Yuhan's POV
Kailangan ko siyang mahanap.
Bukas magsisimula na, kailangan naming maging maingat. Naglalakad ako ngayon pababa ng hagdan mula sa dorm. Tahimik ang paligid, halos parang haunted nga ang ambiance dito, marahil dahil magsisimula na ang unang gabi at lahat ay takot na takot. Habang naglalakad ay muli kong nakasalubong ‘yong dalawang babae, umiwas sila at nang bahagya akong makalampas sa kanila ay nagsalita ito.
“Lalabas ka? Para pumatay?” tanong ni B-2 o Axelle Esguerra, habang pinipigilan siya ni B-34 o Kaye Horrie. Napangiti ako sa sinabi niya ngunit hindi ako lumingon.
“Maybe,” saad ko at nagpatuloy sa paglalakad. Walang mangyayari sa mga babaeng ‘yon kung patuloy silang magpapasakop sa takot.
Buong buhay ko ay ganito na, bale ang pasok ko dito is like hitting two birds with one stone. Una, hindi ko na kailangang magtago pa sa tuwing may papatayin ako, at kikita pa ako. I work as a private killer ng isang mayamang kriminal, sanay akong pumatay pero hindi dahil sa gusto ko ngunit dahil sa kailangan kong mabuhay.
Pangalawa, may misyon ako sa paaralang ito. Sabihin na nating sa lawak nito ay para akong naghahanap ng karayom sa talahib.
Nang makarating sa ground floor ay tumingin ako sa kaliwa at kanan na corridors, tahimik ang paligid. Naglakad ako papunta sa kaliwa suot ang isang hoodie, jacket, at pants. Habang naglalakad ay nakakita ako ng isang couple na naghahalikan sa may lamesa ng isang classroom.
Tignan na lang natin kung hanggang saan aabot ang relasyon niyo.
Habang dumadaan ay nakita ako no’ng babae, iba ang titig niya sa akin. Sandali… A-99? Siya ‘yong ikalima sa ranking, hindi nag-iisip ang lalaking ito.
Batid ko sa titig at ngiti niya na may iba siyang balak. Maya-maya, nang makalagpas na ako sa room ay lumabas siya habang inaayos ang uniform niya.
“Hey!”
Nilingon ko siya. Alam ko na tapos na siya at nagtagumpay siya sa plano nya. May dugo pa ang kutsilyong nililinis niya gamit ang uniform ng lalaki. Natulala ako sa nakita ko pero biglang inagaw ang atensyon ko ng paggalaw ng ranking.
Ika-apat na siya ngayon.
“I like your style, pero hindi mo ako mabibiktima,” malamig kong saad. Napangiti siya nang bahagya sa sinabi ko.
“Kasalanan ko bang marupok ang mga lalaki? Bumukaka ka lang papatong na kaagad!”
Tumalikod na ako, wala sa pagkatao ko ang pahabain ang usapan.
“Saan ka pupunta?” tanong niya.
“Wala kang pakialam.”
“Gabi na, mapanganib. There are group of students na kung saan-saan na nag-aabang ng prey,” pangungulit at malambing na pagkakasabi niya.
“I don’t care, catch me if they can.”
Hindi ko na muling narinig ang boses niya kaya baka umalis na siya. Habang naglalakad ay muli kong nakita sa VTR na may 10 points na ako, karamihan ay zero pero si B-7 ay naka 20 na. So far, siya ang highest sa mga Bs.
Wala namang masyadong ganap ngayon, ang totoo niyan ay lumabas ako kasi nakakabagot sa kwarto ko, wala man lang kahit anong libangan. Akala ko ay may ganap dito sa labas pero sa ngayon wala pa. Pero ang sigurado ay mula bukas, hindi na magkakaroon ng tahimik na gabi ang buong campus na ito.
Bumalik na ako sa itaas. Habang naglalakad sa hallway ng mga kwarto ay napansin ko ang isang makinang na bagay sa sahig sa tapat ng pinto ni B-2. Nakita ko rin ang isang belt na ginagamit niya para kunin ito mula sa maliit na space sa ibaba.
Napangiti ako nang bahagya sa ginagawa niya. Gano’n ba siya katakot na lumabas saglit para kunin ‘yong name plate niya?
Lumapit ako pero sinigurado kong hindi niya makikita ang bakas ko.
