Share

THREE

Автор: Iamblitzz
last update Последнее обновление: 2024-10-29 19:42:56

Alexandria's

POV

"ANAK, saan ka na naman pupunta? Gabi na, hija. Kagagaling pa lamang ng pilay mo 'di ba?"

Naiirita akong sumulyap kay Papa habang nagsusuot ng black leather boots. Isang buwan na nga akong nabubwisit sa pagmumukha mo, eh! wika ko sa isipan. Paano, isang buwan na akong natengga sa bahay para magpagaling ng pilay ko. Mabuti nga at simpleng pilay lang 'yon. Kung hindi, baka dalawa o tatlong buwan pa ang kailangan kong tiisin para lang magpagaling. "Magkakarera ako," matabang na tugon ko kay Papa.

"My God, Alexandria! Kailan ka ba titigil sa letseng pagkakarera na iyan, ha? Kapag patay ka na?" sermon niya sa mataas na boses.

Inismiran ko lang siya habang nagsusuot ng black leather jacket na itinerno ko sa black skinny pants. This is my usual getup kapag magkakarera ako.

Hindi ko na pinansin si Papa sa sinabi niya kaya parang lalo siyang nagalit. Sa sulok ng mga mata ko, nakita ko pa siyang naupo sa sofa at pilit kinakalma sa sarili.

"Hija, iyan lamang ba talaga ang gusto mong mangyari sa buhay mo? You're 23 and yet you're jobless? Puro karera ang inaatupag mo," aniyang kalmado na ang boses  pero may diin ang mga binibitiwang salita.

Umasim ang mukha ko pagkarinig sa sinabi na ito ni Papa. Jobless? Pa'no 'ko makakahanap ng matinong trabaho? 'Di mo 'ko pinagtapos! sumbat ko pero sa isip ko lang sinabi. Hindi pa rin ako sumagot at hinayaan lang ang ilong niyang umusok sa galit. Mas pipiliin ko pang hindi pansinin ang matandang ito kaysa makipagtalo pa. Sayang lang ang oras at laway ko.

Dinampot ko ang bag pack at isinukbit na ito sa balikat saka nilingon si Papa na ngayon ay masama ang tingin sa akin. "'Wag ka na lang makialam, please? Buhay ko 'to. Sibat na 'ko," paalam ko ng hindi ito tinatapunan ng tingin. Sa aking peripheral vision, ay nakikita kong hindi niya inalis ang masama niyang tingin habang ang mga kamao niyang nakapatong sa armrest ay nakakuyom.

Wala akong pakialam sa nararamdaman mo, tanda! Nagtuloy-tuloy na ako nang paglabas at nagpunta sa garahe kung saan nakaparada ang bagong ayos kong motorsiklo. Matindi ang inabot nito no'ng maaksidente ako pero dahil kay Seiichi ay naayos ito nang wala akong ginagastos maski singko.

Napangiti ako nang makita si Amber, my Ducati Multistrada. Marami ang nagtatanong kung paano ko na-afford ito? Well, second hand lang naman ito. Nabili ko ito sa isang racer ding katulad ko dahil bumili siya ng bago. Nabili ko ito sa mababang halaga sa tulong ng mga perang napapanalunan ko sa race.

Maayos pa at fully customize ang motor nang mabili ko. Pinapinturahan ko na lang dahil medyo luma na ang kulay. Pinagsamang black and gold ang kulay nito. Kumbaga, maswerte ako dahil sa'kin napunta motorsiklo. Sulit na sulit ang binayad ko kahit may kamahalan. Mabilis kasi itong tumakbo at talagang maganda pa ang kondisyon ng makina.

Mabilis akong sumakay sa motorsiklo at agad na binuhay ang makina. Nagsuot din ako ng helmet at gloves bago tuluyang pinaandar ito palabas sa gate. Nang makalabas ay hindi na ako nag-abala pang isara ito. Tuluyan ko nang pinaharurot si Amber na simbilis ng isang hangin.

• • •

"ALEX, I'm glad you're here. Na-miss kita, ha? Kumusta ka na? Akala ko mamamatay ka na no'ng na-disgrasya ka, e! Akala ko, mawawala ka na sa akin."

