Alexandria's
POVMuli kong ibinalik ang atensyon sa kalsada at mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo kay Amber, ang aking Ducati Multistrada 950. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa manibela at pinaarangkada ko nang todo ang takbo. Tingnan natin kung makakahabol ka pang ungas ka!
Sumilip akong muli sa side mirror at nakita kong napag-iwanan ko na ang kanina pang nakabuntot na katunggali. Sa pagkakataong iyon ay napangiti ako nang malapad dahil sure na ang pagkapanalo. Kaunting birit pa ng motorsiklo ko, siguradong makukuha ko na tumataginting na premyo.
Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo kay Amber dahil last lap na lang ang natitira. At tulad ng inaasahan, tuluyan ko nang nailampaso ang mga ungas sa race track. Habang papalapit rin ako sa finish line, narinig kong binanggit ng announcer ang pangalan ko.
"Mukhang wala pa rin talagang makatatalo sa nag-iisang prinsesa at nananatiling undefeated sa larangan ng karera na si Alexandria!"
Malapad akong ngumisi nang marinig ito. Pati na rin ang kabi-kabilaang sigaw ng pangalan ko.
"Go, Alex!"
"Kaya mo 'yan, Alex! Sure win ka na!"
"Wooaahh! No one can beat you, Alex!"
"You're still rank one, Alexandria!"
Para akong nasa langit nang mga oras na 'to at mistulang musika sa pandinig ko ang pangalan kong isinisigaw ng mga manonood. Kaya namam lalo pa akong nagpasikat. Itinodo kong lalo ang pagpapatakbo sa motorsiklo na para bang kasing-bilis na ng hangin.
"Shit! Tangina!" bulalas ko dahil ilang metro na lang ay aabot na ako sa finish line.
Subalit siguro, sa tulin ng pagpapatakbo ko ay dumulas ang mga kamay ko at nabitawan ang hawak na manibela. Dahilan upang mawalan ako ng balanse at gumewang-gewang ang takbo ni Amber, at pagkatapos ay tuluyan na akong nawalan ng kontrol. Nagtangka pa akong abutin ang manibela para sana ay kontrolin ang nagwawalang motorsiklo, pero nabigo ako. Nagpatuloy lang ito sa pasuray-suray na takbo.
Hanggang sa naramdaman kong tumilapon ako at humampas sa isang matigas na bagay, dahilan upang makaramdam ako nang matinding sakit sa katawan at labis na pagkahilo.
Am I going to die?
Ang mga salitang ito na lang ang tanging namutawi sa isipan ko bago tuluyang nagdilim sa akin ang lahat. . .
• • •
Nagising ako nang marinig ang tinig na ito kaya naman dahan-dahan kong idinilat ang mata kahit pa bahagya akong nasisilaw sa liwanag ng ilaw. At tama nga ako sa hula kong ang magaling kong ama ang nakatunghay sa akin.
"Anak? Hija. . ." marahang yugyog pa niya sa balikat ko. Siguro ay nakita niyang nagkamalay na ako.
"'Pa. . ." namamaos na sagot ko naman.
"Thanks, God, anak at nagkamalay ka na!" bulalas niya saka niyakap ako. "What happened to you, anak?" Bakas sa mukha ni Papa ang matinding pag-aalala nang tingnan ko. Tingin ko rin ay parang lalong dumami ang wrinkles niya sa noo dahil doon. Pero gustuhin ko man maging masaya dahil naririto siya ngayon sa tabi ko, hindi ko magawa. Nangingibabaw pa rin kasi ang matinding galit ko sa kan'ya.
"What are you doing here?" matabang na tanong ko.
Kumalas si Papa sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang kamay ko nang mahigpit. Gusto ko sanang bawiin ito pero pakiramdam ko ay hinang-hina ako. Kung kaya't wala akong nagawa kung hindi hayaan siya sa ginagawa. Damn! You are a great actor!
"I'm so worried, anak!" galit na sagot nito. "Ano ba kasing pumasok sa iyong isip at pati sa pakikipagkarera ay sumali ka? Tingnan mo ang nangyari sa iyo! Magpasalamat ka na lamang at minor injury lamang ang nakuha mo," sermon pa niya habang galit na nakatunghay sa akin.