“Makuha ka na kasi!” inis na aniya.
Pumunta ako sa may plate niya at sinipa ito papasok. “You’re welcome,” sambit ko matapos sipain ito. Pumasok na ako sa kwarto at agad na hinubad ang damit ko, sanay akong matulog nang naka-boxer lang, presko kasi at komportable.
Bago mahiga sa kama ay kinuha ko ang isang kwintas mula sa mga gamit ko.
Miss ko na siya.
Axelle’s POV
“Woah! Buti na lang! Pero parang kilala ko ang boses na ‘yon?”Yuhan Callejo?
Fine, magpapasalamat ako bukas kasi kung hindi dahil sa kaniya ay baka ma-hunt pa ako ng mga estudyante. Pero nakita niya kaya ‘yong ginagawa ko sa belt? Medyo nakakahiya nga ‘yon.
Kinabukasan ay maaga akong nagising, nag-ayos muna ako at bahagyang binuksan ang pinto. Nakita kong wala namang ibang tao kaya kumatok ako sa katapat kong kwarto para mag pasalamat kay B-99.
Kaso baka tulog pa siya? E’ mabuti nga ‘yon, nakatulong pa ako para magising siya nang maaga. Muli akong kumatok, hanggang sa maya-maya ay bumukas na ang pinto.
Bumungad sa akin ang isang Yuhan na magulo ang buhok na nagkukuskos pa ng kaniyang mata. Napatingin ako sa katawan niya, bakit siya nakahubad?
In fairness ah… may ibubuga. Katamtamtamang katawan, may abs na ‘di masyadong hubod at maliit ang waist. Pero ano ‘yon?!
Agad kong hinarangan ang mata ko. Gano’n ba talaga ang mga lalaki ‘pag bagong gising? Jusko, my virgin eyes!
“S-salamat.”
Ayon lamang ang nasabi ko habang nakatakip pa ang mga mata. Natauhan lang siya nang marinig ang boses ko at hinarangan ang dapat niyang harangan sabay isinara ang pinto.
Pumasok na ako sa kwarto, pero imbes na mandiri ay natatawa ako sa reaksyon niya.
“Hoy, Axelle Esguerra! Anong pinagsasasabi mo?”
Naligo na ako, pero bakit paulit-ulit na nagf-flashback sa akin ‘yong mga nakita ko. Pinipilit kong kalimutan, kumakanta na ako habang naliligo pero wala talaga.
“Ahh!” iritang sigaw ko.
“Ayos ka lang, Ax?” tanong ni Kaye mula sa kabilang cubicle. Sabay kaming naliligo habang maaga pa at wala masyadong naliligo. Dahil baka pati dito ay magpatayan sila.
“Ba’t naman ako hindi magiging maayos?”
“Ah, kanina ka pa kasi kumakanta kahit sintunado ka naman. Tapos maya-maya ay sisigaw ka.”
Ay, ang sama! Pero sintunado ba talaga ako?
“Trip ko lang, malamig eh,” palusot ko.
Nang matapos kaming maligo ay nakapasok na agad si Kaye sa kwarto niya habang ako ay mahaba-haba pa ang lalakarin. Pagkarating ko malapit sa kwarto ko ay lumabas naman si Yuhan na seryoso ang mukha.
Pinigil ko ang tawa ko, ‘wag lang talaga siyang magsasalita dahil baka hindi ko na mapigilan.
“Sorry pala sa nakita mo, nawala sa isip ko na wala pala ako sa bahay,” seryosong aniya. Malayo sa itsura niya kaninang bagong gising siya.
“A-ayos lang,” matipid na tugon ko sabay pumasok ng kwarto. Kinuha ko ang unan at iniharang sa mukha ko upang makatawa nang maayos. Hindi ko hilig ipakita sa iba na nakangiti ako.
Nag-ipon-ipon ang lahat sa pavilion at isa-isang umakyat sa stage upang bumunot. Bago bumaba ay ililista ang nabunot mo sa isang papel na number mo lang ang kita. May harang kasi ang ibang plate at ‘yong plate number mo lang ang makikita so secured naman siya.
Since number 2 ako ay second to the last akong bumunot. Binuksan ko ang papel, B-19. Tumingin ako sa ibaba ngunit bigo akong makita si B-19.