Hindi ko pa man naipaparada ng maayos ang motorsiklo ko ay ito agad ang salubong ni Seiichi sa akin. Bagaman may himig pagbibiro ay ramdam ko ang pag-aalala niya. Lubos rin akong nagpapasalamat dahil nandoon siya  no'ng mangyari ang aksidente. Hindi n'ya ako pinabayaan.

Pero hindi ko na isinatinig pa kung gaano ako nagpapasalamat. Hindi kasi ako sanay sa ganoon. Seiichi knows me. Alam kong kahit hindi ko man sabihin ay ramdam na niya iyon.

Luminga pa muna ako upang makahanap ng bakanteng espasyo upang mai-park ang motorsiklo. At nang makakita ay basta ko na lang itong isiningit doon at saka tinanggal ang helmet. Naka-angat ang gilid ng labi ko ng tingnan siya, nagyayabang.

"Fuck you ka, Seiichi! Masamang damo ako, matagal mamatay," ani ko pagkatapos ay patalon akong bumaba ng motorsiklo saka lumapit sa mono block na upuan katabi niya. Pasalampak akong naupo at dumi-kwatro ng panlalaki pagkatapos ay dinukot ko ang kaha ng sigarilyo at lighter sa bulsa at nagsindi.

"High blood agad? Tingnan mo nga, pumapangit ka na! Ang dami mo ng wrinkles sa noo," aniyang dinutdot pa ang noo ko gamit ang hintuturo. Tinabig ko naman agad iyon at sinamaan siya ng tingin. "Lagi ka kasing nakasimangot. Look at me babe. Baby face pa rin," aniya pagkatapos ay ngumisi sa'kin.

Palibhasa'y magkatabi kami ng kinauupuan ay nasulyapan kong pasimple niyang ipinatong ang braso sa sandalan ng kinauupuan ko. Akala marahil niya ay hindi ko iyon makikita. Galawang hokage na naman ang gago!

Tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan ang braso niyang tila nakaakbay na sa akin. "Tang'na mo! Hokage moves ka na naman, Seii. Gusto mong basagin ko 'yang balls mo?" asik ko at saka sinadya kong bugahan siya ng usok sa pagmumukha n'ya.

Mabilis naman niyang inalis ang sariling braso at sinapo ang mukhang nabugahan ng usok. Ngumisi pa ako ng sumama ang mukha niya dahil doon. Naninigarilyo rin naman ang damuho ngunit madalang lamang. Maging ako ay gano'n rin. Kapag gusto ko lang.

"Akala ko kasi nagka-amnesia ka na, dahil nauntog 'yang ulo mo no'ng naaksidente ka 'di ba? Kaya akala ko, paggising mo, gusto mo na 'ko," hirit pa ng abnoy sabay pisil ng pisngi ko. "Ang cute-cute talaga ng babe ko!"

Agad ko namang nahuli ang kamay niya at malaka kong pinilipit iyon gamit ang isa ko pang kamay. Ngumiwi naman ang damuho, tanda na nasasaktan siya. "Woah! Aray ko, Alex! Tama na!" pagmamakaawa niya sa'kin habang pilit hinahablot ang kamay.

Binitawan ko naman iyon at tiningnan ko siya ng masama— tinging nagbabanta, saka muli akong humithit ng sigarilyo at ibinuga ito paitaas. "Gago! 'Wag na 'wag mo akong mahawak-hawakan. At saka asa ka pang magkakagusto 'ko sayo! Ayaw ko ng Hapon!" singhal ko. Ngumuso naman siya pagkarinig niyon.

"Ouch, ha? Baka p'wedeng dahan-dahan naman ang pananalita sa gwapong tulad ko? Kahit gwapo man nasasaktan rin." Umarte pa siyang tila nagtatampo. Abnoy talaga! Tindi ng bilib sa sarili!

Muli pa akong humithit ng sigarilyo at ibinuga iyon palayo sa kan'ya, pagkatapos ay muli ko siyang binalingan. "Ikaw, alam mo?" duro ko sa mukha niya. Ngumisi lang ang damuho at saka tinaas-baba ang mga kilay.

"Yes, babe? Mahal mo na ba 'ko?"