Shit! Worried your face! Wala kang maloloko rito tanda! Inis akong tumingin sa kan'ya at pagkatapos ay ibinaling ko ang ulo sa ibang direksyon. "Don't act like you really damn care, 'Pa. I know, takot ka lang na mamatay ako dahil mawawalan ka ng pera!" sarkastiko at may bahid ng galit na sabat ko naman.
"Ano ba namang pag-iisip iyan, hija? I'm your father. You're my own flesh and blood, kaya sagad sa langit ang pag-aalala ko sa iyo! Ganyan na ba talaga kababa ang tingin mo sa akin, anak?" tanong pa niya na bakas ang hinanakit sa tinig.
Liar! Nag-aalala ka lang dahil sa makasariling pangangailangan mo!
Nais ko sanang isatinig ang nasa isipan ko pero hindi na lang ako sumagot pa. Walang saysay kung makikipag-away pa ako kay Papa. Besides, alam ko naman ang dahilan kung bakit ganoon na lang siya mag-alala sa'kin.Nagtangka akong kumilos at hinablot ang kamay mula sa pagkakahawak ni Papa. Subalit agad akong nakaramdam ng matinding sakit sa aking kaliwang binti dahil sa bigla kong pagkilos. Aray ko! Tang'na! Nabalian yata 'ko!
Sinipat ko ang sarili, at nakita ko ang kaliwang binti na naka-semento at nakabalot pa ng benda. May mga gasgas din akong natamo sa braso at binti, pero bukod doon ay wala na. Salamat na lang at naka-safety gear ako nang mangyari ang aksidente. Kung hindi, marahil ay pinaglalamayan na ako nang mga oras na ito.
Naputol ang pagmumuni-muni ko nang makarinig nang mahinang katok mula sa pinto ng kwarto kung saan ako nakaratay. Hindi ko pa man ito nakikita ay may ideya na ako kung sino ito.
Pinukol ko ng matalim si Papa, at nabuo ang hinala ko nang umiwas siya ng tingin saka tumayo at tinungo ang pinto. "Baka si Cyrus na iyan." Tumayo siya pagkatapos ay saka tinungo ang pinto nang hindi tumitingin sa'kin. B'wisit ka talagang matanda ka! nag-ngingitngit na usal ko sa isipan.
Katulad ng inaasahan, bumungad ang nakangiting mukha ni Cyrus roon. Agad naman umasim ang mukha ko nang makita ang damuho na parang tanga sa lapad ng pagkakangiti. That annoying creature again! Ayaw talaga akong tigilan! Fuck! inis kong wika sa isipan habang masama ang tingin dito.
"Come in, hijo," anyaya ni Papa sa ungas. Matamis naman na ngumiti si Cyrus habang diretso ang tingin sa'kin at naglalakad papalapit. May dala rin ang ungas na basket ng prutas at isang bouquet ng white roses. Ramdam konang iritasyon nang parang hindi man lang na-discourage si Cyrus dahil sa pagsama ng mukha ko nang makita siya.
"Good evening, Tito Rodney," bati niya kay Papa at saka binalingan ako. "Good evening, Alex. Flowers and fruits for you."
Hindi ako sumagot at tiningnan lang siya ng puno ng disgusto sa mukha. Gusto kong ipakita sa lalaking ito na hindi ko siya gusto at hindi ko siya magugustuhan kailanman. Napapahiya naman siyang nagbaba ng tingin at inilapag ang mga dala sa mesa, katabi ng hospital bed na kinahihigaan ko.
"Lalabas na muna ako, anak," basag ni Papa sa katahimikan. Marahil ay nahalata niya ang namumuong tensyon sa pagitan namin ng ungas na Cyrus na ito. "Magtutungo lamang ako sa canteen upang magkape," paalam niya saka tumingin sa akin. Hindi ko naman siya sinagot at binagyan na lang siya ng pamatay na tingin. Pero hindi ito pinasin ni Papa kaya naman lalong nagpuyos ang dibdib ko sa galit. "And Cyrus, hijo. Please take care of my daughter," bilin pa niya na kay Cyrus nakatingin.