Pagkababa ko ay nakita ko na naman ang kaba sa mukha ni Kaye.
“Sino ba nabunot mo?”
“A… A-1.”
A? Ibig sabihin may experience na ‘yon kasi mas nauna siyang pumunta rito kaysa sa amin.
“Sakin B-19,” sabi ko naman. Inayos niya bigla ang hitsura niya at inilagay sa bulsa niya ang papel.
“Kaye, mula ngayon dapat hindi ka na magtitiwala sa kung sino-sino. Kasi hindi natin alam kung sino ang nakabunot sa ‘yo. At kahit pa alam natin, lahat ng nandito ay uhaw sa points kaya dapat ay mag-iingat tayo.”
Tumango siya, halata sa mukha niya na pinipilit niyang maging matapang. Pinagsabihan ko rin siya na dapat hindi niya ipakitang mahina at takot siya dahil siguradong siya ang pupuntiryahin.
Sinimulan naming hanapin ang A-1 at B-19, pasimple lang ito para di masyadong halata. Bawat nakikita naming studyante ay tinitignan namin ang name plate.
Maya-maya ay nakita namin si A-16, naglalakad ito nang normal at biglang… bigla na lamang naputol ang ulo no’ng lalaki. Napakatalim ng maliit na mala-samurai ang ginamit niya.
Ranking: A-16 — 160 — 1st place
“Ba’t 15 points? May name plate naman yung lalake ah,” tanong ko.
“Defense: 5 points plus killing: 10,” sagot ng isang lalaki mula sa likod. B-23..
Defense?
“Ibig mong sabihin…” naputol ang sasabihin ni Kaye nang magsalitang muli si B-23.
“Yes, ang bunot ng lalaking iyon ay si Alexia Quezada o A-16. 5 points dahil nadepensahan niya ang sarili niya, at ang 10 points naman ay dahil may napatay siya.”
“Pero, papaanong nalaman niya?” tanong ko ulit.
Inilagay niya ang kamay niya sa bulsa ng pants niya at nagsimulang magsalita. Naka-black pants siya, maroon polo na long sleeve na naka-roll hanggang sa may siko niya, at black necktie na nagpatingkad sa maputi niyang kutis.
“Pakiramdaman? Kung ginagawa niyo rin ito ay dapat niyong iwasan. Iwasan niyong hanapin ang nabunot niyo mula sa itaas. Siguradong kapag nahanap niyo ‘yon ay magkakaroon kayo ng eye contact, sa gano’ng paraan magkakaroon ng clue ang tao na siya ang nabunot mo.”
I was amazed. Mukhang matalino ang isang ‘to. Pero mapagkakatiwalaan nga ba siya?
Nakita kong medyo namumula si Kaye. Piagsabihan lang siya, baka iniisip niya na concern sa kan’ya ‘yong B-23.
“I’m Kaye Horrie nga pala.”
Inilahad ni Kaye ang kamay niya, gano’n din ang ginawa ni B-23.
“Cedrick Salceda.”
Nagkangitian sila kaya naman agad kong kinuha ang atensyon ni Kaye. “Halika na, may pupuntahan pa tayo ‘di ba?”
Nginitian ko si Cedrick at hinila na si Kaye. Nakatingin pa rin siya kay Cedrick na todo pa-cute naman. Hinila ko siya papunta sa lilim ng isang puno sa field.
“Ano ba, Ax. Nakikipagkaibigan lang naman ah.”
“Nakikipagkaibigan? Seryoso? Sa paaralan na ‘to, kaibigan? Kaye, hindi natin alam… pa’no kung ikaw ang nabunot no’n tapos pinapaikot ka lang niya?”
Tinignan niya ako sa mata. “So hindi kita kaibigan?”
“Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin. Ang sa akin lang, kailangan nating mag-ingat.”
“Pero mukhang mabait naman siya ah,” sagot niya pa.
“Hindi natin makikita sa itsura ng tao ang pakay niya. Kaye, mangako ka sa ‘kin na hindi ka magtitiwala sa kahit sino rito.”
Tumango siya, kita ang lungkot sa nga mata niya. Alam kong friendly siya pero hindi dapat ngayon, buhay ang nakataya dito. Literal na backstab ang pwedeng mangyari.