Pumalatak ako habang umiiling. "Tigil-tigilan mo ang chongke. Masama ang epekto sa'yo eh."

"Hoy! Gwapo lang ako, hot at habulin ng babae pero hindi ako nagda-drugs. At kung magda-drugs man ako, ikaw ang drugs na ayaw kong tigilan!" sagot niyang sinabayan pa ng malutong na halakhak.

"Gago! Kapag ako ang naging drugs mo, diretso ka sa mental!"

Nagkibit-balikat lamang siya. "Okay lang, at least, nabaliw ako dahil sa'yo!" nakangising tugon naman niya. Hindi na ako sumagot sa kan'ya at hinayaan na lang siya sa mga imahinasyon niya. Tutal ay malaki ang utang na loob ko sa damuhong ito sa maraming bagay.

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang hudyat na magsisimula na ang karera. Mabilis akong tumayo at tinapon ang upos ng sigarilyo, saka tinungo ang motorsiklo kung saan ito nakaparada. Habang nakasunod naman si Seiichi sa likuran ko.

Patalon akong naupo sa motorsiklo at nagsuot ng helmet, pati na rin ng elbow and knee pads. Nang matapos ay ini-start ko na ito at pinaandar ng mabagal. Sinulyapan ko pa muna si Seiichi sa side mirror ng iwan ko siya.

Tatawa-tawa naman siya habang nakasunod ng tingin sa akin na sinabayan pa ng flying kiss. "Ingat, Alex! 'Wag ka munang mamamatay, ha? Mamahalin pa kita," pahabol pa niyang sigaw habang nakangiti ng wagas at kumakaway pa.

Kupal talaga! natatawang usal ko sa sarili. Hindi ko siya nilingon pa at itinaas ko na lang ang gitnang-daliri ko bilang sagot. Narinig kong tumawa lang siya ng malakas dahil doon.

Tuluyan ko na nga siyang iniwan at tinungo ang unahan kung saan naroon ang mga kalahok. Anim kaming mga racers ng gabing iyon. Kilala ko na rin ang mga katunggali ko dahil madalas ko nang nakakaharap ang mga ito. Inayos ko pa muna ang helmet at ang gloves, maging ang knee at elbow pads para masiguro ang safety.

Sa isang closed road ang aming kasalukuyang venue. Isa ang lugar na iyon sa pagmamay-ari ng racing club. Sa iba't-ibang lugar idinaraos ang race, depende sa gusto ng pamunuan.

"Okay, riders! You have to finish 10 laps to get the prize worth 20 thousands! So get ready! Because racing is about to start!"

Napangiti ako ng marinig ang premyo. Kung sakaling papalarin ako, malaki-laki ang 20 thousands na makukuha ko. Maidadagdag ko iyon sa perang iniipon ko para sa mga personal kong pangangailangan. Ang karera lang kasi ang tanging pinagkukunan ko ng panggastos. Hindi ako humihingi kay Papa. Ayaw ko kasing isumbat pa n'ya 'yon sa'kin pagnagkataon.

"Go! Alex! Galingan mo, ha?! Mag-ingat ka, papakasalan pa kita!" malakas na sigaw ng isang pamilyar na boses. Fuck! Shit!

Mariin akong napamura ng marinig iyon at mabilis kong hinanap si Seiichi sa umpukan ng mga manonood. At agad ko nga siyang nakita na nasa gilid ng race track na nahaharangan ng mga metal fence.

Ngiting-ngiti ang loko nang mabistahan ko. Todo pa ang pagkaway niya na animo'y isang bata. Naagaw tuloy niya ang atensyon mga taong naroroon dahil sa malakas na pagkakasigaw ng gago.

Palibhasa'y kilala na rin ako ng ilan sa mga taong naririto kung kaya't sa'kin napako ang tingin ng karamihan. Ang iba pa ngang mga kababaihan ay nagbubulungan pa, na hindi naman nakaligtas sa pandinig ko.

"OMG! Ang lucky naman ni Alex! Super hot kaya ni Seiichi!"

"Yeah, right Christiane! Ang gwapo pa at super yaman!"

"I heard, he courted Alexandria na! 'Wag na tayo umasa, girls!"