"I will, Tito. Don't worry about Alex, ako na po ang bahala sa kan'ya. And also the billings, ako na po ang bahala," nakangiting sagot naman ni Cyrus sa magaling kong ama. "And If you need anything, just tell me, Tito Rodney," dagdag pa niya na ikinalawak naman ng ngiti ng matandang hukluban.
Oh, well. 'Yan naman talaga ang habol ng ama ko sa'yo, inutil! 'Yang pera mo!
"Thank you so much, hijo! Napakabait mong talaga," ani Papa na parang nanalo sa lotto sa lapad ng pagkakangiti saka lumabas na ng kwarto at naiwan kami ni Cyrus.
Tumikhim si Cyrus dahil namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Masamang tingin naman ang ipinukol ko sa kan'ya dahil doon doon. "How are you, Alex? May masakit ba sa'yo?" tanong niya sa akin. Naupo pa siya sa mono block chair na katabi ng hospital bed kung saan ako nakaratay.
"Obviously," pambabara ko sa kan'ya. "Look at my legs, idiot!" sarkastikong dagdag ko pa.
Napayuko naman si Cyrus dahil sa pagkapahiya, pero wala akong pakialam. Ginusto niyang ipagpilitan ang sarili sa'kin kaya magtiis siya. "Bakit hangang ngayon ay cold ka pa rin sa akin, Alex?" may himig hinanakit na tanong pa niya habang nakatingin sa akin.
Hindi ako sumagot sa damuhong ito. Ayaw ko kasong makipagtalo pa at magsayang ng laway. Mas iniinda ko ang sakit ng katawan kaysa sa lalaking kasama ko ngayon. Kung kaya't ipinasya ko na lang na ipikit ang mga mata dahil pakiramdam ko ay bigla akong inantok.
Narinig ko namang bumuntong-hininga si Cyrus dahil sa hindi ko pagsagot. "Okay lang kung ayaw mong magsalita. Just rest."
Hindi na nga ako kumibo pa at dahan-dahan akong pumihit patalikod sa kan'ya. Saka ko ipinikit muli ang mga mata. Ilang sandali pa nga ay naramdaman kong inayos ni Cyrus ang kumot ko pagkatapos ay tumayo. Hindi na ako kumilos pa at nagpanggap na lang na natutulog. Hanggang mayamaya ay naramdaman kong tumayo siya at kasunod nito ay narinig ko na lang ang pagsara ng pinto senyales na lumabas na siya.
Heinz's POVName: Leigh Alexandria SaavedraAge: 23Mission: To tame Alexandria SaavedraUMARKO ang mga kilay ko pagkabasa sa bago kong misyon. Nakatingin naman sa akin ng seryoso ang matanda at mukhang hindi nga ito nagbibiro sa assignment na ibinigay sa'kin. "Are you sure, Mr. Saavedra? You want me to tame your daughter? But why me, Sir?"Bumuntong-hininga muna ang matanda pagkatapos ay nagsalita. "I tracked your records, Mr. Alvarez at humanga ako sa iyo dahil lahat ng mission mo ay successful. Hindi lamang iyon, ikaw ang top one agent sa buong department," may himig paghanga pang saad niya. "Please hijo, alam kong kahibangan ang gusto kong ipagawa sa iyo. Subalit gusto kong bumalik sa dati ang anak ko. Gusto kong pat
Alexandria's POV"ANAK, saan ka na naman pupunta? Gabi na, hija. Kagagaling pa lamang ng pilay mo 'di ba?"Naiirita akong sumulyap kay Papa habang nagsusuot ng black leather boots. Isang buwan na nga akong nabubwisit sa pagmumukha mo, eh! wika ko sa isipan. Paano, isang buwan na akong natengga sa bahay para magpagaling ng pilay ko. Mabuti nga at simpleng pilay lang 'yon. Kung hindi, baka dalawa o tatlong buwan pa ang kailangan kong tiisin para lang magpagaling. "Magkakarera ako," matabang na tugon ko kay Papa."My God, Alexandria! Kailan ka ba titigil sa letseng pagkakarera na iyan, ha? Kapag patay ka na?" sermon niya sa mataas na
