Share

CHAPTER 2

MATAMANG nagmamasid ang grupo ni Tristan sa labas ng airport. May ilan sa loob na nagbibigay ng tip sa kanila sa taong target nila. Kuntentong nasa loob ng kanyang kotse si Tristan. Isang pigura ng babaeng kalalabas mula sa paliparan ang umagaw sa atensyon niya. 

Nakuha nito ang interes niya kaya pinagmasdan niya ito. Hindi siya sigurado kung dayuhan o balikbayan ito. Tila may lahing dayuhan ang hugis ng mukha nito. Maputi, matangkad, at mahaba ang buhok. Nakasuot ito ng black shade. Pero tila nag-iisa ito at may hinahanap. Hindi nagtagal at may lumapit dito na dalawang babae at kinausap ito. 

Napansin kaagad ni Tristan ang paglapit ng isa pang lalaki na kulay blonde ang buhok sa gawing likuran ng balikbayang babae. Sandali itong nagmasid sa paligid, bago nito dinampot ang isang traveling bag ng babae na katamtaman ang laki.

"Hey, give me my bag!" habol ng may-ari na napansin ang ginawang pagtangay ng lalaki.

Tila bingi na nagpatuloy sa mabilis na paghakbang ang lalaki na patungo sa direksyon nina Tristan.

"I said, give me my bag, hey, you thief!" sigaw ng sumusunod na babae.

Sumenyas si Tristan sa kanyang mga tauhan at kaagad na hinarang ng mga ito ang lalaki. 

"Hey, someone is calling you," sabi ni Tristan mula sa likuran nito.

"Eh, s-sino ba kayo?" maangas pa na tanong nito.

"Ibalik mong kinuha mo, hindi sa 'yo 'yan, 'di ba?" 

"Akin 'to! Pwede ba paalisin mo 'tong mga kutonglupa mong alipores!" mayabang na utos nito.

"Ah, kutonglupa pala, ha?" Tumatangong sabi ni Tristan. Sinulyapan nito ang tauhan at walang salitang inagaw niya ang traveling bag dito. Bago nilapitan ito ng kanyang mga tauhan at sinuntok.

"Ah, h-hindi na po! Oo, i-ibabalik ko na! Tama na!" sumisigaw na samo nito.

"Hoy, ibalik mo ang bag ko!" sabi ng babae na naabutang binubugbog ang magnanakaw.

"Is this your bag?" Tanong ni Tristan habang nakasandal sa kanyang kotse. Nasa tabi nito ang bag na hinahanap ng babae.

Umikot muna ang tingin nito sa mga tauhan ni Tristan. At seryosong bumaling kay Tristan at lumapit para kunin ang bag.

"Hindi ka man lang ba magpapasalamat na nabawi mo pa ang bag mo?" Nakahalukipkip na saad ni Tristan.

Sandaling tiningnan ng babae ang ginugulping lalaki, "Paano ko naman masisiguradong hindi mo nga inutusan ang taong iyan para kunin ang bag ko? Sa dami ba naman ng modus sa panahong ito, hindi ko alam kung sinong tao ang katiwa-tiwala. Madalas kasing magtago ang demonyo sa maaamong mukha. Anyway, salamat pa rin," sarkastikong litanya ng babae.

Biglang naningkit ang mga mata ni Tristan at nagtagis ang bagang, "Pinagdududahan mo ba ang naging tulong ko sa 'yo? Ako na ang tumulong, ako pa ang masama? Mukhang ipinanganak ka yata sa sama ng loob, ms.?" Napailing si Tristan, "Tsk…tsk… sayang, hindi pala ikaw ang klase ng tao na dapat tinutulungan! And to my surprise, Pilipino ka pa pala!?" 

Tumaas ang kilay ng babae at kumibot ang bibig na tila may gustong sabihin.

"Eh, kung alam ko lang na ganyan pala kagaspang ang ugali mo, hindi ka na lang sana namin tinulungan,"

"Aba't, Ano bang malay ko kung kasabwat mo ang taong 'yan? Marami ng ganyan dito ngayon. Tingnan mo nga, ang yabang mo pa para sabihing ikaw ang tumulong. Eh, kung tutuusin, 'yang mga alipores mo lang naman ang inuutusan mo!" taray ng babae kay Tristan.

"Be careful with your words, miss. You didn't even know me." Nagtitimping sabi ni Tristan. Sa dinami-rami ng babaeng kilala niya, ito lang ang hindi man lang na-attract sa karisma niya, bagkus ay tinarayan pa s'ya. 

"Huh, are you threatening me? Nagulat ka ba, kasi sa itsura mo pa lang parang disappointed ka na, eh! 'Yung tipo ng taong gusto niya pero hindi nakuha ang gusto! I'm sorry, mr.! Pero kung naghahanap ka ng taong pagkakatuwaan, nagkamali ka! Hindi lahat ng tao pwedeng yumuko sa 'yo! Porke ba may mga alipores kang kasama, akala mo lahat ng gusto mo, makukuha mo na?"  