Napangiwi na lang ako pagkarinig sa mga bulungang iyon at lihim na napailing. Aba'y sikat na pala ang gago sa mga hitad, wika ko sa isipan. Hindi ko na pinansin pa ang mga ito at ini-start ko na ang motor saka inayos ang helmet. Pagkatapos ay hinawakan ko nang mahigpit ang clutch, dahil ilang sandali pa ay mag-uumpisa na ang karera.

Nakita kong tumayo na sa gitna ang babaeng may hawak ng flag, senyales na kailangan ng maghanda. Itinuon ko na ang paningin sa race track saka mahigpit na hawak ang clutch. Ilang saglit pa nga ay nakita kong ibinaba na ng babae ang flag.

Agad kong itinodo ng takbo si Amber para maunahan ang mga kalaban. Binilisan ko pa ang pagmaniobra kaya naman agad akong nakalayo sa mga ito. Mahigpit rin ang hawak ko sa clutch at ang buo kong atensyon ay nakatutok lamang sa race track. Mahirap na, baka maulit na naman ang disgrasya at masalisihan pa ako ni Kamatayan.

Habang tutok ang tingin ko sa daan ay mabilis kong sinilip ang side mirror at nakita kong may naka-buntot sa akin na dalawang racers. Ngumisi ako. Bigla ay nakaramdam ako ng exitement dahil sa nakita.

Isang buwan din kasi akong napahinga at talagang hinahanap ng katawan ko ang pakikipagkarera kaya naman marahil ay gano'n na lamang ako kasabik. Hinigpitan ko ang hawak sa clutch at binilisan pa ang takbo.

Maingat akong nagmaniobra ng makita ang kurbadong daan, pagkatapos ay pataas at pababa naman ang kasunod. Hindi man lang ako nakaramdam ng kaba ng mga oras na iyon. Kalmado lamang ako pero alerto.

Nakaka-apat na lap na rin ako ng mga sandaling iyon. Nakatutok lang ang paningin ko sa harapan habang patuloy ang mabilis na oag-arangkada. Mabuti na lang at naglalakihan ang ilaw ng race track kaya kahit gabi ay maliwanag ang kalsada.

Muli akong sumilip sa side mirror at nabistahan ko ang dalawa kong kalaban na mabilis ring  nakabuntot sa likurang bahagi ko. May ibubuga ang mga lintik! usal ko sa sarili habang nakangisi. Pero hindi kayo mananalo sa'kin mga ulol!

Dahil doon ay muli kong itinodo ang takbo ng motorsiklo ko. Mabilis akong nagmenor dahil pakurba na naman ang daraanang kalsada. Binilisan ko pa ang pagpapatakbo na halos kasing-bilis ng hangin. Pagkatapos ay muli kong binistahan sa side mirror ko ang mga ito. Ngumisi ako ng malaki nang makitang malayo na ang dalawa sa akin.

Nakaka-siyam lap na ako sa mga sandaling iyon at kasalukuyang ako ang nasa ikaunang pwesto. Natatanaw ko na rin ang mga taong nag-aabang sa finish line. At dahil nga isang lap na lang ang natitira ay hinigpitan ko pang lalo ang hawak sa clutch at mas  binilisan pa ang arangkada.

Finally! Makukuha na din kita 20k! nagagalak Kong usal sa isipan habang nakangisi at nakatutok ang paningin sa daan. Sa bilis rin ng pagpapaktakbo ko ay maski maliit na batong madaanan ko ay maaari akong madisgrasya. Kung kaya't mas dinoble ko ang pag-iingat.

Katulad ng inaasahan ay ako ang nanguna sa karera. Nakarating na ako sa last lap at nagtuloy-tuloy hangang sa finish line. Narinig ko ring naghiyawan ang mga taong nanonood dahil sa pagkapanalo ko.

"Congratulations, Alex! You're the winner. And still undefeated!" malakas na sigaw ng announcer.

Hinihingal kong ipinarada ang motorsiklo sa isang tabi at patalon akong bumaba roon. Sinalubong ako ng bati ng mga manonood habang ay iba ay nakikipagkamay pa. Pawang tipid na ngiti lang ang isinusukli ko sa kanila at saka pagtango. Tinungo ko ang bleachers saka hinihingal na naupo. Dinukot ko rin ang towel sa bulsa ko at saka pinunasan ang mukhang naliligo sa pawis.