Maging ikaw, Yuhan Callejo, hindi kita dapat pagkatiwalaan. Lalo na’t alam kong kayang-kaya mong pumatay.
Maya-maya ay nag-ipon-ipon ang lahat sa may field, pawang may ginu-grupohan sila. Mukhang may nag-aaway ata.
Agad kaming pumunta ni Kaye, nakita namin ang dalawang babae na nagpapatayan. Sina A-99 at A-45, hindi kaya nabunot nila ang isa’t isa?
Pareho nilang inilabas ang papel nila. Oo nga, silang dalawa ang nagkabunutan. Walang sinuman ang gustong mangialam. Tinignan ko sa ranking kung naroon sila.
Ranking:
A-45 — 110 — 3rd placeA-99 — 100 — 4th place“Magandang laban ‘to.”
“Let’s see kung sino ang aangat.”
“Kung mananalo si A-99 mapupunta siya sa 3rd place. Pero kapag si A-45 ang manalo ay pareho na silang 2nd.”
“Isa lang ang alam ko, may bagong makakasali sa ranking.”
Mga bulong-bulungan ‘yon ng mga manonood hanggang sa nagsimula nang magpatayan ang dalawa.
Gamit ni A-99 ang isang hatchet habang si A-45 naman ay isang itak na manipis at halatang magaan lang ito. Sino kaya ang magwawagi?
Napansin kong maingat na nanonood si Kaye, ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag may dugo na.
“Oww,” reksyon nila na kumuha ng atensyon ko upang muling manood. Napunit ang skirt ng A-45, bahagya lang naman ito sa may bandang gilid.
Parang action star kung maglaban ang dalawa, tuma-tumbling pa minsan at kung madalas ay tumatalon upang atakihin ang isa’t isa.
Maganda ang laban nila. Agad namang gumanti si A-45 at napunit niya ang blouse ni A-99. Kaya naman ay kita na ngayon ang suot nitong sando na mas lalong nagpatingkad sa kinis at ganda ng hubog ng katawan niya.
Nakita kong nanonood rin si Yuhan. Ngunit kagaya ng inaasahan, wala siyang reaksyon. Parang lahat ng kabaliwan sa paningin ko ay normal lang sa kan’ya, para bang sanay na sanay na siya sa mga nasasaksihan niya.
Hanggang sa nasugatan na si A-99 sa braso. Inatake ni A-99 ang paa ni A-45 ngunit nakatalon ito. At nang babagsak na si A-45 ay titirahin niya sana sa ulo si A-99.
Maya-maya ay bigla na lamang tumalsik ang kamay ni A-45.
“Sino kaya ‘yon?” tanong ng katabi ko. Tumingin ang lahat sa ranking kung sino ang dumagdag, at lahat ay nagulat sa pangalan na lumabas.
Siya?
Axelle’s POV Siya? Muli akong tumingin sa field, naglakad siya papalapit kay A-45 na putol ang braso at iniinda ang sakit at kirot nito. Ranking:A-16 — 170 — 1st placeA-83 — 135 — 2nd placeA-99 — 100 — 3rd place “Bakit ba ang hilig mong mang-agaw?!” sigaw ni A-99 kay Alexia Quezada o A-16. Pinugutan ni A-16 ng ulo si A-45 kaya naman ganoon ang nangyari sa scores ng ranking. Lahat ay nabigo, akala nila isa kina A-99 at A-45 ang mananalo pero biglag sumingit ang isang ‘to. Nakakadalawa na siya ngayong araw pa lang, hindi nakapagtatakang siya ang nangunguna. Sino kaya si A-83? “Halika na,” pag-aaya sa akin ni Kaye. Medyo nandidiri pa siya sa nangyari pero pinipilit niyang tanggapin ang sitwasyon. Sa paaralang ito, libre ang pagkain. Pwede kang pumunta sa canteen to pick foods, nasa sa iyo rin kung papasok ka sa subjects. Pero kami, hindi dapat maging relax dahil hindi namin alam kung sino ang nakabunot sa a
