magpatayan ngunit habang tumatagal nagiging agrisibo ang mga pumapasok sa Allison U. Yung iba nga mukhang sanay na sanay pumatay at nagugustuhan ito ng principal. "Ang eskwelahang ito ay pinupuri ng ibat ibang banyagang bansa dahil sa kakaibang features at kakaibang resulta neto. Ayon nga sa ibang mga prisidente ay magpapatayo na rin sila ng ganitong unibersidad sa mga susunod na taon." Galak na sambit ni principal habang na
Axelle' POV "Bakit pala kayo magkasama? Magkakilala ba kayo?" Narinig kong taong ni Kaye at doon lang ako bumalik sa realidad, tumayo na nang matuwid si Yuhan matapos ibulong sa akin ang isang bagay na pinayagan ko ngunit hindi malinaw kung ano yun. Naguguluhan ako. "Oo." Matipid na sagot ni Yuhan. "Hindi!" Sabi naman ni Cedrick na salungat sa sinabi ni Yuhan. Nagkatinginan kami ni Kaye, kapwa may tanong at naguguluhan sa mata. "What do you mean? Oo at hindi?" Sabi naman ni Kaye, kahit kailan talaga ang arte nya. Pero oo nga, panong nangyareng magkakilala silang hindi? "Ganito kase, dito lang kami sa school nagkakilala at kanina sa Canteen nagkuwentuhan kami at ayun... Nakuha nama namin ang ugali ng isa't-isa, oo yun." Paliwanag ni Cedrick, nakakapangduda naman ata yung paliwanag nya kaya nagtanong pa ako. "Eh bakit pareho kayong may ganitong relo?" Itinaas ko ang kamay ko at ipinakita an
Axelle's POV Nakaupo ako sa bench habang pinagmamasdan ang mga banderang alam kong paunti unting mababawasan. Bakit nya ginawa yon? Minamaliit nya ba kami? Pinapangako kong pagsisihan ni Zion at nt Kllrx na kami ang kinalaban nila. "Ax, sali ka sa amin!" Napatingin ako kila Cedrick. Naghahabulan sila, nakakatuwa na nakakapag saya sila sa ganitong sitwasyon. Hindi ganon kalakas ang grupo ko, nabawasan pa ng dalawa pero alam kong hindi rin kami mahina. "Cedrick, bakit satingin mo antagal ni Zora?" "Ewan, sigurado naman akong ligtas sya. Top one kaya yon." Sabi nito habang tumatakbo. "Puntahan ko lang sya." Zora's POV Napalingon ako sa pinto ng bigla itong bumukas. Nagkatinginan kami ni Alexia, halong takot at kaba ang nakikita ko sa muka nya. "Bat antagl nyo? Okay kalang ba Exia?"
Axelle' POV"Announcement, we will start at exactly 8:00 am. All the students must be at the arena together with their teams, thank you and goodluck."Suot ang aming PE uniform ay nagsimula na kaming maglakad kasama ang grupo ko, nahalata kong kanina pa hindi nag uusap si Zora at Exia.Napatingin ako sa quadrangle, may ten flags sa dulo nito na sumisimbolo sa bawat teams. Mga simbolismo ito ng mga mababangis na hayop, hindi ko alam pero hindi ako natatakot. Palagay ko, dahil to kay Kaye kaya tutuparin ko ang pinangako ko, hindi ako matatakot, hindi na ako maduduwag lalaban na ako at mananalo kami.Pasko ba talaga? Wala man lang sign na pasko na pala, ni isang display, wala. Namimiss kona si mama, hintay lang ma, lalabad nako dito.Lion? Marahil yon ang simbolismo ng Kllrx, mga hambog.Pagkalagpas namin sa isang pader ay nakita na namin ang mga estydyante na pumapasok sa arena."Goodmorning students! The flags from the quadrangle
Yuhan's POVHabang naglalakad, nakita ko si Axelle. Agad ko syang tinakbo at hinawakan ang kamay nya.Natigilan ako sa hindi nya paglingon, parang tumigil ang lahat.Pumunta ako sa harap nya, ngunit hindi ko binibitawan ang kamay nya, alam ko kasing tatakbuhan nya ako."Bitawan moko."Seryosong pagkakasabi nya habang nakatingin sa malayo."Axelle, hindi ko alam ang nangyare. Hindi ko alam ang tungkol kay Kaye..."Naputol sabi ng sigawan nya ako."Binatawan moko sabi!"Pinilit nyang alisin ang pagkakahawak ko sa kanya kaya binitawan ko sya."Gawin mo nalang ang gusto mong gawin, isipin mo nalang na hindi moko nakilala dahil yon na ang ginagawa ko ngayon. Wag mo na ulit akong kakausapin o lalapitan, wag mo ng dagdagan ang pagkamuhi ko sayo."Sambit nya bago ako iwan na nakatulala. Halos wala
Axelle's POVBiglang tumalsik sa mukha ko ang dugo ni Kaye.Walang awang sinaksak ng pinuno ng Kllrx ang truck kung kayat nabutas ito at tumagos ang itak nya sa katawan ni Kaye."Kayeee!"Umiiyak kong sigaw."T-tumakas kana, survive."Nanghihinang bigkas nito.Lalo pakong pumalahaw nang ikutin ni Zion ang itak nakasaksak kay Kaye. Marahas nyang hinugot ang itak na naging dahilan upang tumumba si Kaye."Kayeee! Gumising ka!"Dahan dahang naglakad si Zion papunta sa likod ng truck. Bahagya akong natahimik ng mapagtanto kong wala na si Kaye, wala na ang kaibigan ko.Tumayo ako sa truck bago pa sya maka-akyat."Hayop ka!"Sinipa ko sya kung kayat nahulog sya sa lupa, tumalon ako papunta sa ibaba. Agad syang tumayo at pinagpagan ang damit nya sa bandang sinipa ko.