"Hey, babe, water!" anang Seiichi na malawak ang pagkakangiti habang ini-aabot ang bottled mineral water. "Congrats! Iba ka talaga. Kaya mahal kita eh!" ngiting-ngiti na bira pa niya.

Sinamaan ko lamang siya na tingin habang hinihingal na inabot iyon. Binuksan ko ito at nilagok hanggang sa maubos ang laman, saka ko ibinato sa isang tabi. Pinunasan ko pa muna ang mukha bago binalingan ang damuho.

"Tigilan mo na 'yang ilusyon mo, Mr. Kawashima. Masasaktan ka lang!" pambabara ko naman sa kan'ya. "Anyway, thanks!" dagdag ko pa na ang tinutukoy ay ang binigay niyang tubig.

"No prob! Basta ikaw, nanginginig pa," sabay ngiti pa ng pamatay. "Let's go! Claim your prize para mailibre mo na 'ko."

"Buraot! Sa inyo naman 'to, magpapalibre ka pa!" nakasimangot na tugon ko. Ang tinukoy ko ay ang racing club. Si Seiichi kasi ang may-ari ng racing club na isa sa business ng pamilya niya.

Tumawa lang ito sa sinabi ko saka nagtuloy-tuloy na sa paglalakad papunta sa opisina. Ako naman ay tahimik lang na sumunod sa damuho.

Related chapter

  • Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang   Chapter Four

    Heinz's POV"GOOD AFTERNOON, Mr. Saavedra. This is Heinz Alvarez," pakilala ko sa kabilang linya."Oh! Yes hijo?""I want to talk to you, Mr. Saavedra. Let's discuss my plan about your daughter," agad na turan ko."Sure, hijo. Saan tayo magkikita? Alam mo namang hindi maaari rito sa bahay," halos pabulong na sambit niya. Marahil ay mag-iingat ang matanda huwag marinig ng anak.&

  • Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang   Chapter Five

    Heinz's POVHome Sweet Home!NAKARAMDAM agad ako ng kahungkagan sa sarili pagpasok sa loob ng bahay. Agad akong nagtungo sa sala at naupo sa single sofa na naroon at sumandal. Inilapat ko ang batok sa sandalan kung kaya't bahagya akong nakatingala. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako ng mga sandaling iyon, kahit wala naman akong ginawa kung hindi umupo maghapon, kaharap ang laptop at pag aralan ang panibago kong misyon.Naramdaman kong muli ang pamimigat ng aking dibdib, katulad nang dati. Hindi man lang nawala ang sakit o kaya naman ay nabawasan. Ang pamilyar na sakit sa aking dibdib ay hindi na yata maaalis pa. '5 years na! Pero pakiramdam ko ay kailan

  • Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang   Chapter Six

    Alexandria's POV"HERE'S your Strawberry Lemonade Vodka, Ma'am Alex.""Thanks," simpleng tugon ko naman kay Clark. Ang pinakamagaling na bartender sa Kawashima Hotel and bar na pagmamay-ari ni Seiichi. Kasalukuyan akong naririto para magpalipas ng oras. Dahil nga kaibigan ko ang may-ari ng bar kaya't kilala na rin ako ng mga employees dito. Kapag nandito ako kahit wala si Seiichi, ay pinagsisilbihan ako ng mga staff niya dahil iyon daw ay utos na rin mismo nito.Nasa counter lamang ako ng mg oras na ito habang mag-isang umiinom. Hindi ko kasama si Seiichi dahil may VIPs ito na inaasikaso ngayon na isang Chinese businessman. Marahil ay may okasyon ang mga ito na ipagdiriwang dahil marami itong mga alip

  • Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang   Chapter Seven

    Seiichi's POV"FUCK YOU!" pahabol na sigaw ni Alex sa akin. Tumawa lamang ako habang naglalakad palayo rito. Kahit kailan talaga pikon! natatawang wika ko sa isipan.Alexandria is my special friend. Yes, we treat each other as friends but, I love Alexandria. Not as a friend but as a woman. When I first saw her at the racing club, I had a strange feeling. Love at first sight? Maybe. No'ng una, hindi ko matukoy kung pag-ibig ba 'yon. Anong alam ko sa pag-ibig? Hindi pa naman ako nai-inlove.Hindi rin ang tipo niya ang gusto ko sa isang babae. Dahil para sa'kin ay kakaiba siya. Nasabi ko iyon sa kadahilanang kabaliktaran siya ng isang ordinaryong babae. Babaeng mukh

  • Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang   Chapter Eight

    Alexandria's POV"BABE? Alex? Wake up!" mahinang usal sa akin ng isang pamilyar na tinig. Dahan-dahan akong nagmulat ng mata, at kahit nanlalabo man ang paningin ay alam ko na kung nasaan ako. Dahil iyon sa kulay ng paligid at amoy ng silid kung saan ako naroon. Sa ospital.Naramdaman kong may mainit na palad ang nakahawak sa aking kamay. Si Seiichi. Nakaupo siya sa gilid ng hospital bed kung saan ako nakaratay. Mababakas sa mukha ni Seiichi ang matinding pag-aalala pati na rin ang relief ng makitang nagkamakay na ako. Ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa aking palad ay ramdam kong bahagya pang nanginginig."Seiichi. . .""Alex? Thanks God, you're awake!" nasisiyahang bulalas niya ng makitang dilat na ako. "I

  • Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang   Chapter Nine

    Heinz's POVTUNOG NG cellphone ko ang pumukaw sa 'king ginagawa ng mga oras na iyon. Kasalukuyan akong nasa study table at pinasasadahan ng tingin ang ilang dokumento. Agad kong dinampot ang cellphone at tiningnan kung sino ang nag-text na iyon. Agad na umarko ang kilay ko ng mabasa ang mensahe.*Text Message from 0912*******"Good morning Mr. Montero. Can I see you? You saved me last night. I just want to thank you personally. Victoria's restaurant; 8:00PM. Thank you."Napangiti ako ng malapad ng mabasa ang text na iyon. "Akalain mo nga naman, nangyari na ang inaasahan ko," wika ko habang nakangisi. 'Di

  • Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang   Chapter Ten

    'Tang'na! Naiwanan ko 'yung wallet ko! 'Di ko pa naman dala si Amber! Ang tanga-tanga ko talaga! Ughh!'BUONG GIGIL kong pinagsisipa ang kaharap na pader nang mga oras na iyon. Nasa labas pa rin kasi ako ng Victoria's Restaurant at yamot na yamot sa sarili dahil nawawala ang letseng wallet ko. Shit! Pa'no ko makaka-uwi? Pero nabuhayan ako ng pag-asa ng maalala si Seiichi. Mai-text nga ang kumag. Sana

  • Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang   Chapter Eleven

    Alexandria's POVKATOK MULA sa pinto ng kwarto ko ang pumukaw sa'kin habang nagba-browse sa Facebook at nakahiga. Hindi na ako nag-abala pang buksan ang pinto dahil alam ko namang si Papa lang iyon. Hinintay ko na lang ang kung ano mang sasabihin ni Tanda habang patuloy sa ako ginagawa. Ganoon ang setup namin ni Papa kapag nasa bahay ako. Buong araw lang akong nasa kwarto at lalabas lang kung may importanteng gagawin. At kung may sasabihin naman si Papa ay kakatok lang siya sa pinto."Anak, nasa sala si Cyrus. Pakibaba mo naman. Nakakahiya naman doon sa tao kung hindi mo pakikiharapan!" anito mula sa labas ng silid ko.Agad na uminit ang ulo ko pagkarinig ng sinabing 'yon ni Papa. Shit! Ang kulit talaga