Kaye’s POV Ikaw? I suddenly blushed when he smiled at me. I never expected him… to save me. “Ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Cedrick “Maraming salamat, wala naman akong sugat. Pero honestly, hindi ako okay. Akala ko mamatay na ako!” Hindi ko namalayang tumulo na ang mga luha ko, dahil na rin siguro sa kaba, takot at pag-aakalang ‘yon na ang katapusan. Pero wala na akong dapat ipangamba sa ngayon. Mas ikinagulat ko pa yung pagyakap niya sa akin. Naramdaman ko ang init ng katawan niya at narinig ang tibok ng puso niya. He’s so gentleman, napakaperpekto niya. My savior! “It’s okay, naiintindihan kita. Pero Kaye, kailangan mong lumaban.” Until may lumabas na 5 points sa B-34 do’n sa VTR. “Congratulations, it’s your first points.” Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. Ngumiti ako ngunit hindi pa rin nawawala ‘yong kaba ko. Naglakad kami papunta sa dorm, habang naglalakad ay pati
CHAPTER 7: COUPLE WATCH Axelle’s POV “Kanina ka pa tulala riyan, ah.” Batid kong apektado rin si Kaye sa mga pangyayari. Nangako ako sa sarili ko na poprotektahan ko siya dahil bago kami pumasok dito ay aayaw na dapat siya, pero pinigilan ko. Kinailangan kong makipagkasundo kay Yuhan para sa kaligtasan naming dalawa. Sa tingin ko naman ay hindi niya kami papatayin hanggang sa kailangan niya ako. Hindi ko kayang magtiwala masyado kay Yuhan, o sa kahit sino rito sa paaralang ito. “May iniisip lang,” tugon niya habang nakatingin sa malayo. Hinihintay namin na tumunog ang bell upang magsi-pasok na ang lahat sa kwarto. Nakaupo kami sa madalas naming upuan, doon sa pabilog na itsurang kahoy pero semento naman talaga. Hindi lang ang pagpayag sa hiling ni Yuhan ang iniisip ko, iniisip ko rin kung papano ko papatayin si B-19, kung kaya ko nga ba. Isama mo pa kung sino ang nakabunot sa akin pati na kung nakita nga ba ako ni A-83. Dum
Axelle' POV "I can kill 2 people at a time, nothing to worry." Seryosong sambit nya, hindi ko alam kung tutuwa ako sa sagot nya. Kaya nya talagang gawin yun? Pero bakit ganun, kahit na alam kong may pinatay na sya at nakita ko pa pero... Walang takot, bakit ang gaan ng loob ko sa kanya? Nung una nagduda ako, pero nung mapindot ng hindi sinasadya ang relo at totoong dumating sya, nawala yung pagdududa. Ewan ko, ang alam ko lang makakatulong sya. "Sa tingin mo? Anong gagawin nila sa bagong recruit?" Pagiiba ko sa usapan, ang tahimik kase sa mga corridor na to. "Ewan ko, maybe fraternity type lang naman. Saka kapag kasali kana dun, hindi sila titigil hanggang sa hindi ka nakaka abot ng Ranking, just like the First B in the top 10." Bakit ganun? Kahit anong sabihin nya parang walang nagbabago sa ekspresyon nya. Hindi ata to maru
Axelle's POV Pakiramdam ko mahihimatay ako, parang nakatingin sa akin ang lahat. Nanlalamig ang buong katawan ko. Umagaw ng atensyon ko ang tunog na nagmumula sa Monitor, isang senyales na may pumatay nanaman at sa sitwasyong ito ay ako yun. Ipinanganak akong matapang ngunit hindi mamamatay tao, ano itong nagawa ko? Habang nakatayo at nakatingin sa katawan ng isang babaeng naka handusay sa harap ko. Wala na itong buhay, nakatingin sa akin ang lahat ng nandito sa canteen, pati mga naka upo at kumakain. Hindi ko sinsadya! "B-2, anong nangyare dito?" Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakitaan ko si Yuhan ng pag-aalala. Marahil ay nakita nya ang puntos ko sa Monitor kaya agad nya akong hinanap. "Ayos ka lang ba?" Tanong naman ni Kaye na kakarating lang din, inabutan nya ako sa may gilid ng glassdoor ng canteen.