"I didn't say anything, so, don't say anything, ms. Simpleng pasasalamat lang naman, ang dami mo nang nasabi. Baka lunukin mong sariling salita mo? Hindi mo pa ako kilala. Hindi mo nga alam, baka bukas, makalawa mukha ko ang mabungaran mo paggising mo!" nakangising sabi ni Tristan. Hindi niya napigilang mapatingin sa may cleavage nito.

"You pervert!" inis at nagngingitngit na bulalas ng babae at mabilis na tinalikuran ang grupo. 

'Who are you, woman! Sisiguraduhin ko na magkikita tayo muli. At ipakikilala ko sa 'yo kung sino ba talaga ako! Wala pang babae ang bumastos sa harapan ko,' bulong ni Tristan sa sarili, habang nakasunod ang tingin sa babaeng papalayo. 

"Sir, our target is approaching!" anunsyo sa kanya ng kanyang tauhan. 

Nilingon ni Tristan ang exit sa paliparan at nakita ang taong hinahanap.

"Position, make sure na hindi makakaagaw ng atensyon sa iba," kalmadong utos niya. 

"Sure, boss!" 

Nakita ni Tristan ang pagtayo ng tatlong taong kalalabas lang sa gilid ng kalsada na tila may inaabangan. Ilang segundo lang at may huminto rito na puting van. 

"Target, confirmed!" 

"Good! You know what to do!" ani Tristan.

Tumango ang kanyang tauhan at nagsimulang magmando sa iba, gamit ang earphone.

"Bring them to our hideout,"

Mabilis na sumunod sa hideout sina Tristan. May mahalaga siyang misyon ngayon na dapat makuha.

"Ano'ng lugar 'to? Saan n'yo kami dinala? Hindi kayo ang mga totoong tao na kausap namin?" nagulat na tanong ng isa na pinakamatanda sa tatlo. "Niloko n'yo kami at nagpanggap lang kayo?" 

"Ano'ng kailangan n'yo sa amin?" tanong ng isa. Habang ang isa na mukhang intsik ay nanatiling tahimik at nagmamasid.

"Siya ba si Mr. Choi?" Nakanguso dito na tanong ng tauhan ni Tristan

"Ano bang kailangan n'yo sa amin?" 

"Ang tanong ko ang sagutin mo, kung ayaw mong maunang sumabog 'yang bungo mo!" inis na sabi ng tauhan ni Tristan.

"Siya nga, ano'ng kailangan n'yo?"

"Hindi naman malaki ang kailangan namin. May tao lang na gustong kumausap sa inyo,"

"Sino?" 

"I am! How are you, Mr. Choi?" ani Tristan.

"Mr. Mondragon?" 

"Mabuti naman at kilala n'yo pa ako. Hindi ko na pala kailangan magpakilala,"

"Ano'ng kailangan mo? Bakit mo kami dinala rito?"

"You know the answer, Mr. Chaves. Hindi ba narito kayo para kay Macoi?"

Nagkatinginan ang tatlo, "Paano mong nalaman?" 

"Walang imposible kung nais mo. Mahalaga ang ipinunta n'yo rito. Kasinghalaga na kailangan ko rin ito. Didiretsuhin ko na kayo. Hindi ba at makikipag-close deal kayo kay Macoi? He's my rival, at alam n'yo 'yan. Naninigurado lang naman ako na makakapag-isip pa kayo ng mabuti kung kanino kayo dapat lumapit. I assure you, safe kayo sa parte ko. But to Macoi, you didn't even know his capacity. Hindi n'yo naman siguro gugustuhing masayang ang investment n'yo kung sakali, am I right?"

Nagkatinginan ang tatlo na tila nag-iisip. 

"Hindi ko kayo mamadaliin, Mr. Chaves. I can give you enough time to think. Isipin n'yo na lang na isinasalba ko kayo sa malas na pwede n'yong masalo mula kay Macoi. I'll go ahead, see you later." Iniwan na ito ni Tristan. 

Dumiretsong naupo siya sa sala at nag-sigarilyo, "May balita na ba?" tanong niya.

"Wala pa, boss. Pero huwag kang ma-alala, kung kinakailangan buklatin lahat ng files ng mga pasahero kanina, gagawin namin para malaman kung sino s'ya," sabi ng tauhan.

"Make it faster!" 

"Yes, boss!"

AFTER AN HOUR…

"WE already identified her, boss!" 

"Yes, who is she?" seryosong tanong ni Tristan habang panay ang hithit ng sigarilyo.

"Kiara Sebastian, boss." 

'Kiara Sebastian,' piping ulit sa isip ni Tristan. Biglang naalala niya ang mag-asawang Sebastian na may malaking pagkakautang sa kanya. 'Is it her?' tanong muli niya sa isip ng maalala ang sinabi noon ng ginang na anak nitong babae.

Napangiti si Tristan at may kung ano'ng naglalaro sa kanyang isip. 

'I can make you mine, now!' bulong niya sa sarili.

"Sir, they have already decided!" sabi ng tauhan niya na nakapagpabalik sa kanya mula sa kanyang malalim na pag-iisip.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status