Latest chapter

  • Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang   EPILOGUE

    After one year. . .Alvarez's Residence "ANAK, ako na ang bahala kay Alexander at Mikaella. Nariyan na sa labas ang mga katrabaho ng asawa mo." Nilingon ni Alexandria ang ama na naglalakad papalapit sa kan'ya. Abala siya noon sa pagpapatulog sa kambal na sa tingin n'ya ay napagod kanina sa simbahan. Napangiti pa nga siya nang maalala na halos magwala kaiiyak si Alexander kanina habang binibuhusan ng holy water ng pari. Samantalang si Mikaella naman, ni hindi man lang nagising ng bendisyonan. "Mabuti naman at nadyan na sila. Kanina pa sila hinihintay ni Heinz, eh," aniya habang marahang tinatapik sa puwitan si Alexander. Maya't maya kasi itong nagigising. Mabuti nga at napatulog niya ang anak, kadalasan kasi si Heinz ang nakakapagpatulog rito. At siya naman ang naghehele may Mikaella. "Nakawawala talaga ng pagod itong mga apo ko," nakangiting turan ni Rodney habang pinagmamasdan ang natutulog na kambal. "Tingnan mo itong si Mikaella, o! Ganyang-ganyan ang mukha mo noong sanggol ka p

  • Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang   FINALE

    After two years . . ."NATAPOS mo na bang i-photocopy ang mga documents, Ms. Saavedra?"Tumango si Alexandria sa kaniyang boss nang marinig iyon. "Yes, Sir. 100 copies po

  • Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang   Seventy-one

    Alexandria's POV"BIBIGYAN kita nang pagpipilian, Alvarez!" mala-demonyong saad pa ni Cyrus kay Heinz nang mga oras na ito. "Mamili ka kung sino ang ililigtas mo! Ang sarili mo ba? O ang babaeng

  • Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang   Seventy

    Heinz's POV"WE'RE on the position, Agent Alvarez. Sa oras na ma-secure mo ang hostage ay agad naming papasukin

  • Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang   Sixty-nine

    Cyrus Montemayor's POV"I'll give you 24 hours para pumunta sa kinaroroonan ni Alexandria! 24 hours lang, Alvarez. Kung gusto mo pa s'yang abutang humihinga, pumunta

  • Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang   Sixty-eight

    Heinz's POV"P-paano nangyaring buhay ka, Kylie?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kan'ya. Tumingin muna sa akin si Kylie saka bumuntong-hininga."Mr. Dominguez and I planned this," sagot niya saka muling ibinalik ang atensyon sa sugat ko sa binti ko na kasalukuyang linilinis niya gamit ang alcohol. Ngumiwi pa ako nang maramdaman ang hapdi niyon."Malaking

  • Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang   Sixty-seven

    Alexandria's POVNAGISING ako dahil sa isang malakas na tunog na nagmumula sa kung ano. Ramdam ko rin na gumagalaw ang paligid ko nang mga oras na iyon. Nagpasya akong idilat ang mga mata upang aninagin ang paligid, at bagaman bahagya pang nanlalabo ang paningin ko ay tumambad sa'kin ang mukha ni Cyrus.Nakatunghay siya sa akin nang mga sandaling iyon habang nakangisi. Prente siyangnakaupo sa harapan ko at magkakrus ang mga braso sa dibdib. Noon ko rin nalaman na ang malakas na ingay na naririnig ko ay nagmumula sa helicopter. Kasalukuyan kaming nasa himpapawid at binabagtas ang nagbubukang-liwayway na paligid."Good morning, Alex!" masayang bati ni Cyrus sa'kin. "

  • Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang   Sixty-six

    Heinz's POV"ANG ibig sabihin, nilansi mo lang kami?" natigigilang bulalas ko habang nakatingin kay Krishna. May hawak rin siyang baril at nakatutok sa akin."I'm sorry Heinz, baby, kung niloko ko kayo ng bastardo mong kaibigan

  • Ako’y Ibigin Mo, Babaeng Matapang   Sixty-five

    Heinz's POV"Agent Alvarez, prepare your team. We are about to land in Brgy. Mabolo," anunsyo sa kabilang linya ng NBI agent na kasama namin sa misyon ng nga oras na iyon.Kasalukuyan naming binabaybay sa himpapawid ang kabundukan ng Brgy. Mabolo, Cebu City. Ang sabi ng surveillance team ay doon huling nakita si Alexandria kasama ang mag-anak na Montemayor. Sa chopper kung saan ako ay nakalulan ay naroon din si Tito Rodney, si Aki, si Raiko at ang iba pang DISG agents.

DMCA.com Protection Status