Hanay's POV Isang madugong gabi nanaman. Inutusan kona ang mga teachers at iba pang staffs na maagang pumunta sa safe building kung saan lahat ng studyante ay pinagbabawalang puntahan ito. Oo, bawal pumatay ng staff pero hindi parin namin hawak ang mga utak ng bawat estudyante lalo na ang batch na ito, masyado silang mapupusok. Kung noon halos lahat ay takot at kinailangan pa naming turukan sila ng ibat ibang uri ng drugs para maging wild sila at magpatayan ngunit habang tumatagal nagiging agrisibo ang mga pumapasok sa Allison U. Yung iba nga mukhang sanay na sanay pumatay at nagugustuhan ito ng principal. "Ang eskwelahang ito ay pinupuri ng ibat ibang banyagang bansa dahil sa kakaibang features at kakaibang resulta neto. Ayon nga sa ibang mga prisidente ay magpapatayo na rin sila ng ganitong unibersidad sa mga susunod na taon." Galak na sambit ni principal habang na
Axelle' POV "Bakit pala kayo magkasama? Magkakilala ba kayo?" Narinig kong taong ni Kaye at doon lang ako bumalik sa realidad, tumayo na nang matuwid si Yuhan matapos ibulong sa akin ang isang bagay na pinayagan ko ngunit hindi malinaw kung ano yun. Naguguluhan ako. "Oo." Matipid na sagot ni Yuhan. "Hindi!" Sabi naman ni Cedrick na salungat sa sinabi ni Yuhan. Nagkatinginan kami ni Kaye, kapwa may tanong at naguguluhan sa mata. "What do you mean? Oo at hindi?" Sabi naman ni Kaye, kahit kailan talaga ang arte nya. Pero oo nga, panong nangyareng magkakilala silang hindi? "Ganito kase, dito lang kami sa school nagkakilala at kanina sa Canteen nagkuwentuhan kami at ayun... Nakuha nama namin ang ugali ng isa't-isa, oo yun." Paliwanag ni Cedrick, nakakapangduda naman ata yung paliwanag nya kaya nagtanong pa ako. "Eh bakit pareho kayong may ganitong relo?" Itinaas ko ang kamay ko at ipinakita an
Axelle's POV Nakatulog na ang tatlo habang ako, nag-iisip parin, hindi rin kase ako mapapakali at hindi rin ako makakatulog ng matiwasay sa ganitong kalagayan. Sinadya kong ipagitna si Amber kina Cedrick at Kaye kase alam ko ang karakas ni Kaye, hihi. Buti pa sila ang himbing ng tulog nila samantalang kami ni Yuhan eto... Lutang. "Matulog kana, ako na magbabantay." Sambit ni Yuhan na nasa tabi ko, hindi ko alam pero may impact sa akin yung tono nya. Hindi talaga ako sanay sa ganito, yung may isang tao na nililigtas ako at iniisip ang kapakanan ko. Maraming salamat Yuhan. Baka dahil lang yung sa kailangan nya sa akin ang sundin ang mga utos nya. "Sigurado ka ah?" paniniguro ko. No'ng tumango sya ay sumandal ako sa balikat nya, hindi ko naman inakala na mag rereact sya. "Anong ginagawa mo?" Ang dami nya namang tanong eh tulog na 'yong iba. "Wag ka maingay natutulog na sila." Na
Axelle's POV Nakaupo ako sa bench habang pinagmamasdan ang mga banderang alam kong paunti unting mababawasan. Bakit nya ginawa yon? Minamaliit nya ba kami? Pinapangako kong pagsisihan ni Zion at nt Kllrx na kami ang kinalaban nila. "Ax, sali ka sa amin!" Napatingin ako kila Cedrick. Naghahabulan sila, nakakatuwa na nakakapag saya sila sa ganitong sitwasyon. Hindi ganon kalakas ang grupo ko, nabawasan pa ng dalawa pero alam kong hindi rin kami mahina. "Cedrick, bakit satingin mo antagal ni Zora?" "Ewan, sigurado naman akong ligtas sya. Top one kaya yon." Sabi nito habang tumatakbo. "Puntahan ko lang sya." Zora's POV Napalingon ako sa pinto ng bigla itong bumukas. Nagkatinginan kami ni Alexia, halong takot at kaba ang nakikita ko sa muka nya. "Bat antagl nyo? Okay kalang ba Exia?"