Heinz's POV"GOOD AFTERNOON, Mr. Saavedra. This is Heinz Alvarez," pakilala ko sa kabilang linya."Oh! Yes hijo?""I want to talk to you, Mr. Saavedra. Let's discuss my plan about your daughter," agad na turan ko."Sure, hijo. Saan tayo magkikita? Alam mo namang hindi maaari rito sa bahay," halos pabulong na sambit niya. Marahil ay mag-iingat ang matanda huwag marinig ng anak.&
Heinz's POVHome Sweet Home!NAKARAMDAM agad ako ng kahungkagan sa sarili pagpasok sa loob ng bahay. Agad akong nagtungo sa sala at naupo sa single sofa na naroon at sumandal. Inilapat ko ang batok sa sandalan kung kaya't bahagya akong nakatingala. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ng mga sandaling iyon, kahit wala naman akong ginawa kung hindi umupo maghapon, kaharap ang laptop at pag aralan ang panibago kong misyon.Naramdaman kong muli ang pamimigat ng aking dibdib, katulad nang dati. Hindi man lang nawala ang sakit o kaya naman ay nabawasan. Ang pamilyar na sakit sa aking dibdib ay hindi na yata maaalis pa. '5 years na! Pero pakiramdam ko ay kailan
Alexandria's POV"HERE'S your Strawberry Lemonade Vodka, Ma'am Alex.""Thanks," simpleng tugon ko naman kay Clark. Ang pinakamagaling na bartender sa Kawashima Hotel and bar na pagmamay-ari ni Seiichi. Kasalukuyan akong naririto para magpalipas ng oras. Dahil nga kaibigan ko ang may-ari ng bar kaya't kilala na rin ako ng mga employees dito. Kapag nandito ako kahit wala si Seiichi, ay pinagsisilbihan ako ng mga staff niya dahil iyon daw ay utos na rin mismo nito.Nasa counter lamang ako ng mg oras na ito habang mag-isang umiinom. Hindi ko kasama si Seiichi dahil may VIPs ito na inaasikaso ngayon na isang Chinese businessman. Marahil ay may okasyon ang mga ito na ipagdiriwang dahil marami itong mga alip
Seiichi's POV"FUCK YOU!" pahabol na sigaw ni Alex sa akin. Tumawa lamang ako habang naglalakad palayo rito. Kahit kailan talaga pikon! natatawang wika ko sa isipan.Alexandria is my special friend. Yes, we treat each other as friends but, I love Alexandria. Not as a friend but as a woman. When I first saw her at the racing club, I had a strange feeling. Love at first sight? Maybe. No'ng una, hindi ko matukoy kung pag-ibig ba 'yon. Anong alam ko sa pag-ibig? Hindi pa naman ako nai-inlove.Hindi rin ang tipo niya ang gusto ko sa isang babae. Dahil para sa'kin ay kakaiba siya. Nasabi ko iyon sa kadahilanang kabaliktaran siya ng isang ordinaryong babae. Babaeng mukh
Alexandria's POV"BABE? Alex? Wake up!" mahinang usal sa akin ng isang pamilyar na tinig. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata, at kahit nanlalabo man ang paningin ay alam ko na kung nasaan ako. Dahil iyon sa kulay ng paligid at amoy ng silid kung saan ako naroon. Sa ospital.Naramdaman kong may mainit na palad ang nakahawak sa aking kamay. Si Seiichi. Nakaupo siya sa gilid ng hospital bed kung saan ako nakaratay. Mababakas sa mukha ni Seiichi ang matinding pag-aalala pati na rin ang relief ng makitang nagkamakay na ako. Ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa aking palad ay ramdam kong bahagya pang nanginginig."Seiichi. . .""Alex? Thanks God, you're awake!" nasisiyahang bulalas niya ng makitang dilat na ako. "I
Heinz's POVTUNOG NG cellphone ko ang pumukaw sa 'king ginagawa ng mga oras na iyon. Kasalukuyan akong nasa study table at pinasasadahan ng tingin ang ilang dokumento. Agad kong dinampot ang cellphone at tiningnan kung sino ang nag-text na iyon. Agad na umarko ang kilay ko ng mabasa ang mensahe.*Text Message from 0912*******"Good morning Mr. Montero. Can I see you? You saved me last night. I just want to thank you personally. Victoria's restaurant; 8:00PM. Thank you."Napangiti ako ng malapad ng mabasa ang text na iyon. "Akalain mo nga naman, nangyari na ang inaasahan ko," wika ko habang nakangisi. 'Di