Axelle' POV "You may now group yourselves." Nabalot ng ingay ang buong Arena. Lahat ay naghahanap ng kagrupo, habang kami ni Kaye ay magkahawak lang ng kamay. Sa gitna ng pagkakagulo, ni isa ay walang lumapit sa amin at wala rin kaming planong makisali sa kanila. "Ax, pano tayo?" Tinignan ko sya. "I told you Kaye, hindi na tayo aasa sa kung sinuman. Kakayanin natin to na hindi umaasa sa kahit sino." "Pero kailangan natin ng siyam pa para makapasok." Hindi ako nakakibo, tumingin ako sa malawak na Arena kung saan maraming studyante ang nagkakagulo. Maya-maya ay sabay kaming napalingon ni Kaye dahil sa pagsulpot ng isang babae sa likod namin. "Parang kulang pa yata kayo ah, pwede pa ba akong sumali?" Napangiti kaming dalwa ni Kaye kay A-83 (Zora Mallari). "Sige ba." Sabi ko naman. Ngayon ay walo nalang ang kailangan namin at hindi na ako umaasa na pupuntahan kami ni Yuhan. Maya maya
Carser' POV "What just happened?" Malandi kong tanong kay Yuhan na tila ba binagsakan ng langit at lupa ang mukha at nakapako sa kinatatayuan ang paa. "You dont need her, she needs you and you need me, not her. Kawalan nya yon, akala mo kung sinong magaling." Patayin ko kaya yon? Sayang ng points eh, kung hindi lang dahil sa pagpipigil sakin ni Yuhan, tandaan mo B-2 hindi pa tapos ang week na to at hindi pa tapos ang school year. "Magsasalita ka ba o ano?" Asar na tanong ko kay Yuhan. Siguro hindi nya na ako pipigilan ngayon. "Patayin ko na sya?" Tumingin sya sa akin, naglakad papunta sa likuran ko saka nagwika. "Wag mo syang gagalawin, ako ang makakalaban mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya, ano bang meron sa kanila ng babaeng yon? Bakit over protective sya? Bakit parang, mahal nya si B-2? No... No... Hindi pwede, hindi pwede mangyari yon. Akin sya, sa akin sya mapupunta h
Axelle's POV Habang papalapit sa mga kwarto namin, iniisip ko parin ang kanina. Ayoko, hindi ko kaya. Sasabihin ko kay Yuhan na hindi ko kayang gawin ang pinagagawa nya. "Ayos kalang ba?" Tanong sa akin ni Kaye na kanina pa pala nahahalata ang pagka balisa ko. "Iniisip ko lang yong kanina." Alam kong tama sya, sa ginawa ko mas mapapahamak ako. Kung ipagpapatuloy ko pa ang pag tulong kay Yuhan, mapapahamak ako lalo. "Pasok na ako." Sambit ni Kaye. Tahimik kaming naglalakad ni Yuhan, nag iipon ako ng lakas ng loob para tanggihan ang napag usapan. Tahimik ang paligid, tila ba nagpapakiramdaman kami habang papalapit ng papalapit sa mga kwarto namin. Huminto na ako sa paglalakad nang makarating sa kwarto ko at nag simulang mag wika. "Yuhan, may sasabihin ako." Tumingin sya sa akin, itinaas ang kilay na na kahit hindi sya magsalita alam kong nagtatanong na sya kung ano ang sasabihin ko. "Kasi..
Yuhan's POV Nagbihis na ako, panibagong umaga nanaman. Suot ang maroon na polo at ang tag nito, ako ulit si B-99. Hindi ako masyadong nakatulog sa kakaisip kung ano ang magandang plano, habang nag iisip kasi ginagambala ako ng mga nangyari kahapon. Bakit hindi parin ako maka move sa halik na yon? Sya rin kaya? Arg! Ano bang iniisip mo Yuhan? Nababaliw kana ba? Halik lang yon! Dapat pala di ko nalang yon ginawa. Hays, ginawa ko nga yon hindi dahil aa gusto ko kundi dahil sa kailangan para di maghinala ang mga nagbabantay sa CCTV. Lumabas na ako, nagulat ko ng tumambad sa mukha ko ang naka ngiseng mukha ni A-99. Anong kailangan nya? Tinignan ko lang sya. "Di mo ba ako patutuluyin?" I smirk. "Bakit? Sino ka ba? Bakit ako magpapapasok sa kwarto ko? Hindi ako tanga, kilala ko na mga taong gaya mo."
Axelle's POV Nakatulog na ang tatlo habang ako, nag-iisip parin, hindi rin kase ako mapapakali at hindi rin ako makakatulog ng matiwasay sa ganitong kalagayan. Sinadya kong ipagitna si Amber kina Cedrick at Kaye kase alam ko ang karakas ni Kaye, hihi. Buti pa sila ang himbing ng tulog nila samantalang kami ni Yuhan eto... Lutang. "Matulog kana, ako na magbabantay." Sambit ni Yuhan na nasa tabi ko, hindi ko alam pero may impact sa akin yung tono nya. Hindi talaga ako sanay sa ganito, yung may isang tao na nililigtas ako at iniisip ang kapakanan ko. Maraming salamat Yuhan. Baka dahil lang yung sa kailangan nya sa akin ang sundin ang mga utos nya. "Sigurado ka ah?" paniniguro ko. No'ng tumango sya ay sumandal ako sa balikat nya, hindi ko naman inakala na mag rereact sya. "Anong ginagawa mo?" Ang dami nya namang tanong eh tulog na 'yong iba. "Wag ka maingay natutulog na sila." Na