Axelle' POV"Announcement, we will start at exactly 8:00 am. All the students must be at the arena together with their teams, thank you and goodluck."Suot ang aming PE uniform ay nagsimula na kaming maglakad kasama ang grupo ko, nahalata kong kanina pa hindi nag uusap si Zora at Exia.Napatingin ako sa quadrangle, may ten flags sa dulo nito na sumisimbolo sa bawat teams. Mga simbolismo ito ng mga mababangis na hayop, hindi ko alam pero hindi ako natatakot. Palagay ko, dahil to kay Kaye kaya tutuparin ko ang pinangako ko, hindi ako matatakot, hindi na ako maduduwag lalaban na ako at mananalo kami.Pasko ba talaga? Wala man lang sign na pasko na pala, ni isang display, wala. Namimiss kona si mama, hintay lang ma, lalabad nako dito.Lion? Marahil yon ang simbolismo ng Kllrx, mga hambog.Pagkalagpas namin sa isang pader ay nakita na namin ang mga estydyante na pumapasok sa arena."Goodmorning students! The flags from the quadrangle
Yuhan's POVHabang naglalakad, nakita ko si Axelle. Agad ko syang tinakbo at hinawakan ang kamay nya.Natigilan ako sa hindi nya paglingon, parang tumigil ang lahat.Pumunta ako sa harap nya, ngunit hindi ko binibitawan ang kamay nya, alam ko kasing tatakbuhan nya ako."Bitawan moko."Seryosong pagkakasabi nya habang nakatingin sa malayo."Axelle, hindi ko alam ang nangyare. Hindi ko alam ang tungkol kay Kaye..."Naputol sabi ng sigawan nya ako."Binatawan moko sabi!"Pinilit nyang alisin ang pagkakahawak ko sa kanya kaya binitawan ko sya."Gawin mo nalang ang gusto mong gawin, isipin mo nalang na hindi moko nakilala dahil yon na ang ginagawa ko ngayon. Wag mo na ulit akong kakausapin o lalapitan, wag mo ng dagdagan ang pagkamuhi ko sayo."Sambit nya bago ako iwan na nakatulala. Halos wala
Axelle's POVBiglang tumalsik sa mukha ko ang dugo ni Kaye.Walang awang sinaksak ng pinuno ng Kllrx ang truck kung kayat nabutas ito at tumagos ang itak nya sa katawan ni Kaye."Kayeee!"Umiiyak kong sigaw."T-tumakas kana, survive."Nanghihinang bigkas nito.Lalo pakong pumalahaw nang ikutin ni Zion ang itak nakasaksak kay Kaye. Marahas nyang hinugot ang itak na naging dahilan upang tumumba si Kaye."Kayeee! Gumising ka!"Dahan dahang naglakad si Zion papunta sa likod ng truck. Bahagya akong natahimik ng mapagtanto kong wala na si Kaye, wala na ang kaibigan ko.Tumayo ako sa truck bago pa sya maka-akyat."Hayop ka!"Sinipa ko sya kung kayat nahulog sya sa lupa, tumalon ako papunta sa ibaba. Agad syang tumayo at pinagpagan ang damit nya sa bandang sinipa ko.
Axelle' POV "You may now group yourselves." Nabalot ng ingay ang buong Arena. Lahat ay naghahanap ng kagrupo, habang kami ni Kaye ay magkahawak lang ng kamay. Sa gitna ng pagkakagulo, ni isa ay walang lumapit sa amin at wala rin kaming planong makisali sa kanila. "Ax, pano tayo?" Tinignan ko sya. "I told you Kaye, hindi na tayo aasa sa kung sinuman. Kakayanin natin to na hindi umaasa sa kahit sino." "Pero kailangan natin ng siyam pa para makapasok." Hindi ako nakakibo, tumingin ako sa malawak na Arena kung saan maraming studyante ang nagkakagulo. Maya-maya ay sabay kaming napalingon ni Kaye dahil sa pagsulpot ng isang babae sa likod namin. "Parang kulang pa yata kayo ah, pwede pa ba akong sumali?" Napangiti kaming dalwa ni Kaye kay A-83 (Zora Mallari). "Sige ba." Sabi ko naman. Ngayon ay walo nalang ang kailangan namin at hindi na ako umaasa na pupuntahan kami ni Yuhan. Maya maya