After one year. . .Alvarez's Residence "ANAK, ako na ang bahala kay Alexander at Mikaella. Nariyan na sa labas ang mga katrabaho ng asawa mo." Nilingon ni Alexandria ang ama na naglalakad papalapit sa kan'ya. Abala siya noon sa pagpapatulog sa kambal na sa tingin n'ya ay napagod kanina sa simbahan. Napangiti pa nga siya nang maalala na halos magwala kaiiyak si Alexander kanina habang binibuhusan ng holy water ng pari. Samantalang si Mikaella naman, ni hindi man lang nagising ng bendisyonan. "Mabuti naman at nadyan na sila. Kanina pa sila hinihintay ni Heinz, eh," aniya habang marahang tinatapik sa puwitan si Alexander. Maya't maya kasi itong nagigising. Mabuti nga at napatulog niya ang anak, kadalasan kasi si Heinz ang nakakapagpatulog rito. At siya naman ang naghehele may Mikaella. "Nakawawala talaga ng pagod itong mga apo ko," nakangiting turan ni Rodney habang pinagmamasdan ang natutulog na kambal. "Tingnan mo itong si Mikaella, o! Ganyang-ganyan ang mukha mo noong sanggol ka p
After two years . . ."NATAPOS mo na bang i-photocopy ang mga documents, Ms. Saavedra?"Tumango si Alexandria sa kaniyang boss nang marinig iyon. "Yes, Sir. 100 copies po
Alexandria's POV"BIBIGYAN kita nang pagpipilian, Alvarez!" mala-demonyong saad pa ni Cyrus kay Heinz nang mga oras na ito. "Mamili ka kung sino ang ililigtas mo! Ang sarili mo ba? O ang babaeng
Heinz's POV"WE'RE on the position, Agent Alvarez. Sa oras na ma-secure mo ang hostage ay agad naming papasukin
Cyrus Montemayor's POV"I'll give you 24 hours para pumunta sa kinaroroonan ni Alexandria! 24 hours lang, Alvarez. Kung gusto mo pa s'yang abutang humihinga, pumunta
Heinz's POV"P-paano nangyaring buhay ka, Kylie?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kan'ya. Tumingin muna sa akin si Kylie saka bumuntong-hininga."Mr. Dominguez and I planned this," sagot niya saka muling ibinalik ang atensyon sa sugat ko sa binti ko na kasalukuyang linilinis niya gamit ang alcohol. Ngumiwi pa ako nang maramdaman ang hapdi niyon."Malaking
Alexandria's POVNAGISING ako dahil sa isang malakas na tunog na nagmumula sa kung ano. Ramdam ko rin na gumagalaw ang paligid ko nang mga oras na iyon. Nagpasya akong idilat ang mga mata upang aninagin ang paligid, at bagaman bahagya pang nanlalabo ang paningin ko ay tumambad sa'kin ang mukha ni Cyrus.Nakatunghay siya sa akin nang mga sandaling iyon habang nakangisi. Prente siyangnakaupo sa harapan ko at magkakrus ang mga braso sa dibdib. Noon ko rin nalaman na ang malakas na ingay na naririnig ko ay nagmumula sa helicopter. Kasalukuyan kaming nasa himpapawid at binabagtas ang nagbubukang-liwayway na paligid."Good morning, Alex!" masayang bati ni Cyrus sa'kin. "
Heinz's POV"ANG ibig sabihin, nilansi mo lang kami?" natigigilang bulalas ko habang nakatingin kay Krishna. May hawak rin siyang baril at nakatutok sa akin."I'm sorry Heinz, baby, kung niloko ko kayo ng bastardo mong kaibigan
Heinz's POV"Agent Alvarez, prepare your team. We are about to land in Brgy. Mabolo," anunsyo sa kabilang linya ng NBI agent na kasama namin sa misyon ng nga oras na iyon.Kasalukuyan naming binabaybay sa himpapawid ang kabundukan ng Brgy. Mabolo, Cebu City. Ang sabi ng surveillance team ay doon huling nakita si Alexandria kasama ang mag-anak na Montemayor. Sa chopper kung saan ako ay nakalulan ay naroon din si Tito Rodney, si Aki, si Raiko at ang iba pang DISG agents.