Carser' POV "What just happened?" Malandi kong tanong kay Yuhan na tila ba binagsakan ng langit at lupa ang mukha at nakapako sa kinatatayuan ang paa. "You dont need her, she needs you and you need me, not her. Kawalan nya yon, akala mo kung sinong magaling." Patayin ko kaya yon? Sayang ng points eh, kung hindi lang dahil sa pagpipigil sakin ni Yuhan, tandaan mo B-2 hindi pa tapos ang week na to at hindi pa tapos ang school year. "Magsasalita ka ba o ano?" Asar na tanong ko kay Yuhan. Siguro hindi nya na ako pipigilan ngayon. "Patayin ko na sya?" Tumingin sya sa akin, naglakad papunta sa likuran ko saka nagwika. "Wag mo syang gagalawin, ako ang makakalaban mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya, ano bang meron sa kanila ng babaeng yon? Bakit over protective sya? Bakit parang, mahal nya si B-2? No... No... Hindi pwede, hindi pwede mangyari yon. Akin sya, sa akin sya mapupunta h
Axelle's POV Habang papalapit sa mga kwarto namin, iniisip ko parin ang kanina. Ayoko, hindi ko kaya. Sasabihin ko kay Yuhan na hindi ko kayang gawin ang pinagagawa nya. "Ayos kalang ba?" Tanong sa akin ni Kaye na kanina pa pala nahahalata ang pagka balisa ko. "Iniisip ko lang yong kanina." Alam kong tama sya, sa ginawa ko mas mapapahamak ako. Kung ipagpapatuloy ko pa ang pag tulong kay Yuhan, mapapahamak ako lalo. "Pasok na ako." Sambit ni Kaye. Tahimik kaming naglalakad ni Yuhan, nag iipon ako ng lakas ng loob para tanggihan ang napag usapan. Tahimik ang paligid, tila ba nagpapakiramdaman kami habang papalapit ng papalapit sa mga kwarto namin. Huminto na ako sa paglalakad nang makarating sa kwarto ko at nag simulang mag wika. "Yuhan, may sasabihin ako." Tumingin sya sa akin, itinaas ang kilay na na kahit hindi sya magsalita alam kong nagtatanong na sya kung ano ang sasabihin ko. "Kasi..
Yuhan's POV Nagbihis na ako, panibagong umaga nanaman. Suot ang maroon na polo at ang tag nito, ako ulit si B-99. Hindi ako masyadong nakatulog sa kakaisip kung ano ang magandang plano, habang nag iisip kasi ginagambala ako ng mga nangyari kahapon. Bakit hindi parin ako maka move sa halik na yon? Sya rin kaya? Arg! Ano bang iniisip mo Yuhan? Nababaliw kana ba? Halik lang yon! Dapat pala di ko nalang yon ginawa. Hays, ginawa ko nga yon hindi dahil aa gusto ko kundi dahil sa kailangan para di maghinala ang mga nagbabantay sa CCTV. Lumabas na ako, nagulat ko ng tumambad sa mukha ko ang naka ngiseng mukha ni A-99. Anong kailangan nya? Tinignan ko lang sya. "Di mo ba ako patutuluyin?" I smirk. "Bakit? Sino ka ba? Bakit ako magpapapasok sa kwarto ko? Hindi ako tanga, kilala ko na mga taong gaya mo."
Axelle's POV Nakatulog na ang tatlo habang ako, nag-iisip parin, hindi rin kase ako mapapakali at hindi rin ako makakatulog ng matiwasay sa ganitong kalagayan. Sinadya kong ipagitna si Amber kina Cedrick at Kaye kase alam ko ang karakas ni Kaye, hihi. Buti pa sila ang himbing ng tulog nila samantalang kami ni Yuhan eto... Lutang. "Matulog kana, ako na magbabantay." Sambit ni Yuhan na nasa tabi ko, hindi ko alam pero may impact sa akin yung tono nya. Hindi talaga ako sanay sa ganito, yung may isang tao na nililigtas ako at iniisip ang kapakanan ko. Maraming salamat Yuhan. Baka dahil lang yung sa kailangan nya sa akin ang sundin ang mga utos nya. "Sigurado ka ah?" paniniguro ko. No'ng tumango sya ay sumandal ako sa balikat nya, hindi ko naman inakala na mag rereact sya. "Anong ginagawa mo?" Ang dami nya namang tanong eh tulog na 'yong iba. "Wag ka maingay natutulog na sila." Na